Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of Until Divorce Do Us Part: Chapter 101 - Chapter 110

140 Chapters

Chapter 101: Silent Ties

Matapos ang kalahating oras ay naihanda na ni Cerise lahat ng pagkain sa mesa.“Hindi na ako magtatagal,” saad ni Cerise, at tinanggal ang kanyang apron. “Kailangan kong hanapin si Kara.”“Ihahatid kita pagkatapos nating kumain,” sagot ni Sigmund, at pinigilan siya, marahang hinawakan ang kanyang kamay.“At pa’no kung ayaw ko?”“Then stay and watch me eat,” saad ni Sigmund sabay malambot na ngumiti.Napataas ang kilay ni Cerise pero tumango rin. “Okay.”Bumunot siya ng upuan sa tabi nito, malapitang nanood.Medyo nag-alangan naman si Sigmund sa pagtitig nito pero ayaw niyang masayang ang inihando nitong pagkain. Kumuha siya ng kutsara at nagsimulang kumain.Hanggang sa naubos na halos lahat, ay nagpagaan iyon sa pakiramdam ni Cerise.“Masarap ba?” mahina niyang tanong.“Not bad,” sagot nito.Bahagyang ngumiti naman si Cerise. “Then have some more.”Gulat naman si Sigmund sa marahan nitong tono. Napabungisngis siya. “Bakit biglang ang bait mo bigla sa’kin?”Napahinga naman si Cerise ba
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Chapter 102: His Reluctant Wife

Bago pa man nahanap ni Cerise ang banyo ay may humila na sa kanya mula sa likod.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Idiniin siya ni Sigmund sa isang sulok sa corridor.“Malamig.” Sagot niya sabay singhap.Umigting ang panga ni Sigmund. Ang kanyang tingin ay lumambot, lumapit siya, ang kanyang boses ay biglang bumaba. “Malamig? Saan?”Ang isa nitong kamay ay dumulas papasok sa suot ni Cerise.“Sigmund, tanggalin mo ang kamay mo,” inis na utos niya.“Pero, malamig ang pader. Pinapainit lan kita,” inosenteng sagot nito.“Ano?”Bago pa man siya makareklamo ay tinawid na niya ang distansya sa pagitan nila. Ang isa nitong kamay ay nakasuporta sa pader, ang isa nama’y nakapalibot sa bewang niya habang ang mga labi nito’y inaangkin ang labi niya.Sa parehong oras na iyon, ay natagpuan sila ni Izar at Vivian.Napahinto sila. Hinahalikan ni Sigmund si Cerise, nang mapusok, sa publiko.Napaatras si Vivian, pakiramdam niya’y para siyang sinampal.Agad namang umalalay si Izar. “Tara na, pumunta n
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

Chapter 103: Kisses in the Crowd

“I’m waiting for my wife to come home after drinking with her friends,” kalmadong sabi ni Sigmund.Napakurap naman si Kara. “Anong pinagsasabi mo? Sinong sinasabi mong asawa mo?”Hinarap naman ni Cerise si Sigmund at sinamaan ito ng tingin, tahimik na binabalaan ito.“Ang babaeng muntik nang tanggalin ang leeg ko,” sagot ni Sigmund habang hinahawakan ang parteng tinutukoy niya.Sa madilim na liwanag at kumukurap-kurap na mga ilaw, nagmukhang kriminal ang tingin ni Cerise na gustong sakalin ang taong kaharap niya.Natawa naman si Kara. “So, ang kausap ko kanina mula sa phone ni Eri na sinasabing mag-asawa kayo, e hindi ikaw kung hindi e si Mr. Beauch?”“I applaud your sharp senses, Ms.Draven.” ngisi ni Sigmund habang nakatingin kay Cerise na iniinom ang alak, at bahagyang inamin kay Kara ang totoo.Hindi naman maintindihan ni Kara ang reaksyon ni Cerise na tahimik na nagrerebelde at linulunod ang sarili sa alak. “Dahan-dahan,” paalala niya.Samantalang si Cerise na hindi narinig ang si
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Chapter 104: A Kiss Before the Storm

“I want you, Cerise. I want every inch of you.” Saad nito sabay dila sa kanyang leeg.Pulang-pula na si Cerise pero nanaig pa rin ang kanyang katinuan. Tinipon niya ang natitira niyang lakas at tinulak ito palayo. “Sigmund, we can’t!”“We’re not divorcing then.” Sagot nito. “I swear.” Ang kamay niya’y nanatiling nakadikit sa balat ni Cerise at ang reaksyon sa ibabang parte nito ay hindi nawala.Hindi masabi ni Cerise kung seryoso ba ito o pinaglalaruan lang iya. Napatingin siya dito, gulat na gulat. Paanong nangyari na ang kaparehong lalaking ibinigay lahat ng luho kay Vivian, ay takam na takam sa kanya ngayon?Hindi. Hindi niya ito kayang tanggapin.“Hindi ako papayag!” sa kabila ng panginginig ng boses niya ay nagawa pa rin niyang maglakas ng boses, ang kanyang mata ay puno ng pagsuway.Ang lamig at kasungitan nito ay biglang pumatay sa isang romantikong ideya niya sa pag-ibig noong bata pa siya.“Then, let’s go to hell together,” malambot na sabi nito ngunit nagmistula itong sumpa.
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Chapter 105: Edge of Restraint

Nakatitig si Sigmund sa mga kutsara sa kanyang kamay, malamig ang kanyang tingin. Mababa ang boses niya, puno ng pananakot. “Ano’ng ibig mong sabihin? Sa kanya mapupunta ang puwesto?” Walang takot na ngumiti si Izar. “’Wag mong kalimutan, may kalaban ka sa istasyon.” Tahimik lang si Sigmund, pero mabigat ang katahimikan sa silid. “Pinapahirapan siya ng mga Prescott araw-araw, at wala kang ginagawa. If this goes on, tuluyang mawawala sa’yo si Cerise.”Hindi pa rin kumibo si Sigmund, kaya mas binigatan pa ni Izar ang kanyang mga salita. “Baka iwan ka na niya...” “Lumayas ka.” Malamig at diretsahan ang sagot ni Sigmund, hindi na niya tinago ang inis habang itinataboy ito. Ngumiti si Izar at sinundot pa siya bago umalis. “Bago nga pala ako umalis, si Riri na mismo ang nagsabi. Hindi ka na niya gusto.” “Labas!” Biglang tumayo si Sigmund, muntik nang sapakin si Izar. Agad na tumakbo si Izar palabas, iniwang nagngingitngit si Sigmund sa loob ng silid. Tinitigan niya ang hapunang h
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Chapter 106: The Cold that Burns  

Hindi iyon ang unang beses na sinabi niya ang mga salitang iyon, pero tuwing maririnig ni Cerise, isang malamig na kilabot ang gumagapang sa kanyang katawan. Naramdaman niya pa rin ang takot, at muntik nang pumatak ang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata."Anong gusto mo sa’kin?" tanong niya, mahinahon ngunit nanginginig ang tinig.“You. Everything about you.” Mababa at mariin ang sagot ni Sigmund."May naghihintay pa rin sa'yo na pakasalan mo."Bumagsak ang loob ni Cerise. Ilang ulit na ba nilang inuulit-ulit ang usapang ito, parang mga buwitre na paikot-ikot sa isang bangkay? Pagod na siya. Wasak ang kaluluwa niya. Dahan-dahan siyang dumulas sa pader, tila nawalan ng laman ang kanyang dibdib.Pero hindi pa tapos si Sigmund.May pagkainis na ikinabig niya si Cerise paharap, hinawakan sa baywang, pilit pinapaharap sa kanya. Ang tingin ni Sigmund ay parang apoy na hindi matigil. "Cerise..." bulong niya, mababa at puno ng utos. "Ibibigay mo ba sa’kin ang sarili mo o hindi?"Napa-igik
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Chapter 107: No Place to Hide  

Hindi naging mahirap kay Sigmund ang makuha ang numero ni Kara, ibinigay agad ito ni Izar nang walang pag-aalinlangan.Balak sanang abalahin ni Cerise si Kara, pero sa huli, nagbago ang isip niya at nag-check in na lamang sa isang hotel.Pagpasok niya sa isang simpleng kwarto, naglakad-lakad siya saglit, tila wala sa sarili, bago naupo sa kama at napatingin sa kisame.Madilim ang ilaw ng silid, walang pulang ilaw o anomang palatandaan ng kamera o ano mang nakakapagduda, kaya nahiga na siya.Bigla niyang naisip si Sigmund sa ganitong lugar…Malamang mandidiri iyon nang sobra-sobra…Sandali—bakit ko nga ba iniisip si Sigmund?Napangiti siya nang mapait at napailing. Bakit nga ba nasa isip ko pa rin siya?Ano nga ba si Vivian sa kanya ngayon? At ano siya—si Cerise?Naalala niya kung gaano niya ito minahal noon, at kahit ngayong alam niyang isa itong basura, nararamdaman pa rin niya ang damdamin sa puso niya. Napaangat ang kamay niya at tinakpan ang mukha, saka dahan-dahang bumuntong-hini
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Chapter 108: His Overbearing Presence  

Napakrus ng braso si Cerise, matigas ang loob. "Nakabayad na’ko at naligo na rin. Wala nang refund, kaya dito ako matutulog ngayong gabi!"Sinubukan niyang alisin ang kamay ni Sigmund mula sa kanyang pulso, ngunit mahigpit ang hawak nito. Kahit anong pilit niya ay hindi siya makawala.Nakasimangot si Sigmund, halatang hindi pa rin kumpiyansa sa kalinisan ng lugar. Wala siyang tiwala sa mga pinapahiram nitong gamit, at mas lalo na ang hihigaan. Hindi niya alam kung sino na ang gumamit ng mga ito noon o kung anong kahibangan ang nangyari sa mga sapin doon. Tiningnan niya si Cerise nang mariin. "Magpapalit ka ba o hindi?"Naramdaman ni Cerise ang pagkainis nito at tumingin pataas, ramdam ang pag-init ng kanyang ulo. Bakit ba siya palaging madaling magalit sa kanya? Kung marumi ang tingin niya sa mga damit, wala namang pumipilit sa kanyang tingnan o hawakan ang mga ito.Hindi siya isang alagang hayop na basta susunod sa bawat utos nito."Hindi ako magpapalit!" sagot niya nang matigas.Nag
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

Chapter 109: A Place in Her Heart

Pagdating nila sa parking lot, saglit na huminto si Cerise sa tabi ng driver’s seat bago sumakay. Tumingin siya sa lalaking nasa tapat niya. "Bibili muna ba tayo ng monggo?" Saktong bubuksan na ni Sigmund ang pinto ng kotse niya nang tumigil siya at tumingin sa kanya. Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi. "Sige." Napakunot ang noo ni Cerise. Parang may hindi tama, pero hindi niya mawari kung ano. Pumasok na rin ito at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang kanilang sasakyan sa harap ng isang 24-hour convenience store. Bumaba muna si Sigmund. Nanatili si Cerise sa kanyang upuan, pinagmamasdan niya itong maglakad papunta sa pinto ng kotse para pagbuksan siya. Napangiti siya nang hindi inaasahan. "Salamat." Nagningning ang madilim na mga mata ni Sigmund habang nakatingin sa kanya. "Walang anuman." May kung anong kiliti sa puso ni Cerise dahil sa banayad na tono ng boses nito. Pagkababa niya ng kotse, tumingin siya sa convenienc
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

Chapter 110: Love and Pretenses  

Tumayo si Cerise, marahang iniligpit ang mga pinggan bago naglakad patungo sa kusina. Ang marahang kalansing ng porselana sa lababo ang bumalot sa katahimikan. Wala siyang sinabi, tuluyang umalis papunta sa silid at isinara ang pinto nang mahigpit.Naiwan si Sigmund sa pasilyo, nakamasid. Narinig niya ang lock na kumapit sa pintuan at muling napangiti nang hindi namamalayan.Sa loob, pinilit ni Cerise na huminga nang malalim habang idinidiin ang noo sa malamig na kahoy. Ramdam niya ang pagod na parang biglang bumagsak sa kanya. Isang tunog ang bumasag sa katahimikan.Isang text message mula kay Kara...Kara: Ayos ka lang ba?Cerise: Oo.Hindi na muling nagtanong si Kara. Hindi na rin siya nagpaliwanag. Ngunit kinabukasan, nagising siya dahil sa isang bagay na hindi niya inaasahan.Hindi siya sanay gumising nang maaga. Madalas, mas gusto niyang manatili sa kama, hinahayaan ang sarili na namnamin ang bawat minuto ng kanyang pagtulog. Ngunit ngayong araw, sa sandaling binuksan niya ang W
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more
PREV
1
...
91011121314
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status