Parang kahapon lang ay kausap ko pa si Vince dahil sa masamang pinaplano para sa akin ng aking pamilya, sinabihan ko siyang kahit na walang magarbong okasyon ay unahin na naming kumuha ng marriage certificate para mahinto na ang masamang balak sa akin ng aking parents. Hanggang ngayon ay paulit ulit na tumatakbo sa aking isip ang kaniyang mga sinabi sa huli naming pag-uusap. "Anne, naniniwala akong walang inang magpapahamak sa kaniyang anak kahit na ano pang mangyari. Bakit Mahal, meron ba kayong mis understanding ng parents mo?" "Wag kang mag-alala mahal, kahit naman na nasa malayo ako ay aalagaan ka ni Mommy, walang masamang mangyayari sayo. Basta magpahinga ka muna sa unit ng may kapayapaan sa isip mo." "Mahal, hindi naman sa ayaw kitang pakasalan, pero gusto ko sanang bigyan ka ng isang magarbong proposal bago tayo magpakasal,." "Mahal, naiinitindihan mo naman ako diba" malambing niyang sabi "alam mo namang bihira lang ang ganitong oportunidad, hindi ko maaring palampasin ang
Huling Na-update : 2025-01-15 Magbasa pa