Pumasok si Julienne sa cabin para ihanda ang bihisan ni Brayden. Tapos na itong maligo. Inaalalayan na lang itong umahon. Noong unang makita niya ang itsura ng cabin na iyon, hindi mawala-wala sa kaniya ang matinding paghanga. Kumpleto kasi iyon. May malaking kama, built in cabinets, magarbong CR na may jacuzzi, at higit sa lahat, carpeted ang sahig. Sa TV lang niya nakikita ang mga ganoon dati, pero ngayon, nararanasan na niya. Ganoon nga siguro kapag pinagkakaitan ng maraming bagay, ma-a-appreciate talaga nang husto ang karangyaang tinatamasa. Hindi naman siya kagaya ng ibang babae na mahilig sa mga materyal na bagay o mamahaling gamit, but if she sees one, she will definitely admire it wholeheartedly. Brayden not just showered her from giving all sorts of materials things, but also, from those untouchable thing’s money couldn’t buy. Tinitiyak talaga nitong tatatak sa isip niya ang lahat-lahat. Na hindi lang siya masaya, kun&rs
Last Updated : 2025-03-25 Read more