Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Kabanata 121 - Kabanata 130

Lahat ng Kabanata ng Until Divorce Do Us Part: Kabanata 121 - Kabanata 130

137 Kabanata

Chapter 121: Fractured Tension

"I could've been yours, Sigmund. Sa'yo lang. Pero hindi mo ako gusto noon. Kaya bakit ngayon? Bakit ka bumabalik? Baliw." Nanginig ang boses ni Cerise, pero hindi siya papayag na bumigay. Hindi na muli. Hindi para sa kanya. Katahimikan ang bumalot sa kwarto maliban sa hindi pantay nilang paghinga. Bigla, pinutol ni Sigmund ang distansya, hinuli ang kanyang mga labi sa isang desperadong halik. Sa isang saglit, muntik na siyang bumigay sa pamilyar na init, pero bumalik ang mga alaala ng nakaraan at ginising siya sa realidad. Nang lumayo ito upang alisin ang butones ng kanyang blouse, agad siyang kumilos. Dinampot niya ang unan at ibinato ito sa kanya nang buong lakas. Isa pa. At isa pa. "Ano ba—?" Halos hindi agad nakailag si Sigmund bago bumagsak sa kanya ang sunod-sunod na unan. Napahiga siya sa kama, tinakpan ang ulo gamit ang kanyang mga braso. "Cerise! Tama na—" Pero palabas na ito ng pinto. Itinaas niya ang ulo at natanaw ang kanyang paa habang mabilis itong lumalakad palay
last updateHuling Na-update : 2025-04-01
Magbasa pa

Chapter 122: She Is Pregnant

"Nanghihina ako kanina at nahimatay, si Mr. Xylas ang tumulong sa'kin."Mabilis ang sagot ni Vivian, tila handa na siya sa tanong.Lumingon si Spencer sa kanya, hindi mabasa ang ekspresyon, ngunit hindi niya pinabulaanan ang sinabi nito."Ganoon ba?" Ang tono ni Cerise ay may halong pag-aalinlangan. Palaging mahirap tukuyin kung ano ang totoo at hindi.Napansin niya ang saglit na palitan ng tingin ng dalawa, ang kay Spencer ay may pag-uusisa, habang kay Vivian ay tila may pakiusap."Umorder na tayo," sabi ni Spencer at binasag ang tensyon.Lumapit ang waiter na may hawak na mga menu, ngunit bago pa man makuha ni Cerise ang isa, inabot na ito ni Sigmund. Agad siyang nag-order ng dalawang parehong vegetarian dish at ibinalik ang menu sa waiter nang walang pag-aalinlangan.Napataas ang kilay ni Cerise, ngunit si Vivian ang unang nagtanong. "Sig, lumilipat ka na rin ba sa vegetarian diet?""Wala akong ibang pagpipilian," sagot ni Sigmund, ngunit si Cerise ang tinitigan niya.Ramdam ni Cer
last updateHuling Na-update : 2025-04-01
Magbasa pa

Chapter 123: Crashing Truths

“Pasensya na, pero kailangan ko nang umalis!” Tumigas ang ekspresyon ni Cerise at walang anumang dagdag na salita, agad siyang tumalikod at umalis. Kailangan niyang kausapin si Sigmund. Hindi na dapat maantala pa ang kanilang paghihiwalay. - Pagkaalis nina Sigmund at Cerise, sinundan ni Spencer si Vivian upang kamustahin ito. Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang matalas na tinig ang umalingawngaw sa silid. “Kahit totoo ngang buntis ako, hindi ko itutuloy ang pagbubuntis na ito.” Natigilan si Spencer. Napangisi si Craig nang mapait. “Ano ang gusto mong gawin? Ipapa-abort mo?” “Syempre! Hindi siya karapat-dapat na manatili sa loob ko.” Napakuyom ng kamao si Craig. “Dahil lang ba isa akong bodyguard, iniisip mong wala akong karapatang maging ama ng anak mo?” “Oo! Ang isang tulad mo ay walang karapatan na itali ako sa isang bata.” Malalim ang buntong-hininga ni Craig, ang kanyang tinig ay puno ng galit. “Isang tulad ko? Pero ang tulad ko ang taong bumuntis sa'yo at tunay n
last updateHuling Na-update : 2025-04-02
Magbasa pa

Chapter 124: Is This How it Ends?

"Sino ang buntis?" Natigilan si Mrs. Beauch sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita, kumurap-kurap siya na parang hindi niya narinig ito nang tama. Bahagyang bumuka ang kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita, tila nahuli sa pagitan ng pagkalito at hindi makapaniwala. "Si Ate Vivian," muling ulit ni Cerise nang matatag. "Buntis siya." Ayaw niyang magtagal pa ang anumang maling akala. Kung ito ang paraan para tuluyang matapos ang kanilang relasyon, mas mabuti na ito. Nakabuka ang mga labi ni Mrs. Beauch, pero walang lumabas na salita. Nanatili ang katahimikan sa pagitan nila, mabigat at hindi mabasag, hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator. Sa wakas ay kumilos siya pero hindi pa rin mabasa ang kanyang ekspresyon. "Mommy, gusto ko nang makipaghiwalay," muling sabi ni Cerise, mas matatag na ngayon ang kanyang tinig. "Bago pumanaw ang mama ko, ito rin ang gusto niya para sa akin." Nanlalabo ang kanyang paningin, ngunit hindi siya papayag na tumulo ang kanyang mga l
last updateHuling Na-update : 2025-04-02
Magbasa pa

Chapter 125: The Wedding Must Commence  

Nang makauwi si Mrs. Beauch ay kasabay naman ang pagdating ng isang tawag.“O Ali, napaaga ka yata. Anong–“Napahinto ang matandang babae nang makita ang tila pamumutla ng manugang. “Sino ‘yan?”Tiningnan nito ang screen at nakita ang apelyidong kinasusuklaman niya.Prescott.Matigas ang tinig ng matandang babae. "Sagutin mo at pakinggan mo ang sasabihin niya." Kahit na pareho nilang nahulaan ang laman ng tawag, saglit silang nag-aatubili bago sinagot ito at inilagay sa speakerphone. At ganoon lang, dumating na ang hindi maiiwasan. Totoo nga, gumalaw na ang pamilya Prescott para ipilit ang kasal. Kinagabihan, pinauwi si Sigmund sa Oakmere. Sa loob ng engrandeng mansyon ng pamilya Beauch, nakaupo ang lahat ng nakatatandang miyembro sa mahabang sofa na balot ng pelus. Ang mga tingin nila’y malamig, puno ng panunuri. Ramdam ang bigat ng katahimikan, pero hindi ito inalintana ni Sigmund. Mabilis niyang nilibot ng tingin ang silid, wala si Cerise. Hindi niya pinansin ang tensyon sa
last updateHuling Na-update : 2025-04-03
Magbasa pa

Chapter 126: A Dangerous Encounter  

"Sig? Sig?"Nakayukong tinapik ni Izar ang pisngi ng walang malay na lalaki, ang kanyang mga kilay bahagyang nakakunot sa kunwaring pag-aalala. Pagkatapos, lumingon siya sa babaeng nakatayo sa tabi niya, namumutla sa takot."Hala," mahinang sabi niya sabay dramatikong umiling. "Baby Riri, napatay mo yata ang asawa mo."Napasinghap si Cerise. "A-Anong sinabi mo?" Nanginginig ang boses niya, mabilis ang tibok ng kanyang puso. "Hindi—hindi ko siya—""Kalma," putol ni Winston, kita sa mukha niya ang pag-aalala. "Hinimatay lang ‘yan. Magigising din 'yan bukas ng umaga."Mabigat ang lunok ni Cerise. "Sigurado ka?"Gusto ko lang naman ng divorce, hindi ko siya gustong patayin."True," sagot ni Izar, tinutukoy ang lasing na si Sigmund. "Nakainom na siya at nahihilo na. Ikaw lang naman ang sumapol sa kanya gamit ang isang matigas na bagay."Napatingin si Cerise kay Sigmund, nakahiga roon nang walang kamalay-malay, ang kanyang noo balot ng puting bandage. Kumirot ang kanyang sikmura sa biglang
last updateHuling Na-update : 2025-04-03
Magbasa pa

Chapter 127: Still Burning

Lalong bumilis ang agos ng mga luha ni Cerise habang unti-unting bumabagsak sa kanyang pisngi, mainit at mabigat, humahalo sa init na kumakalat sa kanyang katawan.How can I not worry about you after all?Magkasama silang lumaki. Magkalaro sa likod ng bahay nila, nagtatago sa dilim habang nagbubulungan ng mga sikreto. Minahal niya ito ng buong puso sa loob ng napakaraming taon. Ang ganoong klaseng pagmamahal, hindi iyon basta nawawala.Dahan-dahang yumuko si Sigmund, hinalikan siya, banayad, alanganin, puno ng mga salitang hindi masambit. Sandali siyang nanatili roon bago bumitaw at inalalayan siya nitong umupo. Hawak niya ang mukha ni Cerise gamit ang dalawang kamay, hinahaplos ang mga luha sa pisngi nito. Pagkatapos ay inilapit ang kanyang noo, mariing ipinatong sa noo ni Cerise, sabay kunot-noo.“May lagnat ka ba?”Hindi nakasagot si Cerise. Para siyang lumulutang, ang utak niya ay parang nasa ulap, mabigat ang kanyang katawan, parang binabalot ng usok.Mainit ang lahat. Ang balat
last updateHuling Na-update : 2025-04-04
Magbasa pa

Chapter 128: Even If I Die

Matagal pinag-isipan ni Kara ang lahat. Pero sa huli, alam niyang hindi na pwede kung ano man ang meron sina Cerise.Pagkatapos ng hapunan, habang umiinom ng gamot si Cerise, tahimik siyang umupo sa tabi nito. May seryosong ekspresyon sa mukha niya, at ilang segundo pa bago siya nagsalita.“Kung ganon... Kailangan ba natin si Dad para tulungan kang idemanda siya? Itutuloy na natin ang divorce?”Hindi man lang nagdalawang-isip si Cerise.“Oo.”Napakurap si Kara, medyo nabigla sa gaan ng tono nito. “Grabe, puwede naman yatang hindi na umabot sa ganito? Mag-usap kaya muna kayo."Hindi sumagot si Cerise. Bagkus, isang mapait na ngiti lang ang gumuhit sa labi niya.-Umuulan na naman pagdating ng gabi. Banayad ang lagaslas ng ulan sa bintana, habang ang liwanag lang ng ilaw sa restaurant ang naglalaban sa dilim. Nasa isang sulok si Cerise, nakabalot sa kumot, nakatitig sa thermometer sa mesa.39 degrees.Napabuntong-hininga siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto. Narinig niya ang tunog ng bi
last updateHuling Na-update : 2025-04-05
Magbasa pa

Chapter 129: If Only We Were

Bago pa man siya matapos magsalita, yumuko na si Sigmund at kinagat ang kanyang baba nang malakas. Dahan-dahan itong gumapang paitaas hanggang sa dumapo ang kanyang mga labi sa mga labi ni Cerise.Napasinghap si Cerise at awtomatikong umatras. Nagtangkang tumakas ang hininga niya habang ang pag-aalinlangan ay tumagal nang matagal, hanggang sa nalasahan niya ang dugo mula sa sariling labi. Unti-unting dumilat ang kanyang mahigpit na nakapikit na mga mata, at tuluyang nanlambot ang katawan.Kinagat siyang muli nito ngayon, sa kanyang labi.At saka nito sinipsip, tila isang nauuhaw na hayop.Masakit.Malalim.Sobrang sakit.Ang kamay niyang nakakulong sa itaas ng kanyang ulo ay walang malay na nangiwi, at napakapit sa hangin.Masakit.Mula sa kanyang mga labi hanggang sa kanyang puso.Nang maramdaman ni Sigmund na hindi na siya tumututol, unti-unti nitong binagalan ang kanyang galaw. Ang mga halik niya ay naging banayad, halos may pag-galang, habang dahan-dahan nitong sinisipsip ang dugo
last updateHuling Na-update : 2025-04-06
Magbasa pa

Chapter 130: Don’t Say It Out Loud

“Ano bang gusto mong pag-usapan?” tanong nito, mata’y puno ng sakit. “Yung divorce? Na willing ka pang magsampa ng kaso? Gusto mo bang malaman ng buong mundo na kasal tayo?”“Hindi ko kayo kakasuhan. Pumayag ka na maghiwalay tayo, at wala nang ibang makakaalam,” sagot ni Cerise. “Kahit kailan, walang makakaalam na naging mag-asawa tayo. Puwede ba ‘yon?”Tumawa si Sigmund nang mapait. Pagkatapos ay muling kinagat nito ang kanyang balat.Walang makakaalam?“Hindi ba pwedeng kapalit ng tiwala mo ang lahat ng yaman ko? Ang buong buhay ko?”Isa lang namang bagay ang hinihiling niya.Pero huli na.Hindi na siya kayang pagkatiwalaan ni Cerise.Tumahimik siya. Hindi na nagsalita.Bumagsak si Sigmund sa kanyang leeg, bulong nang bulong ng hindi niya naman marinig.Matagal silang walang imik.Hanggang sa halos makatulog na si Cerise ay muling nagsalita si Sigmund.“Gutom ka pa ba?"Napadilat siya sa marahang boses nito..“May dala akong sopas.”Tumayo ito, nagbihis, at lumabas.Napaupo si Ceri
last updateHuling Na-update : 2025-04-07
Magbasa pa
PREV
1
...
91011121314
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status