Accueil / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapitre 81 - Chapitre 90

Tous les chapitres de : Chapitre 81 - Chapitre 90

137

Chapter 81: Unspoken Desires and Forbidden Ties

Nang lumabas si Cerise mula sa banyo matapos maligo ay hindi niya nakita si Sigmund, kaya agad siyang pumasok sa silid upang maghanap ng damit na maisusuot.Samantala, abala ito sa paghiwa ng kamatis sa kusina. Nang marinig niyang sumara ang pinto ng kwarto, itinapon niya nang may inis ang kutsilyo sa chopping board.Ngunit nang lumabas muli si Cerise, dalawang mangkok ng tomato at egg noodles ang nakahain na sa mesa.Nakapantalon siya ng maong at manipis na sweater habang nakaupo sa harap niya. Habang kumukuha ng kutsara, hindi niya napigilang mapatingin kay Sigmund.Tiningnan siya ni Sigmund—tila nagpipigil at ayaw bumigay—bago napabuntong-hininga. "Pinagluto kita ng agahan, pero hindi ka pa rin matahimik?"Tahimik na yumuko si Cerise at nagsimulang kumain.Tinitigan siya ni Sigmund nang ilang saglit bago marahang nagsalita, "Sorry sa nangyari kanina.”Namula ang mukha ni Cerise sa narinig."Hindi pa rin ba sapat ang paghingi ko ng tawad?"Dahil hindi niya ito pinansin, muling nagta
last updateDernière mise à jour : 2025-03-04
Read More

Chapter 82: His to Keep

Si Sigmund ay kumalma nang sumunod si Cerise. Pati halik niya, naging mahinahon. Hindi niya alam kung kailan niya nagustuhan 'yung pakiramdam na 'yon. Parang may pulot sa labi niya, lalo na kapag hinahalikan niya si Cerise.Mababaw ang paghinga ni Cerise, takot na mainis si Sigmund, hanggang sa bitawan siya nito. Hawak pa rin ni Sigmund ang mukha niya, nakatingin pababa, "Nakakainis 'pag hindi kita nahahalikan."Napangiwi si Cerise.Gusto niyang pigilan ang paggalaw ng labi niya, pero mabilis iyong napigilan ng hinlalaki ni Sigmund.Sa mga mata nito, may emosyon siyang hindi maintindihan, o kaya'y hindi mapaniwalaan."O kaya, isapubliko nalang kaya natin ang totoo nating relasyon.” Sabi ni Sigmund.Namutla si Cerise sa takot.Isaubliko? Ano ang sasabihin nila? May relasyon ba talaga sila? Paano si Vivian?Para kay Cerise, hindi na kailangan 'yon."Para mabawasan ang problema mo," sabi ni Sigmund.Para sa kanya, kailangan nito ang impormasyong iyon para maprotektahan siya sa trabaho ni
last updateDernière mise à jour : 2025-03-04
Read More

Chapter 83: A Kiss and a Phone Call

Mataas na ang sikat ng araw nang sa wakas ay gumalaw si Cerise. May bigat na nakapatong sa kanyang baywang, nagbibigay ng kakaibang init at seguridad.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mabibigat na talukap, at ang unang bumungad sa kanya ay isang pares ng mahahabang pilikmata na nakahimlay sa kanyang balat.Mabilis na pumintig ang kanyang puso, at isang panginginig ang dumaloy sa kanyang katawan nang makilala niya ang makinis na kamay na yumayakap sa kanya.Si Sigmund.Narito siya. Natutulog sa tabi niya.Nanindig ang balahibo ni Cerise. Gusto niyang tumalon mula sa kama, lumayo sa init ng yakap nito, ngunit mahigpit siyang hinawakan ng kanyang mga bisig."Matulog ka pa nang kaunti," mahina at paos na bulong ni Sigmund.Naramdaman ni Cerise ang panunuyo ng kanyang lalamunan.Nanatili siyang nakahiga, hindi makagalaw, at may bahagyang panginginig sa kanyang tinig nang bulong niya, "Sigmund... Sig…"Dumilat ang madilim na mga mata ni Sigmund, tila nagising mula sa isang panaginip.
last updateDernière mise à jour : 2025-03-04
Read More

Chapter 84: The Unwanted Apology  

Si Cerise ay may kakaibang pakiramdam, isang hindi mapakaling pakiramdam na tila kumikiliti sa likod ng kanyang isipan. Ito iyong uri ng pakiramdam na gusto mong iwasan ang isang sitwasyon, kahit hindi mo lubos na maipaliwanag kung bakit."Kumain ka ng hapunan mamaya kasama si Vivian," mahina at garalgal na bulong ni Sigmund. "Gusto niyang humingi ng tawad."Ramdam pa rin ni Cerise ang mainit nitong mga palad na nakahawak sa kanyang mukha, isang pagdamping tila isang tahimik na pakiusap.Ngunit hindi niya maiwasang maramdaman na may mali, na ang paghinging tawad na ito ay higit pa sa isang palabas kaysa sa isang tunay na pagsisisi."Hindi ba puwedeng ‘wag na lang?" mahina niyang tanong, halos isang bulong.Naningkit ang madilim na mga mata ni Sigmund, may kislap ng tila hamon sa loob ng mga ito. "Ha?""Hindi ko gustong makipagplastikan," matapat niyang sagot, matatag ang tinig sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan. "Ayokong magkunwaring okay lang sa’kin na kausapin siya kahit ayaw ko n
last updateDernière mise à jour : 2025-03-04
Read More

Chapter 85: The Unforgiving Sister

Narinig ang dagundong ng tensyon sa hangin habang ang matalim na titig ni Craig ay nagdulot ng kilabot sa mga nasa paligid. Nararamdaman ni Vivian ang namumuong bagyo, kaya agad siyang sumingit, "Tama na!"Huminto si Craig, nakuyom ang kanyang mga kamao, at hinarap siya. "Hindi ko kayang panoorin siyang ipahiya ka nang ganito.”Lumutang ang bahagyang desperasyon sa tinig ni Vivian. "Kasalanan ko ito bilang ate niya. Gusto mo bang lumala pa ang lamat sa pagitan namin?" Ang kanyang mga mata, puno ng matinding determinasyon, ay nagmamakaawang pigilan siya.Hindi niya maaaring hayaang sirain ni Craig ang maingat niyang hinabing imahe sa TV station.Lumabas mula sa kanyang opisina si Percy, nagulat sa dami ng tao sa harap ng opisina ni Cerise. Mabilis niyang nabasa ang pangyayari at magaang sinabi, "Tama na, bumalik na kayo sa trabaho!"Nagsikalat ang mga tao, naiwan sina Vivian at Percy. "Mr. Colton, nagkita ulit tayo!" bati ni Vivian, pilit ang kasayahan sa boses.Patungo na sana si Perc
last updateDernière mise à jour : 2025-03-04
Read More

Chapter 86: The Third Party

Nang bumalik sina Cerise at Alex sa opisina, natuklasan nilang nakaalis na si Vivian.Ngunit isang tsismosang kasamahan ang lumapit, sabik sa tsismis. "Uy! Ang dakilang host nating si Cerise. Ang babaeng nangahas agawin ang lalaki mula sa panganay na anak na babae ng pamilya Prescott. Talaga namang kakaiba ka."Tumingin si Alex sa kasamahang iyon, tinaasan ito ng kilay. "Ano ang sinasabi mo? Nagpaparinig ka ba?""Sir Tiu, hindi mo lang talaga naiintindihan ang mga usapan naming mga babae," nakangiting wika ng katrabahong iyon, halatang naaaliw.Hindi napigilan ni Cerise na ngumiti nang bahagya. "Sir Tiu, hindi mo talaga naiintindihan. Sa totoo lang, pinupuri ako ni Miss Susan dahil mas matapang ako kaysa sa kanya."Napakurap ang katrabahong iyon, tila nagulat."Hindi ba tama?" tanong ni Cerise, napansin ang pagbabago sa ekspresyon nito."Sinasabi kong wala kang hiya. Hindi ko inasahan na mukhang inosente at walang muwang ka, pero sa likod pala ay isa kang tusong babae." sagot ni Susan
last updateDernière mise à jour : 2025-03-04
Read More

Chapter 87: Turning Point  

Mabilis na tumibok ang puso ni Cerise nang sa wakas dumating ang sandaling kanyang inaasahan.Ramdam niya ang tensyon sa silid, na parang nagpapabigat sa hangin sa paligid nila.Matalim ang tingin sa kanya ni Sigmund, bahagyang sumisikip ang mga mata. "Ano? Nakokonsensya ka ba?"Tiningnan niya ito sa mata, matatag ang paninindigan. "Bakit ako makokonsensya? Hindi ko naman siya pinilit lumuhod.""Hindi mo siya pinilit? Pero andiyan pa rin ang video." giit nito, matalas at may paninisi ang tono.Nanatiling tahimik si Cerise, napagtanto niyang sinasadya ni Sigmund na baluktutin ang sitwasyon upang lituhin siya. Nakakainis, pero ipinaalala niya sa sarili na pinagtatanggol lang nito ang mahal niya, at hindi siya magpapadala sa isang walang saysay na pagtatalo.Lalo pang nainis si Sigmund sa kanyang katahimikan. "Sinabi ko ba sa’yo na may sakit siya? Ikaw...""Ikaw yata ang may sakit. Baka dapat kang magpa-check-up. Nabaha na ba ang utak mo? O may sakit ka sa pag-iisip?" matapang niyang sag
last updateDernière mise à jour : 2025-03-04
Read More

Chapter 88: A Game of Trust  

“Bakit ka nag-aalinlangan? Hindi naman ito ang unang beses na hinawakan mo ako."Nanatiling makapal ang tensyon sa silid habang lumapit si Sigmund, unti-unting pinapalapit ang distansya sa pagitan nila.Agad na binawi ni Cerise ang kamay niya mula sa bulsa nito at itinago sa likod niya.Pilit siyang ngumiti, tinatago ang kaba. "Kalokohan. Hindi mo naman ako maloloko."Matalim ang tingin ni Sigmund, ang madilim niyang mga mata ay nakatutok sa kanya, seryoso at hindi natitinag. "Hanapin natin nang magkasama. Paano kung matagpuan natin? Tutal, hindi mo naman ako gaanong pinagkakatiwalaan, hindi ba?"Isang kilabot ang gumapang sa likod ni Cerise sa narinig niyang iyon.Nagsimulang bumalik sa kanyang isipan ang mga nakaraang pagtatagpo nila, dahilan upang umatras siya ng isang hakbang. “Hindi na kailangan. Naniniwala ako sa’yo.”Ayaw na niyang mapagbintangan na naman ng pang-aakit.Bahagyang yumuko si Sigmund, lalo pang binawasan ang distansya sa pagitan nila hanggang sa halos maghalo ang
last updateDernière mise à jour : 2025-03-05
Read More

Chapter 89: A Morning of Unspoken Tension

Pagkarating pa lang ni Sigmund sa pasukan ng subdibisyon, agad niyang hinawakan ang kamay ni Cerise, na para bang sinapian."Ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Cerise."Papasok ako.” giit nito..Hindi maintindihan ni Cerise kung ano na naman ang nangyayari rito; parang ang weird na ng kilos nito nitong mga nakaraang araw.Halos alas-onse na ng gabi, at niyakap na ng dilim ang buong paligid. Tinawid siya ni Sigmund sa kalsada.Pinilit niyang kumawala sa hawak nito, pero wala siyang nagawa."Tumingin ka sa daan. Baka may dumaang sasakyan." sigaw niya.Sa ganitong oras? Walang kahit anong sasakyang dumadaan lalo na sa loob ng subdivision.Naramdaman ni Cerise ang init ng kanyang kamay, na para bang matutunaw ito sa hawak ni Sigmund.Pagtawid nila, agad siyang tumigil. "Ayan, nakatawid na tayo. Pwede mo na bang bitiwan ang kamay ko, Mr. Beauch?"Tinitigan siya ni Sigmund, bahagyang naguguluhan. "Talaga bang ayaw mong mahawakan kita?""Hindi ka naman boyfriend ko, Sigmund. Ang pag
last updateDernière mise à jour : 2025-03-05
Read More

Chapter 90: A Twist of Fate  

Bigla niyang naalala ang pagtalon niya mula sa bathtub noong unang gabi niya sa China. Ang alaalang iyon ay bumalik sa kanya, sariwa at puno ng damdamin.Si Sigmund, nakasandal sa dingding, ay halatang nahihirapan pigilan ang sarili. Napaungol siya, at napansin ni Cerise ang paggalaw ng kanyang Adam’s apple.“May problema ba? Masakit ba ang lalamunan mo?” tanong ni Cerise, nag-aalala.“Wala. Magluto ka na lang ng almusal.” matigas na sabi ni Sigmund, tumalikod pa. Mukhang pinipilit niyang pakalmahin ang sarili.“Sige.” masiglang sagot ni Cerise, para maiwas sa nagbabadyang gulo.Si Cerise ay abala sa kusina. Matagal maluto ang lugaw, at habang nagluluto ng ibang gusto nito, ramdam niya ang titig ni Sigmund.Nang lumingon siya, nahuli niya itong nakatitig, parang malalim ang iniisip. Napangiti siya, iniisip kung baka nag-aalala ito na baka lason ang ilagay niya dito. Pero nanahimik na lang siya at baka ano pa ang masimulan niya.Sinundan din ni Sigmund ang tingin niya at napansin a
last updateDernière mise à jour : 2025-03-05
Read More
Dernier
1
...
7891011
...
14
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status