Home / Romance / The Zillionaire's Abandoned Wife / Kabanata 121 - Kabanata 130

Lahat ng Kabanata ng The Zillionaire's Abandoned Wife: Kabanata 121 - Kabanata 130

146 Kabanata

Kabanata 121

Pagkauwi ni Trixie mula sa unexpected meeting na iyon, halos kakarating pa lang niya sa bahay nang tumawag si Casper. Agad niyang sinagot ang tawag."Hello?" sagot ni Trixie, halatang pagod."I heard from Professor Soma na isinama ka niya somewhere kanina. Ano bang meron?" tanong ni Casper, bakas sa boses niya ang pag-aalala."Ah, oo..." Saglit na nag-isip si Trixie, parang sinusubukang buuin sa isip ang mga nangyari. "Pinatawag ako ni Prof. Soma para sa isang lunch meeting... tapos pagdating ko ro'n, andun na sina Mr. Gael Camero at Mr. Ernest Turner.""Wait... what?" biglang sumeryoso ang boses ni Casper. "As in the Mr. Camero and Mr. Turner?""Oo," sagot ni Trixie. "Nagulat nga rin ako. Hindi ko alam na ganun kalaki ‘yung meeting na ‘yun. Akala ko si Prof. Soma lang talaga ang kakausap sa akin.""Anong pinag-usapan n’yo?" tanong ni Casper, halatang curious."Yung system na ginawa ko," sagot ni Trixie. "Sabi nila pinag-aaralan daw ng team nila ‘yung project ko nitong mga nakaraang a
last updateHuling Na-update : 2025-03-26
Magbasa pa

Kabanata 122

Hindi na nagulat si Emily nang makita si Trixie. Alam na pala niya ito dahil nasabi na iyon ni Wendy sa kanya. Nang makita niyang naroon si Trixie, na asawa ni Sebastian, ngunit parang ordinaryong empleyado lang na naghihintay sa kanyang pinsan bago makapagpatuloy sa trabaho, hindi naiwasang magpakita ng bahagyang pang-aasar ni Emily. Wala namang pakialam si Trixie kung bakit naroon si Emily at nakasuot ng professional na kasuotan. Ipinagwalang-bahala niya ito at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Lumapit si Wendy at magalang na humingi ng paumanhin, "Pasensya na, pinaghintay ko kayo." Seryoso at taos-puso ang tono ni Wendy, pero habang siya'y nagsasalita, tanging sina Michael at Casper lang ang kanyang tinitingnan. Ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Trixie. Halatang hindi siya kasali sa pinagpapakumbabaan ni Wendy. Hindi naman nakatutok kay Trixie ang atensyon ni Michael, kaya hindi na rin niya pinansin ang mga detalyeng iyon. Bagkus, tumugon siya ng mad
last updateHuling Na-update : 2025-03-26
Magbasa pa

Kabanata 123

Pagkaalis nila sa Techspire at pagsakay sa kotse, halatang inis pa rin si Casper. Tahimik itong nakatitig sa daan habang madiin ang hawak sa manibela. Nang hindi na nakatiis, bigla siyang nagtanong, "Siyanga pala, sino 'yung babaeng naka-business suit na nasa likod ni Wendy kanina? Parang hindi maganda 'yung tingin niya sa'yo. Kilala mo ba siya?" Mabilis na lumingon si Trixie, na tila nagugulat na napansin iyon ni Casper. "Ah... pinsan ni Wendy." Napakunot-noo si Casper. "Pinsan? Tsk..." Napailing siya, tila may naisip na hindi niya nagustuhan. "That jerk of a husband... hindi lang pala pinapunta si Wendy sa Techspire, pati mga kamag-anak niya libre na rin maglabas-masok doon? Sa ugali niya, I won’t be surprised kung one day maging 'Bolivar Techspire' na pangalan ng kumpanya." Napakagat-labi si Trixie at tumingin sa bintana. Pareho lang pala sila ng iniisip ni Casper. "Oo," sagot niya nang malamig. Napabuntong-hininga si Casper, pero halata pa rin sa mukha niya ang inis. "Kun
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Kabanata 124

Ang mga araw na abala ay laging mabilis lumipas.Hindi namalayan ni Trixie na Biyernes na naman.Nang umaga ng araw na iyon, bagong gising pa lang siya nang tumawag si Helios."Si Yanyan gusto raw mag-camping," sabi nito.Napaisip si Trixie. "Magpapalipas ba kayo ng gabi roon?""Oo," sagot ni Helios. "Huwag kang mag-alala, may magbabantay sa inyo para sa kaligtasan niyo. Ako na ang bahala sa mga sleeping bag, tent, heater, at iba pang gamit. Pumunta ka na lang.""Okay," sagot ni Trixie.Kinabukasan, Sabado ng umaga, bumalik si Trixie sa bahay ng mga Salvador para kumain at magtanong tungkol sa bagong proyekto ni Shaun. Sa kabila ng mga agam-agam niya tungkol sa deal na inalok ni Helios, nais pa rin niyang makasigurong magiging maayos ang lahat.Nadatnan niyang abala si Shaun sa veranda, may hawak na tasa ng kape habang nakatuon sa kanyang laptop. Lumapit siya at naupo sa tapat nito.“Good morning, Tito,” bati ni Trixie.“Morning,” sagot ni Shaun nang hindi inaalis ang tingin sa screen
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Kabanata 125

Nagpatuloy sila sa paglalaro kasama si Yanyan hanggang sa lumalim ang hapon. Mabilis lumipas ang oras. Pagsapit ng dapithapon, nagsimula nang dumilim ang paligid. Amoy na rin sa ere ang mabangong usok mula sa barbecue grill, at nag-iilawan na ang mga tent. Maraming tao ang nagpunta sa camping na iyon. Bagamat hindi dikit-dikit ang mga tent, ramdam pa rin ang kasiglahan sa paligid. "May bonfire party daw mamaya," dagdag pa ni Helios. "Ayos lang ako," sagot ni Trixie, tila umiiwas sa ideya ng masyadong maraming tao. “Gusto mo ba ng seafood?” tanong ni Helios habang iniabot kay Trixie ang ilang skewer. Nag-aalanganin si Trixie, pero kinuha rin niya ito. “Salamat.” Magpapaliwanag pa sana si Helios nang biglang tumunog ang cellphone niya. Si Ysabel ang tumatawag. Lumayo nang kaunti si Helios bago sinagot ang tawag. "Mag-iinom ka ba mamaya?" tanong ni Ysabel. "No. You guys go ahead," sagot ni Helios, malamig ang boses. "Ano bang ginagawa mo?" Sakto namang lumapit si Yanyan bitbi
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Kabanata 126

Habang nasa campsite, ilang beses nang tumunog ang cellphone ni Helios. Alam ni Trixie na mga tawag iyon mula sa trabaho, narinig pa nga niya minsan na binanggit sa kabilang linya ang tungkol sa isang "urgent deal." Ngunit sa halip na sagutin, mabilis lang na pinatay ni Helios ang tawag at ibinulsa ang telepono. Sa ikatlong beses na narinig niya itong nag-ring, napatingin si Trixie. "May kailangan ka ata sa trabaho," komento niya, pilit na walang emosyon sa boses. "No, that can't wait," sagot ni Helios, saka ngumiti. Hindi agad nakasagot si Trixie. Para bang madali lang para kay Helios na iisantabi ang trabaho, bagay na hindi niya inaasahan mula rito. Nakapaggawa na si Trixie ng ilang paruparo, na labis namang ikinatuwa ni Yanyan. Maingat na isinilid ng bata ang mga iyon sa kanyang bulsa na parang kayamanang ayaw mawala. "Ang ganda-ganda po nito!" masiglang sabi ni Yanyan, sabay yakap kay Trixie. "Gagawa ka pa po, di ba?" "Oo naman," sagot ni Trixie, pilit na ngumiti. Habang
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Kabanata 127

Mensahe iyon mula kay Sebastian. "Hey, Lola's coming over later to visit your grandma. Why don't we all head to the Salvador house together?" Hindi siya sanay sa ganitong tono mula kay Sebastian. Karaniwan ay tuwid at direkta lang ito kung may iuutos. Ngayon, parang sinubukan nitong maging maingat, na para bang alam nitong baka tanggihan siya ni Trixie. Hindi niya maaaring balewalain ang mensaheng iyon, lalo't kasama si Lola Thallia sa plano. Kaya naman, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Sebastian. Mabilis naman nitong sinagot ang tawag. "Hello," bati nito, medyo nag-aalangan ang tono. "Uhm... Pupuntahan ko muna si Xyza," sabi ni Trixie, sinusubukan na huwag maging masyadong prangka. Hindi naman talaga niya inasahan na gustong sumama ni Sebastian pabalik sa bahay ng mga Salvador. Sa tuwing niyayaya niya ito noon, palaging may dahilan si Sebastian para umiwas. Sandaling natahimik si Sebastian. "Alright," sagot nito sa wakas. Wala man itong pagpilit, may bahagy
last updateHuling Na-update : 2025-03-28
Magbasa pa

Kabanata 128

Nag-alala ang tiyahin niyang si Antonia na baka nagka-trangkaso siya, kaya naman ipinaghanda siya nito ng isang mangkok ng salabat.“Subukan mong inumin ito, hija,” sabi ni Tita Antonia sa malambing ngunit nag-aalalang tinig. “Baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo.”Napilitan si Trixie na inumin iyon. Mainit sa lalamunan, ngunit dama niya rin ang init na iyon na parang kumalat sa buong katawan niya. Maya-maya lang ay bumigat na ang talukap ng kanyang mga mata.Pagkagising niya, pakiramdam niya'y mas lalong bumigat ang ulo niya, na parang dinaanan ng tren ang kanyang sentido.Napansin niyang si Xyza ay nakaupo sa carpet sa may paanan ng kama, tahimik na naglalaro ng kanyang iPad. Nang makita nitong dumilat na siya, agad itong lumapit.“Mommy, are you sick po ba?” tanong ni Xyza, halatang nag-aalala."Oo," mahinang sagot ni Trixie, kasabay ng malalim na buntong-hininga.Hindi nagtagal ay kumalat na ang balita sa buong kabahayanN ng mga Salvador.“Ano? May lagnat si Trixie?” nag-aalala
last updateHuling Na-update : 2025-03-28
Magbasa pa

Kabanata 129

Makalipas ang ilang sandali, bumalik si Sebastian na may dalang tray ng pagkain para kay Trixie. Maingat niya itong inilapag sa lamesita sa tabi ng kama, saka bumalik sa upuan sa sulok ng kwarto kung saan siya dati nang nakaupo. Tahimik lamang itong nagbukas ng libro at muling nagbasa. Nilingon siya ni Trixie. Sa loob-loob niya, alam niyang naroon si Sebastian para tiyaking kakain siya, pero hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi na lang ito lumabas ng kwarto. Hindi naman ito dati ganoon. Napansin ni Trixie ang librong hawak ni Sebastian, pamilyar ito. Napakunot ang kanyang noo nang maalala kung saan niya ito nakita. "Akin n—" Napansin ni Sebastian ang titig niya sa libro at agad itong ngumiti, isang tipid na ngiti na tila ba may lamang pang-aasar. “I know,” sabi nito. “I started reading this at the hot spring villa. Thought I’d skim through it for half an hour, pero… well, some of your ideas were actually interesting. Gave me a few new insights, so I took it home to
last updateHuling Na-update : 2025-03-28
Magbasa pa

Kabanata 130

Natigilan si Trixie. Tanda niya pa kasi hanggang ngayon kung sino ang tinutukoy ni Simone. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha at malamig na nagsalita, "Hindi na, hindi naman talaga ako interesado sa car racing." "Is that so, Ate?" Akala ni Simone ay interesado siya kaya siya nagkuwento. Medyo nagulat ito. "Ate, ang tagal mong nakatingin sa telescope noong araw na ‘yon. I thought you're also interested with that kind of sports..." "May nakita lang akong ilang kakilala doon," sagot ni Trixie. "Ganun ba..." Nang mapansin ni Simone na mukhang hindi talaga siya interesado, hindi na niya ipinilit pa. Tumalikod siya at ipinagpatuloy ang panonood ng replay ng karera ni Wendy. Habang nanonood ay napabuntong-hininga siya, "Sabi nila, hindi na raw muna lalahok si Goddess ko sa mga karera. Nakakamiss siya. Kung hindi siya sasali, ewan ko na lang kung kailan ko ulit siya makikita. Haay..." Himdi gusto ni Trixie ang tinatakbo ng usapang ito, kaya naman nauna na siyang nagpaalam kay
last updateHuling Na-update : 2025-03-29
Magbasa pa
PREV
1
...
101112131415
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status