Semua Bab My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3): Bab 61 - Bab 70

112 Bab

Chapter 60

ito na naman ‘yung trip ni Aiden. Pinanood ko siyang kunwaring abala sa pag-aayos ng tablet niya habang kami ni Dylan ay nakaupo sa tapat ng isa’t isa. Malamang may panibago na naman siyang experiment. “At bakit parang kinakabahan ka, Xena?” tanong ni Aiden, nakangiti. "Tingin mo?" sagot ko, nakataas ang kilay. Tumawa siya bago lumipat ng tingin kay Dylan. "You, on the other hand, look calmer than usual." Dylan leaned back on his chair, expression unreadable. “You think so?” Aiden nodded, then set his tablet down. “For today’s activity, I want you both to engage in deep conversations. No sarcasm, no avoidance, just honesty.” Napairap ako. “Seriously? Wala ka na bang ibang maisip?” “This is necessary,” sagot ni Aiden. “Your relationship needs emotional depth.” Muntik na akong mapamura sa sinabi niyang ‘relationship,’ pero pinigilan ko. Dylan smirked. "What do you want us to talk about?" Aiden’s smile widened. “Your deepest fears.” Tahimik akong napahinga nang mal
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-19
Baca selengkapnya

Chapter 61

Pagkatapos ng usapan namin ni Dylan, hindi ko maiwasang balikan sa isip ko ang lahat ng nangyari. Yung paraan ng pagsagot niya, yung mga saglit na parang may gustong lumabas sa bibig niya pero pinili niyang pigilan. At higit sa lahat, yung takot sa mata niya nung napag-usapan ang abandonment. Naaalala ko tuloy yung nakita ko noon sa condo niya. Kung paano siya halos magmakaawa sa ex niya, yung desperasyon sa boses niya, yung sakit sa mga mata niya. Ngayon, mas naiintindihan ko na. Hindi lang pala yun dahil mahal niya yung babae. Hindi lang yun dahil ayaw niyang maiwan. Kundi dahil buong buhay niya, lagi siyang iniiwan. Napabuntong-hininga ako. "You're overthinking again," malamig pero may halong amusement ang boses ni Dylan. Nang lingunin ko siya, nakasandal siya sa upuan at nakatingin sa akin na parang may iniisip siyang kalokohan. "Hindi ah," mariin kong sagot. He smirked. "Lagi kang ganyan kapag may iniisip ka. Your brows furrow, then you sigh like the weight of the world is on
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-19
Baca selengkapnya

Chapter 62:

Napangiwi ako habang nakatitig kay Aiden, naghihintay ng isang linaw na siguradong hindi niya ibibigay. Sa kabilang banda naman ng conference table, si Dylan ay kalmadong nakasandal, mukhang hindi man lang nababahala sa sinabi ni Aiden."Let me get this straight," mabagal kong ulit, pinipilit intindihin ang kalokohang nadinig ko. "Gusto mong iwanan ko ang buhay ko, ang pamilya ko, ang mga trabaho ko—para lang makitira sa kanya?""That’s what you agreed to," sagot ni Aiden, parang hindi siya nababahala sa pagtaas ng boses ko. "It’s part of the contract. The next stage is simulating marriage life, and that requires cohabitation."Nilingon ko si Dylan, naghahanap ng kahit anong bakas ng pagsalungat. Kahit kunwaring mag-aalalang expression sa mukha niya. Pero wala. May bahagya siyang ngiti, yung tipong walanghiyaang ine-enjoy ang reactions ko."You knew about this?" asik ko sa kanya.Kumindat siya. "I read the contract."Napasinghap ako. "Well, good for you. Hindi ako katulad mo na may ora
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-20
Baca selengkapnya

Chapter 63

Tahimik ang hapag-kainan habang isa-isang nagsasandok ng ulam ang bawat isa. Hindi na kasing bigat ng dati ang pakiramdam sa hapag, pero naroon pa rin ang mga hindi masabing saloobin. At sa susunod kong sasabihin, tiyak kong babagsak ulit ang tensyon.Huminga ako nang malalim at diretsong nagsalita, "Magpapakasal na ako."Napatingin sa akin si Mama, natigilan si Nelia, at halos mabulunan si Noah sa kinakain niyang kanin. Pero ang pinakamalupit na reaksyon? Kay Nika."Ano?!" Halos ihagis niya ang kutsara niya sa mesa. "Ate, joke ‘yan, ‘di ba?"Umiling ako, tinapangan ang sarili. "Hindi. Totoo."Nanahimik si Mama, halatang nagulat pero hindi alam kung anong sasabihin. Si Ate Nelia naman, ngumiti lang na parang hindi lubos na naiintindihan ang sitwasyon. Pero si Nika? Diyos ko. Kitang-kita ko sa mata niya ang galit."Ano ‘to? Biglaan?" Nanginginig ang boses niya. "Ni hindi mo man lang kami kinausap?""Pinag-isipan ko ‘to nang mabuti," sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili."Pinag-isip
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-20
Baca selengkapnya

Chapter 64

Mas naging abala ang mga sumunod na araw. Simula nang ipahayag ko sa pamilya ko ang tungkol sa kasal namin ni Dylan, nagsimula na rin kaming mag-asikaso ng mga dapat ayusin—kahit na ang lahat ng ito ay isang kasinungalingan.Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko nagagawang ituloy ‘to. Araw-araw, parang may kung anong bumibigat sa dibdib ko. Pero wala akong choice."Simpleng civil wedding lang ang gagawin natin," sabi ko habang nakaupo kami sa opisina ni Dylan, nakaharap sa mga papeles na kailangang ayusin."Of course," sagot niya habang abala sa pag-check ng documents. "Hindi ko naman inaasahan na big deal sa’yo ang kasal."Napataas ang kilay ko. "Eh ikaw? Hindi ba big deal ‘to?"Ngumiti siya nang bahagya, pero may kung anong hindi ko maipaliwanag sa mga mata niya. "Dapat ba?"Mabilis akong umiwas ng tingin. "Basta ayusin na lang natin ‘to. Ayokong matagalan pa."Tumango siya, saka inilapit sa akin ang isang papel. "Marriage license. Kailangan mong pumirma."Napatingin ako sa kan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-21
Baca selengkapnya

Chapter 65

Matapos ang almusal, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang usapan. Nakaupo kami ni Dylan sa sala, habang si Mama naman ay nasa tapat namin, halatang naghihintay ng paliwanag. Si Nika naman, nakatayo lang sa gilid, nakapamewang at halatang hindi natuwa sa nangyayari.Napatingin ako kay Dylan, pilit na binabasa ang expression niya. Pero, gaya ng dati, kalmado lang siya. Parang walang bahid ng kaba o kahit anong pag-aalinlangan sa ginagawa niya.Huminga siya nang malalim bago nagsalita."Tita Lydia," panimula niya, gamit ang pormal pero malambot na tono. "Alam kong mabilis ang lahat, pero gusto ko po sanang hingin ang basbas ninyo para sa pagpapakasal namin ni Xena."Parang sumabog ang tahimik na bomba sa loob ng bahay.Napakurap ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bigat sa dibdib ko habang naririnig ko ‘yon mula sa kanya. Parang... ang totoo.Napatango si Mama, pero hindi agad nagsalita. Tiningnan lang niya ako, tapos si Dylan, bago siya huminga nang malalim. "Dylan,
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-24
Baca selengkapnya

Chapter 66

Tahimik lang ako sa tabi ni Dylan habang nasa harap kami ng isang marangyang restawran sa loob ng isang five-star hotel. Kahit hindi pa kami pumapasok, pakiramdam ko ay sumisikip na ang dibdib ko.Shocks. Bakit kinakabahan ako?Naramdaman kong bahagyang humigpit ang hawak ni Dylan sa kamay ko. Nang lingunin ko siya, nakita kong nakatitig siya sa entrance ng restawran—walang emosyon ang mukha niya, pero kita ko sa lalim ng tingin niya ang tensyon.Gusto kong sabihin na puwede pa kaming umatras. Pero alam ko na hindi na ‘yon option.Naglakad kami papasok, at halos agad akong nakaramdam ng matinding pressure nang masilayan ko ang tatlong taong naghihintay sa table sa dulo.Si Alejandro, ang ama ni Dylan. Malamig ang ekspresyon, nakasuot ng mamahaling suit, at may hawak na baso ng mamahaling alak. Katabi niya ang asawa niyang si Clarisse, na may tipid na ngiti pero may matalas na tingin sa akin, halatang ini-scan ako mula ulo hanggang paa. At ang pinakabata sa kanila, si Bella, ang half-
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-26
Baca selengkapnya

Chapter 67

Pagpasok ko sa ospital kinabukasan, hindi pa ako nakakalayo sa entrance, pero ramdam ko na agad ang kakaibang tingin ng mga tao sa paligid. May ilang nurses na nagbubulungan, may ilang office staff na napapatigil sa paglalakad habang nakatingin sa akin na parang may malaking balitang kumakalat.At hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan, biglang sumulpot si Lisa mula sa gilid at mabilis akong hinila."Xena!" bulong niya pero bakas sa mukha niya ang matinding kilig. "Totoo ba? Ikaw at si Doc Dylan?!"Halos mautal ako sa tanong niya. "A-Anong—"Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig kong may isang lalaki ang umubo sa likuran namin."Of course, it’s true."Napapikit ako nang mariin bago dahan-dahang lumingon. At ayun nga.Si Dylan.Suot ang usual niyang crisp suit, may bahagyang ngiti sa labi at nakapamulsa habang nakatingin sa akin na para bang may balak na naman siyang kalokohan.Ramdam ko agad ang kaba at inis na magkahalong sumipa sa dibdib ko."Good morning, love," mal
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-26
Baca selengkapnya

Chapter 68

Hindi ko alam kung paano nagsimula, pero bago ko pa namalayan, nasa gitna na ako ng wedding preparations kasama si Dylan. Ang dapat ay peke lang—isang palabas para sa mundo—pero habang mas lumalalim kami sa mga detalye, mas parang nagiging totoo.Nasa isang bridal boutique kami ngayon, at hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Dylan na subukan ang ilang wedding dresses."Hindi na ‘to kailangan," reklamo ko habang nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, nakasuot ng simpleng white dress na halos hindi ko kilala ang sarili ko."We need to make it realistic, love," sagot niya mula sa gilid, nakaupo sa isang velvet couch na parang hari habang pinagmamasdan ako. May hawak siyang baso ng champagne, pero ang mga mata niya? Nasa akin lang."You look breathtaking," dagdag niya, mas mababa ang tono ng boses.Napatingin ako sa repleksyon ko, saka sa repleksyon niya. Para bang may hindi ako maintindihan sa paraan ng pagtitig niya sa akin."Dylan," simula ko, pero hindi ko alam ang susunod
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 69

"Hindi ko na ‘to kaya."Bagsak ako sa couch ng bridal shop habang nakatitig sa mga nakahilera pang documents, schedules, at suppliers’ contracts na kailangang tapusin.Sa harap ko, si Dylan naman ay kampanteng nakasandal sa upuan, hawak ang isang baso ng kape, at parang wala lang. "You’re overreacting, love."Napatingin ako sa kanya, walang gana. "Overreacting? Dylan, dalawang linggo na lang ang ‘kasal’ natin at ang dami pang hindi tapos! Venue, catering, final guest list—hindi ko nga alam kung may susuotin pa ako!"Nilingon niya ako mula sa baso ng kape niya. "May designer ka na, may schedule ka na rin for your final fitting. Ano pang iniisip mo?""Lahat!" bumuntong-hininga ako. "Pati ‘yung mga last-minute changes sa menu! Gusto mo raw ng—" tumigil ako, inis. "Wait, bakit nga ba ako ang nag-aayos ng lahat ng ‘to? Hindi ba dapat ikaw? Ikaw ang mayaman dito!"Ngumiti siya, kita ang bahagyang dimples. "I trust your judgment, love.""Hindi ‘yun ang point!" Napabuntong-hininga ako ulit. "
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
56789
...
12
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status