ps. nagdededicate po talaga ako sa mga readers, kasi nababasa ko ang pangalan nila sa comment section o feedback ng libro kaya gusto kong mabasa rin nila ang kanilang pangalan sa author's note hihi 💋ྀིྀི
Habang kausap ni Trixie si Helios, naririnig ni Casper ang usapan kaya nagtanong siya matapos ibaba ng babae ang ang tawag. "Who helped you fix your car? A friend? Give me a name." Striktong tanong ni Casper. Pero bago pa siya makasagot, eksaktong dumating na ang mensahe ni Helios na may kasamang account number at larawan ng resibo ng bayad sa pagkukumpuni ng sasakyan. Tiningnan iyon ni Trixie at nag-signal kay Casper na sandali. Saka niya binuksan ang kanyang mobile payment app. Dahil sa tono ng pag-uusap ni Trixie at Helios, halata kay Casper na hindi sila ganoon ka-close. Kung sino man ang kaibigan na ito ay tiyak niyang kilala niya dahil hindi naman nawal ang koneksiyon nila ni Trixie. Alam naman ni Casper kung sino si Helios, pati na rin na magkakilala ito at si Trixie. Pero batid niyang halos walang ugnayan ang dalawa, kaya hindi niya naisip na si Helios pala ang kausap ni Trixie kanina. Maingat na ibinalik ni Trixie kay Helios ang kabuuang halaga, ni isang sentimo ay
Nasugatan si Trixie, pero parang wala lang iyon kay Sebastian. Ginawa ba niya iyon dahil talagang wala siyang pakialam? O dahil natatakot siyang magkamali at baka mag-isip ng kung ano si Wendy? Wala itong pakialam kung nasaktan man o hindi si Trixie. Kung hindi, bakit ganoon na lang ang naging asal niya nang makita siyang matumba at masaktan kahapon? Nang maisip ito, lumamig ang tingin ni Trixie at muntik na niyang tanggihan ang tawag. Pero bago pa siya makasagot, nagsalita na si Sebastian. "Ask your mother first." Medyo nagulat si Xyza kaya agad siyang nagtanong kay Trixie . "Mommy, si Dad po nagtatanong kung gusto mo raw na siyang makausap sa telepono?" Pumikit saglit si Trixie bago tahasang sumagot. "Hindi na, may gagawin pa si Mommy." "Oh..." sagot ni Xyza, saka sinabi kay Sebastian, "Daddy, sabi ni Mom, hindi na raw po." Parang naging munting mensahero lang si Xyza sa kaniyang mga magulang. "Hmm." "Sige po, Mom, bye-bye." "Sige." Pagkababa ng tawag, ibinaba ni Xyza
Natapos ang araw na iyon na nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawang kumpanya. The partnership will pushed through between Astranexis and Techspire, ang kumpanya ni Sebastian sa larangan ng teknolohiya. Makalipas ang dalawang araw, nagtungo sina Trixie at Casper sa Techspire upang pag-usapan ang kontrata. Pagdating nila sa Techspire, sasalubungin sila ni Director Bright at ni Mr. Gino Sandoval, isa sa mga pangunahing senior executive ng kumpanya.Ngunit nahuli si Mr. Gino ng sa kanilang usapan. Kaya naman pagpasok nila sa meeting room, agad itong humingi ng paumanhin kina Trixie at Casper."Kagagaling ko lang po sa meeting kay Mr. Valderama sa itaas. Pasensya na po at nahuli ako."Nasa kumpanya rin pala ngayon si Sebastian?Napaisip si Trixie, pero saka na lang niya iyon binalewala. Magkasabay silang nakipagkamay rito ni Casper at ngumiti. "Ayos lang." Wika ni Casper.Nang makaupo na si Gino, ipinagpatuloy na nila ang pag-uusap tungkol sa nilalaman ng kontrata.Maya-maya pa, n
Nang tuluyang mapagkasunduan ang mga conditions ng kontrata, pasado alas-singko na pala ng hapon nang tumingin si Trixie sa kaniyang pambisig na relo. Matapos lagdaan ni Casper ang dokumento, si Mr. Sandoval na mismo ang nagdala nito kay Sebastian para pirmahan. Saglit na natigilan si Casper makaraang makaalis si Gino. "Nasa kumpanya pa ba si President Valderama?" tanong niya kay Bright. "Yes, Mr. Yu," sagot naman ng director. "Abala lang ang presidente sa isa pang proyekto." Ganoon ba? Abala lang ba talaga siya, o sadyang ayaw ni Wendy i na magkaroon ng masyadong maraming ugnayan sa kanya dahil nasa tabi niya ngayon si Trixie? Napaisip din si Trixie tungkol dito. Si Bright at Casper ay parehong alam ang pasikot-sikot sa aspetong teknolohiya at matagal nang magkakilala. Ngayon na natapos na nila ang kasunduan, bahagyang lumuwag ang pakiramdam ni Bright. Tumikhim siya nang mahina at ibinaba ang boses para casual na makipag-usap kay Casper. "Nandito rin pala si Miss Bolivar
Napansin ni Xyza na nakatingin ang kaniyang ina sa bakanteng upuan kaya agad siyang nagpaliwanag. "Sabi po ni Daddy, may aasikasuhin daw siya kaya hindi siya makakauwi para kumain ngayong gabi. Ako na lang po ang kakain kasabay n'yo, Mommy. Would that be alright po ba? I know you miss eating with Dad na rin po."Nang maalala ni Trixie ang pagkikita nila ni Sebastian at Wendy sa elevator kanina, naisip niyang ang sinasabing inaasikaso ba ni Sebastian ay ang pagsama kay Wendy para maghapunan?Ngunit hindi na lang niya iyon binanggit pa.Habang kumakain, masayang nag-uusap silang mag-ina.Marahil ay sapat na ang atensyong ibinibigay ni Trixie kay Xyza nitong mga huling araw kaya naging mas malapit ito sa kanya ngayon. Hindi na rin ito nagpakita ng anumang pagkailang o pag-iwas hindi tulad noong kakauwi lang nito galing America.Pagkatapos ng hapunan, si Xyza pa mismo ang nag-aya sa kanya para tulungan itong maligo, mag-shampoo, at magpatuyo ng kaniyang buhok.Agad pumayag si Trixie.Nag
"Yanyan!" Agad niyakap ni Helios at kinuha ang batang babae mula sa mga bisig ni Trixie.“I have looked everywhere for you. Saan ka ba nagpupunta? Your Dad will gonna get mad at me–”Doon lang napahinto si Helios nang mapansin niyang basa pala ang bata. Sa adrenaline niya kanina sa pagkawala nito ay hindi niya agad iyon napansin.Napahinto siya sandali at tumingin kay Trixie."How come...?"Hindi inaasahan ni Trixie na pamangkin pala ni Helios ang batang babae.Nagmadali siyang ipaliwanag dito ang nangyari dahil baka kung ano pa ang isipin ng lalaki. "Nahulog siya sa pool, kaya agad ko siyang iniahon nang makita ko. Siguro ay wala naman siyang pinsala, hindi siya nagtagal sa tubig dahil nakita ko agad..""I see. I owe my niece's life to you. Salamat, Trixie.""Wala iyon," sagot naman ni Trixie "Mas mabuting bihisan mo na siya agad para hindi siya magkasakit."Tumango si Helios, tila may nais pang sabihin, ngunit mahigpit siyang niyakap ng kanyang pamangkin at patuloy itong humagulgo
"Tito..." Natauhan si Helios nang marinig ang tinig ng pamangkin niya. "Tapos ka na bang kumain? Aakyat na tayo pagkatapos mo." "Tapos na po ako." Busog na rin si Helios kaya't inilapag niya ang kanyang table napkin at isinama si Yanyan paakyat sa kanilang kwarto. Pagbalik ni Trixie sa kanyang kwarto, balak na sana niyang magbasa ng libro sa balkonahe, ngunit bigla siyang nakatanggap ng isang tawag. [Sebastian calling…] Karaniwan, tumatawag lamang ito kung may mahalagang bagay na dapat silang pag-usapan. Saglit siyang nag-isip bago sinagot ito. Malamig ang kanyang tinig nang bumati sa kabilang linya. "Hello?" "Lola is asking for you tomorrow night." Saglit na natahimik si Trixie bago sumagot. "Sige." Pagkatapos niyang sabihin iyon, agad ibinaba ni Sebastian ang tawag nang hindi na nagtagal pa sa linya. Hindi na iyon pinansin ni Trixie. Ibinaba niya ang telepono, pinakalma ang sarili, at muling nagpatuloy sa pagbabasa. Kinabukasan, maagang nagising si Trixie. Nagpunta s
Namula sa hiya si Trixie at dali-daling hinila pabalik ang kanyang kwelyong nahila ni Yanyan. Ang yaya naman ng bata na nasa tabi niya ay halatang nahihiya rin sa nangyari Buti na lang at walang ibang tao sa paligid, kung hindi ay mas nakakahiya pa iyon. Nagmadali ang yaya na tulungang ayusin ang suot ni Trixie. Kadalasan ay conservative si Trixie pagdating sa pananamit, at ni minsan ay hindi pa siya nagpakita ng ganoon sa harap ng ibang lalaki, lalo na at kaibigan pa ni Sebastian si Helios. Lalo lamang siyang naasiwa sa lalaki hindi naman ito sinasadyang gawin. Nang matapos niyang ayusin ang kanyang damit, halata pa rin sa kanya ang pagkailang. Kaya't nagpaalam na Trixie sa mga ito. "May kailangan pa akong puntahan. Mauuna na ako." "Alright. I didn't mean to…” biglang natigak si Helios sa pagsasalita at napatingin sa parteng nahubaran kay Trixie, tapos ay biglang tumikhim at nagpatuloy. "I apologize. Hindi ko akalaing ganoon ang gagawin ni Dayanica." Alam din ni Yan
Sa gitna ng pagtawa ni Trixie dahil sa isang production number na comedy skit, naramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cellphone sa bulsa. Nang kunin niya ito at tingnan ay si Racey pala ang natawag. “Hello? " bungad ni Trixie sa kaibigan. Hindi pa niya nakakausap ang babae mula noong gabi na nalasing siya kaya interesado siya sa sasabihin nito. "Are you free today, girly girl? Let's go shopping, or do you prefer bar hopping? You choose. Libre ko.” Masiglang boses ni Racey ang bumungad sa kaniya. "Anong meron? May okasyon ba?” "Wala naman. Gusto ko lang mag-celeb, kakababa ko lang kasi ng bundok matapos akong isama ni Lola para manalangin dun sa mga katutubo niyang friends. I miss the city, that's why.” Paliwanag nito. "You've been doing that yearly, hindi ka pa ba sanay?" Natatawang puna ni Trixie dito. "True ka naman diyan. But wait? Why do I hear strange noises from your background? Nasa labas ka ba?” "Ah, yes. Nasa isang family day to be exact." “Xyza's? Edi kasam
Kinabukasan, Sabado. Sa simpleng bahay ng pamilya Salvador, puno ng tawanan ang umagang iyon. Nang matapos ang kainan, sumama si Xyza sa kwarto ni Trixie. Humiga sila sa kama habang naglalaro ng mga stuffed toys. "Mommy," bulong ni Xyza habang nilalambing ang braso niya. "You're my favorite person." Naglakbay ang kamay ni Trixie sa buhok ng anak. Mahina niyang hinaplos ito habang pinipilit na huwag maluha. "You’re my most precious, Xyza," mahina niyang sagot. Suot ng mag-ina ang magkaparehong pajama, pink na may maliliit na bear prints. Masayang hinahaplos ni Trixie ang buhok ng anak habang binabasahan niya ito ng isang fairy tale book. "Mommy! Next page, please!" sigaw ni Xyza, habang pumapalakpak. Tumaas ang kilay ni Trixie, kunwaring nagdaramot. “Hmm... should I not?" biro niya. "Pleaaase!" bulalas ng bata, yumakap ng mahigpit sa leeg niya. Tumingin si Trixie sa anak at napuno ang puso niya ng hindi maipaliwanag na saya. Pinili niyang mag-off sa trabaho ngayong araw pa
Tumayo si Sebastian, mata'y singkipot ng karayom. "Helios, one last question. Do you even remember that we're friends?" malamig niyang tanong.Ngumiti si Helios, isang ngising hindi mo malaman kung pikon o arogante. "And do you even remember that you have a wife waiting for you at home when you are going on dates with Wendy?"Biglang nanahimik sa loob ng opisina. Maliban sa mahinang ugong ng aircon, tanging tensyon na lang ang pumupuno sa paligid.Sinabi na ni Helios noong una pa lang na hindi siya sasagot ng tungkol sa kanilang personal na buhay, but Sebastian insisted. And this is it. Sebastian tasting his own medicine. Nawala ang ngisi sa mukha ni Helios at ibinalik ito sa pagiging seryoso.“Bro–” “Don't call me that when you are doing all these.” Putol nang tila napipikon nang si Sebastian. Hindi kumurap si Helios. Hindi siya nagpadala sa init ng ulo ng lalaki.Ngumisi lang siya, waring lalong nang-aasar. "Sebastian," aniya, kalmado pero mabigat, "it's a personal matter to me
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi niya i
Nagising si Trixie na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Halos hindi pa niya maidilat ang mga mata nang tumunog ang cellphone niya sa tabi ng kama.Pilit siyang umabot dito, pikit pa ang isa niyang mata, ay sinagot niya ang tawag."Bata ka, hindi ba't nabusy sa ospital nitong nakaraan si Sebastian dahil sa pagkakaospital ni Thallia, tapos ikaw naman ay abala rin. Nasaan na lang ang anak niyo?" Boses iyon ni Lola Angelina, may halong pag-aalala at pagsaway, na tuluyang nagpabalik sa ulirat ni Trixie.Napaupo siya sa kama, hawak ang sentido habang nilalabanan ang pagkahilo. Dahan-dahang sumingit sa isip niya ang mga salita ng matanda, ang anak niya. Si Xyza.Napapikit si Trixie at pilit na inalala kung kailan niya huling nakita ang anak. Sa mga nakaraang araw, puro trabaho, meeting, at obligasyon ang inatupag niya. Samantalang si Sebastian, abala rin sa ospital kasama si Lola Thallia.Naalala ni Trixie kung paano madalas naisin ni Xyza na makipaglaro o sumama sa kaniya. Napakagat-labi
Samantala, ang eksenang iniwan nina Helios at Trixie sa parking lot ng party na iyon ay matagal na umukit sa isip ni Sebastian. Hindi siya mapakali. May kung anong gumugulo sa loob niya. Hindi man siya sigurado kung guilt ba iyon o ano, pero isa ang malinaw, ang pagkakabanggit ni Trixie kay Wendy bilang dahilan ng paghihirap nito, ay parang punyal na bumaon sa dibdib niya.Maging sa pagbabalik niya sa opisina nang gabing iyon, dala-dala pa rin niya ang bigat ng gabing iyon. Hindi siya nakapagsalita nang matagal. Ang mga ilaw ng opisina ay tila mas maliwanag kaysa sa dati, ngunit ang isipan niya ay mas magulo, mas malabo. Sa opisina kasi siya mas nakakaisip nang maayos. Doon siya nakakahanap ng kaunting linaw, kahit pa nga ang problema ay tungkol sa puso at hindi sa negosyo.Ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ni Wendy.Pagkarating niya sa loob ay ilang segundo pa lang siyang nauupo, narinig na niya ang pamilyar na stilettos nito sa labas. Napa-iling siya. Hindi pa siya
"Hey, woman! Where's the water? Alam mo kung may sakit lang ang tao, patay na siya sa'yo!" singhal ni Helios habang bahagyang nilingon si Racey.Napapitlag si Racey sa sigaw na iyon. Naalimpungatan siya mula sa pagtitig sa pagitan ni Helios at Trixie. Hindi niya inaasahang magmumula sa lalaki ang ganoong singhal. Akala pa naman niya ay nonchalant type ito. "Oo na! Atat lang?" sagot niya, pilit tinatakpan ang kaba sa dibdib."Get your ass here if you're not going to get her water. Ako na ang gagawa! You are all talk!" muli pa nitong sabi."Alright, alright!" hiyaw ni Racey, sabay padabog na umalis. Pakiramdam niya'y nayayapakan ang pride niya kahit hindi siya nito hinahawakan.Ilang minuto ang lumipas at bumalik siyang may dalang bottled water, na para bang bigat na bigat siyang buhatin iyon. Padarag niya itong iniabot sa lalaki.Matalim siyang tiningnan ng lalaki. Hindi niya tinanggap agad ang bote, sa halip, binuksan niya ito at maingat na tinapik si Trixie sa pisngi.“Trixie… her
Mayamaya, nagpaalam si Trixie na mag-CR. “CR lang ako, Ray,” aniya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang sentido. “Ay sasamahan na kita—” alok ni Racey pero tinabig siya ni Trixie, sabay ngisi. “Kaya ko 'to. Hindi pa ako ganun kalasing,” sabay tikhim at naglakad palayo, bagama’t halatang hindi na matuwid ang lakad. “Alright. Be careful, ‘kay?” tugon ni Racey, pero bago pa siya makabalik sa couch, may isang kilalang kaibigan ang biglang tumapik sa kanya. Dahil nga social butterfly si Racey, hindi na niya ito naiwasan. Lumapit siya para makipagbeso. Habang nagkukuwentuhan sila, panakaw ang tingin niya sa CR para siguraduhing okay lang ang kaibigan. Nakita pa niya si Trixie na pumasok sa banyo, kaya medyo panatag siya kahit papaano. “Malapit lang naman,” bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Racey, pagkabalik ni Trixie mula sa CR, may kakaibang nangyari. Sa pagbukas ng pinto, mabigat pa rin ang ulo ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw, sa tunog ng bass na
Tumingin si Trixie kay Helios. “Let’s go.” Paglingon niya, hindi na siya ang Trixie na dating sumusuko. Siya na ang Trixie na handang lumaban para sa anak niya, at hindi siya magpapaapak muli kay Wendy o sa sinuman sa pamilya nito. Tahimik silang naglakad palayo. At habang naglalakad, ramdam niya ang kamay ni Helios sa kanyang likod, hindi para akayin siya, kundi para ipaalala na hindi na siya nag-iisa. Sa loob ng sasakyan, hindi pa rin siya umiiyak. Ngunit sa bawat segundo, tila unti-unting humuhupa ang apoy sa kanyang dibdib. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig ay ang mahinang paghinga nila at ang ticking ng dashboard clock. Sa wakas, may ginawa siya. Sa wakas, hindi na siya nanahimik at nagsawalang-kibo na lang. Nilingon siya ni Helios habang naka-idle ang sasakyan. “I’m proud of you,” aniya. Napatingin si Trixie sa bintana. Hindi siya sumagot agad. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas. Pero ang bibig niya’y bahagyang gumalaw. “Thanks fo