FayeTumingala si Renz sa puno.“Nangako si Don Fabio na magiging sandalan at lunas siya kapag may dinaramdam ang kanyang asawa katulad ng punong ito. Na sa paglipas ng panahon, mas matatag ang kanilang pagsasama at magtatagal ito,” winika niya.Ngumiti ako, “Napanindigan ba ni Don Fabio ang ipinangako siya?”“Oo, tinupad niya ang kanyang pangako hanggang sa huling hininga ng kanyang asawa. At nagpapatuloy pa rin si Don Fabio na minamahal ang asawa niya.”Tumitig ako sa bulaklak, “Labis siguro ang kasiyahan ng asawa niya noong nabubuhay pa siya. Buo ang kanilang pagmamahal,” sabi ko.“Indeed, Doña Caridad was so happy,” sagot niya, bumaling naman ako sa kanya.“Siya ang nagkwento sa akin ng love story nila ni Don Fabio,” sabi niya, at nakita ko ang ngiti sa kanyang labi.“Interesado ka pala sa ganitong klaseng kwento.” puna ko.Bumaba ang tingin niya sa akin, “Because it’s rare, a love like they had is one of a million. Kaya naging paborito ko ang madre de cacao, hindi lang nagpapagan
Last Updated : 2025-03-28 Read more