Semua Bab My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3): Bab 71 - Bab 80

112 Bab

Chapter 70

"Xena? Are you there?"Ramdam ko ang kaba sa boses ni Trevor, pero mas matindi ang kaba sa dibdib ko."Uh… yeah. Bakit?" Sinubukan kong gawing casual ang boses ko, pero alam kong halata ang pagkailang.Napansin ni Dylan ang reaksyon ko. Hindi siya nagsalita, pero mabigat ang tingin niyang nakapako sa akin."Can we meet? Just for a while. I just… I need to understand."Napakagat-labi ako. Hindi ko kailangang tanungin kung ano ang gusto niyang ‘maintindihan’—alam kong tungkol ito sa kasal namin ni Dylan."Trevor, hindi siguro magandang idea ‘yan—""Please, Xena."Pumikit ako ng mariin. Bakit kailangang ngayong gabi pa? Sa dami ng nangyayari, wala na akong lakas para humarap sa kanya."Just one conversation."Alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi ko siya pinapakinggan."Sige," mahina kong sagot.Pagkababa ko ng tawag, nakasandal na si Dylan sa lamesa, nakataas ang kilay."Trevor?"Alam ko nang hindi niya kailangan ng sagot."Yeah."Tumango siya, pero hindi siya umalis sa pagkakatit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 71

"Xena? Are you there?"Ramdam ko ang kaba sa boses ni Trevor, pero mas matindi ang kaba sa dibdib ko."Uh… yeah. Bakit?" Sinubukan kong gawing casual ang boses ko, pero alam kong halata ang pagkailang.Napansin ni Dylan ang reaksyon ko. Hindi siya nagsalita, pero mabigat ang tingin niyang nakapako sa akin."Can we meet? Just for a while. I just… I need to understand."Napakagat-labi ako. Hindi ko kailangang tanungin kung ano ang gusto niyang ‘maintindihan’—alam kong tungkol ito sa kasal namin ni Dylan."Trevor, hindi siguro magandang idea ‘yan—""Please, Xena."Pumikit ako ng mariin. Bakit kailangang ngayong gabi pa? Sa dami ng nangyayari, wala na akong lakas para humarap sa kanya."Just one conversation."Alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi ko siya pinapakinggan."Sige," mahina kong sagot.Pagkababa ko ng tawag, nakasandal na si Dylan sa lamesa, nakataas ang kilay."Trevor?"Alam ko nang hindi niya kailangan ng sagot."Yeah."Tumango siya, pero hindi siya umalis sa pagkakatit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 72

Hawak ko ang bouquet ng bulaklak na binigay ng coordinator habang nakaupo sa isang eleganteng sofa sa loob ng studio. Sa paligid, abala ang crew sa pag-aayos ng ilaw at pag-set up ng backdrop para sa prenup photoshoot namin ni Dylan.Prenup.Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Hanggang saan aabot ‘tong palabas na ‘to?“Miss Xena, ready na po kayo for your solo shots?” tanong ng photographer.Napakurap ako. “Ah, ako muna?”Tumango siya. “Yes, then after po si Mr. Del Valle, tapos couple shots na po kayo.”Napalingon ako kay Dylan, na kasalukuyang nakasandal sa isang sulok, tahimik na pinagmamasdan ako. Suot niya ang itim na suit na tila idinisenyo lang para sa kanya—perpektong bumagay sa matangkad niyang pangangatawan.Napairap ako. Bakit ba kahit anong isuot niya, parang hindi siya totoong tao?“Okay po, Miss Xena, stand here,” utos ng photographer.Tumayo ako at lumakad papunta sa center. Ang theme ng shoot ay classic romantic, kaya’t suot ko ang isang eleganteng white dress n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 73

Napalunok ako habang pinapanood si Dylan na may mapanganib na ngiti sa labi. Hawak pa rin niya ang phone ko, nakasandal sa pader, at mukhang nag-eenjoy sa ginagawa niya.“Dylan, ibalik mo ‘yan,” inis kong sabi, pilit inaabot ang cellphone ko.Pero iniangat lang niya ito sa ibabaw ng ulo niya, palihim akong inasar sa pamamagitan ng pagsandal pa lalo sa pader na parang wala lang.“Trevor, hindi ka pa rin nagsasalita.” Mahinahon ang tono niya, pero may halong pang-aasar. “Parang nagulat ka ata?”Nakita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya habang nakikinig sa sagot ni Trevor. Hindi ko marinig ang sinasabi nito, pero kita ko sa ekspresyon ni Dylan na tila hindi niya nagustuhan ang narinig niya.“Ano bang kailangan mo kay Xena?” diretsong tanong niya.Dahil sa kaba, hinila ko nang mas malakas ang braso niya. “Dylan, give it back.”Hindi siya tumingin sa akin. “Shh, sandali lang.”Iritado ko siyang tinapik sa tagiliran, pero hindi pa rin siya natinag. Sa halip, bigla niyang nilapit ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 74

Pagpasok ko sa opisina, agad akong napansin ng mga empleyado. Mas matindi pa sila sa chismosa kong kapitbahay—halos sabay-sabay silang napatingin sa akin na para bang may announcement akong gagawin.At hindi ako nagkamali.“Oh my gosh, Xena! Totoo bang kasal na talaga kayo ni Dr. del Valle?” sigaw ni Lisa habang kinikilig.“Ang bilis ng pangyayari! Grabe ka, girl, hindi mo man lang kami binigyan ng hints!” dagdag pa ni Grace.“Paano naman kami makakahingi ng wedding souvenir kung civil wedding lang ‘yan?” nakangising singit ni Ms. Allegre.Napahilot ako sa sentido. Tangina, Xena, relax lang. Bawal pumatay ng katrabaho.“Hindi pa kami kasal,” malamig kong sagot, pero imbes na tumigil sila, mas lalo pang lumakas ang hiyawan nila.“Pero ikakasal na kayo?!?”“Oh my god! Akalain mo ‘yun! Ang supladong Dr. del Valle, may forever na!”Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa.“Xena, you’re so lucky,” sabi ni Lisa habang hinahawakan ang kamay ko. “I mean, he’s rich, handsome, and—”“—a walki
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 75

**Chapter 75 – The Wedding Day**Kahit pa ilang beses kong inisip kung paano ‘to mangyayari, hindi ko pa rin lubos maisip na nandito na ako ngayon—nakasuot ng puting dress na hindi naman sobrang engrande pero masyado pa rin para sa isang kasal na hindi naman totoo.“Xena, ready ka na ba?” Lumapit sa akin si Liza, nakangiti pero halata ang excitement sa boses niya.“May choice ba ako?” sarkastiko kong sagot, pilit na ngumingiti. Hindi ko alam kung kinakabahan ako o gusto ko na lang matapos ‘to agad.“Aba, syempre meron! Pwede kang tumakbo,” natatawang sabat ni Grace, pero agad siyang tinapik ni Mrs. Allegre sa braso.“Anong tinatakbo-takbo? Aba, ilang taon na akong buhay, pero ngayon lang ako nakakita ng babaeng hindi excited sa kasal niya,” sabat ng head nurse namin, umiling habang pinagmamasdan ako. “Huwag mong sayangin ‘yang bihis mo, hija.”Napatingin ako sa salamin.Ako nga ba ‘to?Mas sanay akong nakasuot ng simpleng blouse at jeans, pero ngayon, parang ibang tao ang nakikita ko.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 76

Dumating ang araw na kailangan ko nang lumipat sa penthouse ni Dylan. Kahit na ilang beses ko nang ipinaliwanag na hindi ko kailangang tumira doon, nagmatigas siya."Kailangan nating sundin ang protocol ng experiment, Xena," matigas niyang sabi habang nakaakbay sa upuan ko. "Mag-asawa na tayo—""Fake," mabilis kong putol."Fine, fake. Pero kailangan nating ipakita na totoo," aniya, kaswal na sumandal. "At paano natin gagawin 'yon kung hindi tayo magkasama sa iisang bahay?"Hindi ko alam kung paano ko kokontrahin ang rason niya. Alam kong kung pipilitin ko pa, ipapaalala lang niyang may kontrata akong pinirmahan.Kaya heto ako, nakatayo sa pintuan ng penthouse niya, hawak ang maleta ko, at ramdam ang bigat ng desisyong ito."Naiiyak ka ba?" tanong ni Dylan habang tinutulungan akong ipasok ang gamit ko. "Huwag kang mag-alala, asawa kita. Ako na bahala sa ‘yo.""Ul*l," irap ko. "Hindi kita asawa.""Sige, sabihin mo ‘yan ulit sa harap ng marriage certificate natin." Tumingin siya sa akin,
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 77

Pagkatapos ng almusal, agad akong tumayo para magligpit ng pinagkainan ko. Pero bago ko pa mahawakan ang plato, inunahan na ako ni Dylan."Ako na," sabi niya, kinuha ang plato mula sa kamay ko.Napataas ang kilay ko. "Since when marunong kang maghugas ng pinggan?"Ngumiti siya nang bahagya. "Hindi ko hinuhugasan. Nilalagay ko lang sa dishwasher."Napairap ako. Siyempre.Habang abala siya sa pag-aayos, dumiretso na ako sa guest room na tinutulugan ko. Akala ko makakapag-relax ako, pero nagulat ako sa nakita ko—"Ano 'to?" bulong ko, gulat na gulat.Ang buong kwarto, parang hinipan ng minimalist na bagyo. Naayos lahat ng gamit ko—mula sa mga damit ko hanggang sa maliit kong pouch na dati kong iniwan lang sa gilid ng dresser.Mabilis akong lumabas at pinuntahan si Dylan sa sala. "Dylan!"Napalingon siya mula sa binabasa niyang medical journal. "Hmm?""Ikaw ba 'to?" tinuro ko ang kwarto ko."Anong ako?""Ikaw ba nag-ayos ng gamit ko?""Of course." Kumuha siya ng baso ng tubig at uminom. "
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 78

Mukhang may bagyong parating, at hindi ko alam kung bakit ako nasa gitna ng lahat ng ‘to.Nakatayo lang ako sa pagitan nina Dylan at Trevor, na parehong may tensyon sa katawan na para bang isang maling tingin lang, sasabog na ang buong hallway.Dylan crossed his arms, ang usual na kalmado at mapanuksong ekspresyon niya ay napalitan ng malamig na tingin. "So, let me get this straight. You’re telling my wife to leave me? That’s bold of you, Trevor."Trevor clenched his jaw. "I’m just offering her an option. Hindi naman siya talaga dapat nakakulong sa experiment na ‘to, hindi ba?""Interesting." Dylan let out a quiet chuckle, pero halata ang matigas na tono. "And who exactly decided that? Ikaw?"Napairap ako. Oh great, here we go."She can decide for herself.""Of course, she can. Pero ang tanong, bakit parang ikaw ang mas affected?"Nagpalitan sila ng matatalim na titig. Ako naman, nakatingin lang sa kanila nang walang maintindihan. Ano bang nangyayari? Ano na namang pinagtatalunan ng m
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 79

Habang binabasa ko ang email na nag-a-announce ng hospital outing, parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Required daw ang mga empleyado—kasama ang kanilang spouses.Napakapit ako sa cellphone ko. Ano 'to? Bakit kailangan pang isama ang mga asawa?Isang pamilyar na boses ang gumulat sa akin."Well, that’s interesting," ani Dylan, nakatayo sa gilid ng desk ko, hawak ang isang coffee mug na parang wala lang.Halos mahulog ako sa upuan sa sobrang gulat. "Diyos ko, Doc! Ano ba?!"Ngumisi lang siya at uminom ng kape. "Nakita mo na ‘yung email, I assume?"Mabilis kong nilock ang phone ko. "Sana ‘di ko na lang nakita," bulong ko."Now. That’s not the attitude of a supportive wife," he teased, leaning slightly closer sa desk ko.Napairap ako. "Supportive wife, my foot."Tumawa siya nang mahina. "Xena, it’s just a three-day beach event. What’s the worst that could happen?""Maraming pwedeng mangyari, Doc," sagot ko agad. "For one, kailangan nating magpanggap sa harap ng buong ospital.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
678910
...
12
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status