Home / Romance / The Zillionaire's Abandoned Wife / Kabanata 111 - Kabanata 120

Lahat ng Kabanata ng The Zillionaire's Abandoned Wife: Kabanata 111 - Kabanata 120

146 Kabanata

Kabanata 111

Pagkaupong muli ni Professor Soma, umupo rin si Wendy sa tabi niya at sinimulang kausapin ito kahit medyo napahiya nong una. "I am your very fan, Mr. Soma. Matagal ko na pong gustong magkaroon ng pagkakataon na makipag-usap sa inyo nang personal tungkol sa AI." "Ah," iyan lang ang naging sagot ng propesor. Sa mga sandaling iyon, biglang nag-ring ang cellphone ni Sebastian. Tumayo siya at nagpaalam saglit kina Professor Soma at Wendy. "I'll just answer this, just continue what you are doing this will be quick." Tumango si Wendy bilang sagot. Pagkaalis ni Sebastian, kinuha ni Wendy ang menu sa gilid at iniabot kay Professor Soma. "Mr. Soma, mag-order na po muna tayo ng pagkain, tapos mag-usap habang kumakain?" alok ni Wendy. Tinulak ni Professor Soma ang menu palayo at sinabing, "Hindi na muna." Saglit na natigilan si Wendy, at bago pa siya makapag-react, diniretso na siya ni Professor Soma, "Gusto mo bang maging estudyante ko?" Hindi inaasahan ni Wendy na magiging deretsahan
last updateHuling Na-update : 2025-03-25
Magbasa pa

Kabanata 112

Marahil ay napansin ni Professor Soma na talagang pagod na sina Trixie at Casper, kaya pinauwi na niya ang mga ito bandang alas-nueve ng gabi. Pagod matapos ang buong araw na gawain, umuwi si Trixie, naligo, at maagang natulog. Kinabukasan, may kailangang ayusin sa Techspire kaya nagtungo sila roon no Casper kinahapunan. Pagdating nila sa Techspire, kasalukuyang tinatalakay nina Trixie at Casper ang ilang technical issues nang pumasok sina Michael at kaibigan nitong si Felix Tan na kasama ng isang staff ng Techspire. Napatingin si Michael at Felix kay Trixie, at tila nagulat ang mga ito. Tumaas ang kilay ni Felix sa babae. "Trabahador pala siya dito sa Techspire? Aba, grabeng coincidence naman nito.” Napangiti lang si Michael at bahagyang kumibit-balikat. Ni hindi nga sila magkakilala ni Trixie, kaya paano niya malalaman kung empleyado nga ito ng Techspire? Narinig naman ng isang staff ng Techspire ang pinag-uusapan nila kaya magalang itong nakisali, "Si Miss Salvador po ba an
last updateHuling Na-update : 2025-03-25
Magbasa pa

Kabanata 113

Napasinghap si Casper at hindi na nagsalita pa. Sa halip, kinuha niya ang notebook at lumapit kay Trixie, itinuro rito ang nilalaman noon. Tiningnan iyon ni Trixie at tumango, hudyat na naintindihan niya ito, bago bumalik sa sarili niyang trabaho. Nakita iyon ni Wendy at nagtanong, "Aling parte ng nilalaman ang may problema? Can I join you, guys?" Malamig na sumagot si Casper, "Ms. Bolivar, nagtatrabaho kami. Please practice confidentiality. Even your very presence here is worrying me." Magsasalita pa sana si Wendy nang biglang lumapit si Trixie kay Casper at binanggit sa kanya ang isang set ng data. Nang makita ni Wendy si Trixie na papalapit, agad na nanlamig ang tingin niya. Hindi naman sana papansinin ni Trixie si Wendy, pero nang makita niyang matalim ang tingin nito sa kanya, sinulyapan din niya ito nang masama matapos makipag-usap kay Casper. Pagkatapos nito, bumalik sila ni Casper para ipagpatuloy ang pag-aayos ng data. Si Wendy naman ay nanatili sa kwartong iyon. Hind
last updateHuling Na-update : 2025-03-25
Magbasa pa

Kabanata 114

“A penny for your thoughts?" Ang baritong boses ni Michael na nasa tabi na pala niya ang gumising sa kaniyang ulirat. Nang makita ang lalaki, muli ring naalala ni Wendy kung ano ang pinag-usapan ng magkaibigan na ito sa bar noong gabing iyon. Ang mga narinig niya sa auction noong araw na iyon, pati na rin ang kasalukuyang asal ni Michael, napagtanto ni Wendy na mali ang iniisip niya.May ngiti sa kanyang mukha nang sagutin niya ito. "Hindi ko siya gaanong kilala. Bakit?"Sinulyapan ni Michael sina Trixie at Casper at sinabing, "Base sa paraan ng pakikipag-usap niya kay Casper, mukhang magaling din siya?"Magaan na sumagot si Wendy, hindi mo madaling mahahalata na sarkastiko lamang ang binibigay nitong atensiyon sa tinutukoy ng kaniyang kausap."I don't actually know. Pero ang alam ko, bachelor's degree lang daw ang natapos niya.""Bachelor's degree lang?""Oo."Kaya pala.Mas mababa ang antas ng edukasyon ni Trixie kaysa kay Wendy at hindi rin ito kasing-kaakit-akit. Normal lang na
last updateHuling Na-update : 2025-03-25
Magbasa pa

Kabanata 115

"That's great," mabilis na sagot ni Helios. "I’ll let Yanyan know. She’ll be thrilled." "Sige, ikaw na ang bahala," sagot ni Trixie. "Do you want to set the time, or should I handle it?" "Ikaw na ang mag-ayos," sagot ni Trixie, walang pakialam na parang isa lang itong ordinaryong plano. "Alright," sagot ni Helios, ngunit may bakas ng kasiyahan sa boses nito. Matapos ang tawag, nagtungo si Trixie sa banyo upang maligo. Dahil medyo maaga pa, sinimulan niyang basahin ang pinakabagong balita tungkol sa larangan ng AI sa iba't ibang bansa. Kinaumagahan, kakatapos pa lang ni Trixie sa kaniyang almusal nang biglang tumawag ulit si Helios. "Pinag-usapan namin ni Yanyan kagabi," sabi ni Helios. "Gusto raw niyang mag-ice skating. Ms. Salvador, marunong ka bang mag-ice skate?" "Oo naman," sagot ni Trixie nang walang pag-aalinlangan. "Really?" tugon ni Helios na tila nagtataka. "I didn’t expect that." "Why? Sa tingin mo ba, wala akong alam sa mga gano’n?" balik ni Trixie. Medyo
last updateHuling Na-update : 2025-03-25
Magbasa pa

Kabanata 116

Pagkatapos magpalit ng damit at magsuot ng boots, nagsimula na silang mag-skate. Masigla si Yanyan, pero halata sa kanyang kilos na hindi pa siya sanay. Kaya naman, maingat na hinawakan ni Trixie ang kamay ng bata at dahan-dahang tinuturuan ito ng tamang balanse at galaw. "Step lang ng maliit, Yanyan. Huwag kang magmadali," mahinahong turo ni Trixie, nakangiti habang inaalalayan ang bata. Tumawa si Yanyan nang bahagya siyang madulas. "Ate Ganda, parang hindi ko ata kaya!" "Kaya mo 'yan," sagot ni Trixie na hinigpitan pa ang hawak sa bata. "Dahan-dahan lang tayo, okay?" Malapit lang sa kanila si Helios, naglalakad sa gilid ng rink habang pinagmamasdan silang dalawa. Kahit na panatag siyang nasa tabi ni Trixie si Yanyan, hindi mawala sa kanya ang pag-aalala. Marami kasing tao sa rink noong araw na iyon, pamilya, magkaibigan, at ilang baguhang skater na madalas matisod. Nang makita niyang muntik nang madulas si Yanyan kanina, hindi na siya lumayo pa. Mas pinili niyang sundan s
last updateHuling Na-update : 2025-03-25
Magbasa pa

Kabanata 117

Nang magtanghalian, iniwan na nila ang skating rink at nagtungo sa isang kalapit na restaurant para magtanghalian.Pagkaupo nila, iniabot ni Helios kay Trixie ang menu at sinabing, "You can choose what to order for us."Tumingin lang saglit si Trixie sa kanya bago kinuha ang menu at tahimik na sinuri ito. Habang nag-iisip pa siya, biglang sumingit si Yanyan."Ate Ganda, ano po ulit ang pangalan ninyo?" tanong ng bata, puno ng inosenteng kuryosidad.Napangiti si Trixie sa tawag ng bata. "Trixie. Ang pangalan ko ay Trixie Salvador." Saglit siyang tumigil, saka idinagdag, "You can just call me Tita Trixie. Medyo naaanxious ako kapag may 'Ganda' pa, when I'm not that beautiful."Naningkit ang mga mata ni Yanyan, halatang hindi sang-ayon sa sinabi nito. "Pero maganda ka naman po talaga," bulong ng bata, parang gustong magprotesta pero piniling magpaubaya. Sa huli, tumango na lang siya. "Okay po... Tita Trixie."Ngumiti si Trixie at hinaplos ang maliit na mukha ni Yanyan, malambing na paran
last updateHuling Na-update : 2025-03-26
Magbasa pa

Kabanata 118

Hindi pa nagtatagal si Trixie sa banyo nang biglang narinig niya ang usapan ng mga staff ng sales office sa labas ng cubicle na ino-occupy niya. "Ang galing din pumili ni Mr. Valderama, ‘no? Ang ganda ng girlfriend niya." "Oo nga, ang ganda rin ng nanay ng girlfriend niya, napaka-elegante at maayos kumilos. Ang importante pa, kahit ‘yung asawa at biyenan niya, sinusunod lang ang gusto niya, sobrang spoiled talaga! Tignan mo sila tapos tignan mo ‘yung asawa at biyenan ko... nakakainis talaga!" "Di ba? Sobrang bait pa ni Mr. Valderama sa girlfriend niya. Ni hindi pa nga sila kasal, pero bumili na siya ng villa na mahigit 600 million para sa pamilya nito. Grabe, winner talaga sa buhay ‘yung babae na ‘yon!" Paglabas ni Trixie mula sa banyo, sampung minuto na ang lumipas. Hindi man niya aminin sa sarili, nanunuot sa kaniyang kalamnan ang pait mula sa usapan ng dalawang babaeng iyon. Matapos nilang maghapunan ni Racey, bigla niyang naisipang pumunta sa sanatorium. Narating na
last updateHuling Na-update : 2025-03-26
Magbasa pa

Kabanata 119

Pagkatapos ibaba ang tawag, bumalik si Trixie sa kanyang gawain. Halos buong gabi ay inubos niya sa pagbabasa at pagkalap ng kaalaman. Bandang alas-nuebe ng gabi, matapos mababad ang kanyang isipan sa mga impormasyong pinag-aralan niya, mas gumaan na ang kanyang pakiramdam.Sakto naman, biglang tumawag si Casper."Gusto mo bang lumabas at maglibang?" tanong nito sa kabilang linya.Bahagyang nag-alinlangan si Trixie, pero napagpasyahan niyang sumang-ayon. Kailangan din naman niyang magpahinga kahit sandali.Makalipas ang kalahating oras, dumating na si Trixie sa bar na kanilang napagkasunduan. Sinalubong siya ni Casper sa pintuan, suot ang karaniwan niyang nakangising ekspresyon."Uy, ikaw pala 'yan!" biro ni Casper, sabay tingin mula ulo hanggang paa. "Akala ko magsusuot ka ng pamburol. Buti naman at normal pa rin ang outfit mo."Napangiti si Trixie. "Sira ka talaga.""Gusto mo bang uminom?" tanong ni Casper, nakangiti pa rin.Saglit na nag-isip si Trixie bago sumagot, "Sige, inom ta
last updateHuling Na-update : 2025-03-26
Magbasa pa

Kabanata 120

Pinakilala sila ni Professor Soma na may malamig na ekspresyon, "Mr. Gael Camero, Mr. Ernest Turner, ang estudyante kong si Ms. Trixie Salvador." Nakita na ni Trixie ang mga ito sa balita noon. Ang isa sa kanila ay may mataas na posisyon sa militar, at ang isa naman ay isang kilalang personalidad sa larangan ng politika. Ngunit sa kabila ng kanilang mga impluwensiya, malumanay ang kanilang pakikitungo kay Trixie. Nakipagkamay sila rito at sinabing, "I've heard so much about you from Prof, Ms. Salvador." Bagamat medyo nagtataka si Trixie, nanatili siyang kalmado. Magalang niyang kinamayan ang dalawa at tumugon, "Ako po dapat ang nagsasabi niyan sa inyo. It's a pleasure to meet such powerful figure in our country." Ngumiti sina Mr. Camero at Mr. Turner at inanyayahan siyang maupo. Nang makaupo na siya, nagsalita si Mr. Camero, "Matagal na naming nais makilala ka, pero palaging abala ang lahat kaya hindi natutuloy. Nitong mga nakaraang araw, pinag-aaralan ng mga tauhan namin ang s
last updateHuling Na-update : 2025-03-26
Magbasa pa
PREV
1
...
101112131415
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status