All Chapters of The Zillionaire's Abandoned Wife: Chapter 51 - Chapter 60

142 Chapters

Kabanata 51

Sa kabila ng hayagang pagtatanggol at pagpapahalaga ni Casper kay Trixie. Ngunit tila bingi ang mga kamag-anak nitong nasa harap niya ngayon. Akala nina Mateo at Wendy na simpleng pakikibagay lang ang mga salitang iyon. Sa palagay nila, ano nga ba naman ang magagawa ni Trixie sa kumpanya ni Casper? Marahil ay mga simpleng gawain lang o trabaho na katulad ng ginagawa ng mga ordinaryong programmer... Ngunit hindi na ito binanggit pa ni Mateo. Tahimik lamang na nakikinig si Wendy, habang si Mildred ay ngumiti nang bahagya na para bang wala lang iyon sa kanya. Nagpatuloy si Mateo, “Gaya nga ng sinasabi ko, Mr. Yu, marahil po ay alam n’yo na ang tungkol kay Wendy. Matagal na po siyang may interes sa PYXIS, kaya umaasa siyang magkaroon ng pagkakataon na magtrabaho sa Astranexis…” Bagamat sa tulong ni Sebastian ay makikilala rin ni Wendy si Professor Soma sa lalong madaling panahon, at tiyak na mas magkakaroon siya ng oportunidad na matuto tungkol sa PYXIS, hindi pa rin masamang magkar
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Kabanata 52

“Seb? Uhaw ka na ba? Gusto mong um-order na tayo ng drinks mo in advance?" masuyong tanong ni Wendy kay Sebastian nang napansin nitong naubos ng lalaki ang isang baso ng tubig.“No, I'm fine. Worry about yourself first," may pinal sa wika ni Sebastian kaya hindi niya ito muling kinulit pa. Base sa pagsasama nila, may episodes talaga si Sebastian na ganito. Kapag tahimik na at wala itong ngiti sa mukha, hinahayaan na lang niya ang lalaki. Hindi niya gustong maulit na naman ang nagyari noon, kung saan sumabog ito sa galit dahil pilit niyang tinatanong ito tungkol kay Trixie. That woman is always the root of their arguments, she nearly scoffed.Nang marinig ni Casper ang pag-uusap nila sa kabilang panig ng mesa, saglit siyang napatingin kay Trixie. Wala namang espesyal na reaksyon sa mukha nito, kaya napabuntong-hininga na lang siya. Matapos panoodin nina Mateo at Mildred ang munting pag-uusap nina Trixie at Casper tungkol sa pagkain, napansin nilang natahimik na lang si Trixie pagta
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Kabanata 53

Malapit nang matapos ang kanilang pagkain, kaya't nagsimula nang tumayo ang iba upang magpunta sa function hall para doon mag-usap tungkol sa posibleng collaborations. Kahit binanggit na ni Sebastian na nais niyang makipagtulungan sa Astranexis, puro salita pa lang iyon. Hindi sigurado si Trixie kung matutuloy ba talaga ito. Ngunit si Mr. Andronicus, na kasabay nilang kumain, ay mukhang seryosong gustong makipagtulungan sa Astranexis. Bago pa matapos ang pagkain, hinila na ni Mr. Andronicus ang mga tauhan niyang kasama para makipag-usap kay Casper. Sumunod naman si Trixie. Sanay si Trixie sa pag-uusap tungkol sa teknolohiya, pero si Casper pa rin ang bahala sa usapang negosasyon. Tahimik na naupo si Trixie sa tabi at bihirang magsalita, pero nang mapansin niyang ubos na ang wine sa baso ni Casper, kinuha niya ito para punuan ng bago "Kukuha lang ako ng red wine para sa'yo," sabi ni Trixie. Ngumiti si Casper sa pag-aalaga ni Trixie. "Salamat." Nagmukhang sekretarya
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Kabanata 54

Napabalikwas si Trixie mula sa kanyang pagkakahiga at naupo sa kama. "Helios? I mean, Mr. Cuevillas?" “Yes," baritonong boses ng lalaki. “So to what pleasure do I owe you at napatawag ka ngayon?" Hindi napigilan ni Trixie na magtaray dahil quota na siya sa magkakaibigang ito ngayong araw. “What? Nakalimutan mo na ba agad ang nagyari kaninang umag?" Bakas sa boses ng nasa kabilang linya na naguguluhan siya. Oh, shocks! Oo nga pala, nasiraan siya kanina! Gusto na lang sampalin ni Trixie ang sarili dahil ipinahiya niya lang naman ang sarili kay Helios. Sa totoo lang, sobrang naging abala siya ngayong araw, kaya kung hindi pa talaga tumawag si Helios, baka tuluyan na niyang makalimutang nasiraan pala siya ng sasakyan. Pinaypayan ni Trixie ang sarili bago muling sumagot dahil uminit talaga ang mukha niya sa pagkapahiya. Talagang ngayon niya pa napiling magtaray dito, ha? "My men handled your car properly. It's already been fixed. Pwede ka nang dumaan para kunin ito mamaya."
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Kabanata 55

Habang kausap ni Trixie si Helios, naririnig ni Casper ang usapan kaya nagtanong siya matapos ibaba ng babae ang ang tawag. "Who helped you fix your car? A friend? Give me a name." Striktong tanong ni Casper. Pero bago pa siya makasagot, eksaktong dumating na ang mensahe ni Helios na may kasamang account number at larawan ng resibo ng bayad sa pagkukumpuni ng sasakyan. Tiningnan iyon ni Trixie at nag-signal kay Casper na sandali. Saka niya binuksan ang kanyang mobile payment app. Dahil sa tono ng pag-uusap ni Trixie at Helios, halata kay Casper na hindi sila ganoon ka-close. Kung sino man ang kaibigan na ito ay tiyak niyang kilala niya dahil hindi naman nawal ang koneksiyon nila ni Trixie. Alam naman ni Casper kung sino si Helios, pati na rin na magkakilala ito at si Trixie. Pero batid niyang halos walang ugnayan ang dalawa, kaya hindi niya naisip na si Helios pala ang kausap ni Trixie kanina. Maingat na ibinalik ni Trixie kay Helios ang kabuuang halaga, ni isang sentimo ay
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Kabanata 56

Nasugatan si Trixie, pero parang wala lang iyon kay Sebastian. Ginawa ba niya iyon dahil talagang wala siyang pakialam? O dahil natatakot siyang magkamali at baka mag-isip ng kung ano si Wendy? Wala itong pakialam kung nasaktan man o hindi si Trixie. Kung hindi, bakit ganoon na lang ang naging asal niya nang makita siyang matumba at masaktan kahapon? Nang maisip ito, lumamig ang tingin ni Trixie at muntik na niyang tanggihan ang tawag. Pero bago pa siya makasagot, nagsalita na si Sebastian. "Ask your mother first." Medyo nagulat si Xyza kaya agad siyang nagtanong kay Trixie . "Mommy, si Dad po nagtatanong kung gusto mo raw na siyang makausap sa telepono?" Pumikit saglit si Trixie bago tahasang sumagot. "Hindi na, may gagawin pa si Mommy." "Oh..." sagot ni Xyza, saka sinabi kay Sebastian, "Daddy, sabi ni Mom, hindi na raw po." Parang naging munting mensahero lang si Xyza sa kaniyang mga magulang. "Hmm." "Sige po, Mom, bye-bye." "Sige." Pagkababa ng tawag, ibinaba ni Xyza
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Kabanata 57

Natapos ang araw na iyon na nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawang kumpanya. The partnership will pushed through between Astranexis and Techspire, ang kumpanya ni Sebastian sa larangan ng teknolohiya. Makalipas ang dalawang araw, nagtungo sina Trixie at Casper sa Techspire upang pag-usapan ang kontrata. Pagdating nila sa Techspire, sasalubungin sila ni Director Bright at ni Mr. Gino Sandoval, isa sa mga pangunahing senior executive ng kumpanya.Ngunit nahuli si Mr. Gino ng sa kanilang usapan. Kaya naman pagpasok nila sa meeting room, agad itong humingi ng paumanhin kina Trixie at Casper."Kagagaling ko lang po sa meeting kay Mr. Valderama sa itaas. Pasensya na po at nahuli ako."Nasa kumpanya rin pala ngayon si Sebastian?Napaisip si Trixie, pero saka na lang niya iyon binalewala. Magkasabay silang nakipagkamay rito ni Casper at ngumiti. "Ayos lang." Wika ni Casper.Nang makaupo na si Gino, ipinagpatuloy na nila ang pag-uusap tungkol sa nilalaman ng kontrata.Maya-maya pa, n
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Kabanata 58

Nang tuluyang mapagkasunduan ang mga conditions ng kontrata, pasado alas-singko na pala ng hapon nang tumingin si Trixie sa kaniyang pambisig na relo. Matapos lagdaan ni Casper ang dokumento, si Mr. Sandoval na mismo ang nagdala nito kay Sebastian para pirmahan. Saglit na natigilan si Casper makaraang makaalis si Gino. "Nasa kumpanya pa ba si President Valderama?" tanong niya kay Bright. "Yes, Mr. Yu," sagot naman ng director. "Abala lang ang presidente sa isa pang proyekto." Ganoon ba? Abala lang ba talaga siya, o sadyang ayaw ni Wendy i na magkaroon ng masyadong maraming ugnayan sa kanya dahil nasa tabi niya ngayon si Trixie? Napaisip din si Trixie tungkol dito. Si Bright at Casper ay parehong alam ang pasikot-sikot sa aspetong teknolohiya at matagal nang magkakilala. Ngayon na natapos na nila ang kasunduan, bahagyang lumuwag ang pakiramdam ni Bright. Tumikhim siya nang mahina at ibinaba ang boses para casual na makipag-usap kay Casper. "Nandito rin pala si Miss Bolivar
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Kabanata 59

Napansin ni Xyza na nakatingin ang kaniyang ina sa bakanteng upuan kaya agad siyang nagpaliwanag. "Sabi po ni Daddy, may aasikasuhin daw siya kaya hindi siya makakauwi para kumain ngayong gabi. Ako na lang po ang kakain kasabay n'yo, Mommy. Would that be alright po ba? I know you miss eating with Dad na rin po."Nang maalala ni Trixie ang pagkikita nila ni Sebastian at Wendy sa elevator kanina, naisip niyang ang sinasabing inaasikaso ba ni Sebastian ay ang pagsama kay Wendy para maghapunan?Ngunit hindi na lang niya iyon binanggit pa.Habang kumakain, masayang nag-uusap silang mag-ina.Marahil ay sapat na ang atensyong ibinibigay ni Trixie kay Xyza nitong mga huling araw kaya naging mas malapit ito sa kanya ngayon. Hindi na rin ito nagpakita ng anumang pagkailang o pag-iwas hindi tulad noong kakauwi lang nito galing America.Pagkatapos ng hapunan, si Xyza pa mismo ang nag-aya sa kanya para tulungan itong maligo, mag-shampoo, at magpatuyo ng kaniyang buhok.Agad pumayag si Trixie.Nag
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Kabanata 60

"Yanyan!" Agad niyakap ni Helios at kinuha ang batang babae mula sa mga bisig ni Trixie.“I have looked everywhere for you. Saan ka ba nagpupunta? Your Dad will gonna get mad at me–”Doon lang napahinto si Helios nang mapansin niyang basa pala ang bata. Sa adrenaline niya kanina sa pagkawala nito ay hindi niya agad iyon napansin.Napahinto siya sandali at tumingin kay Trixie."How come...?"Hindi inaasahan ni Trixie na pamangkin pala ni Helios ang batang babae.Nagmadali siyang ipaliwanag dito ang nangyari dahil baka kung ano pa ang isipin ng lalaki. "Nahulog siya sa pool, kaya agad ko siyang iniahon nang makita ko. Siguro ay wala naman siyang pinsala, hindi siya nagtagal sa tubig dahil nakita ko agad..""I see. I owe my niece's life to you. Salamat, Trixie.""Wala iyon," sagot naman ni Trixie "Mas mabuting bihisan mo na siya agad para hindi siya magkasakit."Tumango si Helios, tila may nais pang sabihin, ngunit mahigpit siyang niyakap ng kanyang pamangkin at patuloy itong humagulgo
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more
PREV
1
...
45678
...
15
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status