Semua Bab The Zillionaire's Abandoned Wife: Bab 71 - Bab 80

146 Bab

Kabanata 71

Pagpasok ni Trixie sa kwarto, agad siyang sinundan ni Sebastian.“Pakisarado mo ang pinto,” mahinahong sabi ni Trixie.Nag-aalala siya na baka magtalo sila at marinig iyon ni Xyza. Sa totoo lang, kahit matagal na silang kasal at hindi maganda ang samahan nila, ni minsan ay hindi pa sila nagtalo. Si Sebastian, ni hindi siya binibigyan ng pansin nito, kaya paano pa sila mag-aaway? Samantalang si Trixie naman, pinahahalagahan niya ang bawat oras na magkasama sila.Hindi niya kayang makipagtalo sa lalaking mahal niya... mali, sa lalaking dating minamahal niya.Walang imik na isinara ni Sebastian ang pinto, saka siya tumingin kay Trixie.“What do you want to talk about?” tanong nito, deretso at walang emosyon.Diretsahan ding sinabi ni Trixie ang dahilan.“Ang tiyuhin ni Wendy at ang pamilya nila... binili nila ang villa sa tapat ng bahay ng tiyuhin ko. Matagal na pala nilang pinarerenovate iyon, at mukhang malapit na silang lumipat.”Naghintay siya ng reaksyon mula kay Sebastian, ngunit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-16
Baca selengkapnya

Kabanata 72

Nang magbalik siya sa sarili, saglit siyang naguluhan kung ano ang dapat gawin. Sinabi ni Sebastian na matulog siya nang maaga. Ibig sabihin ba nito ay dapat siyang manatili rito ngayong gabi? Bagamat lumipat na siya ng tirahan, hindi pa naman sila opisyal na hiwalay, kaya wala namang masama kung manatili siya rito. Ngunit kung sa master bedroom siya matutulog... Kalilimutan na lang ni Trixie. Habang iniisip iyon, huminahon siya, kinuha ang kanyang mga gamit, damit, at ilang pang-araw-araw na pangangailangan, at nagtungo sa kwarto ni Xyza. Nang gabing iyon, doon si Trixie natulog. Nagising si Trixie bago mag-alas siyete. Makalipas ang ilang sandali, nagising na rin si Xyza. Yumakap ito sa kanyang leeg at nagpa-cute habang naglalambing. "Mommy, ikaw po ang maghatid sa akin sa school mamaya, puhleassee?" Agad pumayag naman si Trixie. Matapos mag-ayos ng sarili, bumaba na sila upang mag-agahan. Maya-maya, pumasok si Sebastian sa dining room at umupo sa tapat nila.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-16
Baca selengkapnya

Kabanata 73

Gusto sanang tumulong ni Trixie sa kusina, pero itinulak siya ng matanda palabas. Wala nang nagawa si Trixie kundi umupo sa sofa. Nandoon din sina Xyza at Sebastian. Abala si Seb sa kanyang cellphone, habang si Xyza naman ay naglalaro ng kanyang rubik's cube. Tahimik ang lahat at walang nagsasalita. Sakto namang may gustong pag-usapan si Casper kay Trixie. Tiningnan ni Trixie ang mensaheng ipinadala nito at agad sumagot. Sa sobrang abala niya, hindi niya napansin na lumabas na pala si Thallia mula sa kusina. Samantalang si Sebastian ay naibaba na ang kanyang cellphone. Nagmadali rin tuloy ibinaba ni Trixie ang kanya.. "Lola..." tawag niya. Tiningnan ng matanda ang tatlo at napabuntong-hininga. "Kayo talaga..." Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin kaya dumiretso na lang siya sa tabi ng babae at naupo. "Ano bang pinagkakaabalahan mo?" tanong nito kay Trixie. "Trabaho lang po sa kumpanya..." sagot ni Trixie. Napasinghap ang matanda at itinuro si Sebastia
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-16
Baca selengkapnya

Kabanata 74

WARNING⚠️⚠️ ⚠️: READ AT YOUR OWN RISK. Ang kwarto ay tahimik maliban sa mahina at tuluy-tuloy na ugong ng air conditioning. Nakatagilid si Trixie sa kanyang bahagi ng kama, nakatalikod kay Sebastian. Mabagal na ang paghinga niya, tanda na unti-unti na siyang dinadalaw ng antok. Nakahiga naman si Sebastian sa kanyang likuran, nakatitig sa kisame. Gumalaw siya nang bahagya, pakiramdam niya ay hindi siya mapakali. Mainit ang pakiramdam ng katawan niya, para bang kumikiliti ang bawat himaymay ng kanyang balat. Hindi ito normal para sa lalaki, dahil kadalasan ay kalmado siya, ngunit ngayon ay pakiramdam niya ay nanlalaban ang kanyang sarili. Mabigat siyang bumuga ng hininga bago lumingon kay Trixie. Nakalatag sa unan ang mahaba nitong buhok, at ang makinis niyang mga binti ay bahagyang nakalabas sa ilalim ng kumot. Ang damit na suot nito ay umangat nang bahagya, nahahantad ang hubog ng kanyang hita. Muling napalunok si Sebastian sa kaniyang nakikita ngayon, ramdam niya
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-16
Baca selengkapnya

Kabanata 75

Pagmulat ng mga mata ni Trixie, parang may malabong ulap sa kanyang isipan. Naninibago siya sa bigat ng kanyang ulo, para bang naparami ang nainom niya kagabi, kahit alam naman niyang ni hindi siya naglakad palabas ng kwarto nila. Mabagal siyang bumangon, napansin niyang siya na lang ang nasa kama. Muli siyang dumapa sa unan, naramdaman pa niya ang banayad na halimuyak ng shampoo ni Sebastian na lumapat doon. Bakit parang... Umiling siya at pinilit burahin ang alaalang tila pilit na lumulutang sa kanyang isipan. Mga halik, mga dampi ng palad sa kanyang balat, at init na tila bumalot sa kanila kagabi? Ano? Napapikit siya, sinapo ang ulo na tila sumasabog sa sakit. "Ano bang nangyari kagabi?" tanong niya sa sarili. Matapos maghilamos, magbihis, at bumaba, nakita niyang gising na rin ang matandang ginang. Nakangiti ito habang naghahanda ng almusal. “Ang tagal mong gumising, hija,” biro ng matanda. “Mukhang napagod ka kagabi, ah?” Natigilan si Trixie, nagtatakang napangiti.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-16
Baca selengkapnya

Kabanata 76

Iniisip pa rin ito ni Trixie nang makaramdam siya ng kirot sa lalamunan at parang sumikip bigla ang pakiramdam niya sa loob ng sasakyan.Ibinaba niya ang tingin at nagtangkang buksan ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin, pero sandali siyang natigilan bago pindutin ang button.Sa huli, hindi na lang niya iyon pinindot. Sa halip, tumingin na lang siya sa labas ng bintana.Hindi niya namalayan kung gaano katagal sila nagbiyahe hanggang sa marating nila ang paaralan ni Xyza. Bumaba siya para ihatid si Xyza, habang nanatili naman si Sebastian sa loob ng sasakyan.“Daddy…” tawag ni Xyza, parang umaasang bababa ito gaya ng dati.“I have something to do,” malamig na sagot ni Sebastian.“Oh…” sagot ni Xyza, halatang nadismaya.Alam ni Trixie na tuwing inihahatid nina Sebastian at Wendy si Xyza noon, laging bumababa si Sebastian para ihatid mismo ang bata sa loob ng paaralan. Pero ngayon, siya na ang nasa sitwasyon na iyon. Hindi niya alam kung may gagawin ba talaga si Sebastian o a
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-17
Baca selengkapnya

Kabanata 77

Pagkauwi nila sa bahay, gising pa rin ang matandang ginang. Nang makita nitong si Trixie ay talagang dumating sakay ng sasakyan ni Sebastian, tila nabawasan ang kanyang mga alalahanin. Bumalik ito sa kanyang kwarto at natulog nang panatag ang loob. Pag-akyat ni Trixie sa kanyang kwarto, agad siyang kumuha ng cellphone at tinawagan ang kanyang Tito Shaun. “Hello, Tito?” bati ni Trixie nang sagutin nito ang tawag. “Oh, Trixie,” sagot ni Shaun. “Anong balita?” “Pumayag na po si Sebastian,” sagot niya, bahagyang lumuwag ang pakiramdam. “Okay na raw na bilhin natin yung villa.” “Talaga?” Masayang tugon ni Shaun. “Aba, buti naman! Hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa mga bata. Salamat at pinakiusapan mo si Sebastian.” “Wala naman po ‘yun,” sabi ni Trixie. “Pero… mukhang hindi natuwa si Wendy.” “Ha?” Tumawa si Shaun sa kabilang linya. “Kailan pa naman ‘yun naging masaya sa kahit anong may kinalaman sa’yo?” Bahagyang natawa rin si Trixie. “Tama ka po riyan.” “Anyway,” dagdag ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-17
Baca selengkapnya

Kabanata 78

Nakatitig pa rin si Trixie sa papalayong likuran ng lalaki. Mula nang ikasal sila, halos hindi na siya humingi ng anumang bagay kay Sebastian para hindi na siya makaabala pa rito.Habang iniisip niya iyon, napagtanto niyang ito ang kauna-unahang bagay na kusang ibinigay nito sa kanya sa loob ng maraming taon.Isinantabi na lang niya iyon. Tiniklop ang titulo ng bahay at inilagay ito sa drawer.Makalipas ang dalawa o tatlong araw na sunod-sunod na pagkaabala, sa ikaapat na araw ay medyo gumaan na rin ang gawain ni Trixie.Dahil sa mga nagdaang araw na parehong abala sila ni Sebastian, hindi na rin niya nagawang makasama nang madalas si Xyza.Tanghali noon nang tumawag si Xyza at nagtanong kung may oras ba siya. Sinabi pa nitong matagal na mula noong huli siyang sumundo sa paaralan pagkatapos ng klase. Nang marinig iyon ni Trixie at naisip na wala na rin naman siyang gaanong trabaho, kaya maaga siyang umuwi ng hapon na iyon upang sunduin si Xyza mula sa paaralan. Pagdating sa bahay,
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-17
Baca selengkapnya

Kabanata 79

Natigilan si Trixie. Pati si Casper ay nagulat. Tumingin ito kay Trixie at mahina ngunit may pagtatakang nagtanong, "Bakit naman kaya gusto kang kausapin ni Mr. Valderama, Guro? Can you tell us about that?" "Sabi niya may ipapakilala siya sa akin," sagot ni Professor Soma bago tuluyang ibinaba ang cellphone. Tumingin si Casper kay Trixie at mahinang nagtanong, "Yung taong ipakikilala ng asawa mo... hindi kaya si Wendy yun?" Noong nakaraang na nakasalamuha nila ang mga tao sa pamilya Bolivar, nalaman nilang mayroon ding sariling kompanya sa larangan ng teknolohiya ang mga ito. Ang dahilan kung bakit noon ay gustong magtrabaho ni Wendy sa kanilang kumpanya ay dahil sa kanilang programming language na PYXIS. At ayon sa mga balita, inaakala ng lahat na si Professor Somai mismo ang nanguna o founder pagbuo ng programming language na iyon. Ngayon na hindi makapasok si Wendy sa kanilang kumpanya, posible ngang makipag-ugnayan ito kay Professor Soma upang pag-aralan ang PYXIS. At maaar
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-17
Baca selengkapnya

Kabanata 80

Matapos maghintay sandali ni Trixie sa ibaba, bumaba na rin sina Xyza at Sebastian. Pagdating nila sa hot spring villa, nagpunta sa balcony si Sebastian upang tumawag sa cellphone. Habang inaayos naman ni Trixie ang kanilang mga damit sa kwarto, pumasok ang matandang ginang at iniabot sa kanya ang isang kahon. Pabulong na sabi nito, "Ito ang damit na inihanda ni Lola para sa'yo. Huwag mong kalimutang isuot ito mamaya kapag maliligo ka na sa hot spring." Tiningnan ni Trixie ang mukha ng matanda at agad na naisip kung ano ang laman ng kahon. Medyo nailang siya. "Lola, nagdala naman po ako ng sarili kong-" "Huwag kang mag-alala, hindi ito kung ano'ng iniisip mo. Kung ayaw mong maniwala, buksan mo na lang at tingnan." Binuksan ni Trixie ang kahon. Tulad ng inaasahan niya, ito ay isang set ng panloob na damit. Ngunit ang disenyo nito ay hindi naman nalalayo sa karaniwan niyang isinusuot. Matapos itong tingnan ni Trixie, medyo nakahinga siya nang maluwag. Ngumiti ang matandang gin
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-18
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
678910
...
15
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status