Kahit pa wala noon, walang duda na ang lalaki ang nagsulat noon dahil sa maganda nitong penmanship na college pa lang sila noon ay gustong-gusto na niya. "Mommy, tapos na po akong kumain! Pwede na tayong lumabas!" Biglang sumigaw si Xyza na nagmamadaling umakyat mula sa ibaba upang hanapin siya. Nang makita ni Xyza ang dalawang brocade box na nakabukas, lumapit siya at sumilip. "Ah, ito pala yung mga dinala ni Daddy nung isang araw," sabi ni Xyza habang nakangiti. "Sabi niya, para sa’yo raw ‘yan, Mommy.” Noong umaga iyon bago magtungo si Sebastian sa business trip, bumaba siya ng hagdan at nakita si Xyza na nakaupo sa sofa. Naglalaro ang bata ng mga puzzle pieces. "Xyza," tawag niya. Tumingala si Xyza, ngumiti, at nagmadaling lumapit sa kanya. "Yes, Daddy?" Saglit na tumingin si Sebastian sa paligid, waring nag-iisip kung paano sisimulan ang nais niyang sabihin. "Listen," panimula niya, bahagyang bumaba ang boses. "I need you to tell your mom something for me." Nanliit an
Last Updated : 2025-03-21 Read more