FayeMabilis naman akong tumakbo sa harapan ni Dad.“Dad, please, nagmamakaawa ako.”Hinawakan ko ang kamay niya, “Help me, please. Tulungan mo si Renz–”“Wala akong maitutulong sa kanya–”Lumuhod ako. “Faye!” histerikal na tawag sa akin ni mommy.Ramdam ko ang unti-unti pagbasag ng puso ko kasabay ng rumaragasa kong luha. “Dad, gagawin ko ang lahat ng gusto niyo. Kung aalis ako rito at pupunta sa ibang bansa, gagawin ko. Tulungan niya lang si Renz na hindi makulong,”“Tumayo ka, Faye, mahiya ka sa mga kapatid mo,” nagbabanta ang tawag sa akin ni Dad.Bumaling naman ako kina Farrah at Flynn nakatayo sa hagdan at gulat na gulat silang nakatingin sa akin.Lumunok ako at binalik ko ulit ang paningin ko kay Dad. Alam kong kino kompromiso ko ang pamilya ko pero kapag iniisip ko pa lamang na nasa kulungan si Renz, nadudurog ang puso ko.“Dad, I’m begging you-”“Faye, itigil mo ang kahibangan mo. Ni hindi mo nga kilala ang lalakeng iyon, konting araw mo lang siyang kasama–”Puno ng sakit ko
Huling Na-update : 2025-04-02 Magbasa pa