Xena’s POVAno bang ginawa ko?!Hindi ako sanay.Ang tahimik ni Dylan. Ang cold. At ang nakakainis, parang hindi niya ako nakikita!For the past few days, parang nagbalik siya sa dating siya—‘yung nakaka-bwisit na version na hindi ako pinapansin at parang wala akong kwenta. Kahit anong sabihin ko, deadma siya. Kahit anong banat ko, walang reaksyon.At lalo lang akong nainis.Ano ‘to, prank? Social experiment? Psychological torture?!Dahil sa inis, napaisip ako. Fine. Gusto niyang balewalain ako? Gusto niyang umasta na parang wala akong epekto sa kanya? Sige. Magkakatalo tayo diyan, Doc.Pagka-out ko, sakto namang lumapit si Trevor."Xena, gusto mo magkape? Saglit lang, may nakita akong bagong café sa malapit."At doon pumasok ang evil plan ko.Nagpa-cute akong tumango. "Sige, game! Para ma-relax naman kahit sandali."Gulat ang mukha ni Trevor. "Talaga? Wow, hindi ko akalaing papayag ka agad.""Hindi rin," bulong ko sa sarili ko, pero syempre, hindi ko ‘yon pinarinig.Alam kong nakikit
Last Updated : 2025-02-13 Read more