Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Until Divorce Do Us Part: Chapter 71 - Chapter 80

99 Chapters

Chapter 71: Older Brother  

Hindi siya pumunta nang umaga para makita ang Mamita niya, pero noong napadaan siya sa isang convenience store ay may nakita siyang naninigarilyo. Hindi niya alam pero natagpuan niya ang sarili sa loob ng bilihan at nagbabayad para sa isang kaha ng sigarilyo.Noong bata pa siya ay nasubukan niyang manigarilyo dahil sa naobserbahan sa mga nakakatandang mga pinsan at kaibigang lalaki na naninigarilyo nang palihim, kaya bumili siya para sa sarili, at sumubok.Pero isang beses lang iyon, hindi na siya umulit nang malasahan ang nakakasakal na usok ng sigarilyo.Pero ‘di kalaunan noong nasa abroad na siya, natutunan niya na ang paninigarilyo ay nagpapalimot ng mga iniisip ng isang tao, kaya naisip niyang sumubok ulit pero hindi niya parin natuloy dahil sa pag-aalangan.At ngayon, sa mismong araw na ito, ay nakatayo siya sa likod ng binilhan niya, hawak ang isang lighter.Bumuga siya ng usok matapos sindihan ito.Napaubo naman siya dahil pakiramdam niya ay sinasakal siya ng usok, at naluha
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Chapter 72: Sour  

Biglang naalala ni Cerise ang malabong memorya ng isang taong sinisipsip ang leeg niya bago siya lamunin ng antok kagabi, at agad naman siyang namula.Si Sigmund, na katabi niya, ay nag-iwas ng tingin at palihim na napalunok.“Ang laki naman ng bunganga ng insekto na ‘yan.” Natatawang sabi ng matanda.Para namang dumudugo ang pisngi ni Cerise sa sobrang pamumula. Pero naiinis sa sarili niya dahil hindi niya man lang naisipang itago iyon dahil nakalimutan niyang magdala rin ng scarf.Samantala, ang katabi naman niya ay nag-aalab na ang mata. Sinadya talaga nito na mag-iwan ng marka ng kanyang labi sa leeg ni Cerise. Hindi niya alam kung ano ang mali sa kanya, pero sobra-sobra ang kagustuhan niyang markahan ang buong katawan ng babae.Kung wala lang itong lagnat kagabi, baka ay nailabas na niya ang init na natipon na ng ilang buwan.Pumasok ang isang katulong na may dalang hinog na mga mangga, “Tinugon kami ni Madam kanina na ihanda ito bago siya umalis kaninang umaga. Ang sabi niya’y i
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Chapter 73: The Things I’ll Do For You  

Namanhid naman si Cerise nang marinig ang sinabi ng matanda. “Amita, inaalagaan naman ako ng young master. Sa katunayan nga n’yan e lagi niya akong tinatrato na parang isang nakababatang kapatid, at nararamdaman ko po ‘yun.”“At bakit hindi ko alam na tinatrato kita bilang kapatid?” Tanong ni Sigmund.Napatingin naman si Cerise, at hindi alam kung ano ang isasagot.“Wala akong kapatid, kaya bakit kita itatrato bilang kapatid?” Tugon nito at linagay ang dalang pinggan, sabay punta sa taas.“Hindi ba iyon isang rason para mas maghanap ka ng ituturing na kapatid?” Tanong ni Cerise sa sarili.“Iyang tukmol talaga na ‘yan ang baba ng pasensya.”Dinig niyang bulong ng matanda.Tiningnan lang ni Cerise ang likod ni Sigmund at napaisip. Kung hindi siya nito nakababatang kapatid, ano siya? Talaga bang asawa ang turing nito sa kanya?Pero bakit naman ito oorder ng weding dress para sa ibang babae habang mahal siya nito?-Matapos ang tanghalian, naunang umalis si Sigmund. Minasahe naman ni Ceri
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Chapter 74: Defying Control  

Nakita ni Cerise ang galit sa mga mata nito, at sinabing, “Hindi mo na ako kailangang utuin. Pinapangako kong wala akong gagawin kay Vivian.”“At bakit naman kita uutuin? Hindi ko ba puwedeng sabihin ang totoo?” Napalingon ito sa gilid, at nang sa oras na iyon ay hindi alam ni Sigmund kung paano niya ipapaliwanag ang sarili.“At paano mo naman gagawin ‘yan?” Ngayon ay binigay ni Cerise ang buo niyang atensyon dito.“Sabay tayong lumaki. Malungkot ka ba na ginawa niya ‘yan sa’yo?”“Not at all.” Sagot ni Ceri at umiling.Pinaghandaan ni Sigmund ang sasabihin niya sa daan kanina noong pabalik siya sa villa. Pero sa kahulihan, ay iyon lamang ang sagot ni Cerise, kaya wala siyang nasabi pa.“Malulungkot ka kapag may gusto kang tao, at hindi ko gusto.” Saad ni Cerise nang mahinahon.Napakagat naman ng labi si Sigmund. “Then, sino naman ang gusto mo?”“Hindi mo puwedeng diktahan kung sino ang magugustuhan ko. Kahit pamilya pa kita.”Pakiramdam naman ni Sigmund ay tinaga ang pagkatao niya. “
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

Chapter 75: A Fire That Won't Die

Isang linggo rin ang nagdaan na hindi nakikita ni Cerise si Sigmund. Kapalit naman nito ay ang pagkalat ng balita ng paghatid nito kay Vivian.Pero walang pakialam si Sigmund sa balitang ito. Tinawagan niya si Izar at nag-aya ng inuman.Nang gabi ring iyon ay naghanda si Izar ng isang party para makapag-inuman sila.“Kuya Sig, kailan mo balak pakasalan si Ate Vivian? Kami na ang bahalang maging best men mo.” Saad ng isang kaibigan na naimbitahan sa party.Inangat ni Sigmund ang kanyang paningin, at mahinang sinabi, “Don’t worry. You’ll be one soon.”Tumabi naman sa kanya si Izar at Winston, at nagkatinginan. Pinaalalahan naman siya ni Izar sa mababang tinig, “Hindi ka pa divorced. Paano mo papakasalan si Vivian?”Liningon niya ito, “Sino ba ang nagsabing hindi sila puwedeng maging best men kung hindi ako divorced?”“Ibig mo bang sabihin gusto mo ng pormal na kasal sa simbahan kasama si Cerise?” seryosong tanong ni Winston.“Kung gugustuhin ko…” Malamig nitong sagot.Madalas siyang sum
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

Chapter 76: Lingering Ties  

Sa kalagitnaan ng gabi ay pumarada ang mamahaling sasakyan ni Sigmund sa ilalim ng building ni Cerise.Nakahinga siya nang malaman na hindi lang silang dalawa ni Percy ang kumain, pero hindi parin ito mawala sa isip niya. Sa kabila ng lahat, siya parin ang legal niyang asawa.Binuksan niya ang pintuan ng kotse at nagsindi ng sigarilyo. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip niya ang malamig nitong ekspresyon nang makita siya nito. Hindi man lang nito naisipan bumati o kahit ngumiti man lang.How heartless.-Matapos magshower ay nagpunta ng balkonahe niya si Cerise upang diligan ang kanyang mga tanim na nadoon. Nadistract siya sa magandang tanawin ng mga ilaw mula sa mga building, at napuno ang isang paso, dahilan para tumingin siya sa ilalim upang tingnan kung may tao bang natuluan.Pero mas malala pa dito ang nakita niya. Isang pamilyar na mamahaling sasakyan na madalas niyang makita pero ngayon lang uli napadpad doon ngayong linggo.Kilala niya ang nagmamay-ari ng sasakyan na iyon
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

Chapter 77: Rings

Binibiro lang sana ni Cerise si Craig pero biglang may taong lumitaw mula sa likod niya at hinablot ang singsing sa kamay niya. Isinuot nito ang singsing nang walang alinlangan.Makinis at payat ang kamay ng lalaking humablot ng singsing, at dahil sa katangiang iyon, bumagay lang sa kamay nito ang singsing.Nakatitig lang si Craig at Cerise sa kamay ng lalaki, may kanya-kanyang iniisip.Tiningnan nang maigi ni Sigmund ang kanyang kamay, at tumingin kay Craig, “Bakit? Gusto mong subukan?”“Hindi po.” Saad ni Craig na kinabahan sa tingin nito at agarang tumanggi.“Go take care of Vivian.” Utos ni Sigmund.“Opo.” Agad namang nagmamadaling umalis si Craig para pumunta kay Vivian.Tiningnan naman ni Cerise ang papalayong pigura ng bodyguard ni Vivian, at litong tiningnan ang natirang kasama niya. Hindi ba dapat siya ang kasama nito para pumili ng singsing kasama ni Vivian?“This lady wants both rings. Get the invoice.” Hindi ni Sigmund pinansin ang titig ni Cerise, tinanggal ang singsing a
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more

Chapter 78: Who I Hated  

Pagkatapos ay kumain sila sa Fisco kasama si Craig.Nang nakapasok na ang dalawang babae ay huminto si Sigmund at nilingon si Craig na tatayo na sana sa gilid ng pintuan. “Pumasok ka rin.”Nagulat naman si Craig. Tuwing kumakain sila ni Vivian ay lagi siyang tatayo sa labas upang hintayin ito.“Oh? Bakit ka pumasok?” Tanong ni Vivian nang makita ang taong nakasunod kay Sigmund.Base sa mukha nito, hindi ito natutuwa.“I asked him to come in. Let him eat with us.” Tugon ni Sigmund.Biglang nawasak ang anghel na imahe ni Vivian lalo na nang umupo si Craig.Si Cerise naman na tahimik na nag-oobserba, ay napansing si Sigmund lang ang kalmado sa tatlo. Namumutla si Vivian at parang masama ang pakiramdam, samantalang parang naninigas naman si Craig.Sa gitna ng katahimikan, ay umalingawngaw ang boses ni Sigmund. “Craig, palit kayo ng upuan ni Cerise”Napatingin naman si Cerise kay Sigmund. Gusto niyang magsalita sana pero nakita niyang nakatayo na sa kanyang gilid si Craig, “Ms. Harrod…”Na
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more

Chapter 79: The Price of Fame  

Nakabalik na rin si Cerise sa apartment niya, nagpakulo ng tubig at napatingin sa singsing sa mesa niya.Hindi niya alam bakit pumayag siyang bilhin ito tapos ngayon ay nasa mesa na niya. Baka magamit niya ito balang araw? At sino naman ang maswerteng lalaki na iyon?Napangisi nalang siya sa kanyang naisip.Matapos ang agahan kinabukasan ay pumunta siya sa trabaho. Nakasalubong niya si Izar sa labas ng building niya, nakasandal ito sa kotse nito. “Baby!”Naglakad si Cerise palapit sa kanya, “Kuya Izar!”“Tara, ihahatid na kita.”“Okay!”Tahimik ang buong biyahe kaya akala ni Cerise ay nagkataon lang ang pagpunta ni Izar. Hanggang sa nagsimula itong magsalita tungkol kay Sigmund, “Masyado siyang naglalasing nitong mga nakaraang araw, pero hindi tulad ng kagabi.”Sakto namang pumarada sila sa harap ng TV station at lumabas siya kaagad.Matapos buksan ang pinto ay tiningnan niya si Izar, “Kuya Izar, hindi ko na siya gusto. Hindi na talaga.”Napatingin naman si Izar sa kanya nang marahan.
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more

Chapter 80: The World She Denied Me

Nang magising si Cerise kinabukasan, lampas alas nuwebe na ng umaga at parang biniyak ang ulo niya sa sobrang sakit.Hindi rin siya makatayo. Kanina pa siya nabibingi sa tunog ng doorbell na hindi mahinto-hinto.Kalaunan ay nahinto ito pero napalitan ng tunog ng... nagsusuntukan?Binuksan niya ang pintuan kahit gulo pa ang buhok niya at nakita niyang nakadiin si Percy sa sahig, habang nakapaibabaw naman dito si Sigmund. Hindi humihinto sa pagsuntok si Sigmund, habang hindi naman nakakaganti si Percy—o hinahayaan lang nitong masuntok siya.Hindi alam ni Cerise kung naalimpungatan lang siya at guni-guni lang niya ang nakikita niya, pero lumapit pa rin siya sa dalawa at inawat si Sigmund.Dala ng nakagawian, pumiglas lang si Sigmund sa pagkakakapit ni Cerise dahil sa lakas nito, dahilan para matumba siya sa sahig.Dahil sa sakit ng ulo at katawan niya, hindi siya agad nakatayo.Napadilat siya nang matauhan, mahinang nakahawak sa sofa, at nakamasid sa dalawang taong nag-aaway.Napalingon s
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more
PREV
1
...
5678910
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status