This chapter is dedicated to Grace Dapatnapo Sucero. Thank youu so much for giving gems and leaving comments. Have good day po! ⸜(。˃ ᵕ ˂ )⸝♡
WARNING⚠️⚠️ ⚠️: READ AT YOUR OWN RISK. Ang kwarto ay tahimik maliban sa mahina at tuluy-tuloy na ugong ng air conditioning. Nakatagilid si Trixie sa kanyang bahagi ng kama, nakatalikod kay Sebastian. Mabagal na ang paghinga niya, tanda na unti-unti na siyang dinadalaw ng antok. Nakahiga naman si Sebastian sa kanyang likuran, nakatitig sa kisame. Gumalaw siya nang bahagya, pakiramdam niya ay hindi siya mapakali. Mainit ang pakiramdam ng katawan niya, para bang kumikiliti ang bawat himaymay ng kanyang balat. Hindi ito normal para sa lalaki, dahil kadalasan ay kalmado siya, ngunit ngayon ay pakiramdam niya ay nanlalaban ang kanyang sarili. Mabigat siyang bumuga ng hininga bago lumingon kay Trixie. Nakalatag sa unan ang mahaba nitong buhok, at ang makinis niyang mga binti ay bahagyang nakalabas sa ilalim ng kumot. Ang damit na suot nito ay umangat nang bahagya, nahahantad ang hubog ng kanyang hita. Muling napalunok si Sebastian sa kaniyang nakikita ngayon, ramdam niya
Pagmulat ng mga mata ni Trixie, parang may malabong ulap sa kanyang isipan. Naninibago siya sa bigat ng kanyang ulo, para bang naparami ang nainom niya kagabi, kahit alam naman niyang ni hindi siya naglakad palabas ng kwarto nila. Mabagal siyang bumangon, napansin niyang siya na lang ang nasa kama. Muli siyang dumapa sa unan, naramdaman pa niya ang banayad na halimuyak ng shampoo ni Sebastian na lumapat doon. Bakit parang... Umiling siya at pinilit burahin ang alaalang tila pilit na lumulutang sa kanyang isipan. Mga halik, mga dampi ng palad sa kanyang balat, at init na tila bumalot sa kanila kagabi? Ano? Napapikit siya, sinapo ang ulo na tila sumasabog sa sakit. "Ano bang nangyari kagabi?" tanong niya sa sarili. Matapos maghilamos, magbihis, at bumaba, nakita niyang gising na rin ang matandang ginang. Nakangiti ito habang naghahanda ng almusal. “Ang tagal mong gumising, hija,” biro ng matanda. “Mukhang napagod ka kagabi, ah?” Natigilan si Trixie, nagtatakang napangiti.
Iniisip pa rin ito ni Trixie nang makaramdam siya ng kirot sa lalamunan at parang sumikip bigla ang pakiramdam niya sa loob ng sasakyan.Ibinaba niya ang tingin at nagtangkang buksan ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin, pero sandali siyang natigilan bago pindutin ang button.Sa huli, hindi na lang niya iyon pinindot. Sa halip, tumingin na lang siya sa labas ng bintana.Hindi niya namalayan kung gaano katagal sila nagbiyahe hanggang sa marating nila ang paaralan ni Xyza. Bumaba siya para ihatid si Xyza, habang nanatili naman si Sebastian sa loob ng sasakyan.“Daddy…” tawag ni Xyza, parang umaasang bababa ito gaya ng dati.“I have something to do,” malamig na sagot ni Sebastian.“Oh…” sagot ni Xyza, halatang nadismaya.Alam ni Trixie na tuwing inihahatid nina Sebastian at Wendy si Xyza noon, laging bumababa si Sebastian para ihatid mismo ang bata sa loob ng paaralan. Pero ngayon, siya na ang nasa sitwasyon na iyon. Hindi niya alam kung may gagawin ba talaga si Sebastian o a
Pagkauwi nila sa bahay, gising pa rin ang matandang ginang. Nang makita nitong si Trixie ay talagang dumating sakay ng sasakyan ni Sebastian, tila nabawasan ang kanyang mga alalahanin. Bumalik ito sa kanyang kwarto at natulog nang panatag ang loob. Pag-akyat ni Trixie sa kanyang kwarto, agad siyang kumuha ng cellphone at tinawagan ang kanyang Tito Shaun. “Hello, Tito?” bati ni Trixie nang sagutin nito ang tawag. “Oh, Trixie,” sagot ni Shaun. “Anong balita?” “Pumayag na po si Sebastian,” sagot niya, bahagyang lumuwag ang pakiramdam. “Okay na raw na bilhin natin yung villa.” “Talaga?” Masayang tugon ni Shaun. “Aba, buti naman! Hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa mga bata. Salamat at pinakiusapan mo si Sebastian.” “Wala naman po ‘yun,” sabi ni Trixie. “Pero… mukhang hindi natuwa si Wendy.” “Ha?” Tumawa si Shaun sa kabilang linya. “Kailan pa naman ‘yun naging masaya sa kahit anong may kinalaman sa’yo?” Bahagyang natawa rin si Trixie. “Tama ka po riyan.” “Anyway,” dagdag ni
Nakatitig pa rin si Trixie sa papalayong likuran ng lalaki. Mula nang ikasal sila, halos hindi na siya humingi ng anumang bagay kay Sebastian para hindi na siya makaabala pa rito.Habang iniisip niya iyon, napagtanto niyang ito ang kauna-unahang bagay na kusang ibinigay nito sa kanya sa loob ng maraming taon.Isinantabi na lang niya iyon. Tiniklop ang titulo ng bahay at inilagay ito sa drawer.Makalipas ang dalawa o tatlong araw na sunod-sunod na pagkaabala, sa ikaapat na araw ay medyo gumaan na rin ang gawain ni Trixie.Dahil sa mga nagdaang araw na parehong abala sila ni Sebastian, hindi na rin niya nagawang makasama nang madalas si Xyza.Tanghali noon nang tumawag si Xyza at nagtanong kung may oras ba siya. Sinabi pa nitong matagal na mula noong huli siyang sumundo sa paaralan pagkatapos ng klase. Nang marinig iyon ni Trixie at naisip na wala na rin naman siyang gaanong trabaho, kaya maaga siyang umuwi ng hapon na iyon upang sunduin si Xyza mula sa paaralan. Pagdating sa bahay,
Natigilan si Trixie. Pati si Casper ay nagulat. Tumingin ito kay Trixie at mahina ngunit may pagtatakang nagtanong, "Bakit naman kaya gusto kang kausapin ni Mr. Valderama, Guro? Can you tell us about that?" "Sabi niya may ipapakilala siya sa akin," sagot ni Professor Soma bago tuluyang ibinaba ang cellphone. Tumingin si Casper kay Trixie at mahinang nagtanong, "Yung taong ipakikilala ng asawa mo... hindi kaya si Wendy yun?" Noong nakaraang na nakasalamuha nila ang mga tao sa pamilya Bolivar, nalaman nilang mayroon ding sariling kompanya sa larangan ng teknolohiya ang mga ito. Ang dahilan kung bakit noon ay gustong magtrabaho ni Wendy sa kanilang kumpanya ay dahil sa kanilang programming language na PYXIS. At ayon sa mga balita, inaakala ng lahat na si Professor Somai mismo ang nanguna o founder pagbuo ng programming language na iyon. Ngayon na hindi makapasok si Wendy sa kanilang kumpanya, posible ngang makipag-ugnayan ito kay Professor Soma upang pag-aralan ang PYXIS. At maaar
Matapos maghintay sandali ni Trixie sa ibaba, bumaba na rin sina Xyza at Sebastian. Pagdating nila sa hot spring villa, nagpunta sa balcony si Sebastian upang tumawag sa cellphone. Habang inaayos naman ni Trixie ang kanilang mga damit sa kwarto, pumasok ang matandang ginang at iniabot sa kanya ang isang kahon. Pabulong na sabi nito, "Ito ang damit na inihanda ni Lola para sa'yo. Huwag mong kalimutang isuot ito mamaya kapag maliligo ka na sa hot spring." Tiningnan ni Trixie ang mukha ng matanda at agad na naisip kung ano ang laman ng kahon. Medyo nailang siya. "Lola, nagdala naman po ako ng sarili kong-" "Huwag kang mag-alala, hindi ito kung ano'ng iniisip mo. Kung ayaw mong maniwala, buksan mo na lang at tingnan." Binuksan ni Trixie ang kahon. Tulad ng inaasahan niya, ito ay isang set ng panloob na damit. Ngunit ang disenyo nito ay hindi naman nalalayo sa karaniwan niyang isinusuot. Matapos itong tingnan ni Trixie, medyo nakahinga siya nang maluwag. Ngumiti ang matandang gin
Sakto namang papasok na si Trixie sa elevator nang makasalubong niya ang kaniyang Lola Thallia. "Tapos na kayo agad?" tanong nito. "Opo, gusto ko na po sanang mamahinga, Lola," sagot ni Trixie. Mukhang may sasabihin pa sana ang matandang ginang, pero nang makita nitong paakyat din si Sebastian para magpalit ng damit, napabuntong-hininga na lang ito. Umaasa talaga itong may mangyayari sa kanila, pero nang makita nitong malayo pa rin ang distansya nilang dalawa, alam niyang wala na namang nangyari. Isa na naman itong bigong plano. Napabuntong-hininga na lang ang matandang ginang at nagsalita. "May kaibigan ako na nagpapagamot dito. She will meet me today, hindi niyo muna ako makikita. Mag-enjoy na lang kayo rito." Pinisil nito nang mahina ang kamay ni Trixie, saka lumingon kay Sebastian. "Huwag mong aawayin si Trixie, naiintindihan mo?" bilin nito. "I know, Lola," sagot ni Sebastian. Nang mga sandaling iyon, bumukas ang isa pang elevator at lumabas si Ysabel. Medyo nagulat
Pagkauwi ni Wendy sa kanyang condo, agad siyang bumagsak sa malambot niyang sofa.Matapos ang maghapong tensyon sa Astranexis, ang gusto na lang niya ngayon ay magpahinga.Sa kabila ng kanyang mahinahong panlabas na kilos kanina, hindi niya maitatangging may bahaging inis na inis siya, lalo na nang makita niyang mukhang matatag pa rin si Trixie. Pero kahit papaano, nakabawi naman siya. Hindi lang siya ang binalewala ni Trixie, kundi pati ang ama niya. Mas magiging madali ang mga susunod kong plano kung si Daddy mismo ang makakaramdam ng insulto.Inabot niya ang may batok at marahang hinilot ang kanyang balikat. Aabutin niya na sana ang basong nakapatong sa lamesita nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Hindi rehistradong numero ang naka-flash ngayon sa screen niya.Napakunot-noo siya.Sino ito?Nag-atubili siyang sagutin, pero sa huli, pinindot niya ang answer button at dahan-dahang inilapit ang cellphone sa kanyang tainga.Sa isang iglap, nanlaki ang kanyang mga mata, at napu
Nang marinig ni Michael ang pangalan ni Mateo Bolivar, agad siyang naging magalang sa kanyang tono. "Ah, kayo po pala si President Bolivar. It’s a pleasure to meet you."Matapos ang maikling pagpapakilala, lumingon si Wendy kay Michael at diretsong nagtanong, "President Camero, nandito ka rin ba to discuss a potential collaboration kay President Yu?""Yes," sagot ni Michael, kaswal na ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang suot na slacks. "And you? Nandito ka rin ba for the same reason?""Oo," sagot ni Wendy, walang pagbabago sa ekspresyon. "Did you get to meet President Yu?"Michael raised a brow. "Hindi. They told me he’s on a business trip."Bahagyang ngumiti si Mateo, pero may halong pag-aalinlangan ang kanyang tono. "Ah, so totoo pala. Akala namin gawa-gawa na naman iyon ng sekretarya niya para hindi kami papuntahin sa itaas."Napakunot ang noo ni Michael. Tiningnan niya ang dalawa, saka ibinaling ang tingin sa reception area ng Astranexis. "You weren’t invited upstairs?"Umi
Bandang alas-singko ng hapon, natapos na ni Sebastian ang kanyang trabaho at agad na tinawagan si Helios."Where are you guys?"Ibinigay ni Helios ang kanilang lokasyon, at hindi na nagdalawang-isip si Sebastian na puntahan sila.Pagdating niya sa lugar, kaagad siyang nakita ni Xyza. Nagliwanag ang mukha ng bata at halos mapatalon sa tuwa."Daddy!" sigaw niya, sabay takbo papunta kay Sebastian.Bagamat mabait sa kanya si Helios at nag-enjoy siya kasama ito at si Yanyan, iba pa rin ang saya na makita ang kanyang ama.Nakasuot pa rin ng business suit si Sebastian, pero iniwan na niya ang kanyang makapal na coat sa sasakyan.Yumuko siya at agad na binuhat si Xyza, pinisil nang bahagya ang kanyang maliit na pisngi."Did you have fun with Tito Helios and Yanyan?"Mas magaan na ang pakiramdam ni Xyza ngayon. Masayang tumango ito. "Opo! Super saya!"Napahalakhak si Yanyan. "Super duper saya namin, Tito Seb! We ate ice cream po, and then we went to the arcade, and then we rode the roller coas
Bandang alas-singko ng hapon, abala pa rin si Trixie sa kanyang trabaho nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Isang pangalan ang lumitaw sa screen, [Xyza calling…]Napatingin siya rito nang ilang segundo bago binalik ang atensyon sa laptop. Hinayaan lang niyang patuloy na tumunog ang telepono hanggang sa tuluyang tumigil.Dalawang araw ang lumipas.Biyernes ng umaga, maaga pa lang ay muling tumawag si Xyza.Tumingin lang si Trixie sa kanyang cellphone, saka ito inilapag sa mesa. Hindi niya ito pinansin at dumiretso na lang sa kusina upang maghanda ng almusal.Sa kabilang banda, sa bahay nina Xyza, halos maitapon na ng bata ang kanyang cellphone sa sama ng loob. Pinipigilan niya ang sarili, pero kitang-kita kay Sebastian ang lungkot sa mukha ng anak. Namumula na ang mga mata nito, tila nagpipigil ng luha habang nakayuko sa kanyang plato."It's been four days..." mahina niyang bulong habang inikot ang kutsara sa kanyang cereal. "Since Saturday, apat na araw ko nang tinatawagan si
Samantala, sina Trixie at Casper ay walang kaalam-alam sa mga pinag-uusapan ng mga pamilya Bolivar at Tolentino. Habang pababa ng elevator sina Trixie at Casper, wala silang ideya na sa kabilang bahagi ng lungsod, may mga pangalan silang nababanggit. Mga pangalan na ngayon ay nagkakaroon ng mas malaking halaga sa mundo ng negosyo at impluwensya. Sanay na sila rito. Alam nilang sa sandaling pumasok sila sa isang mas malaking laro, mas marami ang magmamatyag, magmamanman, at magtatangkang gamitin sila sa kani-kaniyang pakinabang. Pagkalabas nila ng elevator, diretso sana sila sa VIP room na nirentahan nila para sa gabing ito. Ngunit bago pa sila makapasok, tatlong pigura ang lumapit sa kanila. Napatingin si Casper at bahagyang napabuntong-hininga. "Damn. I should’ve checked my calendar before stepping out of the house. Bad luck just keeps following me today. Sinusundan ba talaga ako ng malas ngayon?" Nilingon ni Trixie ang mga paparating. Sina Michael Camero, Felix Tan… at
Nang matahimik ang dalawa, may biglang naisip si Casper. "Sa tingin mo... gusto rin kayang makipag-cooperate sa atin ni Sebastian?"Kung tutuusin, parehong uri ng kumpanya ang kanila at ang Techspire.May kumpetisyon sa pagitan nila.Pero posible ring makipag-cooperate sa gitna ng kompetisyon.Di ba't interesado si Sebastian sa programming system nila noon at siya pa mismo ang lumapit para makipag-cooperate?Kung susuriin, marami rin namang proyekto kung saan pwedeng makipag-cooperate ang Techspire sa kanilang dalawang proyekto...Kalmado lang na sumagot si Trixie, "Hindi ko alam. Pero lahat naman nagsisimula sa mismong proyekto. Sa ngayon, isantabi na muna natin ang mga personal na issue.""Alam ko."Medyo mainitin man siya sa ulo, pero pagdating sa negosyo, hindi naman siya basta-basta nagpapadala sa emosyon.Sa totoo lang, umaasa talaga si Casper na tatawag si Sebastian.Pero nabigo siya.Sunod-sunod na mga tawag ang natanggap niya.Lahat ay may kinalaman sa mga bagong proyekto.P
Tahimik na tinitigan ni Sebastian ang dokumento sa kanyang harapan. Nakaukit doon ang pangalan ni Trixie, pormal na nakapirma sa kasunduang magtatapos sa kanilang kasal. Pero kahit pa ito ang huling hakbang bago sila tuluyang maghiwalay, walang kahit anong emosyong sumilay sa kanyang mukha. Sa halip, binalik niya ang atensyon kay Atty. Juan Miguel at sinimulang talakayin ang legal na aspeto ng kasunduan. "Medyo marami ang mga ari-arian, shares, at iba pang detalye sa kasunduan," ani Sebastian habang hinahagod ng tingin ang mga dokumento. "Kailangan ko ng kaunting oras para ayusin ang mga pagbabago. Kapag tapos na ang lahat ng proseso, I'll call for you again." Tumango ang abogado. "I understand, Mr. Valderama. Asahan ko na lang ang update mo." Bago tuluyang umalis, sinulyapan ni Atty. Juan Miguel si Yuan, na agad namang tumayo upang ihatid siya palabas. Sa oras na makalabas ito, nanatiling tahimik si Sebastian. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman sa puntong ito… dap
Nanatili si Trixie sa bahay ng pamilya Salvador nang gabing iyon. Kinabukasan, nagising si Trixie nang maaga, mas maaga pa kaysa sa nakasanayan niya. Habang nakadungaw sa bintana ng kaniyang sariling kwarto, tinanaw niya ang mga malulusog na halaman sa hardin. Napabuntong-hininga siya at nag-inat, pakiramdam niya'y maganda ang kanyang gising.Pagbaba niya sa kusina, nadatnan niyang gising na rin ang kanyang tiyahin, abala sa paghahanda ng almusal para sa kanila at sa dalawang bata.Mabango ang amoy ng nilulutong sopas, at ang tunog ng kutsarang humahalo sa kumukulong sabaw ay nakapagdulot ng kakaibang katahimikan sa isipan ni Trixie.Nang makita siya ng tiyahin niya, ngumiti ito. "Trixie, parang ang saya mo ngayon ah?"Lumapit siya upang tumulong sa pagmasa ng dough para sa pandesal. "Oo nga po eh. Maganda po ata ang naging tulog ko kagabi," sagot niya bago tinulungan ang tiyahin sa kusina.Makalipas ang ilang minuto, naupo siya sa hapag at nagsimulang kumain ng isang mangkok ng ma
Malapit nang magtanghalian noon. Matapos kumain kasama si Atty. Juan Miguel, nagtungo sina Trixie at Casper sa bahay ni Trixie upang ipagpatuloy ang kanilang pagsusulat ng thesis. Samantala, sa Valderama Group, nagsisimula pa lang si Sebastian sa pag-review ng mga dokumento nang tumunog ang kanyang cellphone. Walang pag-aalinlangan niyang sinagot ito. "Hello, Sebastian Valderama speaking. Who's this?" "Good morning, Mr. Valderama. I'm Attorney Juan Miguel Castillo, Ms. Trixie Salvador's legal counsel. My client has already signed the divorce papers and has entrusted me with the next steps. Do you have time to meet today, Mr. Valderama?" Saglit na natahimik si Sebastian. Itinuon niya ang tingin sa mga dokumentong nasa kanyang harapan, pero hindi niya magawang ipagpatuloy ang pagbasa. May kung ano sa kanyang dibdib sa narinig. "I still have two conference meeting left for today, I can't go out," aniya, malamig ang boses. "But you can come here at Valderama Group tomorrow, maybe 10