Share

Kabanata 80

last update Last Updated: 2025-03-18 01:57:08

Matapos maghintay sandali ni Trixie sa ibaba, bumaba na rin sina Xyza at Sebastian.

Pagdating nila sa hot spring villa, nagpunta sa balcony si Sebastian upang tumawag sa cellphone.

Habang inaayos naman ni Trixie ang kanilang mga damit sa kwarto, pumasok ang matandang ginang at iniabot sa kanya ang isang kahon. Pabulong na sabi nito, "Ito ang damit na inihanda ni Lola para sa'yo. Huwag mong kalimutang isuot ito mamaya kapag maliligo ka na sa hot spring."

Tiningnan ni Trixie ang mukha ng matanda at agad na naisip kung ano ang laman ng kahon.

Medyo nailang siya. "Lola, nagdala naman po ako ng sarili kong-"

"Huwag kang mag-alala, hindi ito kung ano'ng iniisip mo. Kung ayaw mong maniwala, buksan mo na lang at tingnan."

Binuksan ni Trixie ang kahon.

Tulad ng inaasahan niya, ito ay isang set ng panloob na damit.

Ngunit ang disenyo nito ay hindi naman nalalayo sa karaniwan niyang isinusuot.

Matapos itong tingnan ni Trixie, medyo nakahinga siya nang maluwag.

Ngumiti ang matandang gin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Rysie Miranda
ang tagal ng divorce
goodnovel comment avatar
Editha Jonson
gusto ko Malaman ni seb namagddivorce na cla ni Trixie ang tagal nman para makahanap na cya Ng iba at lumaya na cya kay seb .
goodnovel comment avatar
Joyce Enorme
Ms A Ang tagal nilang mag divorce para nmn makalaya na si Trixie sa sakit....hahai kawawa nmn
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 81

    Sakto namang papasok na si Trixie sa elevator nang makasalubong niya ang kaniyang Lola Thallia. "Tapos na kayo agad?" tanong nito. "Opo, gusto ko na po sanang mamahinga, Lola," sagot ni Trixie. Mukhang may sasabihin pa sana ang matandang ginang, pero nang makita nitong paakyat din si Sebastian para magpalit ng damit, napabuntong-hininga na lang ito. Umaasa talaga itong may mangyayari sa kanila, pero nang makita nitong malayo pa rin ang distansya nilang dalawa, alam niyang wala na namang nangyari. Isa na naman itong bigong plano. Napabuntong-hininga na lang ang matandang ginang at nagsalita. "May kaibigan ako na nagpapagamot dito. She will meet me today, hindi niyo muna ako makikita. Mag-enjoy na lang kayo rito." Pinisil nito nang mahina ang kamay ni Trixie, saka lumingon kay Sebastian. "Huwag mong aawayin si Trixie, naiintindihan mo?" bilin nito. "I know, Lola," sagot ni Sebastian. Nang mga sandaling iyon, bumukas ang isa pang elevator at lumabas si Ysabel. Medyo nagulat

    Last Updated : 2025-03-18
  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 82

    Lumipas ang mga oras hanggang sa maghahapunan na sila. Nang dumating si Xyza, nilapitan ito ni Sebastian. Hinaplos niya ang ulo ng bata at nagwika, "Go upstairs and bring your mother here. Tell her it's time for dinner. " Nanlaki ang mga mata ni Xyza sa narinig. "Si Mommy po? Tatawagin ko siya para kumain kasama natin?" tanong niya na may halong pag-aalinlangan. "Yes, is there a problem with that?" Bahagyang bumuka ang bibig ni Xyza, nagkunot-noo, at saka tumingin kay Wendy. Ayaw niyang sumabay sa kanila ang kanyang ina. Kapag nandiyan si Trixie, siguradong aawayin na naman nito ang kaniyang tita mommy, at posibleng masira na naman ang gabi nila. Ngunit ngumiti si Wendy at malumanay na sinabing, "Sige na, Xyza." Napabuntong-hininga si Xyza bago umakyat sa taas. Nang tumunog ang doorbell, kasalukuyang kumakain si Trixie sa kanyang kwarto. Tumingin siya sa surveillance monitor sa TV at nakita niyang si Xyza ang nasa labas ng kaniyang pinto. Ibinaba niya ang kanyang kutsara

    Last Updated : 2025-03-18
  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 83

    Iyon pala, ka-video chat ni Helios si Yanyan. Ipinapakita ni Helios sa bata ang mga puno ng mansanas para makita niya ito at nangakong mamimitas siya ng ilan para dalhin kina Yanyan kinabukasan. Hindi niya akalaing masasalubong niya si Trixie sa bundok. Kahit ilang beses na silang nagkita noon at kahit minsan ay natulungan na rin siya ni Helios, nanatiling mailap si Trixie sa kanya. Nanlamig ang ekspresyon ni Trixie nang makita ito, ngunit lumambot ito nang marinig ang boses ni Yanyan. Napansin ni Helios ang maliliit na kilos na iyon ng babae. Hindi siya lumapit kaagad, sa halip ay nagtanong lamang, "Yanyan wants to talk to you, okay lang ba?" Naalala ni Trixie ang araw na lumabas siya mula sa sanatorium, magulo at mabigat ang pakiramdam niya noon. Nang araw ring iyon, dahil gustong makipaglaro ni Yanyan sa kanya, nalibang din siya. Pakiramdam pa nga ni Trixie ay si Yanyan pa ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya para makawala sa lungkot na bumabalot sa kanya ng mga ora

    Last Updated : 2025-03-18
  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 84

    Nang gabi iyong, madaming pagkain ang ipinahanda ni Sebastian para sa kaniyang mga bisita. Nakahanda na ang sabaw ng hot pot na may crab roe at fish maw chicken base, at luto na rin ang Bobo chicken. Sa mahabang mesa sa tabi nito, puno ng iba't ibang klase ng sariwa at de-kalidad na mga sangkap na handa nang lutuin. Nakaliyab na rin ang bonfire. Nakaupo na sa paligid nito sina Ysabel at iba pa. Pagbalik nina Helios at Wendy, natural na umupo si Wendy sa tabi ni Sebastian. Hindi na nakapagpigil si Ysabel at nagsimula nang kumain ng Bobo chicken na nababad sa sabaw. Nang makita niyang kumpleto na ang lahat, handa na sana siyang magsimulang kumain nang maalala niya si Trixie. Tumingin siya kay Xyza at sinabi, "Xyza, puntahan mo si Mommy mo sa taas. Sabihin mong may masarap na pagkain dito at yayain mo siyang bumaba para kumain kasama natin." Alam naman nilang malamang ay tatanggi pa rin si Trixie at magtatago na naman sa kwarto tulad ng ginawa nito kanina sa tanghalian, pero

    Last Updated : 2025-03-19
  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 85

    Pagbaba ni Sebastian sa hagdan, abala na sina Ysabel at ang iba pa sa pagkain.Nagulat ang lahat nang makita na siya lang ang bumaba.Katulad ni Xyza, inakala rin nilang ngayon mismong si Sebastian ang tumawag kay Trixie, imposibleng tanggihan siya nito.Pero sa kanilang lahat, si Wendy lang ang malawak na malawak ang ngiti.Hindi napigilang magtanong ni Helios, "Why are you alone? She didn't want to join us?""Obviously.""Maybe, you didn't really call her? Akala ko ba at lagi siyang sumusunod sa’yo? Inaasahan ko nang bababa siya kasama mo dahil ikaw na ang tumawag. It's so lonely eating alone, can't you consider that?” untag pa ni Helios. "Are you saying, I just wasted my time going upstairs but I didn't really talk to her? Are you kidding me? At isa pa, why do you seem so concerned for her?” iritadong sunod sunod na tanong ni Sebastian. Naiirita na nga siya na nagagawa na siya ngayong tanggihan ni Trixie, tapos dadagadagan pa nang paulit-ulit na tanong ni Helios. For no reason,

    Last Updated : 2025-03-19
  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 86

    Dahil sa anggulo at taas ng camera, ang tanging nakita ng mga tao sa video conference ay isang lalaking may magandang pangangatawan at may maayos at kalmadong tindig na pumasok sa kwarto.Sa kanyang kilos pa lang, alam na ng lahat na hindi basta-basta ang taong iyon.Pero hindi nila nakita ang mukha nito.Noong una, may mga tsismis sa kumpanya na may namamagitan kina Trixie at Casper. Pero kalaunan, nalaman nilang may asawa na si Trixie at may mga anak na rin ito na medyo malaki na.Gayunpaman, bihirang pag-usapan ni Trixie ang tungkol sa kanyang pribadong buhay. Masasabi mong halos wala silang alam tungkol sa asawa ni Trixie.Dahil sa taglay niyang kagandahan, at habang tumatagal ay napapansin nilang mas magaling pa pala si Trixie kaysa sa inakala nila noong una, mas mahusay pa nga kaysa kay Casper, kaya't lalo silang naging curious kung anong klaseng lalaki ang nakapaguwi ng ganitong kaganda at kahusay na babae.Ngayon, sa wakas ay lumitaw na ang asawa ni Trixie, pero bigla naman ni

    Last Updated : 2025-03-20
  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 87

    Ngunit ang librong iyon, bukod sa ilang anotasyong isinulat niya noong una niya itong binasa, ay wala namang mahalagang impormasyon tungkol sa pulong ng kumpanya sa araw na iyon. Kaya naman kalmado niyang sinabi, "Kaunti lang." Tiningnan siya ni Sebastian at sinabing, "Alright, I'll just tell you beforehand next time." May susunod pa? Hindi niya inakala na sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon ay magkakaroon pa ng pagkakataong tulad nito, na mapipilitan silang magkasama sa iisang kama dahil lamang sa sitwasyon nila sa labas. Binalik na ni Sebastian ang atensyon niya sa pagbabasa ng libro, at biglang nagsabi, "Your annotations are quite good." Isang papuri iyon para sa kanya. Pero nagkunwari si Trixie na hindi niya iyon narinig at dinala ang kanyang hair dryer sa banyo upang patuyuin doon ang kanyang buhok. Matapos niyang patuyuin ang kanyang buhok, naroon pa rin si Sebastian at patuloy na nagbabasa. Pagkatapos ng kanyang skin care routine, humiga si Trixie sa kabi

    Last Updated : 2025-03-20
  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 88

    Tanghali na nang magising si Ysabel kinabukasan.Habang kumakain ng tanghalian kasama sina Seb at iba pa, binasag niya ang katahimikan."Sebastian, bakit hindi mo na lang siya puntahan at kumbinsihin na bumaba? She's making pakipot pa and it's getting into my nerves."Alam nang lahat na ang tinutukoy niya ay si Trixie.Walang emosyon sa tinig ni Sebastian nang sumagot ito"She's not here."Napataas ang kilay ni Ysabel."Umalis na?"Napatingin din si Helios."Yes," sagot ni Sebastian. "She needs to work on site."Alam ni Ysabel na hindi kinuha ni Casper si Wendy dahil kay Trixie, kaya lumipat si Trixie sa Astranexis. Hindi rin nakalimutan ni Ysabel na sinabi ni Sebastian kagabi na hindi makakababa si Trixie upang kumain kasama nila dahil abala ito sa trabaho.Naisip niya ito at ngumiti nang bahagya."Grabe... abala na kagabi, abala pa rin ngayon. Someone's paying off her salary's worth? As if naman hindi na kaya ng Astranexis na tumakbo nang wala siya “Sa isip ni Ysabel, ‘For all we k

    Last Updated : 2025-03-20

Latest chapter

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 216

    Dumating na ang araw ng graduation nilang tatlo.Mainit ang araw pero mas mainit ang pakiramdam ni Elijah habang pinagmamasdan si Trixie sa entablado. Ang ganda nito sa suot nitong toga, ang liwanag ng ngiti habang katabi si Sebastian.Sa camera ng phone niya, naka-zoom si Trixie. Kahit si Sebastian ay pinutol niya sa framing. Sa kanya lang dapat nakatuon ang araw na ito. Si Trixie lang.Pagkatapos ng graduation, may simpleng salu-salo sa isang restaurant. Nasa iisang mesa sila, mga close friends ng dalawa, kabilang na si Racey ang babaeng kaibigan ni Trixie. Katabi ni Trixie sa kabilang gilid niya si Sebastian. Si Elijah naman, kahit sa kabilang side niya nakaupo, hindi maalis ang paningin sa kanya.“Uy Elijah,” tawag ni Sarah. “May maganda raw na dumating na bisita, kakilala ni Dean. Baka gusto mong i-meet.”“Girl ba?” tanong niya.“Oo, sobrang classy! Mukhang sosyalin pero approachable.”Nacurious tuloy si Elijah, tumayo at sumunod kay Sarah papunta sa lounge. Pagdating doon, ma

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 215

    "Trixie! Sebastian! We're soon to graduate! What are your plans, buddies?" sigaw ni Elijah habang lumalapit sa dalawa, may bitbit pang isang baso ng iced coffee sa kamay, halatang galing pa sa canteen.Mula sa kinauupuan nila sa gilid ng campus garden, nagkatinginan ang magkasintahang Trixie at Sebastian. Pareho ang ngiting may tinatago sa dalawa, may lihim na kasi silang plano na hanggang ngayon ay sila lang ang nakakaalam.Malapit na nga silang maka-graduate ng college.And… they are already planning their marriage. Matagal na si Trixie na inalok ng lalaki at matagal na rin siyang naka-oo dito. Mahal nila ang isa’t-isa pareho kaya sa tingin nila ay handa na silang bumuo ng pamilya. Even if they weren't old enough, marriage isn't scary if each other was the one they are marrying. Napansin iyon ni Elijah at mas lalo siyang nag-usisa sa mga kaibigan. “Anong pinagtitinginan niyo diyan, ha? May plano na kayo, 'no? Include niyo naman ako! Ayoko ng nauuna kayo tapos ako, clueless!” bir

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   KABANATA 214

    Pagbalik ng mga bata, agad tumakbo si Xyza sa ina.“Mommy! Mommy! I made a drawing po! It’s you and me and Tito and Yanyan!”Pinakita nito ang simpleng guhit, may araw sa itaas, at may puso sa gitna ng papel.“Beautiful,” ani Trixie habang hinahaplos ang buhok ng anak.Tiningnan ni Helios ang papel at ngumiti.“You’re quite the artist.”“I drew Daddy din po!” sabay turo sa malayong figure sa likod, na malabo at nakatalikod.Hindi na nagsalita si Trixie. Bagkus, tumingin siya sa anak at hinaplos ang pisngi nito.“You’re enough,” bulong niya.Hindi iyon para kay Helios, hindi para kay Sebastian. Para iyon sa anak niya. Para sa sarili niya. At kahit sino pa ang pumasok o lumabas sa mundong ito, alam niyang buo siya, buo silang dalawa.“Wow. Daddy, you're here too. Are you joining us na po? Mommy, can daddy sit beside me?” tanong ni Xyza, walang muwang sa nagaganap na tensyon.“I think he should sit with Wendy,” tugon ni Trixie, malamig ngunit mahinahon.Nagngitngit si Sebastian sa sago

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 213

    Pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito, lalo na kapag tumatawa ito sa mga biro ni Helios.Hindi alam ni Sebastian kung gaano siya katagal nakatitig mula sa kabilang mesa habang inaantay ang order nila. Bagama’t nasa piling ni Wendy ang lalaki, ito ay parang wala roon. Nasa kabilang mesa ang isip nito, at ang puso.Mula sa kanyang kinauupuan, malinaw niyang nakikita ang bawat galaw ni Helios. Kung paano nito marahang nilalagay ang baso malapit kay Trixie. Kung paano nito binibigyan ng tissue ni Xyza para hindi mabasa ang palda ng bata. Kung paano nito hinahayaang mag-lean si Yanyan sa balikat niya habang nagkukuwento kay Xyza.Pinapanood niya kung paanong walang kahit katiting na effort si Helios, pero natural itong tanggap sa piling nina Trixie. Sa dami ng taon na sila ni Trixie ang magkasama, hindi niya kailanman naramdaman na ganoon siya kahinahon o ka-“present” para sa pamilya nila.“Ang sweet naman nilang pamilya,” bulong ng isang waiter sa likod nila, na hindi alam na naririn

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 212

    Tumayo si Helios mula sa pagkaka-upo sa tabi ni Trixie nang mapansin ang mga bagong dating. May bahagyang seryosong ekspresyon sa mukha nito habang pinagmamasdan ang lalaking kararating pa lang.“Sebastian,” tawag niya, kalmado ang tinig ngunit may tinatagong tensyon.Napalingon si Sebastian na tila ayaw gumalaw. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa kaibigan. Ngunit bago pa siya makatanggi, sumingit na si Wendy.“Let’s greet them for a while. It’s your dear friend after all,” wika nito habang hinahawakan ang braso niya, pormal ang ngiti ngunit may bahid ng intensyon sa likod ng mga mata.Ayaw sana ni Sebastian, pero wala rin siyang nagawa. Ang panunulsol ni Wendy ay may bahid na maitim balak. Siguro, gusto lang niyang patunayan na wala nang koneksyon si Sebastian sa dating asawa. O baka gusto lang niyang makita kung ano talaga ang dynamics ngayon.“Alright. But let’s be quick,” sagot ni Sebastian, pinipigilan ang sarili na idagdag ang I don’t want to see either of them tonig

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 211

    Sa gitna ng pagtawa ni Trixie dahil sa isang production number na comedy skit, naramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cellphone sa bulsa. Nang kunin niya ito at tingnan ay si Racey pala ang natawag. “Hello? " bungad ni Trixie sa kaibigan. Hindi pa niya nakakausap ang babae mula noong gabi na nalasing siya kaya interesado siya sa sasabihin nito. "Are you free today, girly girl? Let's go shopping, or do you prefer bar hopping? You choose. Libre ko.” Masiglang boses ni Racey ang bumungad sa kaniya. "Anong meron? May okasyon ba?” "Wala naman. Gusto ko lang mag-celeb, kakababa ko lang kasi ng bundok matapos akong isama ni Lola para manalangin dun sa mga katutubo niyang friends. I miss the city, that's why.” Paliwanag nito. "You've been doing that yearly, hindi ka pa ba sanay?" Natatawang puna ni Trixie dito. "True ka naman diyan. But wait? Why do I hear strange noises from your background? Nasa labas ka ba?” "Ah, yes. Nasa isang family day to be exact." “Xyza's? E

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 210

    Kinabukasan, Sabado. Sa simpleng bahay ng pamilya Salvador, puno ng tawanan ang umagang iyon. Nang matapos ang kainan, sumama si Xyza sa kwarto ni Trixie. Humiga sila sa kama habang naglalaro ng mga stuffed toys. "Mommy," bulong ni Xyza habang nilalambing ang braso niya. "You're my favorite person." Naglakbay ang kamay ni Trixie sa buhok ng anak. Mahina niyang hinaplos ito habang pinipilit na huwag maluha. "You’re my most precious, Xyza," mahina niyang sagot. Suot ng mag-ina ang magkaparehong pajama, pink na may maliliit na bear prints. Masayang hinahaplos ni Trixie ang buhok ng anak habang binabasahan niya ito ng isang fairy tale book. "Mommy! Next page, please!" sigaw ni Xyza, habang pumapalakpak. Tumaas ang kilay ni Trixie, kunwaring nagdaramot. “Hmm... should I not?" biro niya. "Pleaaase!" bulalas ng bata, yumakap ng mahigpit sa leeg niya. Tumingin si Trixie sa anak at napuno ang puso niya ng hindi maipaliwanag na saya. Pinili niyang mag-off sa trabaho ngay

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 209

    Tumayo si Sebastian, mata'y singkipot ng karayom. "Helios, one last question. Do you even remember that we're friends?" malamig niyang tanong. Ngumiti si Helios, isang ngising hindi mo malaman kung pikon o arogante. "And do you even remember that you have a wife waiting for you at home when you are going on dates with Wendy?" Biglang nanahimik sa loob ng opisina. Maliban sa mahinang ugong ng aircon, tanging tensyon na lang ang pumupuno sa paligid. Sinabi na ni Helios noong una pa lang na hindi siya sasagot ng tungkol sa kanilang personal na buhay, but Sebastian insisted. And this is it. Sebastian tasting his own medicine. Nawala ang ngisi sa mukha ni Helios at ibinalik ito sa pagiging seryoso. “Bro–” “Don't call me that when you are doing all these.” Putol nang tila napipikon nang si Sebastian. Hindi kumurap si Helios. Hindi siya nagpadala sa init ng ulo ng lalaki. Ngumisi lang siya, waring lalong nang-aasar. "Sebastian," aniya, kalmado pero mabigat, "it's a personal mat

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 208

    Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status