Napangiti si Trixie sa sinabi ni Helios. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong ginhawa siyang naramdaman sa mga salitang iyon, na parang hindi na niya kailangang magduda pa. “Siguro nga,” sagot ni Trixie. Nagtagal pa sila sa lilim ng puno, kapwa tahimik habang pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba. Hindi man direktang sinabi ni Helios, ramdam ni Trixie ang pag-aalalang bumabalot dito, na para bang gusto siyang protektahan ng lalaki, pero hindi nito alam kung paano. Ilang minuto pa ang lumipas bago muling nagsalita si Helios. “Come on,” aniya, tinapik nang marahan ang balikat ni Trixie. “I’ll drive you home.” Nagdalawang-isip si Trixie. “Okay lang, ano ka ba?” Pero umiling si Helios. “I insist.” At sa tono ng boses nito, malamig ngunit may bahagyang lambing, napagtanto ni Trixie na wala siyang laban. Nngunit ngumiti si Trixie at umiling. “I appreciate it, pero kaya ko namang umuwi mag-isa,” aniya sa mahinahong tono. “Trixie…” May bahagyang kunot sa noo ni
Terakhir Diperbarui : 2025-03-15 Baca selengkapnya