Sa kalagitnaan ng gabi ay pumarada ang mamahaling sasakyan ni Sigmund sa ilalim ng building ni Cerise.Nakahinga siya nang malaman na hindi lang silang dalawa ni Percy ang kumain, pero hindi parin ito mawala sa isip niya. Sa kabila ng lahat, siya parin ang legal niyang asawa.Binuksan niya ang pintuan ng kotse at nagsindi ng sigarilyo. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip niya ang malamig nitong ekspresyon nang makita siya nito. Hindi man lang nito naisipan bumati o kahit ngumiti man lang.How heartless.-Matapos magshower ay nagpunta ng balkonahe niya si Cerise upang diligan ang kanyang mga tanim na nadoon. Nadistract siya sa magandang tanawin ng mga ilaw mula sa mga building, at napuno ang isang paso, dahilan para tumingin siya sa ilalim upang tingnan kung may tao bang natuluan.Pero mas malala pa dito ang nakita niya. Isang pamilyar na mamahaling sasakyan na madalas niyang makita pero ngayon lang uli napadpad doon ngayong linggo.Kilala niya ang nagmamay-ari ng sasakyan na iyon
Binibiro lang sana ni Cerise si Craig pero biglang may taong lumitaw mula sa likod niya at hinablot ang singsing sa kamay niya. Isinuot nito ang singsing nang walang alinlangan.Makinis at payat ang kamay ng lalaking humablot ng singsing, at dahil sa katangiang iyon, bumagay lang sa kamay nito ang singsing.Nakatitig lang si Craig at Cerise sa kamay ng lalaki, may kanya-kanyang iniisip.Tiningnan nang maigi ni Sigmund ang kanyang kamay, at tumingin kay Craig, “Bakit? Gusto mong subukan?”“Hindi po.” Saad ni Craig na kinabahan sa tingin nito at agarang tumanggi.“Go take care of Vivian.” Utos ni Sigmund.“Opo.” Agad namang nagmamadaling umalis si Craig para pumunta kay Vivian.Tiningnan naman ni Cerise ang papalayong pigura ng bodyguard ni Vivian, at litong tiningnan ang natirang kasama niya. Hindi ba dapat siya ang kasama nito para pumili ng singsing kasama ni Vivian?“This lady wants both rings. Get the invoice.” Hindi ni Sigmund pinansin ang titig ni Cerise, tinanggal ang singsing a
Pagkatapos ay kumain sila sa Fisco kasama si Craig.Nang nakapasok na ang dalawang babae ay huminto si Sigmund at nilingon si Craig na tatayo na sana sa gilid ng pintuan. “Pumasok ka rin.”Nagulat naman si Craig. Tuwing kumakain sila ni Vivian ay lagi siyang tatayo sa labas upang hintayin ito.“Oh? Bakit ka pumasok?” Tanong ni Vivian nang makita ang taong nakasunod kay Sigmund.Base sa mukha nito, hindi ito natutuwa.“I asked him to come in. Let him eat with us.” Tugon ni Sigmund.Biglang nawasak ang anghel na imahe ni Vivian lalo na nang umupo si Craig.Si Cerise naman na tahimik na nag-oobserba, ay napansing si Sigmund lang ang kalmado sa tatlo. Namumutla si Vivian at parang masama ang pakiramdam, samantalang parang naninigas naman si Craig.Sa gitna ng katahimikan, ay umalingawngaw ang boses ni Sigmund. “Craig, palit kayo ng upuan ni Cerise”Napatingin naman si Cerise kay Sigmund. Gusto niyang magsalita sana pero nakita niyang nakatayo na sa kanyang gilid si Craig, “Ms. Harrod…”Na
Nakabalik na rin si Cerise sa apartment niya, nagpakulo ng tubig at napatingin sa singsing sa mesa niya.Hindi niya alam bakit pumayag siyang bilhin ito tapos ngayon ay nasa mesa na niya. Baka magamit niya ito balang araw? At sino naman ang maswerteng lalaki na iyon?Napangisi nalang siya sa kanyang naisip.Matapos ang agahan kinabukasan ay pumunta siya sa trabaho. Nakasalubong niya si Izar sa labas ng building niya, nakasandal ito sa kotse nito. “Baby!”Naglakad si Cerise palapit sa kanya, “Kuya Izar!”“Tara, ihahatid na kita.”“Okay!”Tahimik ang buong biyahe kaya akala ni Cerise ay nagkataon lang ang pagpunta ni Izar. Hanggang sa nagsimula itong magsalita tungkol kay Sigmund, “Masyado siyang naglalasing nitong mga nakaraang araw, pero hindi tulad ng kagabi.”Sakto namang pumarada sila sa harap ng TV station at lumabas siya kaagad.Matapos buksan ang pinto ay tiningnan niya si Izar, “Kuya Izar, hindi ko na siya gusto. Hindi na talaga.”Napatingin naman si Izar sa kanya nang marahan.
Nang magising si Cerise kinabukasan, lampas alas nuwebe na ng umaga at parang biniyak ang ulo niya sa sobrang sakit.Hindi rin siya makatayo. Kanina pa siya nabibingi sa tunog ng doorbell na hindi mahinto-hinto.Kalaunan ay nahinto ito pero napalitan ng tunog ng... nagsusuntukan?Binuksan niya ang pintuan kahit gulo pa ang buhok niya at nakita niyang nakadiin si Percy sa sahig, habang nakapaibabaw naman dito si Sigmund. Hindi humihinto sa pagsuntok si Sigmund, habang hindi naman nakakaganti si Percy—o hinahayaan lang nitong masuntok siya.Hindi alam ni Cerise kung naalimpungatan lang siya at guni-guni lang niya ang nakikita niya, pero lumapit pa rin siya sa dalawa at inawat si Sigmund.Dala ng nakagawian, pumiglas lang si Sigmund sa pagkakakapit ni Cerise dahil sa lakas nito, dahilan para matumba siya sa sahig.Dahil sa sakit ng ulo at katawan niya, hindi siya agad nakatayo.Napadilat siya nang matauhan, mahinang nakahawak sa sofa, at nakamasid sa dalawang taong nag-aaway.Napalingon s
Nang lumabas si Cerise mula sa banyo matapos maligo ay hindi niya nakita si Sigmund, kaya agad siyang pumasok sa silid upang maghanap ng damit na maisusuot.Samantala, abala ito sa paghiwa ng kamatis sa kusina. Nang marinig niyang sumara ang pinto ng kwarto, itinapon niya nang may inis ang kutsilyo sa chopping board.Ngunit nang lumabas muli si Cerise, dalawang mangkok ng tomato at egg noodles ang nakahain na sa mesa.Nakapantalon siya ng maong at manipis na sweater habang nakaupo sa harap niya. Habang kumukuha ng kutsara, hindi niya napigilang mapatingin kay Sigmund.Tiningnan siya ni Sigmund—tila nagpipigil at ayaw bumigay—bago napabuntong-hininga. "Pinagluto kita ng agahan, pero hindi ka pa rin matahimik?"Tahimik na yumuko si Cerise at nagsimulang kumain.Tinitigan siya ni Sigmund nang ilang saglit bago marahang nagsalita, "Sorry sa nangyari kanina.”Namula ang mukha ni Cerise sa narinig."Hindi pa rin ba sapat ang paghingi ko ng tawad?"Dahil hindi niya ito pinansin, muling nagta
Si Sigmund ay kumalma nang sumunod si Cerise. Pati halik niya, naging mahinahon. Hindi niya alam kung kailan niya nagustuhan 'yung pakiramdam na 'yon. Parang may pulot sa labi niya, lalo na kapag hinahalikan niya si Cerise.Mababaw ang paghinga ni Cerise, takot na mainis si Sigmund, hanggang sa bitawan siya nito. Hawak pa rin ni Sigmund ang mukha niya, nakatingin pababa, "Nakakainis 'pag hindi kita nahahalikan."Napangiwi si Cerise.Gusto niyang pigilan ang paggalaw ng labi niya, pero mabilis iyong napigilan ng hinlalaki ni Sigmund.Sa mga mata nito, may emosyon siyang hindi maintindihan, o kaya'y hindi mapaniwalaan."O kaya, isapubliko nalang kaya natin ang totoo nating relasyon.” Sabi ni Sigmund.Namutla si Cerise sa takot.Isaubliko? Ano ang sasabihin nila? May relasyon ba talaga sila? Paano si Vivian?Para kay Cerise, hindi na kailangan 'yon."Para mabawasan ang problema mo," sabi ni Sigmund.Para sa kanya, kailangan nito ang impormasyong iyon para maprotektahan siya sa trabaho ni
Mataas na ang sikat ng araw nang sa wakas ay gumalaw si Cerise. May bigat na nakapatong sa kanyang baywang, nagbibigay ng kakaibang init at seguridad.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mabibigat na talukap, at ang unang bumungad sa kanya ay isang pares ng mahahabang pilikmata na nakahimlay sa kanyang balat.Mabilis na pumintig ang kanyang puso, at isang panginginig ang dumaloy sa kanyang katawan nang makilala niya ang makinis na kamay na yumayakap sa kanya.Si Sigmund.Narito siya. Natutulog sa tabi niya.Nanindig ang balahibo ni Cerise. Gusto niyang tumalon mula sa kama, lumayo sa init ng yakap nito, ngunit mahigpit siyang hinawakan ng kanyang mga bisig."Matulog ka pa nang kaunti," mahina at paos na bulong ni Sigmund.Naramdaman ni Cerise ang panunuyo ng kanyang lalamunan.Nanatili siyang nakahiga, hindi makagalaw, at may bahagyang panginginig sa kanyang tinig nang bulong niya, "Sigmund... Sig…"Dumilat ang madilim na mga mata ni Sigmund, tila nagising mula sa isang panaginip.
“Wag kang magalit... sabi ni Kuya Izar, bawal kang ma-stress...” halos pabulong na ang kanyang tinig.“Cerise,” sabi ni Sigmund. “Sana hindi na lang kita nakilala.”Mula sa malamig ay naging isang mapait na lamig ang bumalot sa silid. Wala na siyang nasabi.At gaya ng eksenang walang pasabi, bumukas ang pinto.“Sigmund!”Pamilyar ang boses, malakas, sabik. Pumasok si Vivian, dala ang sariling pag-aalala. Kasunod niya si Craig, pero hindi ito lumapit.Napatingin si Cerise sa kanila. Hindi maipinta ang naramdaman niya.“Ceri, nandito ka rin pala,” magiliw na bati ni Vivian. Walang halong init o panunumbat, pero may pagitan ang tono. Tumabi ito kay Sigmund at agad hinawakan ang kamay nito.“Kumusta ka na? Mas okay ka na ba ngayon?”Hindi sumagot si Sigmund. Tiningnan lang niya si Vivian, at saka bahagyang napangisi. Isang malamig na ngiti na mas masakit pa kaysa sa kanina.Hindi alam ni Cerise kung bakit nakangisi si Sigmund. Wala naman itong sinasabi. Kaya’t marahan niyang paalala, “’Wa
“Kuya Izar?” may halong gulat ang boses ni Cerise.“Sakto ang tawag mo,” ani Izar. “Hinahanap din kita. Naaksidente si Sigmund kagabi... nasa ospital siya ngayon.”Nabigla si Cerise. “Ano?” Mabilis siyang napatayo. “Nasaan siya? Anong ospital?”“May bali sa isang braso. Nagising kaninang madaling-araw, pero nawalan ulit ng malay. Baka mas mabuti kung pumunta ka rito. Kailangan nating mag-usap.”Hindi na siya nagtanong pa. “Pupunta na ako ngayon.”-Kasabay ng malakas na pagbugso ng hangin ang mabilis na takbo ng kotse. Tahimik si Cerise sa likuran ng sasakyan ng direktor, hawak pa rin ang kanyang, habang paulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Izar.Pagbaba sa ospital, sinalubong siya ng malamig na hangin. Inayos niya ang buhok na ginugulo ng hangin habang nagmamadaling tumakbo papasok.Sa labas ng silid ng pasyente, tumingala si Izar sa naririnig niyang yapak. Nang makita niya si Cerise, bahagya siyang ngumiti, alanganin, pero malinaw ang pagkaunawa sa nararamdaman nito.“Kuya Izar, k
Kita ni Cerise ang pagsabog ng emosyon sa mata nito. Disappointment. Inis. Galit na pilit pinipigil. Pero kahit naramdaman niyang unti-unting bumibitaw si Sigmund sa kanya, kailangan niya itong sabihin.Huminga siya nang malalim, parang pagsuko pero puno ng layunin.“Young Master… pakiusap, hiwalayan mo na ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. Tumigas ang ekspresyon nito, at may sagot siyang buo na bago pa man niya mapigilan ang sarili:“Imposible.”Tumalikod siya at umalis.Naiwan si Cerise sa kinatatayuan, parang naligaw sa gitna ng makakapal na ulap.Buti na lang at kailangan nitong umalis kinagabihan. Nang makatiyak siyang wala na si Sigmund, tahimik siyang lumabas ng suite.Diretso siya sa hotel lobby. Wala namang sagabal sa kanyang pag-alis. Tumango ang mga staff at magalang siyang binati.“Ingat po kayo, Madam.”Napahinto si Cerise. Sandaling nagulat… pero tinuloy ang lakad na may matatag na hakbang.Sumakay siya ng taxi at dumiretso sa bahay.Nag-file siya ng leave at nagkulong s
Napatingin sa kanya si Cerise. “Bakit?”“Sa nangyari sa’yo kagabi, wala ka bang gustong alamin? Sino ang nasa likod no’n? Magpahinga ka muna. Huwag kang pumasok.”“Eh ‘di uuwi na lang ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. “Hindi ka ba komportable kapag kasama ako?”“Hindi ko sinasabi ‘yon,” mahinang sagot ni Cerise. “Pero hindi ako pwedeng manatili rito habang-buhay.”“Naghihintay ang mga reporter sa labas ng bahay mo ngayon. Kung pipilitin mong umalis, iisa lang ang pupuntahan mo.”“Saan?”“Sa condo ko.”Ang kanyang sea-view unit.Hindi umimik si Cerise. Tumigil lang siya, nakatingin sa sahig. Tahimik. Pero sa loob-loob niya, naluha ang kanyang damdamin.Hindi ba’t ibig sabihin nito’y hindi pa rin siya makakawala sa kanya?Ayaw na niyang maging human pillow nito tuwing gabi.“Pupunta na lang ako kay Kara. Puwede?”“Alam kong anak siya ng abogado ng tatay mo, at matagal na kayong magkaibigan. Pero ako ang asawa mo. Mas pipiliin mo ba ang kaibigan mo kaysa sa asawa mo? Mas ligtas ka ba ka
Sa kabilang bahagi ng lungsod, hindi tahimik ang umaga sa private apartment ni Vivian.Nakaupo siya sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili. Ilang ulit niyang tinangkang mag-makeup, pero nauuwi lang ito sa pagkabigo. Sa huli, binato niya ang mga mamahaling cosmetics at skincare sa sahig.Tumunog ang mga bote. Nagkalat ang mga piraso.Pumasok si Craig na nagulat sa gulo. Napatingin siya kay Vivian, nakaupo pa rin sa upuan, tahimik pero naglalagablab ang mga mata.“Lumapit ka rito,” malamig na utos ng babae.Nagdadalawang-isip man ay lumapit si Craig.Tumayo si Vivian, at bigla na lang yumakap sa kanya. Hinalikan siya nito, mariin, puno ng poot at pangungulila. May luha sa mga mata nito at napakaagresibo ng galaw nito.Pagbitaw niya sa halik ay mahina itong nagtanong, “Tulungan mo akong kalimutan siya. Kaya mo ba?”“Vivian…”“Please.”Muling hinalikan ni Vivian ang kanyang leeg, labi, at dibdib. Habang hinahaplos siya, pinasok ng kamay niya ang loob ng suot ni Craig, binubuksan an
Bigla siyang hinila ni Sigmund pabalik at sabay silang bumagsak sa kama.Nataranta si Cerise. Napakapit siya sa braso nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, mahina siyang bumulong."Hindi yata tama 'to...""Bukas, may press conference. Sasabihin ko na asawa kita. At hindi ko na itatago."Ibinulong ni Sigmund iyon sa leeg niya—mababa, mariin, at puno ng paninindigan.“Hindi,” madiing sabi ni Cerise sa nanginginig niyang tinig. “Hindi tayo puwedeng magpa-press conference.”Bahagyang napatigil ang mundo. Nadadarang siya sa init ng katawan nito, sa seguridad ng yakap, ngunit nanaig ang katinuan.Dumikit si Sigmund sa leeg niya, at may bulong na dumaan sa balat niya gaya ng usok na may dalang apoy. “Ayoko nang maulit ang nangyari ngayon,” aniya, mariin ang tono.Ayaw na niyang hayaang harapin ni Cerise ang panganib nang mag-isa.Pumasok sa isipan ni Cerise ang nakaraan, ang araw na sinabuyan siya ng pintura sa harap ng media. Iyon ay isang kahihiyan, ngunit maituturing pang mabab
Natigilan si Cerise nang magtagpo ang tingin nila ni Sigmund. Sa isang sulyap pa lang, alam niyang nakita na nito ang mga sugat niya na pilit niyang itinatago. Naunawaan niya rin kung bakit ito bumalik sa pribadong silid para hanapin si Mr. Peterson. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya."Sigmund, tumigil ka na sa pagtitig," mahinang bulong niya.Ngunit hindi siya pinakinggan ni Sigmund. Sa halip, lumapit ito mula sa likuran at bumulong sa kanyang tainga, malamig ang tinig nito."Sino'ng nagbigay ng pahintulot para masaktan ka?"Napatigil si Cerise. Sa dami ng nangyari, halos hindi na siya makakilos. Akala niya, ligtas na siya, pero heto siya, pinapagalitan pa nga. "Saan ka pa nasugatan? Sasabihin mo ba, o gusto mong ako na mismo ang maghubad ng natitira mong damit para malaman ko?"Hindi na siya hinintay nitong sumagot. Parang seryoso nga ito."Ako na ang magsasabi! Ako na!"Taranta siyang napasigaw.Sa wakas, umangat si Sigmund mula sa kanya. Ngunit na
Binalewala ni Cerise ang kirot na gumagapang sa kanyang tagiliran. Ang tunay na takot ay dumapo sa kanyang sikmura nang mapansing naka-lock ang pinto, inilock ito ni Mr. Peterson.Tahimik ang tunog ng mga sapatos ni Mr. Prescott habang papalapit siya, mabagal, puno ng intensyon. Hinawakan nito ang basang manggas ng kanyang damit.Napaatras si Cerise nang di sinasadya. Napadikit ang kanyang kamay sa nabasag na salamin. Napasinghap siya at mabilis na inangat ito. Dugo ang dumaloy sa kanyang palad."Akala mo ba'y kaya kitang pagbigyan katulad ng ama mong inutil?" mariing bulong ni Mr. Prescott habang sinunggaban siya sa kwelyo at pilit siyang itinatayo. "Kung hindi dahil sa natitirang pakialam ng pamilya Beauch sa'yo, matagal ka nang wala. Hindi kita gagawing prinsesa tulad ng ginawa ko kay Vivian."Napilitan si Cerise na titigan ang kanyang mukha. Wala nang pagkukunwari. Sa isang simpleng pagkakatapon ng alak, lumabas ang tunay na anyo ng halimaw.Dapat sana’y masaya siya na nabunyag an
“Ako?”“Hm-hm.” mabilis na pagtango ni Spencer, pilit na ngumiti kahit hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti. “Kumain na tayo.”Dahan-dahan nilang tinapos ang hapunan. Pagkatapos, isinama ni Cerise si Spencer sa ilang kilalang lugar sa lungsod, ipinakita ang kultura at tradisyon ng Pearl Pavilion. Nang matapos ang paglilibot, tinawag niya ang taxi para ihatid siya pabalik sa hotel.Ginagampanan lang niya ang papel ng mabuting host. ’Yun ang iniisip niya.Pero hindi inaasahan ang sumunod.Pagkababa ni Spencer mula sa taxi, nakaharap na siya agad sa isang pamilyar na tanawin nang bigla ay may isang katahimikan nang makaramdam ng isang malakas na presensya.Si Sigmund.Nakatayo siya sa unahan ng isang grupo, malamig ang tingin na ibinabato nito kay Spencer. Mula roon, lumipat ang tingin niya sa likuran, sa taxi kung saan nakaupo pa rin si Cerise.“Manong, paandarin niyo na po,” utos ni Cerise sa drayber, kahit nanginginig ang kanyang mga daliri.Umalis agad ang taxi, iniwan si Spen