“Brayden, honey, ako na muna rito. Magpahinga ka muna,” anang kaniyang Mommy. Nang malaman nito ang nangyari kay Julienne, kaagad itong lumuwas ng Maynila para alalayan siya. Inilipat nila si Julienne sa pag-aari nilang ospital para ma-monitor nang maayos ang kalagayan nito. “I can’t, Mom. Paano ako magpapahinga kung nakaratay rito ang asawa ko?” aniya na may himig pagsisisi. Ginagap ng kaniyang ina ang kaniyang palad at pinisil iton. Pagkatapos, hinaplos nito ang humpak niyang pisngi. “She’s safe now, hindi ba? Sinigurado na iyon ng mga doctor niya sa atin kaya wala ka ng dapat na ikabahala pa. Baka mamaya kapag nagising si Julienne matakot siya sa iyo, sige ka,” biro nito. “Why?” “Eh, kasi, mukha ka ng ermitanyo. Nanghahaba na ang balbas mo at bigote. May eyebags ka pa. Baka pagkamalan ka niyang panda sa itsura mong iyan.” Kahit papaano ay natawa siya sa si
Last Updated : 2025-03-31 Read more