Nag-iwas ng mga mata si Julienne pero mabilis na nahawakan ni Brayden ang baba nito at muling iniharap sa sarili. “Tell me, Julienne, do you love me? Do you have a feelings for me?” he asked, hoping he would hear the right answer. Matagal siyang tinitigan ng kaniyang asawa sa mga mata. Lumunok ito pagkatapos. “Magagalit ka ba kung sasabihin kong oo?” Pabulong lang ang sagot nitong iyon, pero umabot naman sa pandinig niya na siya niyang ikinangiti. “And why would I be? Hindi ba dapat mas matuwa pa nga ako?” Umingos ito. “Bakit ako ang tinatanong mo?” Huminga siya nang malalim at sumeryoso. “I love you, Julienne. Noon pa man ay mahal na kita. Kaya nagagalit ako dahil umaaligid ang propesor mo sa iyo,” pag-amin niya. Unti-unting namilog ang mga mata nito. Bumuka-hindi ang bibig nito, pero wala namang sa
Last Updated : 2025-03-16 Read more