Added 2 chapters today! This is dedicated to Aviana. Thank you so much for being fond to this book of mine! Super appreciated po talagađ©·
Pagkaalis nila sa Techspire at pagsakay sa kotse, halatang inis pa rin si Casper. Tahimik itong nakatitig sa daan habang madiin ang hawak sa manibela. Nang hindi na nakatiis, bigla siyang nagtanong, "Siyanga pala, sino 'yung babaeng naka-business suit na nasa likod ni Wendy kanina? Parang hindi maganda 'yung tingin niya sa'yo. Kilala mo ba siya?" Mabilis na lumingon si Trixie, na tila nagugulat na napansin iyon ni Casper. "Ah... pinsan ni Wendy." Napakunot-noo si Casper. "Pinsan? Tsk..." Napailing siya, tila may naisip na hindi niya nagustuhan. "That jerk of a husband... hindi lang pala pinapunta si Wendy sa Techspire, pati mga kamag-anak niya libre na rin maglabas-masok doon? Sa ugali niya, I wonât be surprised kung one day maging 'Bolivar Techspire' na pangalan ng kumpanya." Napakagat-labi si Trixie at tumingin sa bintana. Pareho lang pala sila ng iniisip ni Casper. "Oo," sagot niya nang malamig. Napabuntong-hininga si Casper, pero halata pa rin sa mukha niya ang inis. "Kun
Ang mga araw na abala ay laging mabilis lumipas.Hindi namalayan ni Trixie na Biyernes na naman.Nang umaga ng araw na iyon, bagong gising pa lang siya nang tumawag si Helios."Si Yanyan gusto raw mag-camping," sabi nito.Napaisip si Trixie. "Magpapalipas ba kayo ng gabi roon?""Oo," sagot ni Helios. "Huwag kang mag-alala, may magbabantay sa inyo para sa kaligtasan niyo. Ako na ang bahala sa mga sleeping bag, tent, heater, at iba pang gamit. Pumunta ka na lang.""Okay," sagot ni Trixie.Kinabukasan, Sabado ng umaga, bumalik si Trixie sa bahay ng mga Salvador para kumain at magtanong tungkol sa bagong proyekto ni Shaun. Sa kabila ng mga agam-agam niya tungkol sa deal na inalok ni Helios, nais pa rin niyang makasigurong magiging maayos ang lahat.Nadatnan niyang abala si Shaun sa veranda, may hawak na tasa ng kape habang nakatuon sa kanyang laptop. Lumapit siya at naupo sa tapat nito.âGood morning, Tito,â bati ni Trixie.âMorning,â sagot ni Shaun nang hindi inaalis ang tingin sa screen
Nagpatuloy sila sa paglalaro kasama si Yanyan hanggang sa lumalim ang hapon. Mabilis lumipas ang oras. Pagsapit ng dapithapon, nagsimula nang dumilim ang paligid. Amoy na rin sa ere ang mabangong usok mula sa barbecue grill, at nag-iilawan na ang mga tent. Maraming tao ang nagpunta sa camping na iyon. Bagamat hindi dikit-dikit ang mga tent, ramdam pa rin ang kasiglahan sa paligid. "May bonfire party daw mamaya," dagdag pa ni Helios. "Ayos lang ako," sagot ni Trixie, tila umiiwas sa ideya ng masyadong maraming tao. âGusto mo ba ng seafood?â tanong ni Helios habang iniabot kay Trixie ang ilang skewer. Nag-aalanganin si Trixie, pero kinuha rin niya ito. âSalamat.â Magpapaliwanag pa sana si Helios nang biglang tumunog ang cellphone niya. Si Ysabel ang tumatawag. Lumayo nang kaunti si Helios bago sinagot ang tawag. "Mag-iinom ka ba mamaya?" tanong ni Ysabel. "No. You guys go ahead," sagot ni Helios, malamig ang boses. "Ano bang ginagawa mo?" Sakto namang lumapit si Yanyan bitbi
Habang nasa campsite, ilang beses nang tumunog ang cellphone ni Helios. Alam ni Trixie na mga tawag iyon mula sa trabaho, narinig pa nga niya minsan na binanggit sa kabilang linya ang tungkol sa isang "urgent deal." Ngunit sa halip na sagutin, mabilis lang na pinatay ni Helios ang tawag at ibinulsa ang telepono. Sa ikatlong beses na narinig niya itong nag-ring, napatingin si Trixie. "May kailangan ka ata sa trabaho," komento niya, pilit na walang emosyon sa boses. "No, that can't wait," sagot ni Helios, saka ngumiti. Hindi agad nakasagot si Trixie. Para bang madali lang para kay Helios na iisantabi ang trabaho, bagay na hindi niya inaasahan mula rito. Nakapaggawa na si Trixie ng ilang paruparo, na labis namang ikinatuwa ni Yanyan. Maingat na isinilid ng bata ang mga iyon sa kanyang bulsa na parang kayamanang ayaw mawala. "Ang ganda-ganda po nito!" masiglang sabi ni Yanyan, sabay yakap kay Trixie. "Gagawa ka pa po, di ba?" "Oo naman," sagot ni Trixie, pilit na ngumiti. Habang
Mensahe iyon mula kay Sebastian."Hey, Lola's coming over later to visit your grandma. Why don't we all head to the Salvador house together?"Hindi siya sanay sa ganitong tono mula kay Sebastian. Karaniwan ay tuwid at direkta lang ito kung may iuutos. Ngayon, parang sinubukan nitong maging maingat, na para bang alam nitong baka tanggihan siya ni Trixie.Hindi niya maaaring balewalain ang mensaheng iyon, lalo't kasama si Lola Thallia sa plano.Kaya naman, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Sebastian. Mabilis naman nitong sinagot ang tawag."Hello," bati nito, medyo nag-aalangan ang tono."Uhm... Pupuntahan ko muna si Xyza," sabi ni Trixie, sinusubukan na huwag maging masyadong prangka.Hindi naman talaga niya inasahan na gustong sumama ni Sebastian pabalik sa bahay ng mga Salvador. Sa tuwing niyayaya niya ito noon, palaging may dahilan si Sebastian para umiwas.Sandaling natahimik si Sebastian."Alright," sagot nito sa wakas. Wala man itong pagpilit, may bahagyang lungk
Nag-alala ang tiyahin niyang si Antonia na baka nagka-trangkaso siya, kaya naman ipinaghanda siya nito ng isang mangkok ng salabat.âSubukan mong inumin ito, hija,â sabi ni Tita Antonia sa malambing ngunit nag-aalalang tinig. âBaka sakaling gumaan ang pakiramdam mo.âNapilitan si Trixie na inumin iyon. Mainit sa lalamunan, ngunit dama niya rin ang init na iyon na parang kumalat sa buong katawan niya. Maya-maya lang ay bumigat na ang talukap ng kanyang mga mata.Pagkagising niya, pakiramdam niya'y mas lalong bumigat ang ulo niya, na parang dinaanan ng tren ang kanyang sentido.Napansin niyang si Xyza ay nakaupo sa carpet sa may paanan ng kama, tahimik na naglalaro ng kanyang iPad. Nang makita nitong dumilat na siya, agad itong lumapit.âMommy, are you sick po ba?â tanong ni Xyza, halatang nag-aalala."Oo," mahinang sagot ni Trixie, kasabay ng malalim na buntong-hininga.Hindi nagtagal ay kumalat na ang balita sa buong kabahayanN ng mga Salvador.âAno? May lagnat si Trixie?â nag-aalala
Makalipas ang ilang sandali, bumalik si Sebastian na may dalang tray ng pagkain para kay Trixie. Maingat niya itong inilapag sa lamesita sa tabi ng kama, saka bumalik sa upuan sa sulok ng kwarto kung saan siya dati nang nakaupo.Tahimik lamang itong nagbukas ng libro at muling nagbasa.Nilingon siya ni Trixie. Sa loob-loob niya, alam niyang naroon si Sebastian para tiyaking kakain siya, pero hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi na lang ito lumabas ng kwarto. Hindi naman ito dati ganoon.Napansin ni Trixie ang librong hawak ni Sebastian â pamilyar ito. Napakunot ang kanyang noo nang maalala kung saan niya ito nakita."Akin nâ"Napansin ni Sebastian ang titig niya sa libro at agad itong ngumiti â isang tipid na ngiti na tila ba may lamang pang-aasar.âI know,â sabi nito. âI started reading this at the hot spring villa. Thought Iâd skim through it for half an hour, pero⊠well, some of your ideas were actually interesting. Gave me a few new insights, so I took it home to finish.â
Natigilan si Trixie. Tanda niya pa kasi hanggang ngayon kung sino ang tinutukoy ni Simone. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha at malamig na nagsalita, "Hindi na, hindi naman talaga ako interesado sa car racing.""Is that so, Ate?" Akala ni Simone ay interesado siya kaya siya nagkuwento. Medyo nagulat ito. "Ate, ang tagal mong nakatingin sa telescope noong araw na âyon. I thought you're also interested with that kind of sports...""May nakita lang akong ilang kakilala doon," sagot ni Trixie."Ganun ba..." Nang mapansin ni Simone na mukhang hindi talaga siya interesado, hindi na niya ipinilit pa. Tumalikod siya at ipinagpatuloy ang panonood ng replay ng karera ni Wendy.Habang nanonood ay napabuntong-hininga siya, "Sabi nila, hindi na raw muna lalahok si Goddess ko sa mga karera. Nakakamiss siya. Kung hindi siya sasali, ewan ko na lang kung kailan ko ulit siya makikita. Haay..."Himdi gusto ni Trixie ang tinatakbo ng usapang ito, kaya naman nauna na siyang nagpaalam kay Simo
Nahawakan naman agad ang lalaki upang hindi makatakas, ngunit bakas sa mukha ni Sebastian ang labis na pag-aalala. Agad niyang binuhat si Wendy at mabilis na isinakay sa kotse.Mabilis na nawala ang sasakyan sa paningin nina Trixie at Casper.Napuno ng katahimikan ang paligid habang minamasdan nina Trixie at Casper ang mabilis na pag-alis ng sasakyan ni Sebastian. Kasabay ng tunog ng makina ang pagkalat ng dugo sa sahig ng parking lot, nag-iiwan ng pulang marka sa sementong tila hindi agad mabubura.Huminga nang malalim si Casper bago hinawakan ang braso ni Trixie. "Tara na."Saglit siyang natigilan. Hindi niya alam kung ano ang iniisip niya sa mga oras na iyon, kung dapat ba siyang mag-alala sa nasugatan o dapat ba niyang ipikit ang mga mata at kalimutan ang lahat ng nangyari sa gabing ito.Napaiwas ng tingin si Trixie, saka mahina ngunit walang kasiguraduhang sumagot, "Oo..." Sa nangyari, hindi na natuloy ang balak nina Trixie at Casper na mag-inom dahil parehong nawalan na sila n
Nararamdaman pa rin ni Trixie ang bigat sa kanyang dibdib habang naglalakad sa hallway ng Techspire. Matagal na niyang gustong isara ang kabanatang ito sa kanyang buhay, ang kabanata ng pagtatrabaho sa kumpanyang pag-aari ni Sebastian. Ngunit kahit natapos na nila ni Casper ang kanilang mga tungkulin, hindi pa rin siya ganap na nakahinga nang maluwag.Ang tanong na matagal nang bumabagabag sa kanya ay nananatili pa rin. Kailan ba talaga matatapos ang lahat sa pagitan nila ni Sebastian?Ito nga ang gusto niyang pag-usapan kagabi. Pero tulad ng dati, bigla na lang itong umalis at tila nalimutan ang pangako nitong mag-uusap sila. Hindi na siya nagulat. Sa nakalipas na tatlong buwan, palagi na lang siyang nauuna, palagi siyang naghihintay."Just divorce him already, no questions needed," malamig na sabi ni Casper habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.Bahagyang tumingin si Trixie sa malayo. Oo nga, naisip niya. Pagdating ng tanghali, nabalitaan nila mula kay Dr. Ziloah na maayos na
Hindi nagtagal, lumapit si Sebastian, tila narinig nito ang pagtanggi ni Casper na sumama sa kanila.Lumapit ito, iniabot ang kamay kay Casper at magalang na nagsabi, "Then we will leave first. I hope that Mr. Yu will do me a favor next time.""Of course," tugon ni Casper.Tipid na ngumiti si Sebastian, tapos ay tumingin kay Trixie saglit, at saka tumalikod upang umalis kasama sina Wendy at ang iba pang naghihintay sa kanya sa may pintuan.Matapos ang tanghalian, bumalik din agad sina Casper at Casper sa Techspire.Makalipas ang ilang sandali, dumating din sina Wendy at ang kanyang mga kasamahan.Nang mag-aalas-sais na ng gabi, natapos na sina Trixie at Casper sa kanilang trabaho sa araw na iyon at nagpasya nang umalis.Ang natitirang gawain ay maaari namang dahan-dahang tapusin sa susunod na mga araw.May oras pa sila rito, kaya hindi kailangang magmadali.Ngunit tila abala pa rin sina Wendy at ang iba pa, at wala pa silang balak umuwi.Nagsalita si Bright nang makita niyang mukhang
Ngunit sa isang banda, naisip ng lalaki maaaring may punto nga si Casper dahil base na rin sa mga nasagap niyang tsismis sa mga kaibigan ng team ng babae.Sa puntong ito, napabuntong-hininga si Bright at nagpatuloy, "Ewan ko ba kung dapat ko pang sabihin 'to, pero sobrang swerte talaga ni Ms. Bolivar."Pagkasabi nito, bago pa makapag-react sina Trixie at Casper, nagpatuloy pa si Bright sa medyo pabulong na tono, "Alam niyo ba? Nag-overtime ng dalawang araw noong Sabado at Linggo ang team ni Ms. Bolivar, pero wala pa rin halos progreso sa kanilang proyekto. Kaya kagabi, mga bandang alas-siyete, bumalik sa kumpanya si President para tulungan si Ms. Bolivar ayusin ang core ng proyekto. Sa wakas, doon pa lang sila nagkaroon ng progreso."Hindi na masiyadong nagulat sina Casper, ngunit nagkatingan silang muli ni Trixie. Waring iisa na ang iniisip ng isaât-isa. "Tapos, eto na ang mahalagang parte."Nagpatuloy si Bright na may makahulugang tono, "Narinig ko na si President at Ms. Bolivar ay
Habang bumababa sa hagdan, si Xyza naman ang patakbong hinabol siya. Nagmakaawa si Xyza na ihatid siya ni Trixie sa paaralan, pero agad tumanggi si Trixie. "Hindi ko rin nadala ang sasakyan ko, anak. Sa susunod na lang." Wala naman itong kaso kay Xyza, kumatwiran agad siya sa ina. "Edi gamitin mo na lang Mommy 'yung sasakyan ni Dad! Tatawagan ko po si Daddy, for sure I can get his permission." Hindi pa nakakasagot si Trixie, tinawagan na agad ni Xyza si Sebastian. Mabilis namang nasagot ang tawag sa kabilang linya. Nang marinig ni Xyza ang boses sa kabilang linya, halos mapasigaw siya sa pangalan ng kausap. Pero nang makita niyang nakatingin si Trixie sa kanya, agad niyang pinigil ang sarili at nagkunwaring wala lang. "Oh, nevermind na lang po, Titâ," sabi niya saka ibinaba ang tawag. Akala ni Xyza ay naitago niya ito nang maayos, pero agad napansin ni Trixie na muntik nang mabanggit ni Xyza ang pangalan ni Wendy. Ibig sabihin, si Wendy ang sumagot ng tawag. Nakaramdam ng
Pagkaalis ni Xyza, nahanap ni Trixie ang kanyang libro pero hindi siya bumalik sa kanyang kwarto. Sa halip, dinala niya ito sa ikalawang palapag at umupo sa tabi ng French window upang doon magbasa.On that kind of place, she can finally get her peace.Makalipas ang kalahating oras, dumating si Lola Thallia na may dalang palayok ng gamot inangkat pa mula sa China. Ang matandang ginang ay madaming kaibigan mula sa bansang iyon kaya madali siyang maimpluwensiyahan nito.."Trixie, nandito lang palang bata ka," sabi ng matanda.Ibinaba ni Trixie ang kanyang libro at tumayo para salubungin si Lola Thallia."Lola, bakit pa po kayo nag-abalang umakyat? Pwede niyo naman pong ipatawag na lang ako sa ibaba para inumin ito.""Mahina pa katawan mo kaya dapat ka pang magpahinga at umiwas sa paglalakad nang sobra. Ngunit hindi ko naman akalaing aabot ka sa palapag na ito."Umupo ang matandang ginang sa kabilang sofa at may bahagyang inis sa boses nang sabihin niyang, "Gusto ko sanang ipaakyat kay S