Gusto sanang tumulong ni Trixie sa kusina, pero itinulak siya ng matanda palabas. Wala nang nagawa si Trixie kundi umupo sa sofa. Nandoon din sina Xyza at Sebastian. Abala si Seb sa kanyang cellphone, habang si Xyza naman ay naglalaro ng kanyang rubik's cube. Tahimik ang lahat at walang nagsasalita. Sakto namang may gustong pag-usapan si Casper kay Trixie. Tiningnan ni Trixie ang mensaheng ipinadala nito at agad sumagot. Sa sobrang abala niya, hindi niya napansin na lumabas na pala si Thallia mula sa kusina. Samantalang si Sebastian ay naibaba na ang kanyang cellphone. Nagmadali rin tuloy ibinaba ni Trixie ang kanya.. "Lola..." tawag niya. Tiningnan ng matanda ang tatlo at napabuntong-hininga. "Kayo talaga..." Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin kaya dumiretso na lang siya sa tabi ng babae at naupo. "Ano bang pinagkakaabalahan mo?" tanong nito kay Trixie. "Trabaho lang po sa kumpanya..." sagot ni Trixie. Napasinghap ang matanda at itinuro si Sebastia
WARNING⚠️⚠️ ⚠️: READ AT YOUR OWN RISK. Ang kwarto ay tahimik maliban sa mahina at tuluy-tuloy na ugong ng air conditioning. Nakatagilid si Trixie sa kanyang bahagi ng kama, nakatalikod kay Sebastian. Mabagal na ang paghinga niya, tanda na unti-unti na siyang dinadalaw ng antok. Nakahiga naman si Sebastian sa kanyang likuran, nakatitig sa kisame. Gumalaw siya nang bahagya, pakiramdam niya ay hindi siya mapakali. Mainit ang pakiramdam ng katawan niya, para bang kumikiliti ang bawat himaymay ng kanyang balat. Hindi ito normal para sa lalaki, dahil kadalasan ay kalmado siya, ngunit ngayon ay pakiramdam niya ay nanlalaban ang kanyang sarili. Mabigat siyang bumuga ng hininga bago lumingon kay Trixie. Nakalatag sa unan ang mahaba nitong buhok, at ang makinis niyang mga binti ay bahagyang nakalabas sa ilalim ng kumot. Ang damit na suot nito ay umangat nang bahagya, nahahantad ang hubog ng kanyang hita. Muling napalunok si Sebastian sa kaniyang nakikita ngayon, ramdam niya
Pagmulat ng mga mata ni Trixie, parang may malabong ulap sa kanyang isipan. Naninibago siya sa bigat ng kanyang ulo, para bang naparami ang nainom niya kagabi, kahit alam naman niyang ni hindi siya naglakad palabas ng kwarto nila. Mabagal siyang bumangon, napansin niyang siya na lang ang nasa kama. Muli siyang dumapa sa unan, naramdaman pa niya ang banayad na halimuyak ng shampoo ni Sebastian na lumapat doon. Bakit parang... Umiling siya at pinilit burahin ang alaalang tila pilit na lumulutang sa kanyang isipan. Mga halik, mga dampi ng palad sa kanyang balat, at init na tila bumalot sa kanila kagabi? Ano? Napapikit siya, sinapo ang ulo na tila sumasabog sa sakit. "Ano bang nangyari kagabi?" tanong niya sa sarili. Matapos maghilamos, magbihis, at bumaba, nakita niyang gising na rin ang matandang ginang. Nakangiti ito habang naghahanda ng almusal. “Ang tagal mong gumising, hija,” biro ng matanda. “Mukhang napagod ka kagabi, ah?” Natigilan si Trixie, nagtatakang napangiti.
Iniisip pa rin ito ni Trixie nang makaramdam siya ng kirot sa lalamunan at parang sumikip bigla ang pakiramdam niya sa loob ng sasakyan.Ibinaba niya ang tingin at nagtangkang buksan ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin, pero sandali siyang natigilan bago pindutin ang button.Sa huli, hindi na lang niya iyon pinindot. Sa halip, tumingin na lang siya sa labas ng bintana.Hindi niya namalayan kung gaano katagal sila nagbiyahe hanggang sa marating nila ang paaralan ni Xyza. Bumaba siya para ihatid si Xyza, habang nanatili naman si Sebastian sa loob ng sasakyan.“Daddy…” tawag ni Xyza, parang umaasang bababa ito gaya ng dati.“I have something to do,” malamig na sagot ni Sebastian.“Oh…” sagot ni Xyza, halatang nadismaya.Alam ni Trixie na tuwing inihahatid nina Sebastian at Wendy si Xyza noon, laging bumababa si Sebastian para ihatid mismo ang bata sa loob ng paaralan. Pero ngayon, siya na ang nasa sitwasyon na iyon. Hindi niya alam kung may gagawin ba talaga si Sebastian o a
Pagkauwi nila sa bahay, gising pa rin ang matandang ginang. Nang makita nitong si Trixie ay talagang dumating sakay ng sasakyan ni Sebastian, tila nabawasan ang kanyang mga alalahanin. Bumalik ito sa kanyang kwarto at natulog nang panatag ang loob. Pag-akyat ni Trixie sa kanyang kwarto, agad siyang kumuha ng cellphone at tinawagan ang kanyang Tito Shaun. “Hello, Tito?” bati ni Trixie nang sagutin nito ang tawag. “Oh, Trixie,” sagot ni Shaun. “Anong balita?” “Pumayag na po si Sebastian,” sagot niya, bahagyang lumuwag ang pakiramdam. “Okay na raw na bilhin natin yung villa.” “Talaga?” Masayang tugon ni Shaun. “Aba, buti naman! Hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa mga bata. Salamat at pinakiusapan mo si Sebastian.” “Wala naman po ‘yun,” sabi ni Trixie. “Pero… mukhang hindi natuwa si Wendy.” “Ha?” Tumawa si Shaun sa kabilang linya. “Kailan pa naman ‘yun naging masaya sa kahit anong may kinalaman sa’yo?” Bahagyang natawa rin si Trixie. “Tama ka po riyan.” “Anyway,” dagdag ni
Nakatitig pa rin si Trixie sa papalayong likuran ng lalaki. Mula nang ikasal sila, halos hindi na siya humingi ng anumang bagay kay Sebastian para hindi na siya makaabala pa rito.Habang iniisip niya iyon, napagtanto niyang ito ang kauna-unahang bagay na kusang ibinigay nito sa kanya sa loob ng maraming taon.Isinantabi na lang niya iyon. Tiniklop ang titulo ng bahay at inilagay ito sa drawer.Makalipas ang dalawa o tatlong araw na sunod-sunod na pagkaabala, sa ikaapat na araw ay medyo gumaan na rin ang gawain ni Trixie.Dahil sa mga nagdaang araw na parehong abala sila ni Sebastian, hindi na rin niya nagawang makasama nang madalas si Xyza.Tanghali noon nang tumawag si Xyza at nagtanong kung may oras ba siya. Sinabi pa nitong matagal na mula noong huli siyang sumundo sa paaralan pagkatapos ng klase. Nang marinig iyon ni Trixie at naisip na wala na rin naman siyang gaanong trabaho, kaya maaga siyang umuwi ng hapon na iyon upang sunduin si Xyza mula sa paaralan. Pagdating sa bahay,
Natigilan si Trixie. Pati si Casper ay nagulat. Tumingin ito kay Trixie at mahina ngunit may pagtatakang nagtanong, "Bakit naman kaya gusto kang kausapin ni Mr. Valderama, Guro? Can you tell us about that?" "Sabi niya may ipapakilala siya sa akin," sagot ni Professor Soma bago tuluyang ibinaba ang cellphone. Tumingin si Casper kay Trixie at mahinang nagtanong, "Yung taong ipakikilala ng asawa mo... hindi kaya si Wendy yun?" Noong nakaraang na nakasalamuha nila ang mga tao sa pamilya Bolivar, nalaman nilang mayroon ding sariling kompanya sa larangan ng teknolohiya ang mga ito. Ang dahilan kung bakit noon ay gustong magtrabaho ni Wendy sa kanilang kumpanya ay dahil sa kanilang programming language na PYXIS. At ayon sa mga balita, inaakala ng lahat na si Professor Somai mismo ang nanguna o founder pagbuo ng programming language na iyon. Ngayon na hindi makapasok si Wendy sa kanilang kumpanya, posible ngang makipag-ugnayan ito kay Professor Soma upang pag-aralan ang PYXIS. At maaar
Matapos maghintay sandali ni Trixie sa ibaba, bumaba na rin sina Xyza at Sebastian. Pagdating nila sa hot spring villa, nagpunta sa balcony si Sebastian upang tumawag sa cellphone. Habang inaayos naman ni Trixie ang kanilang mga damit sa kwarto, pumasok ang matandang ginang at iniabot sa kanya ang isang kahon. Pabulong na sabi nito, "Ito ang damit na inihanda ni Lola para sa'yo. Huwag mong kalimutang isuot ito mamaya kapag maliligo ka na sa hot spring." Tiningnan ni Trixie ang mukha ng matanda at agad na naisip kung ano ang laman ng kahon. Medyo nailang siya. "Lola, nagdala naman po ako ng sarili kong-" "Huwag kang mag-alala, hindi ito kung ano'ng iniisip mo. Kung ayaw mong maniwala, buksan mo na lang at tingnan." Binuksan ni Trixie ang kahon. Tulad ng inaasahan niya, ito ay isang set ng panloob na damit. Ngunit ang disenyo nito ay hindi naman nalalayo sa karaniwan niyang isinusuot. Matapos itong tingnan ni Trixie, medyo nakahinga siya nang maluwag. Ngumiti ang matandang gin
Dumating na ang araw ng graduation nilang tatlo.Mainit ang araw pero mas mainit ang pakiramdam ni Elijah habang pinagmamasdan si Trixie sa entablado. Ang ganda nito sa suot nitong toga, ang liwanag ng ngiti habang katabi si Sebastian.Sa camera ng phone niya, naka-zoom si Trixie. Kahit si Sebastian ay pinutol niya sa framing. Sa kanya lang dapat nakatuon ang araw na ito. Si Trixie lang.Pagkatapos ng graduation, may simpleng salu-salo sa isang restaurant. Nasa iisang mesa sila, mga close friends ng dalawa, kabilang na si Racey ang babaeng kaibigan ni Trixie. Katabi ni Trixie sa kabilang gilid niya si Sebastian. Si Elijah naman, kahit sa kabilang side niya nakaupo, hindi maalis ang paningin sa kanya.“Uy Elijah,” tawag ni Sarah. “May maganda raw na dumating na bisita, kakilala ni Dean. Baka gusto mong i-meet.”“Girl ba?” tanong niya.“Oo, sobrang classy! Mukhang sosyalin pero approachable.”Nacurious tuloy si Elijah, tumayo at sumunod kay Sarah papunta sa lounge. Pagdating doon, ma
"Trixie! Sebastian! We're soon to graduate! What are your plans, buddies?" sigaw ni Elijah habang lumalapit sa dalawa, may bitbit pang isang baso ng iced coffee sa kamay, halatang galing pa sa canteen.Mula sa kinauupuan nila sa gilid ng campus garden, nagkatinginan ang magkasintahang Trixie at Sebastian. Pareho ang ngiting may tinatago sa dalawa, may lihim na kasi silang plano na hanggang ngayon ay sila lang ang nakakaalam.Malapit na nga silang maka-graduate ng college.And… they are already planning their marriage. Matagal na si Trixie na inalok ng lalaki at matagal na rin siyang naka-oo dito. Mahal nila ang isa’t-isa pareho kaya sa tingin nila ay handa na silang bumuo ng pamilya. Even if they weren't old enough, marriage isn't scary if each other was the one they are marrying. Napansin iyon ni Elijah at mas lalo siyang nag-usisa sa mga kaibigan. “Anong pinagtitinginan niyo diyan, ha? May plano na kayo, 'no? Include niyo naman ako! Ayoko ng nauuna kayo tapos ako, clueless!” bir
Pagbalik ng mga bata, agad tumakbo si Xyza sa ina.“Mommy! Mommy! I made a drawing po! It’s you and me and Tito and Yanyan!”Pinakita nito ang simpleng guhit, may araw sa itaas, at may puso sa gitna ng papel.“Beautiful,” ani Trixie habang hinahaplos ang buhok ng anak.Tiningnan ni Helios ang papel at ngumiti.“You’re quite the artist.”“I drew Daddy din po!” sabay turo sa malayong figure sa likod, na malabo at nakatalikod.Hindi na nagsalita si Trixie. Bagkus, tumingin siya sa anak at hinaplos ang pisngi nito.“You’re enough,” bulong niya.Hindi iyon para kay Helios, hindi para kay Sebastian. Para iyon sa anak niya. Para sa sarili niya. At kahit sino pa ang pumasok o lumabas sa mundong ito, alam niyang buo siya, buo silang dalawa.“Wow. Daddy, you're here too. Are you joining us na po? Mommy, can daddy sit beside me?” tanong ni Xyza, walang muwang sa nagaganap na tensyon.“I think he should sit with Wendy,” tugon ni Trixie, malamig ngunit mahinahon.Nagngitngit si Sebastian sa sago
Pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito, lalo na kapag tumatawa ito sa mga biro ni Helios.Hindi alam ni Sebastian kung gaano siya katagal nakatitig mula sa kabilang mesa habang inaantay ang order nila. Bagama’t nasa piling ni Wendy ang lalaki, ito ay parang wala roon. Nasa kabilang mesa ang isip nito, at ang puso.Mula sa kanyang kinauupuan, malinaw niyang nakikita ang bawat galaw ni Helios. Kung paano nito marahang nilalagay ang baso malapit kay Trixie. Kung paano nito binibigyan ng tissue ni Xyza para hindi mabasa ang palda ng bata. Kung paano nito hinahayaang mag-lean si Yanyan sa balikat niya habang nagkukuwento kay Xyza.Pinapanood niya kung paanong walang kahit katiting na effort si Helios, pero natural itong tanggap sa piling nina Trixie. Sa dami ng taon na sila ni Trixie ang magkasama, hindi niya kailanman naramdaman na ganoon siya kahinahon o ka-“present” para sa pamilya nila.“Ang sweet naman nilang pamilya,” bulong ng isang waiter sa likod nila, na hindi alam na naririn
Tumayo si Helios mula sa pagkaka-upo sa tabi ni Trixie nang mapansin ang mga bagong dating. May bahagyang seryosong ekspresyon sa mukha nito habang pinagmamasdan ang lalaking kararating pa lang.“Sebastian,” tawag niya, kalmado ang tinig ngunit may tinatagong tensyon.Napalingon si Sebastian na tila ayaw gumalaw. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa kaibigan. Ngunit bago pa siya makatanggi, sumingit na si Wendy.“Let’s greet them for a while. It’s your dear friend after all,” wika nito habang hinahawakan ang braso niya, pormal ang ngiti ngunit may bahid ng intensyon sa likod ng mga mata.Ayaw sana ni Sebastian, pero wala rin siyang nagawa. Ang panunulsol ni Wendy ay may bahid na maitim balak. Siguro, gusto lang niyang patunayan na wala nang koneksyon si Sebastian sa dating asawa. O baka gusto lang niyang makita kung ano talaga ang dynamics ngayon.“Alright. But let’s be quick,” sagot ni Sebastian, pinipigilan ang sarili na idagdag ang I don’t want to see either of them tonig
Sa gitna ng pagtawa ni Trixie dahil sa isang production number na comedy skit, naramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cellphone sa bulsa. Nang kunin niya ito at tingnan ay si Racey pala ang natawag. “Hello? " bungad ni Trixie sa kaibigan. Hindi pa niya nakakausap ang babae mula noong gabi na nalasing siya kaya interesado siya sa sasabihin nito. "Are you free today, girly girl? Let's go shopping, or do you prefer bar hopping? You choose. Libre ko.” Masiglang boses ni Racey ang bumungad sa kaniya. "Anong meron? May okasyon ba?” "Wala naman. Gusto ko lang mag-celeb, kakababa ko lang kasi ng bundok matapos akong isama ni Lola para manalangin dun sa mga katutubo niyang friends. I miss the city, that's why.” Paliwanag nito. "You've been doing that yearly, hindi ka pa ba sanay?" Natatawang puna ni Trixie dito. "True ka naman diyan. But wait? Why do I hear strange noises from your background? Nasa labas ka ba?” "Ah, yes. Nasa isang family day to be exact." “Xyza's? E
Kinabukasan, Sabado. Sa simpleng bahay ng pamilya Salvador, puno ng tawanan ang umagang iyon. Nang matapos ang kainan, sumama si Xyza sa kwarto ni Trixie. Humiga sila sa kama habang naglalaro ng mga stuffed toys. "Mommy," bulong ni Xyza habang nilalambing ang braso niya. "You're my favorite person." Naglakbay ang kamay ni Trixie sa buhok ng anak. Mahina niyang hinaplos ito habang pinipilit na huwag maluha. "You’re my most precious, Xyza," mahina niyang sagot. Suot ng mag-ina ang magkaparehong pajama, pink na may maliliit na bear prints. Masayang hinahaplos ni Trixie ang buhok ng anak habang binabasahan niya ito ng isang fairy tale book. "Mommy! Next page, please!" sigaw ni Xyza, habang pumapalakpak. Tumaas ang kilay ni Trixie, kunwaring nagdaramot. “Hmm... should I not?" biro niya. "Pleaaase!" bulalas ng bata, yumakap ng mahigpit sa leeg niya. Tumingin si Trixie sa anak at napuno ang puso niya ng hindi maipaliwanag na saya. Pinili niyang mag-off sa trabaho ngay
Tumayo si Sebastian, mata'y singkipot ng karayom. "Helios, one last question. Do you even remember that we're friends?" malamig niyang tanong. Ngumiti si Helios, isang ngising hindi mo malaman kung pikon o arogante. "And do you even remember that you have a wife waiting for you at home when you are going on dates with Wendy?" Biglang nanahimik sa loob ng opisina. Maliban sa mahinang ugong ng aircon, tanging tensyon na lang ang pumupuno sa paligid. Sinabi na ni Helios noong una pa lang na hindi siya sasagot ng tungkol sa kanilang personal na buhay, but Sebastian insisted. And this is it. Sebastian tasting his own medicine. Nawala ang ngisi sa mukha ni Helios at ibinalik ito sa pagiging seryoso. “Bro–” “Don't call me that when you are doing all these.” Putol nang tila napipikon nang si Sebastian. Hindi kumurap si Helios. Hindi siya nagpadala sa init ng ulo ng lalaki. Ngumisi lang siya, waring lalong nang-aasar. "Sebastian," aniya, kalmado pero mabigat, "it's a personal mat
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi