“Pasensya na, pero kailangan ko nang umalis!” Tumigas ang ekspresyon ni Cerise at walang anumang dagdag na salita, agad siyang tumalikod at umalis. Kailangan niyang kausapin si Sigmund. Hindi na dapat maantala pa ang kanilang paghihiwalay. - Pagkaalis nina Sigmund at Cerise, sinundan ni Spencer si Vivian upang kamustahin ito. Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang matalas na tinig ang umalingawngaw sa silid. “Kahit totoo ngang buntis ako, hindi ko itutuloy ang pagbubuntis na ito.” Natigilan si Spencer. Napangisi si Craig nang mapait. “Ano ang gusto mong gawin? Ipapa-abort mo?” “Syempre! Hindi siya karapat-dapat na manatili sa loob ko.” Napakuyom ng kamao si Craig. “Dahil lang ba isa akong bodyguard, iniisip mong wala akong karapatang maging ama ng anak mo?” “Oo! Ang isang tulad mo ay walang karapatan na itali ako sa isang bata.” Malalim ang buntong-hininga ni Craig, ang kanyang tinig ay puno ng galit. “Isang tulad ko? Pero ang tulad ko ang taong bumuntis sa'yo at tunay n
"Sino ang buntis?" Natigilan si Mrs. Beauch sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita, kumurap-kurap siya na parang hindi niya narinig ito nang tama. Bahagyang bumuka ang kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita, tila nahuli sa pagitan ng pagkalito at hindi makapaniwala. "Si Ate Vivian," muling ulit ni Cerise nang matatag. "Buntis siya." Ayaw niyang magtagal pa ang anumang maling akala. Kung ito ang paraan para tuluyang matapos ang kanilang relasyon, mas mabuti na ito. Nakabuka ang mga labi ni Mrs. Beauch, pero walang lumabas na salita. Nanatili ang katahimikan sa pagitan nila, mabigat at hindi mabasag, hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator. Sa wakas ay kumilos siya pero hindi pa rin mabasa ang kanyang ekspresyon. "Mommy, gusto ko nang makipaghiwalay," muling sabi ni Cerise, mas matatag na ngayon ang kanyang tinig. "Bago pumanaw ang mama ko, ito rin ang gusto niya para sa akin." Nanlalabo ang kanyang paningin, ngunit hindi siya papayag na tumulo ang kanyang mga l
Tatlong taon na mula noong pumunta ng abroad si Cerise. Bumalik siya ng bansa matapos madiagnose ng stage four lung cancer ang kanyang ina. Tatlong taon pagkatapos ng kanilang kasal, pinayagan siya ng asawa niyang lumabas ng bansa sa kadahilanang para ito sa kanyang pag-aaral, na ang katotohanan talaga naman ay takot lamang ito na baka maging hadlang lamang siya sa pagmamahalan ng totoo niyang nobya.Sigmund Beauch.Pangalan palang ng kanyang asawa ay labis nang nag-uumapaw ng alindog, husay, at rikit na halos ‘di niya maipaliwanag. Hindi katanungan ang pagkahumaling ng kababaihan dito at alam niya sa sarili niya na kahit siya ay hindi magiging karapat-dapat sa katangiang likhang pinerpekto ng langit. Pinagpala ngang lubos ang taong minamahal nito at kailanma’y hindi magiging siya.Ang dating arogante at puno ng pagmamalaking prinsesa ay naging maamo at mapagkumbaba. Ngayong siya ay nagbalik, alam niyang ito na ang tamang panahon upang tapusin ang kanilang pagkukunwari.Habang nasa ma
Aligaga siyang iniahon ang sarili sa tubig, mabuti nalang at nabasa ng tubig ang mukha niya at di mahahalata ang luhang tumulo sa mata niya. Yinakap niya ang sarili at humingi ng paumanhin.Hindi lumapit sa kanya si Sigmun ngunit mahinahon siya nitong sinabihan ng “Magpalit ka muna doon.”Yumuko si Cerise at patakbong naglakad. Dagli siyang nagpalit ng isang pastel green na t-shirt at puting shorts. “Sorry, Young Master-”Dagli siyang bumalik at lininis ang nagkalat na tubig nang mahulog siya sa bath tub. Huli na nang mapagtanto niyang naghuhubad pala ito.Natulala siya nang dalawang segundo bago tumalikod at naglakad palabas ng pintuan. Tinanggal ni Sigmund ang pantalon nito at kaswal na sinabing “Pakisabit nito.”Akward na kinuha ni Cerise ang pantalon nitong may nakabitin na sinturon. “Gusto mo pa bang manood?”Tanong nito mula sa kanyang likuran. Kinuha ni Cerise ang polo nito at tumakbo palayo. Napasinghap naman si Sigmund pero hindi niya sinarado ang pinto at naglakad lamang papu
Bigla namang tumahimik ang paligid.“He’s a senior, isang taon ang tanda niya sa’kin.” Dugtong niya. Halata namang nahimasmasan si Vivian sa sinabi niyang ito.“Oh! Mabait ba siya sa’yo?” Tanong ulit nito nang maupo sila.Mariing nakatitig si Sigmund kay Cerise tila inaabangan niya ang bawat sasabihin nito. Habang si Cerise naman ay nakabaling ang atensyon sa kutsara’t tinidor sa kamay niyang pinulot niya dahil sa taranta at baka may masabi siyang mali. “Mabait siya. Lahat ng babae sa campus gusto siya pero sabi niya ako daw ang pinakaspecial at ako lang ang gusto niya!”Masigla niyang sagot.“That’s great! Gustong-gusto ka talaga niya. Treat him good.” Tumango naman si Cerise. “Pwede ba malaman pangalan niya?”“Ah-ano…”‘Shit.’ Ani niya sa sarili.“Huwag ka na mahiya. Kami lang ng Kuya Sigmund mo ‘to.”“Percy! Tama. Percy, ano---Colton? Oo. Colton.” Namula naman siya sa hiya sa nabuong pangalan.“Ay oh. Kapangalan pa ng paborito mong character sa libro.” Nakangiti namang saad ni Vivia
Bumalik na si Sigmund sa condo nila. Naabutan niyang nasa sala ang Mama ni Cerise at ang Lola niya na nanonood ng drama. Panay ang reklamo ng dalawa tungkol sa third party na sinisira ang pamilya ng bida habang nakangiti lamang si Cerise habang nakatingin sa dalawa. ‘Twenty-three ba talaga siya? Bakit ang tanga parin niya? Hindi man lang siya nagmature.’ Isip ni Sigmund. Nang palapit na siya sa sala ay biglang naalala niya ang basang katawan ni Cerise na nakaharap sa kanya. Walang ano-ano’y nadikit na pala siya ng tingin sa babaeng tinawag niyang tanga sa kanyang isip. “Senyorito!” Pagbati sa kanya nang kababalik lang na maid na sa paghula niya’y naghiwa ng prutas dahil may dala itong hiniwang mansanas. Nagkatinginan sila ni Cerise at naupo naman siya sa malapit sa kanya. Napansin niya palang na ngayon lang niya itong nakitang pormal ang suot. Maarte man ito noon pero hindi sa pananamit. Kung dati ay kikay ang pananamit nito, ngayon ay nagmukhang elegante at disente ang dating ni
Nang pagbalik niya’y sinamahan na rin niyang bumalik sa hospital ang Mama niya. Tinurokan muna ito ng painkiller at naabutan niyang tulog na ito pagkatapos niyang makiusap sa doktor ayon sa mga tests na kanilang isasagawa. Nanlulumo siya kapag nakikita ang ina na dati ay masigla at masiyahin.Hindi niya aakalain na aabot sa puntong mas bababa pa sa 40 kls ang timbang ng ina dahil sa sakit. Alam niyang labis ang sakit na nararamdaman nito base palang sa laki ng ibinawas sa timbang nito mula noong pag-alis niya.Paulit-ulit na nadidinig niya ang sinabi ng doktor.“Ihanda mo na ang sarili mo sa anumang pwedeng mangyari. Ano mang oras ngayon ay puwede siyang mawala. We can only give her painkillers to ease the pain. We can’t treat her anymore. Masyado nang nagspread ang cancer cells sa katawan niya. You can only hope na umabot pa siya kahit isang buwan.”Lumabo ang tingin niya sa luhang bumalot sa mata niya. Ayaw niyang umiyak, at hindi siya iiyak! Buhay pa ang Mama niya, ano ang dapat ni
“Tinatanong pa ba yan? Anong klaseng pamilya yan?”“Ah Ceri…” Napasinghap siya.“Tawagin mo ako sa pangalan ko.” Walang emosyon nitong sabi. “Since nandito ka naman, may libreng oras ka naman yata para sumama sa’kin sa Civil Affairs Bureau, diba?”May kahulugan nitong saad. Civil Affairs Bureau, tatlong salita na sana’y simpleng lugar lamang ngunit parang diin ng patalim sa kanyang puso.‘Gaga ka kasi. Ikaw rin naman nagtanong.’ Saad niya sa sarili.Samantalang nagtaka naman siya sa reaksyon ni Sigmund, mukhang hindi ito natutuwa.Pinipilit niya bang maghiwalay sila?Hindi marinig ni Cerise ang sagot ni Sigmund kaya tumingin siya ulit dito.“Okay na ba ngayon?”“May meeting ako mamaya! Mahalagang meeting.” Napunta ang tingin ni Sigmund sa hangganan ng corridor, at ang sigarilyo sa kamay niya ay naupos na.“Eh bakit hindi ka pa umaalis?”Tanong ni Cerise.Yumuko naman ito at tila sinusuri ang sapatos, at matapos ay tiningnan siya. “May bakanteng posisyon sa marketing department, why do
"Sino ang buntis?" Natigilan si Mrs. Beauch sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita, kumurap-kurap siya na parang hindi niya narinig ito nang tama. Bahagyang bumuka ang kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita, tila nahuli sa pagitan ng pagkalito at hindi makapaniwala. "Si Ate Vivian," muling ulit ni Cerise nang matatag. "Buntis siya." Ayaw niyang magtagal pa ang anumang maling akala. Kung ito ang paraan para tuluyang matapos ang kanilang relasyon, mas mabuti na ito. Nakabuka ang mga labi ni Mrs. Beauch, pero walang lumabas na salita. Nanatili ang katahimikan sa pagitan nila, mabigat at hindi mabasag, hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator. Sa wakas ay kumilos siya pero hindi pa rin mabasa ang kanyang ekspresyon. "Mommy, gusto ko nang makipaghiwalay," muling sabi ni Cerise, mas matatag na ngayon ang kanyang tinig. "Bago pumanaw ang mama ko, ito rin ang gusto niya para sa akin." Nanlalabo ang kanyang paningin, ngunit hindi siya papayag na tumulo ang kanyang mga l
“Pasensya na, pero kailangan ko nang umalis!” Tumigas ang ekspresyon ni Cerise at walang anumang dagdag na salita, agad siyang tumalikod at umalis. Kailangan niyang kausapin si Sigmund. Hindi na dapat maantala pa ang kanilang paghihiwalay. - Pagkaalis nina Sigmund at Cerise, sinundan ni Spencer si Vivian upang kamustahin ito. Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang matalas na tinig ang umalingawngaw sa silid. “Kahit totoo ngang buntis ako, hindi ko itutuloy ang pagbubuntis na ito.” Natigilan si Spencer. Napangisi si Craig nang mapait. “Ano ang gusto mong gawin? Ipapa-abort mo?” “Syempre! Hindi siya karapat-dapat na manatili sa loob ko.” Napakuyom ng kamao si Craig. “Dahil lang ba isa akong bodyguard, iniisip mong wala akong karapatang maging ama ng anak mo?” “Oo! Ang isang tulad mo ay walang karapatan na itali ako sa isang bata.” Malalim ang buntong-hininga ni Craig, ang kanyang tinig ay puno ng galit. “Isang tulad ko? Pero ang tulad ko ang taong bumuntis sa'yo at tunay n
"Nanghihina ako kanina at nahimatay, si Mr. Xylas ang tumulong sa'kin."Mabilis ang sagot ni Vivian, tila handa na siya sa tanong.Lumingon si Spencer sa kanya, hindi mabasa ang ekspresyon, ngunit hindi niya pinabulaanan ang sinabi nito."Ganoon ba?" Ang tono ni Cerise ay may halong pag-aalinlangan. Palaging mahirap tukuyin kung ano ang totoo at hindi.Napansin niya ang saglit na palitan ng tingin ng dalawa, ang kay Spencer ay may pag-uusisa, habang kay Vivian ay tila may pakiusap."Umorder na tayo," sabi ni Spencer at binasag ang tensyon.Lumapit ang waiter na may hawak na mga menu, ngunit bago pa man makuha ni Cerise ang isa, inabot na ito ni Sigmund. Agad siyang nag-order ng dalawang parehong vegetarian dish at ibinalik ang menu sa waiter nang walang pag-aalinlangan.Napataas ang kilay ni Cerise, ngunit si Vivian ang unang nagtanong. "Sig, lumilipat ka na rin ba sa vegetarian diet?""Wala akong ibang pagpipilian," sagot ni Sigmund, ngunit si Cerise ang tinitigan niya.Ramdam ni Cer
"I could've been yours, Sigmund. Sa'yo lang. Pero hindi mo ako gusto noon. Kaya bakit ngayon? Bakit ka bumabalik? Baliw." Nanginig ang boses ni Cerise, pero hindi siya papayag na bumigay. Hindi na muli. Hindi para sa kanya. Katahimikan ang bumalot sa kwarto maliban sa hindi pantay nilang paghinga. Bigla, pinutol ni Sigmund ang distansya, hinuli ang kanyang mga labi sa isang desperadong halik. Sa isang saglit, muntik na siyang bumigay sa pamilyar na init, pero bumalik ang mga alaala ng nakaraan at ginising siya sa realidad. Nang lumayo ito upang alisin ang butones ng kanyang blouse, agad siyang kumilos. Dinampot niya ang unan at ibinato ito sa kanya nang buong lakas. Isa pa. At isa pa. "Ano ba—?" Halos hindi agad nakailag si Sigmund bago bumagsak sa kanya ang sunod-sunod na unan. Napahiga siya sa kama, tinakpan ang ulo gamit ang kanyang mga braso. "Cerise! Tama na—" Pero palabas na ito ng pinto. Itinaas niya ang ulo at natanaw ang kanyang paa habang mabilis itong lumalakad palay
Napakurap si Cerise at unti-unting lumilinaw ang kanyang pandama sa malalim at paos na boses."Sigmund? Lasing ka ba?"Isang matapang na amoy ng alak ang bumalot sa kanya bago pa ito sumagot."Oo," anito, habang inilulubog ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg ni Cerise. Ang mainit niyang hininga ay nagdulot ng kilabot sa kanya.Nanigas si Cerise, hinawakan ang kanyang gumagalang mga kamay sa katawan niya. "Sigmund, bakit hindi ka na lang umuwi kapag lasing ka?""Gusto kong matulog sa kama mo, sa tabi mo. I want to sleep with my Cerise," aniya sa isang tinig na parang bata.Napabuntong-hininga siya, ramdam ang paparating na sakit ng ulo. "Tatawag ako ng taxi. Pwede kang pumunta sa lugar ni Vivian, okay?" Mahigpit ang kanyang tinig, pilit na pinipigilan ang sariling emosyon."Hindi! Ikaw ang gusto ko! Ayoko sa kanya! No" pagdadabog nito.Bago pa siya makapag-react, lumingon si Sigmund at ninakaw ang kanyang labi sa isang mainit at desperadong halik.---Kinabukasan, pagod na gumising Ce
Linagyan ni Cerise ng alak sa kanyang baso, pinagmamasdan ang pulang likido na sumasalamin sa mahinang ilaw ng bar. Napabuntong-hininga siya, umupo nang bahagya at hinaplos ang kanyang sentido. "Bakit hindi mo ako tulungang makakuha ng divorce? Law student ka diba, dapat alam mo kung paano mapapabilis ito."Halos mabilaukan naman si Kara sa kanyang inumin. "Ha?""Nag-research na ako online," patuloy ni Cerise, ang boses ay kaswal ngunit may halong inis. "Isa lang ang siguradong gumagana."Nag-alinlangan si Kara bago nagtanong, "Ano?"Ngumiti si Cerise, uminom nang mabagal bago sumagot. "Pangangaliwa."Nanlaki ang mga mata ni Kara. Parang binagsakan siya ng mundo. "...Nagbibiro ka ba?"Bago pa makasagot si Cerise, isang pamilyar na ubo ang narinig sa likuran niya. Nanigas siya, lumingon, at bumunggo ang kanyang mata kay Izar—nakangiti pero halatang may bahagyang pagkailang.Lumapit si Kara at bumulong, "Mukhang narinig ng asawa mo ang sinabi mo. Ano'ng gagawin mo?"Huminga nang malalim
“Baliw?”“Oo! Nakakatawa ka! Alam mong hindi tayo katulad ng mga ordinaryong mag-asawa, paano natin magagaya ang buhay nila? We don't have the right to do that.”Napasinghap si Cerise. Totoo ba ang narinig niya mula sa sarili niyang bibig? Ang kasinungalingan ng kanyang mga salita ay nag-iwan sa kanya ng saglit na pagkabigla.“Kung alam ko lang na madalas mong sasabihin ang ganitong bagay,” bumuntong-hininga siya at tumawid ang kanyang mga braso, “sinabi ko na sana sa araw ng kasal natin. Bakit pa ba ako naghintay na mawalan ka ng nararamdaman para sa'kin.”Lumalim ang tingin ni Sigmund habang papalapit ito, ang presensya niya’y nakakapangibabaw. “Oh? Sige, sabihin mo ngayon.”Awtomatikong umatras si Cerise. Magsisimula silang mag-usap nang maayos, ngunit sa tuwing lalapit siya, nawawala ang kakayahan niyang mag-isip nang matino.“Sa tingin mo pa rin ba’y nakakatawa ito?” tanong ni Sigmund, mas mababa ang boses ngayon, mas malambing—pero may matigas na gilid.Mabilis na umiling si Cer
Matigas ang boses ni Cerise, nakapulupot ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. "Hindi ba ikaw? Nakaluhod ka sa harap ko ng walang damit, ano pa ito kundi panunukso?"Tumawa si Sigmund, malalim ang tinig na may halong aliw. "Babe, hindi ito panunukso. Panliligaw 'to. I'm trying to win your heart."Nanlaki ang mga mata ni Cerise, ngunit walang lumabas na salita. Uminit ang kanyang mukha at bumilis ang tibok ng kanyang puso.Ngumisi si Sigmund, halatang nasisiyahan sa kanyang reaksyon. Hinawakan niya ang baba nito, iniangat ng bahagya ang kanyang ulo, at idinikit ang kanyang mga labi sa kanya. Matibay ang halik, mariin, at bago pa siya makapag-react, kumilos ito kasabay niya, hanggang sa napadagan siya sa maliit na sofa.Pumihit si Cerise, pilit na iniiwasan ang kanyang malamig na hininga, ngunit wala itong saysay. Sinundan siya nito, ang mahahabang binti ay nakaharang sa kanyang pagtakas.Ang kanyang sofa ay tila nagkanulo sa kanya sa sandaling iyon. Ngunit para kay Sigmund, hindi so
Gumapang ang kaba sa dibdib ni Cerise nang marinig niya ang matalim na tunog ng kandado. Agad siyang lumingon, nag-aapoy ang mga mata."Hindi kita pinilit na bilhan ako ng bahay, Sigmund. At lalong hindi ako papayag na may mangyari satin, dahil lang doon."Umayos ng upo si Sigmund, marahang tinapik ang daliri sa manibela. May bahagyang ngiti sa labi niya. "Siyempre hindi. May mangyayari sa’tin kapag mahal mo na ako."Napatingin si Cerise, nabigla sa seryosong tono ng boses nito. Mahal? Ha!?Napailing siya at ibinaling ang tingin sa bintana. "Buksan mo ang pinto. Gusto ko nang umuwi."Nanatiling tahimik si Sigmund, ang mga mata'y nakatutok sa kanya. Inis niyang hinampas ang hawakan ng pinto at tinitigan ito nang masama. Nagliyab ang titig ni Sigmund, pero hindi niya mabasa ang nasa isip nito.Bago pa siya muling makapagsalita, nag-vibrate bigla ang cellphone niya. Mabilis niyang hinanap ito sa bag at hindi na tinignan ang screen bago i-reject ang tawag.Vince PrescottKumirot ang sikmu