Share

CHAPTER 53

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2025-03-29 08:00:31

Nagpakalunod si Brayden sa pag-inom. Naka-anim na beer siya na nasa lata, bago ibinagsak ang tila pagod na pagod na katawan sa sofa na nasa living area. He looked at the room where Julienne headed. Kanina pa ito roon pero hindi pa rin ito lumalabas sa mga sandaling iyon— at may isang oras na ang lumipas.

He heaved a sigh. Uuwi naman na sana talaga sila sa kanila, pero dahil sa nasaksihan niya kanina, umandar ang pagiging seloso niya. Kahit alam niyang binabae si John, hindi pa rin niya nagustuhan ang nasaksihan.

Sino ba’ng matutuwa na hinahalikan ang babaeng pinakamamahal niya ng ibang lalaki? Wala! Gago lang ang matutuwa sa ganoon— hindi totoong pagmamahal ang nadarama.

Kanina, halos sumabog na ang mga ugat niya sa leeg sa pagtitimpi sa galit na nadarama. Ang balak na pakikipag-ayos sa asawa ay natabunan ng matinding selos. Mabuti na lang at naroon ang kaniyang mga kaibigan. Alam na ng mga ito ang dapa

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 54

    Napatingin si Julienne sa labas ng gate nila nang tumunog ang doorbell. Pasakay na sana siya ng kotse sa mga sandaling iyon. Hindi niya kasabay ang asawa dahil maaga ang session nito sa psychiatrist nito. Hopefully, kapag tuluyan ng magaling ang mga paa nito ay maaari na rin itong bumalik sa trabaho. Maganda naman daw ang responses ng kaniyang asawa, ayon sa doctor nito.“Ate Julienne, sa iyo nakapangalan,” ani Loida nang lapitan siya. Bitbit na nito ang isang kahon.Kunot-noong kinuha niya iyon sa kamay ni Loida. “Galing kanino?”Umiling ito. “Walang nakalagay. Baka importante,” anito.“Sige. Ako na ang bahala rito,” wika niya bago sumakay sa kotseng kanina pa nakabukas ang pintuan. Pag-upo niya ay pinagmasdan niya ang maliit na kahon. Inalog din niya iyon at tiniyak kung ano ang laman. Baka kasi bomba iyon. Pero kung bomba nga sumabog na sana iyon nan

    Last Updated : 2025-03-29
  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 55

    Hindi humihinga, hindi kumukurap. Ganoong-ganoon ang itsura ni Julienne sa napakahabang sandali habang nakatitig lamang sa picture frame na nasa harapan. Gulong-gulo ang kaniyang isip. Gulong-gulo siya sa lahat ng natutuklasan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa halip na si Cerella ang nasa larawan ay siya. Pero wala siyang naaalala na may picture silang ganoon ni Brayden. Halata rin na matagal na iyon. Pero paano nangyari iyon? Paanong mukha niya ang naroon?!Huminga siya nang malalim, sunod-sunod. Animo’y para siyang tumakbo sa karera sa bilis ng tibok ng kaniyang puso. Hindi lang siya namumutla, para na rin siyang nawalan ng lakas na tumayo pa sa kinauupuan. Pinagpapawisan na rin siya kahit malamig naman.“Imposible ito. . . Imposible . . .” paulit-ulit niyang sambit sa sarili habang iiling-iling, saka muling tinitigan ang picture frame na nasa harapan. Pagkatapos, nilingon niya ang babaeng nakaguhit sa papel.

    Last Updated : 2025-03-30
  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 56

    Malapad ang ngiti ni Brayden habang papasok ng kanilang bahay. Mamaya, siya mismo ang susundo kay Julienne sa eskwelahan nito. May sorpresa siya para sa asawa.Pasipol-sipol siyang dumeretso sa itaas. Wala siyang nakasalubong ni isa sa mga kasama nila sa living area; siguro, nasa kani-kanila pang mga gawain.Tutuloy na sana siya sa kanilang silid ni Julienne nang makitang bukas ang isa sa mga guestroom doon. Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya. Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang silid. Hindi nga siya nagkamali; bukas ang pinto ng kaniyang storage room. Kahit hindi niya lapitan iyon, alam na niya kung ano ang nangyari.He sighed. He slowly walked towards the open door of his storage room. His breathing hitched. Ang basag na photo frame nila ni Cerella ay nasa sahig. Naroon din ang paboritong libro niya noong bata pa siya at ang iginuhit niyang mukha ni Julienne noon.“F*ck!&rdqu

    Last Updated : 2025-03-30
  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 57

    “D*mmit! You a**hole!” At isa pa uling malakas na suntok ang pinakawalan ni Brayden. Hindi naman umilag si Jacob kaya napangalawahan ito sa ibaba mismo ng kaliwanang mata nito. Agad iyong namula dahil sa impact ng kaniyang ginawa.“I did what I know was right, Brayden. Pero hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat,” mahinang wika nito. Nasa mga mata nito ang matinding pagsisisi.“F*ck you, Jacob! F*ck you!” paulit-ulit niyang sigaw habang awat-awat siya ni Lucas.Nasa labas sila ng operating room kung saan hinihintay nila ang doctor na nag-oopera sa kaniyang asawa. Sumabog ang taxi’ng sinasakyan nito malapit lang sa Puerto del Cielo kaya roon ito itinakbo. Nalaman agad iyon ni Jace dahil mas marami itong informant sa lugar, bukod sa tagaroon mismo ito.Una nitong tinawagan si Lucas. Agad na nagboluntaryo ang kaniyang kaibigan na sumama sa kanila. After that

    Last Updated : 2025-03-31
  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 58

    “Brayden, honey, ako na muna rito. Magpahinga ka muna,” anang kaniyang Mommy. Nang malaman nito ang nangyari kay Julienne, kaagad itong lumuwas ng Maynila para alalayan siya. Inilipat nila si Julienne sa pag-aari nilang ospital para ma-monitor nang maayos ang kalagayan nito.“I can’t, Mom. Paano ako magpapahinga kung nakaratay rito ang asawa ko?” aniya na may himig pagsisisi.Ginagap ng kaniyang ina ang kaniyang palad at pinisil iton. Pagkatapos, hinaplos nito ang humpak niyang pisngi.“She’s safe now, hindi ba? Sinigurado na iyon ng mga doctor niya sa atin kaya wala ka ng dapat na ikabahala pa. Baka mamaya kapag nagising si Julienne matakot siya sa iyo, sige ka,” biro nito.“Why?”“Eh, kasi, mukha ka ng ermitanyo. Nanghahaba na ang balbas mo at bigote. May eyebags ka pa. Baka pagkamalan ka niyang panda sa itsura mong iyan.”Kahit papaano ay natawa siya sa si

    Last Updated : 2025-03-31
  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 59

    Halos liparin na ni Brayden ang silid na kinaroroonan ni Julienne. May inayos siya sa kaniyang opisina kaya nagpaalam siya sandali kay Loida; na siyang kasama ngayon ng asawa niya sa kuwarto nito. Pero hindi pa man siya nagtatagal sa kaniyang opisina nang mabilis siyang napabalik. Narinig niya ang pag-announce ng code blue sa buong ospital sa mismong silid ng kaniyang asawa. Humihingal siya nang buksan ang pintuan niyon“What happened?!” Tinakbo niya ang kama ni Julienne. Nahawi namang bigla ang mga doktor at nurse na naroon sa tabi nito.“Julienne!” bulalas niya nang makita ito bago binalingan si Anikha; na siya niyang itinatalagang maging doktor ng asawa. Dito lang kasi siya may tiwala.“She’s fine, Bray. Nag-cardiac arrest siya kanina, at noong i-revive namin, ganiyan na ang nangyari,” sagot nito.Muli niyang tiningnan ang asawa sabay lunok. “A-are y

    Last Updated : 2025-04-01
  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 60

    Hindi pa masabi ni Brayden kung magiging permanente nga ang pagkakaroon ng amnesia ni Julienne, pero mas mainam pa rin na dalhin niya ito sa mga lugar na makapagpapaalala rito ng mga nakaraan nila, pati mismo ng buhay nito, kahit na masakit.Matapos ang halos dalawang buwang pananatili nila sa ospital, nabigyan na rin ito ng clearance para makalabas. Naalis na rin ang benda nito sa mukha at kahit siya ay naninibago sa nakikita. Hindi mapigilang tumakbo sa kaniyang isip na si Cerella ang kaharap niya. Kahit ang mommy niya ay nagulat nang malamang iyon talaga ang totoong mukha ni Julienne. Nagalit din ito sa mga naging in-laws niya sa panlolokong ginawa sa kanila— lalo na sa kaniya. Gusto na nga sanang ipakulong ng kaniyang ina ang mga ito dahil madali naman daw iyon para sa kanila; abogado ang Tito Ethan niya at judge naman si Elias, pero mabilis niya itong pinigilan. Sinabi niya ritong may mga plano na siya at hintayin na lang nitong maisakatuparan niya iy

    Last Updated : 2025-04-01
  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 61

    Six months had gone so fast. Wala pa ring pagbabago kay Julienne. Hindi pa rin bumabalik ang memorya nito kaya nagdesisyon siyang iuwi muna ito sa Tierra del Ricos.“Are we going somewhere?” tanong nito nang maabutang nag-eempake siya. Kagagaling lang nito sa baba at nag-jogging, na naging rutina na nito mula noong gumaling. Tumutulo pa ang hindi kahabaang buhok nito; na pinaglagyan nito ng style, sa pawis. May kaunting kulay iyon na blonde at pixie cut ang gupit.“Uh-huh,” matipid niyang sagot.Nagliwanag ang mukha nito. Excited itong lumapit sa kaniya. Yumakap pa ito mula sa kaniyang likuran. Ni hindi nito alintana na basang-basa ito ng pawis.“Talaga? Are we going out of the country? O kaya, out of town? Na-b-bore na kasi ako rito sa bahay. Wala naman akong ginagawa kun’di ang manood ng kung ano-ano.” Sinadya pa nitong ikiskis ang dibdib nito sa kaniyang l

    Last Updated : 2025-04-02

Latest chapter

  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   THE VOW

    “Bilisan niyo nga, mga bakla! Baka mamaya niyan mahuli pa tayo!” hindi magkaintindihang mando ni John sa glam team na nag-aayos kay Julienne.It’s her big day. Her and Brayden.Dalawang buwan makalipas ang birthday party niya, itinakda ang kasal nila. It was a grand wedding. Maraming reporters, mga writer ng iba’t ibang magazines ang gustong masaksihan ang araw na iyon. They wanted to feature the so-called Wedding of the Century. Hindi lang kasi mga kilalang personalidad sa lipunan ang imbitado, imbitado rin ang mga naggagwapuhang bachelor’s sa buong bansa. Young bachelors that every woman is wishing for.They were about to be wed at Manila Cathedral. Ang pinakasikat na orchestra sa buong bansa ang kakanta roon, habang may ilang sikat din na celebreties ang naghandog ng awitin para sa kanila ni Brayden.Everyone is excited. Everyone is eargerly anticipa

  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   WAKAS

    Everything was back into normal. Parang walang nangyari at muling sumigla ang paligid. Magkahawak ang mga kamay na inikot nila ni Brayden ang lahat ng bisita na naroon. Julienne was glad to see her brother.“Akala ko hindi ka na darating,” aniya rito.“That’s not gonna happen, my dear sister. This is an important event. Hindi pinalalagpas ang ganitong pagkakataon,” anito bago siya hinalikan sa pisngi.“Thank you, Kuya. I owed you a lot— we owed you a lot.”Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Basta tandaan mo, lagi lang akong narito sa tabi mo. Kapag nag-away kayo ng asawa mo, isumbong mo agad sa akin. Madali lang naman na ipasundo ka gamit ang aking eroplano,” may halong pagyayabang na wika nito.“That will never happen, Dimitri,” singit ni Brayden sa kanila. “I told you, hinding-hindi na masasaktan

  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 68

    “Welcome! Welcome!” Nakangiting sinasalubong nina Brayden at Cerenna ang mga bisita. It was Julienne’s twenty-fifth birthday; the big day they’ve been waiting for.The party’s theme was masquerade. Naisip niyang ibase iyon sa birthday noon ni Cerella kung saan niya unang nakilala ang napakagandang asawa niya. Bagay na bagay rin iyon sa mga plano niya sa gabing iyon.As usual, his wearing his favorite color; blue tuxedo. And to compliment to his suit, Cerenna was wearing yellow satin haltered gown. Labas na labas ang mayaman nitong dibdib at ang makinis nitong likod. Kaya naman hindi mapigilan ng kanilang mga panauhin na mainggit sa kaniya.“Mommy! Daddy!” Tumitiling sinalubong ni Cerenna ang mga magulang nito.Nang magkausap sila noon nina Theresa at Carlito, sinabi ng mga ito na anak na rin ang turing ng mga ito kay Julienne— na sinakyan naman nila ng

  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 67

    Maagang bumangon si Brayden. It was still dawn. Tulog na tulog pa si Cerenna, epekto ng ipinainom niya rito. Cerenna tried to seduce him last night. Pero dahil alam na niya ang balak nito, inunahan na niya ang babae. And now, she was like sleeping beauty with no man who wanted to kiss her and wake her up.Mabilis siyang nagpalit ng damit. Running shorts at T-shirt na asul ang isinuot niya. He also wore his white sneakers bago lumabas ng kanilang bahay. Dumeretso siya sa garahe at inilabas ang kotse roon. Tiyak ang pagmamanehong tinalunton niya ang daan patungo sa isa sa mga kapitbahay niya roon.Nang tumigil ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay ni Jacob, inilabas niya ang duplicate key na ipinahiram nito sa kaniya. Buong bahay nito ay mayroon siyang duplicate key. Kaya kung gugustuhin niyang gumanti sa loko-loko niyang kaibigan, kayang-kaya niyang gawin iyon.Magaan ang mga paang umakyat siya sa ikalawang palapag. Nil

  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 66

    Brayden and Cerenna got back to Manila after they had dinner with her parents. Maayos ang naging usapan nila— umaayon sa mga plano niya ang lahat.“Where is Loida?” she asked. Ugali na kasi ni Loida na salubungin sila kapag dumating sa bahay.“Oh, I forgot to tell you. Pinagbakasyon ko muna siya,” aniya.“So, ibig bang sabihin? Tayo lang dito sa bahay?” May pilyang ngiting sumilay sa mga labi nito. Idinikit pa nito ang katawan sa kaniya.Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. Si Jacob ang nasa caller ID.“Excuse me. Sasagutin ko lang ito.” Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagsimangot nito. Lihim naman siyang napangiti.“Yes? Something wrong?” tanong agad niya. Sa tuwing tatawag ito sa kaniya, hindi talaga niya mapigilang hindi kabahan.&

  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 65

    “Where is she?” tanong ni Brayden sa inang si Eirhyn pagdating niya sa hacienda.“She went out. Mag-m-mall daw muna siya,” sagot nito na mabilis siyang nilapitan. “May I see him?” Nangingislap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Gustong mapatirik ng mga mata niya. Parang ngayon pa lang, alam na niya kung sino ang magiging number one nilang kaagaw kay Adan.Dinukot niya ang telepono sa bulsa. “Here . . .” Ipinakita niya sa ina ang mga larawan ni Adan na siya mismo ang kumuha.“Oh! How cute!” Tutop nito ang bibig habang nangingilid ang mga luha.“Seriously?” Tinaasan niya ng kilay ang ina.Isang malakas na hampas sa braso ang natamo niya mula rito. Inirapan pa siya nito.“He’s my grandson, ano’ng ini-expect mo?” mataray nitong tanong.

  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 64

    Hinintay na ni Brayden na maka-recover ng lakas nito si Julienne. He still pretending that he didn’t know anything at all when he was calling Cerenna back in the Philippines. Kung magaling itong artista, mas magaling siya at ang mga taong nakapalibot dito. Pero ayon sa mommy niya, mukha naman raw hindi nalulungkot doon ang babae. Enjoy na enjoy nga raw itong maglibot sa hacienda.Naipaliwanag na nila ni Dimitri nang maayos kay Julienne ang mga nangyari. Hindi niya rin iyon pinatagal dahil ayaw na niyang magsinungaling pa sa asawa. Bukod sa galit, nasaktan din ito. Hindi rin nito inaasahan na kaya iyong gawin dito ng sarili nitong ina at kapatid. Julienne was devastated. Hindi rin nito napigilang umiyak. Pero pagkatapos noon, nakumbinsi niya ito sa mga planong binuo niya. Kaya sa araw na iyon ay naglalakad na sila palabas ng NAIA, habang magkahawak ang kanilang mga kamay.Ipinagamit sa kanila ni Dimitri ang private plane nito kaya kompo

  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 63

    Nagsalubong ang mga kilay ni Dimitri habang titig na titig din ito kay Julienne. He even leaned forward para mas lalo pang makita ang sinasabi niya, saka siya binalingan.“There’s none,” anito.Tiningnan niyang muli ang asawa. Muli ay ngumiwi ito. “She did it again! She’s in pain!” he exclaimed.“A-ahh . . .” Mahinang-mahina lang iyon pero dinig na dinig niya at kitang-kita niya kung paano nito ibinuka ang bibig.“Call the doc—”Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin nang mabilis na pinindot ni Dimitri ang emergency button sa gilid ng kama ni Julienne. Wala pang sampung segundo ay naroon na ang ilang nurse at doctor nito.“What happened?” the woman dressed in doctor’s lab asked. Hinala niya ay ito ang OB ng kaniyang asawa.“She said something. I t

  • CONTRACTED TO MY BILLIONAIRE BROTHER-IN-LAW   CHAPTER 62

    Texas, USA.Brayden’s pace was in a hurry. Nagmamadali siyang makita ang pakay niya sa lugar na iyon.“This way, Sir,” anang driver ng sasakyang sumundo sa kaniya sa airport kanina. Tauhan ito nang mismong pakay niya roon.“Thanks.” Ngumiti siya rito bago tinungo ang silid na itinuro nito. Matagal siyang nanatili sa labas niyon bago nakuhang pihitin ang seradura. Dahan-dahan niyang iniawang ang pinto. At habang ginagawa iyon, hindi siya halos humihinga.When he finally opened it wide, unang nag-landing ang mga mata niya sa kamang nasa gitna ng silid na iyon. Biglang naging mabuway ang kaniyang pagkakatayo. Napaluhod siya sa sahig kasabay ng pagyugyog ng kaniyang mga balikat.He’s crying. Sari-saring emosyon ang lumukob sa kaniya pero mas lamang doon ang matinding pangungulila. Ang matagal na panahon niyang pagtitikis para sa kaligtasan ng pinakamamahal niya. 

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status