7 YEARS AGO
ON THE WAY SA UNIVERSITYANNE POV“HOY! Herodes kang dimonyo ka!, bumaba ka sa sasakyan mo! Naku talaga makikita mo ang hinahanap mo” hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsigaw kasabay ng malakas na paghampas sa aking manibela dahilan para walang tigil na tumunog ang aking busina sa sasakyang nakagitgitan ko. Pero kahit anong lakas ng sigaw ko ay hindi niya ako sinasagot tila nabingi na ito sa lakas ng aking busina.“Nakakainis talaga Mary ! Parang minamalas ako ngayong araw…Nakakainit ng ulo! Gusto ko ng sakalin ang lalaking ito gamit ang sarili niyang kurbata! Napaka bastos at ang yabang!. Aba sinabihan niya akong tanga at parang bata kanina! Sabi pa niya paano daw ako naka pasa sa pagkuha ng drivers license ee hindi naman daw ako marunong mag-maneho? Hay ang sarap niyang murahin. Naghahabol pa naman ako ng oras. Paniguradong mala-late ako nito sa entrance exam! Girl ayokong magkahiwalay tayo ng Unversity na papasukan” hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa manibela pero malakas akong sumisigaw sa harapan ng aking cellphone habang kausap ko ang aking matalik na kaibigang si Mary na akala mo naman ay may magagawang tulong para sa akin.
Muli na naman akong bumaling ng tingin sa sasakyan nito at sumigaw .“HOY!… lumabas ka diyan… pag ako talaga na late ng dahil sayo… isusumpa talaga kita…”
”hahahha Grabe sis… chill!… naaawa ako sayo! para ka nang tanga. Meron ka ba ngayon? Haha paano ka naman sasagutin nung tao ee naka-sarado yung bintana mo! Kahit anong sigaw mo diyan hindi ka talaga maririnig nun!.Labasin mo kaya? teka lang, Gwapo ba?!”“Ang alin?… sino ba?? Itong halimaw na ‘to?”
“Ewan… hindi ko pa nakikita…wala akong pakielam… hindi ako pwedeng ma-late. Alam mo namang gustong gusto kong maging teacher din kasama ka. Ayokong magkahiwalay tayo! Hindi naman mag-aantay ang examiner. Kapag namiss ko ito wala na talaga akong chance.”
“Kaya nga—bilisan mo na. Pakiusapan mo na lang yung nakagitgitan mo“
Hindi ko na siya pinatapos pa sa kaniyang sasabihin.
“Sige na Mary. Mamaya na lang. Nandito na siya.. tatawagan na lang kita ulit mamaya. Okay?!”Narinig ko ang malakas na pagtawa ng aking kaibigan na may kasamang pang-aasar dahil bigla akong nataranta dahil papalapit na ang lalaking naka-gitgitan ko kanina.
“Ayan.. ang tapang tapang mo kanina .. binaba ka tuloy.”
“bahala ka diyan! Tatawagan kita mamaya!” dali-dali kong binaba ang aking cellphone, Inayos ko ang aking sarili, sinimulan kong ibaba ang bintana ng aking sasakyan. Magalang at malaking ngiti ang binigay ko sa lalaking naka-gitgitan ko, mas lalo ko pang pinapungay ang aking mga mata na animo’y maamong tupa. Isang mapang inis na ngiti naman ang naging tugon sa akin.“Good Morning Sir! Ano pong maitutulong ko sa inyo?” tanong ko na parang walang nangyaring sigawan kanina sa loob ng aking sasakyan.
“Miss baka naman puwede kang bumaba at harapin ako? Siguro mag-sorry na din at asikasuhin ang aberyang ginawa mo sakin?” naiinis na sabi niya sa akin. “Tumawag na din ako ng pulis pero hindi ako mag-aaksaya ng oras kakahintay ng pulis lalo na at traffic sa dadaanan nila papunta dito.”
Hindi ko lubos maisip na kung bakit naman sa kinadami-dami ng araw ay ngayon pa magkakaruon ng ganitong aberya ang lakad ko. Haist! Tsh Anne, anong kamalasang meron ka? May balat ka ba sa pwet? Hindi pa man ako nakakalayo sa aming bahay ay ito na kaagad ang bumungad sa akin. Siguro ay nasa sampung minuto pa lang akong nagmamaneho. Siguro masyado din akong na excite ng malaman kong lumuwas ang best friend kong si Mary para makasama akong mag-aral sa iisang university. Kaya hindi ko na namalayang napabilis na pala ang apak ko sa silinyador. Ang masaklap pa nito, hindi sa akin ang sasakyang ito. Nakiusap lang ako sa pinsan ko na gagamitin ko muna ito kahit saglit lang para mapabilis akong makarating. Hindi naman kasi ako pinapagamit nila Papa ng kahit na anong gamit nila. Haist patay talaga ako! At dala ng pagiging teenager, aaminin ko sobrang pasaway ako. Eh! Ano namang magagawa ko. Masyadong tahimik ang sasakyang ito. Kahit na napapabilis na pala ako ay hindi ko namamalayan ang bilis ng takbo ko. Yari pa ako sa pinsan ko dahil nalagyan ko ng damage ang sasakyan niya.Konti na lang sana. Malapit na ako ee. Ilang minuto na lang makakarating na ako sa Univerysity. Natatanaw ko na nga ang round about.
Ilang minuto na lang at malalampasan na ako ng entrance exam. Ito na lang ang huling alas ko. Nangako akong mag-aaral akong mabuti at magbabago na basta makapasa ako dito. Magfo-focus na ako at mas magiging seryoso sa buhay ko lalo at wala akong nakukuhang suporta sa pamilya ko.Hindi ako pamilyar sa mga sasakyan, Pero isa lang ang nasisiguro ko. Mahal ang sasakyang ito dahil sa tatak niyang Porche“Oh God! I’m in trouble” Kahit na alam kong problema ito ay hindi ko naman ito pwedeng takasan. Parang nag flash back ang lahat ng nangyari sa isip ko at lutang akong nakatitig sa lalaking nakatayo sa tapat ng bintana ko. Pakiramdam niya ay lalabas na ang puso ko mula sa dibdib dahil sa sobrang stress. Bumaba ako agad ng kotse at nag-panic habang tinitignan ang pinsala sa sasakyan sa harapan ko. Mukhang malala nga ang nangyari.Nailang ako habang tahimik akong pinagmamasdan ng lalaking nakasuot ng itim na suit, shirt, at manipis na kurbata. Ang madilim na kayumangging buhok nito ay nakakahangang ayos na ayos. Ang mga dimples sa pisngi nito na parang pambata ay hindi akma sa seryoso nitong ekspresyon at malamlam na tingin.
Sa tingin ko ay matanda ito sa akin ng mga sampung taon. Hinaplos nito ang nakaayos niyang buhok.“Miss , marunong ka bang mag-drive?!” galit nitong tanong sa akin habang tinuturo ang kaniyang sasakyan.
Napanganga ako at hindi nakapagsalita agad. Kahit naman sumagot ako ay wala din namang kwenta dahil kagaya din sa bahay namin na walang halaga para sa kanila ang boses ko. Kay Mary lang ako nakakapag-labas ng sama ng loob.
Kaya tumitig na lang ako sa kaniya nang nanlalaki ang mga mata at nagdasal na huwag naman sana akong maiyak. Sa totoo lang sa harapan lang ni Mary ako matapang. “Nalito kaba sa cluth at preno. Na imbes preno ay clutch ang naapakan mo?” tanong ng lalaki na halatang iritado sa akin. “Alam mo ba kung magkano ang aabutin ng pagpapagawa nito?” napasaplo siya sa kaniyang ulo at hindi pa rin tumitignin sa akin. “Hish… hay, kailangan ng palitan ang buong pinto nito! Pati pintura. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga rim ng Porsche Panamera? Aabutin ako ng milyon!” Hindi maitago ng lalaking ito ang kanyang inis. Takot na takot ako. Kahit na gwapo siya hindi ko iyon ma-appreciate sa ngayon dahil ang utak ko ay nasa sirang sasakyan niya. Plus ang hinahabol kong oras para sa entrance exam ko.“A… A…”
Na-i-stress na talaga ako dahil kapag tumawag siya ng pulis ay malalaman nila Papa ang nangyari sa akin. Ang dami na ding tao Mukha naman siyang mayaman. Matangkad, maganda ang pangangatawan, halatang naggi-gym, bakit kaya hindi na lang siya gumastos. Haist Anne.
Hindi pa rin ako nagsasalita. Nakayuko pa rin ako. HECTOR POVUnti-unti ko siyang tinitigan ng humarap ako sa kaniya matapos kong manermon ng makita ko ang damage sa aking sasakyan . At ‘boom’ . Ang tanga mo Hector bakit hindi mo muna tinignan ang nakagitgitan mo. Ang bata pa pala niya, maganda at sexy. Sa totoo lang, walang kulang sa babaeng ito. Napangiti ako ng palihim. Sa tingin ko ay mga 5’2 ang height niya, tuwid na madilim na kayumangging buhok, at makinis na balat, maputi at maninipis ang pula niyang labi na bumagay lalo na sa kanyang hugis-matulis na ilong. Balingkinitan din ang kaniyang katawan na humubog sa simpleng jeans at tshirt.Kanina sobrang galit ko na talaga. At balak ko ng tawagan si Renz para siya na ang mag-asikaso ng lahat, lalo na ng makita ko ang damag sa sasakyan ko. Pero para akong pinitik ng malapitan ko siya. Totoo, nasira niya ang pinaka paborito kong sasakyan, pero ang ganda niya! At nang iangat na niya ang kaniyang kumikislap at malungkot na mata na napapalibutan ng natural na maitim at makapal na pilikmata, parang biglang umikot ang mundo ko. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng pagkailang. Hindi ko alam kung paano ako kikilos. Nanakbo siya sa loob ng kaniyang sasakyan, siguro ay para itago ang kaniyang pag-iyak. Na-guilty naman ako. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Kaya hindi ko na hinintay ang mga pulis. Inabot ko ang ID na binigay niya sa akin at humingi ng pasensya. “Sorry natakot ata kita!” mahinahon kong sabiMaluha-luha siyang tumugon sa akin “sorry din sir. Pahingi na lang po ako ng calling card niyo para alam ko kung saan ko kayo babayaran kapag nakapag-tapos na po ako at naging ganap ng teacher babalikan ko po kayo! Pramis po.” ngumiti lang ako sa kaniya. At hinayaan na siyang umalis. Pagkaalis niya ay biglang dumating si Renz.“Boss.. anong nangyari? Sinong may gawa nito? Gusto mo bang pasundan ko sa mga tauhan natin?” nag-aalalang tanong ni Renz ngunit imbes na singhalan siya ay ngumiti lang ako. Tinapik ko ang kaniyang balikat at saka magiliw na nagsalita “dalhin mo na lang ito sa repair shop! Tara na!” nagulat siya sa naging sagot ko. “Huh? Pero ito ang paborito mong sasakyan?!” tanong niya na puno ng pagtataka.“Kuhain mo ang lahat ng impormasyon sa kaniya.” Sinend ko ang picture ng ID nito kay Renz at saka muling na namang ngumiti. At doon ay naintindihan na ni Renz ang lahat.Iyon na ang una at sinisigurado kong hindi huling pagkikita namin ni Anne Mendoza…PRESENT TIMEANNE MENDOZA:"This is bullshit!" napapamurang bulong ko sa aking sarili. Hindi ko hahayaang mahulog ako sa patibong ni Madam Jennie Alcantara Valderama, ang future monther-in-law ko. Hindi mawala sa isip ko ng marinig ko kanina ang pakikipag-usap nito sa isang lalaki sa plano nilang pagpapadala sa akin sa kama ng ibang lalaki, at lahat ng ito ay isasakatuparan nila sa sandaling umalis na si Vince para sa kaniyang urgent business trip. Hindi ko sila hahayaang magtagumpay sa gusto nilang mangyari."Aaa..." mahina kong angal sa iniinda kong pagsakit ng aking katawan. Pilit kong binabangon ang sarili ko mula sa pagkakahiga sa malambot na kamang iyon, ngunit bago pa ako tuluyang makabangon ay umalingangaw na ang sigaw ng isang galit na lalaki mula sa silid kung saan ako naruruon."Sinong nagsabi sayong pumasok ka sa kwarto ko?!"Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pilit kong inaalala kung pano ako napunta sa lugar na iyon? At kung nasan nga b
THIRD PERSON POVPagkasabi ni Anne ay mabilis siyang tumayo , walang magawa si Hector kundi hayaan ito sa kaniyang desisyon. Hindi niya maaring pilitin ang dalaga. Nakatingin lang siya kay Anne habang pilit itong tumatayo ngunit kitang kita ang panginginig sa kaniyang mga binti, bago pa siya tuluyang bumagsak ay mabilis na pinaandar ni Hector ang kaniyang wheelchair papalapit sa kinatatayuan ni Anne. Kinapitan niya ang braso nito at magkasabay silang bumagsak sa sahig. Nalaglag si Anne sa dibdib ni Hector. Ang mabangong aroma ng katawan ni Anne ang nagpabalik sa ala-ala ng ngyaring iyon kagabi sa pagitan nila ni Hector. At ang laway ng pagnanasa ay gumuhit sa adams apple ni Hector. Sa sobrang kahihiyan ni Anne, gusto niyang bumitaw, ngunit nanghina ang kanyang mga binti at hindi siya makatayo. Muli na naman siyang bumagsak sa katawan ni Hector ng subukan niyang tumayo. Pagkatapos, narinig niya ang banayad ngunit seryosong tanong ni Hector sa ibabaw ng kanyang ulo,"nasaktan ba kita kag
Napaungol sa sakit si Hector at agad niyang inabot sa kaniyang ama ang tungkod nito. Napasimangot ako sa ginawang iyon ng matandang Valderama. Buong lakas itong sumigaw sa kaniyang anak."sabihin mo sakin ngayon. Ano ang gagawin mo para maayos ang kalokohang ginawa mo?""pakakasalan ko siya Papa, pananagutan ko kung ano man ang kasalanang ginawa ko sa kaniya."Ngumuso at halatang tutol si Don Antonio sa suhestyon ni Hector"pakakasalan mo si Anne? at pananagutan siya? sa itsura mong yan, hindi ikaw ang magdedesisyon tungkol diyan. Kailangan tanungin muna namin si Anne kung sang ayon siya sa gusto mong mangyari bago kami sumang ayon sa suhestyon mo!""Yaya, dalian mo at kunin mo ang latigo ko"Hindi naman ito kaagad sumunod sa pinag-uutos ni Don Antonio, nanatili itong nakatayo sa gilid ng matanda at nagmakaawa ito para kay Hector ."Don Antonio, baka po hindi pa kayanin ni Sir Hector? Hindi pa siya nakaka recover sa aksidenteng kinasangkutan niya, bakit hindi niya kayanin ang hagupit n
HECTOR VALDERAMANang tumalikod na si Papa ay inaya ko na si Anne na magtungo sa aming garahe. Habang naglalakad ay nakita ko sa kaniyang awra ang matinding pagkamuhi sa kahihiyang ginawa sa kaniya ni Jennie. Siguro nga ay hindi niya pa lubusang kilala ang sister-in-law kong iyon at kung gaano ito ka demonyo. Kung hindi pa niya naiintindihan ang lahat ng ngyari ngayong araw masasabi kong siya na ang pinaka tangang tao sa mundo. Lingid sa kaalaman niya na kahit na kailan ay hindi siya nagustuhan ni Jennie para sa anak nitong si Vince, palagi nitong minamaliit ang pamilya ni Anne kaya’t alam kong sa kahit na sa anong paraan ay gagawin niya para lang mawala sa landas niya si Anne. “Okay ka lang ba Anne?” tanong ko ng mahinahon sa kaniya Napabuntong hininga siya bago sumagot. “I’m sorry aaa… nadamay ka pa sa masamang planong ito ni Tita Jennie.. Ay Jennie na lang pala…” seryoso din ang kaniyang boses. “WalAnnen… matagal ko ng kilala si Jennie at lahat gagawin niya makuha lang ang gusto
HECTOR POVHindi ko iniisip ang kung anumang sinasabi ni Anne ngayon. Nagsisisi akong inalis ko kaagad ang aking daliri sa leeg ni Anne. “Tang ina ang sarap sa pakiramdam!” Bulong ko sa sarili ko. Ang lambot at ang kinis talaga ni Anne. Bahagya kong itinulak ang aking salamin , kailangan kong magtimpi. “Chill Hector. Alalahanin mo gentleman ka ngayon.” Pagpapaalala ko sa sarili.“Uhm.. ganito kasi yan Anne, siguro nung mga kapabataan ko , hindi talaga ako pasensyosong tao. Palagi akong napapa trouble pero hindi ko kailanman sinuway ang batas. Sakin dala lang yun ng mga trouble ng kabataan.”Nang mapatingin ako kay Renz pasimple ko siyang pinanlakihan ng mata. Pero makikita ang pag ngisi nito. Natatawa na lang din ako sa sarili ko. Bakit parang nababahag ang buntot ko pagdating kay Anne.To be honest, isa sa mga pang asar sakin ni Renz ay hindi daw ako nakikipag bubugan lang. Once na ako ang kinabangga , siguradong patay kagad. “Anne, yung mga negosyong pinapatakbo ko , yang mga ba
ANNE POVGulat na gulat ako sa bilis ng pangyayari. Sa isang iglap tila nagbago ang aking kapalaran . Kahapon lang ay nag-aalala ako kung saan ako titira pagkatapos ng lahat ng kaguluhang ito, wala na akong balak na bumalik pa sa unit ng mga magulang ko, pero ngayon?..., kapit ko sa kamay ko ang titulo ng unit at lupa na nakapangalan sa akin. Kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko inaasahang ang tiyuhin pa ni Vince ang makakapagbigay sa akin ng ganitong klaseng pakiramdam na ligtas ako. Naiinis ako dahil dun , bilang pasasalamat ay malumanay kong sinabi “Huwag kang mag-alala Hector, aalagan kita ng maayos.”“Okay” gumuhit ang nakakabighaning ngiti sa labi ni Hector. Itinulak ko ang wheelchair ni Hector papasok sa loob ng munisipyo. At sa tulong ni Renz mabilis naming nakuha ang aming marriage certificate. Medyo nahihilo pa ako kaya hindi ko na pinansin ang kakaibang pag ngiti ng lalaking kumukuha ng picture namin ni Hector bilang katibayan sa aming kasal. Pagkakuha namin ng
HECTOR POVNang makita ko ang namumula at halos duguang pisngi ni Anne ay bahagya kong inangat ang aking salamin sa tungki ng aking ilong. Binigyan ko ng isang malamig at nakakatakot na tingin ang mga magulang niya. Saglit na natigilan si Anne sa kaniyang kinatatayuan. Nang makita ni Renz ang panlilisik ng aking mga mata ay agad niyang nilapitan si Anne para baguhin ang namumuong tensyon sa aking utak. “Miss Anne, nag-alala kasi si Boss dahil hindi ka nakabalik kagad, nag-alala siyang baka nahirapan kang buhatin ang mga gamit mo, kaya kami pumasok na para tulungan ka.”Namumula ang mga mata ni Anne at ang kaniyang pisngi ay tila namumula sa init at malamang ay nananakit ito dahil sa bahagyang pag ngiwi ng kaniyang mga labi. Marahil ay nahihiya siya kaya nanatili ang kaniyang ulo na nakayuko at hindi nangahas na tumitig sa aking mga mata, mabuti na din ito dahil hindi niya nakita ang nanlilisik kong mata. Dala lang niya ang kaniyang maliit na bag, at maliit na maleta, mabilis siyang
Naramdaman ko naman ang pagpisil sa balikat ko ni Anne, tila ba ito tumututol sa aking mga sinabi pero bago pa siya makapagsalita ng anu pa man ay hinawakan ko ng mahigpit ang kaniyang mga kamay at hinimas ko ito ng dalawang beses. “Hayaan mo na. Tama naman ang byenan ko. Hindi tamang hindi ako magbigay ng kahit na anong regalo para sa kanila bago tayo ikasal. Masisira din ang reputasyon ko sa buong Pilipinas kung malalaman nilang hindi ako nagbigay ng regalo!”Nang marinig ito ng ama ni Anne ay tumingin ito ng may panunuya sa kaniyang anak. “Oo nga naman, ano bang katangahan ang pumasok sa isip mo. Ano na lang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang hindi nagbigay si Hector Valderama ng kahit na anong regalo sakin. Sa tingin mo ba ma-sa-satisfied ang mga tao? Gusto mo pang pag-tsismisan siya ng mga tao!”Tumango ako at nagtanong “mm… ano naman ang regalong ibibigay niyo sa akin bilang regalo sa aming kasal? Sa totoo lang hindi naman ako umaasa na tumbasan ninyo ang aking ibinigay
May gusto sanang sabihin si Chairman Dave, pero pinigilan siya ni Mrs. Heidi.“Tama na. Hayaan mo munang makapagpahinga ang kapatid mo. Tingnan mo, pagod na pagod na siya, at buntis pa!”Maingat na pinisil ni Mrs. Heidi ang balikat ni Anne: “May gagawin ka pa ba ngayong hapon? Matulog ka muna rito.”“Hindi na. May appointment ako sa isang babae na posibleng pumayag tumestigo laban kay Joshua. Malapit na ang oras.”May pag-aalalang tumingin si Mrs. Heidi kay Anne: “Sige, pero mag-ingat ka. Huwag mong kakalimutang buntis ka pa rin.” Tumango si Anne at nagtungo kasama si Maika.Sa isang coffee shop, hindi mapakali si Maika: “Bakit hindi pa dumarating ang babaeng ‘yon? Kapag hindi siya dumating agad, baka mahuli na tayo!”Paulit-ulit siyang tumingin sa kanyang relo: “Walo na lang ang natitirang oras bago ang eleksyon ng vice chairman ng foundation!”Pagkalipas ng halos isang oras, unti-unting nawalan ng pag-asa si Anne.“Mukhang hindi na siya darating.”Pagkatapos huminga nang malal
Gayunpaman, handa na rin si Anne na umatras sa pakikipaglaban bilang vice chairman.Naramdaman niyang kailangan niyang ipaliwanag kay Mrs. Heidi, asawa ni Chairman Dave ang dahilan kung bakit siya aatras sa eleksyon bilang vice chairman kaya pumunta siya sa bahay ng pamilya Sanvictores.Pagdating niya roon, masaya siyang sinalubong ni Mrs. Heidi at may misteryosong ngiti sa mukha: “Anne, naghanda ako ng damit na susuitin mo!” “damit?” Napakunot ang noo ni Anne.Hindi maitago ni Mrs. Heidi ang tuwa: “Oo, isang hand made ito mula sa magaling na designer ng pamilya Sanvictores! Hindi pa ito dumarating noon kaya hindi ko pa nasasabi. Pero kanina lang, dumating na ito sa mismong pintuan! Tiningnan na namin ng ninong mo, ang ganda talaga!”Pagkakita ni Chairman Dave kay Anne, agad nitong ibinaba ang hawak na diyaryo at tumayo: “Tiyak na babagay sa’yo ‘yan!”Kinuha ni Mrs. Heidi ang damit at itinapat ito kay Anne. “Ang ganda talaga, akmang-akma sa katawan mo, at hindi pa halata ang pagb
Ngumiti si Anne, “Lagi kang umiiwas. Hindi masaya kung gano’n. Nakalimutan kong sabihin sa’yo, kami mga mayayaman may ganyang bisyo na gusto naming nanonood ng palo na hindi umiiwas ang tao.”“nililinlang mo naman ako niyan! Hindi mo naman sinabi kanina.” Nanginginig sa sakit ang kanyang boses, pati ang mga ngipin ay naglalaban sa panginginig.“Nilinlang nga kita—e ano ngayon?” malamig ang tingin ni Anne. “Kung ayaw mong umangal, puwede naman kitang paluin ulit ng 17 beses, 'di ba?”Sa puntong ito, lumabas ang matabang walong taong gulang na anak at itinuro ang ama habang sumigaw:“Paluin mo pa! 'Yung pera mula sa palo ay pag-aari ko!”Nang marinig ito ay napakagat-labi ang ama ni Melody sa kaba.Tiningnan siya ni Anne nang may panunuya at sinabi, “Kung anong klaseng magulang, gano’n din ang anak na mapapalaki.”Pagkasabi nito, dinala nina Anne at Maika si Melody sa ospital.Pagkatapos ng gamutan, magkatabi sa kama si Anne at Maika. Muling nagtanong si Anne, seryoso ang tono niya
Makinig ka sa nanay mo kung hindi ka isinilang para maging mayaman, huwag mong piliting maranasan ang buhay na para lang sa mayayaman. Dahil kapag bumagsak ka, mas masakit ‘yan.”Sa sobrang galit ni Anne, huminto siya at biglang lumingon.Gusto mo bang ipagpatuloy ko ang susunod na eksena kung paano siya sumagot o kung paano niya pinagsabihan ang ina ni Melody sa huling pagkakataon?“'Wag ka munang umalis!”“Paano kang naging ina? Gano'n na ang sinapit ng anak mo na durog-durog na, pero ang kaya mo pang gawin ay mang-insulto?”Napakakunot ng noo ng ina ni Melody, sabay sabing, “Kaunting latay lang ‘yan. Noong bata pa kami, nagsasaka kami sa bukid—mas grabe pa ro’n.”“Ah gano’n?” Ngumiti si Anne nang may sarkasmo, humila ng upuan, at umupo nang maayos. Pagharap kay Maika, kalmado niyang sinabi: “Kunin mo nga sa kotse ang latigo.”“Okay!” Alam ni Maika na maraming gamit sa sasakyan at matagal na rin siyang pigil na pigil sa mag-asawang 'to.Nang marinig ng ama at ina ni Melody ang
"Ina ka ‘di ba? At pinayagan mong gahasain siya ng isang hayop sa mismong bahay niyo?"Hindi makatingin ang ina ni Melody. Pursado ang mga labi niya at hindi makaimik."Kung hayop si Joshua, kayo naman ang kasabwat niya! Hindi kayo nalalayo sa kanya!"Yumuko ina ni Melody na puno ng kahihiyan.Biglang lumabas ang ama ni Melody na galit na galit."Bakit naging ganito ang pamilya namin? Dahil kasalanan mo ‘to!Ikaw ang nagturo sa anak kong magsumbong sa pulis!Kung hindi dahil diyan, hindi sana kami napahamak! Hindi niya sana na-offend ang mayaman!""Tumigil ka!" Sigaw ni Anne. "May ama bang tulad mo? Ginahasa na nga ang anak mo, gusto mo pang manahimik?Ginamit mo ang perang nakuha para mapalitan ng kidney ang asawa mo! At plano mo pang gamitin ang natira para bumili ng bahay para sa anak mong lalaki! Walong taong gulang pa lang ang bata, sinimulan mo nang sipsipin ang buhay ng sarili mong anak na babae!"Napangiti ama ni Melody, pero halatang natamaan siya. Gayunman, nagsalita pa
"Binabalaan kita. Kung gusto mong mamatay, hintayin mong umatras si Anne sa eleksyon. Kung magpakamatay ka ngayon, ilalabas ko ang lahat ng litrato mo sa mismong burol mo. Kahit patay ka na, hindi ka makakahanap ng kapayapaan. Ikakahiya ka ng buong pamilya mo at sa bawat kanto, pagtatawanan ka."Pagkatapos noon ay binitiwan niya ang leeg nito at tumayo, iniwan siya roon na wasak."Hayop..." bulong ni Melody, habang nakatingin sa likuran ni Joshua at puno ng galit ang kanyang mga mata.Paglabas ni Joshua sa silid, agad sumalubong ang mga magulang ni Melody na may pakunwaring ngiti."Mr. Joshua, sinunod na namin ang lahat ng gusto mo. Tungkol naman po sa kaso ng asawa ko...""Hindi ko na itutuloy," malamig na tugon ni Joshua. Saglit siyang tumingin kay Maika na nasa labas, tapos lumingon sa bahay, tumitingin kung saan siya pwedeng lumabas. "Eh... 'yung pera po?" tanong pa ng ama ni Melody."Ibibigay ko." Saka tumalon palabas ng bintana, ang mismong bintana ng kwarto ni Melody.Pumaso
Tahimik ang buong silid.“Si Joshua, oo, may kaugnayan sa akin ang nangyari. Pero hindi ako nagkamali.Hangga’t ako ang guro ng Class 8, sisiguraduhin kong ligtas at may dignidad ang bawat estudyante ko. Ginawa ko ang tungkulin ko at para sa akin, karapat-dapat akong respetuhin bilang guro.”Pagkatapos ay tumingin siya ng diretso sa mga magulang na may halong lungkot at tapang.“Sabi n’yo, wala pa akong anak. Hindi ko alam ang nararamdaman n’yo.Tama ba ‘yon?”"Mali kayo." Matatag na tinig ni Anne."Kung dumating ang araw na magkaroon ako ng sarili kong anak kahit pa anak kong babae at harapin namin ang ganitong sitwasyon, hinding-hindi ko pipiliin ang takasan ito.""Hahanapin ko ang lahat ng paraan para protektahan ang anak ko. Magbubuo ako ng samahan ng mga magulang, magsanib-puwersa kami, at lalaban kaming magkakasama para sa kaligtasan ng mga bata.""Ituturo ko sa mga anak ko kung paano ipagtanggol ang sarili nila, kung paano umiwas sa mga lalaking may masamang balak.""Sabi nga n
Pagkatapos ng weekend, lalong lumala ang isyu ni Joshua.May mga nagsasabing babagsak na raw ang dalawang tiyo niya sa pwesto.Pero pagkalipas ng dalawang araw, ayos pa rin sila at kaliwa’t kanan ang lumabas na balita para linisin ang pangalan nila.Halimbawa, sinabing nasugatan daw ang pangalawang tiyo habang humahabol ng isang kriminal, at naospital pa ang isang matandang lalaki na sinagip niya...Ang sabi ng lahat, masyado raw makapangyarihan ang Pamilya Cruz!Isang bagong pwersa na kayang tapatan ang Pamilya Valderama !Hindi nagtagal, may naglabas ng mga lumang picture ni Joshua sa mga nightclub, at sinabing bago lang ito na patuloy pa rin siyang nananakot at abusado.Dahil dito, nag-alala na ang mga magulang ng mga estudyante sa klase ni Anne.Pagsapit ng Lunes, naimbitahan si Anne sa conference room.Kakapasok pa lamang ni Anne nang sumulyap siya sa mga magulang ng mga estudyante sa Class 8. Sa isang iglap pa lang, nabuo na agad sa isip niya ang kabuuang ideya ng sitwasyon.Me
Tumango si Hector at mahinahong nagsalita "Kaibigan ng tatay ni Charlene si Dad. Kaya noong namatay ang matanda, inampon niya si Charlene at pinalaki na parang anak."Hindi naman tanga si Anne. Halata niyang pinapaliit ni Hector ang kwento at may tinatago pa ito.Pero ngumiti siya at sabay kapit sa braso ni Hector, "Dear, ang sikreto ng mag-asawa ay katapatan. Kung meron ka man talagang naging relasyon kay Charlene, okay lang. Dahil nakaraan na 'yon. Curious lang ako. Kwento mo naman sa’kin."Habang nagsasalita siya, tumingin siya sa puting bahay sa likod ng Pamilya Valderama at bigla siyang napangiti. "Ganito na lang. Ako rin, magiging totoo sa’yo. Hindi si Vince ang unang minahal ko. Meron din akong first love.""Kuwento mo sa’kin ang tungkol sa’yo at kay Charlene, at ikukuwento ko rin ang sa’kin. Walang lihiman, okay?"Pagkarinig ni Hector, biglang nagbago ang ekspresyon niya. "Hindi puwede! Wala talaga kaming naging kahit ano ni Charlene! Mahal ko, sino yung first love m