Mabilis na tumibok ang puso ni Cerise nang sa wakas dumating ang sandaling kanyang inaasahan.Ramdam niya ang tensyon sa silid, na parang nagpapabigat sa hangin sa paligid nila.Matalim ang tingin sa kanya ni Sigmund, bahagyang sumisikip ang mga mata. "Ano? Nakokonsensya ka ba?"Tiningnan niya ito sa mata, matatag ang paninindigan. "Bakit ako makokonsensya? Hindi ko naman siya pinilit lumuhod.""Hindi mo siya pinilit? Pero andiyan pa rin ang video." giit nito, matalas at may paninisi ang tono.Nanatiling tahimik si Cerise, napagtanto niyang sinasadya ni Sigmund na baluktutin ang sitwasyon upang lituhin siya. Nakakainis, pero ipinaalala niya sa sarili na pinagtatanggol lang nito ang mahal niya, at hindi siya magpapadala sa isang walang saysay na pagtatalo.Lalo pang nainis si Sigmund sa kanyang katahimikan. "Sinabi ko ba sa’yo na may sakit siya? Ikaw...""Ikaw yata ang may sakit. Baka dapat kang magpa-check-up. Nabaha na ba ang utak mo? O may sakit ka sa pag-iisip?" matapang niyang sag
“Bakit ka nag-aalinlangan? Hindi naman ito ang unang beses na hinawakan mo ako."Nanatiling makapal ang tensyon sa silid habang lumapit si Sigmund, unti-unting pinapalapit ang distansya sa pagitan nila.Agad na binawi ni Cerise ang kamay niya mula sa bulsa nito at itinago sa likod niya.Pilit siyang ngumiti, tinatago ang kaba. "Kalokohan. Hindi mo naman ako maloloko."Matalim ang tingin ni Sigmund, ang madilim niyang mga mata ay nakatutok sa kanya, seryoso at hindi natitinag. "Hanapin natin nang magkasama. Paano kung matagpuan natin? Tutal, hindi mo naman ako gaanong pinagkakatiwalaan, hindi ba?"Isang kilabot ang gumapang sa likod ni Cerise sa narinig niyang iyon.Nagsimulang bumalik sa kanyang isipan ang mga nakaraang pagtatagpo nila, dahilan upang umatras siya ng isang hakbang. “Hindi na kailangan. Naniniwala ako sa’yo.”Ayaw na niyang mapagbintangan na naman ng pang-aakit.Bahagyang yumuko si Sigmund, lalo pang binawasan ang distansya sa pagitan nila hanggang sa halos maghalo ang
Pagkarating pa lang ni Sigmund sa pasukan ng subdibisyon, agad niyang hinawakan ang kamay ni Cerise, na para bang sinapian."Ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Cerise."Papasok ako.” giit nito..Hindi maintindihan ni Cerise kung ano na naman ang nangyayari rito; parang ang weird na ng kilos nito nitong mga nakaraang araw.Halos alas-onse na ng gabi, at niyakap na ng dilim ang buong paligid. Tinawid siya ni Sigmund sa kalsada.Pinilit niyang kumawala sa hawak nito, pero wala siyang nagawa."Tumingin ka sa daan. Baka may dumaang sasakyan." sigaw niya.Sa ganitong oras? Walang kahit anong sasakyang dumadaan lalo na sa loob ng subdivision.Naramdaman ni Cerise ang init ng kanyang kamay, na para bang matutunaw ito sa hawak ni Sigmund.Pagtawid nila, agad siyang tumigil. "Ayan, nakatawid na tayo. Pwede mo na bang bitiwan ang kamay ko, Mr. Beauch?"Tinitigan siya ni Sigmund, bahagyang naguguluhan. "Talaga bang ayaw mong mahawakan kita?""Hindi ka naman boyfriend ko, Sigmund. Ang pag
Bigla niyang naalala ang pagtalon niya mula sa bathtub noong unang gabi niya sa China. Ang alaalang iyon ay bumalik sa kanya, sariwa at puno ng damdamin.Si Sigmund, nakasandal sa dingding, ay halatang nahihirapan pigilan ang sarili. Napaungol siya, at napansin ni Cerise ang paggalaw ng kanyang Adam’s apple.“May problema ba? Masakit ba ang lalamunan mo?” tanong ni Cerise, nag-aalala.“Wala. Magluto ka na lang ng almusal.” matigas na sabi ni Sigmund, tumalikod pa. Mukhang pinipilit niyang pakalmahin ang sarili.“Sige.” masiglang sagot ni Cerise, para maiwas sa nagbabadyang gulo.Si Cerise ay abala sa kusina. Matagal maluto ang lugaw, at habang nagluluto ng ibang gusto nito, ramdam niya ang titig ni Sigmund.Nang lumingon siya, nahuli niya itong nakatitig, parang malalim ang iniisip. Napangiti siya, iniisip kung baka nag-aalala ito na baka lason ang ilagay niya dito. Pero nanahimik na lang siya at baka ano pa ang masimulan niya.Sinundan din ni Sigmund ang tingin niya at napansin a
Ang nakakagambalang pagtatagpo kasama si Mr. Prescott ay nag-iwan kay Cerise ng matinding pagkabalisa.Ang kanyang mga salita ay umalingawngaw sa kanyang isipan, isang nakakapangilabot na kontrast sa mabait na tiyuhing naaalala niya noong bata pa siya. Paulit-ulit niyang nirepaso ang pag-uusap nila, bawat nakakagambalang parirala ay nagpatingkad sa imahe ng isang lalaking halos hindi na niya makilala."Hindi na ako nagtataka kung bakit sinabi ni Mr. Peterson na hindi siya makakain o makatulog nang maayos," mahinang bulong ni Mr. Prescott, may bahagyang ngiti sa labi.Nagulat si Cerise at nagtanong, "Mr. Peterson?""Yung boss ng kumpanyang gumagawa ng sasakyan, na nilasing ka noong nakaraan?" sagot ni Mr. Prescott, ang kanyang tono ay kaswal ngunit may nakakapanindig-balahibong dating.Siyempre, naalala niya.Sandaling nakalimutan niya, ngunit hindi maikakaila ang ugnayan ng mga makapangyarihang lalaking ito.Kumikilos sila sa parehong mundo, ang kanilang impluwensya ay isang sapot na
Nagtagpo ang mga labi ni Cerise at Sigmund sa isang banayad, marahan, at tumatagal na halik.Hinaplos nito ang kanyang mukha at hinayaang gumuhit ang kanyang mga daliri sa matatalas na linya ng kanyang panga.Kahit nang bahagya itong lumayo, ipinagpatuloy niya ang pagdampi ng malalambot at magagaan na halik sa kanyang mga labi, sa dulo ng kanyang ilong, at pati sa kanyang mga kilay. Tahimik na dumaloy ang kanyang mga luha, isang pipi ngunit matinding patunay ng bagyong bumabagabag sa kanyang puso.Tiningnan niya ang madilim na mga mata ni Sigmund at habang isang luha ang dahan-dahang bumaba sa kanyang pisngi, naglaho ito sa kurba ng kanyang mapait na ngiti.Bahagyang nanginginig ang kanyang tinig nang bumulong siya, "Noon, mahal na mahal kita…”Mahigpit na hinawakan ni Sigmund ang kanyang kamay, isang tahimik na pagkilala sa lalim ng kanyang nararamdaman. "Hinangad kita," mahina niyang pagpapatuloy, halos isang buntong-hininga lamang ang kanyang tinig. "Hinangad kong mahalin mo rin ak
Nang makasakay si Cerise sa kotse ni Sigmund ay labis ang pagpipigil niya sa kanyang inis.Tinawagan lang naman kasi nito ang station manager na huwag siyang pagabihin dahil kailangan niya itong ipagluto ng hapunan ng isang linggo.Hindi pa man humuhupa ang inis niya ay kinuha na ni Sigmund ang isang box mula sa backseat at ibinigay sa kanya.Tiningnan naman ito ni Cerise ng pinaghalong irita at pagkainteresado sa kung ano ang laman.Sa loob nito ay isang pares ng asul na leather na sapatos.“Ano’ng ibig sabihin nito?” tanong niya nang lingunin niya ito habang nakataas ang kilay.“Tama ang size ‘di ba? Subukan mo nga kung kasya lang.”Hindi makapagsalita si Cerise. Paano nito nalaman ang sukat ng paa niya? Hiyang-hiya siya.Napansin naman ni Sigmund ang pag-aalangan nito kaya nagsalita siya, “Napansin ko lang na malaki ang paa mo, pero wala lang naman ‘yun sa’kin.”“Please stop talking.” Pigil niya sabay irap.Kinuha niya ang isa nito at inilagay sa lapag at ipinalit sa suot niyang bl
Binuksan ni Cerise ang pintuan na hindi pinapansin ang tatlong lalaking naghihintay. Ang kanilang tingin ay nakapokus sa kanya, na ikinahiya at tameme naman niya.“Syempre, alam ng jowa ang password,” hagikhik ni Izar habang tinatapik ang braso niya. “Pasok ka na.”Hindi naman alam ni Cerise kung anong mararamdaman niya sa sinabing iyon ni Izar. Pero dahil mas nakakapagod magpaliwanag, hindi nalang siya nagsalita.Kalaunan, nang nagluluto si Cerise, pinansin naman ni Sigmund ang dalawang hindi imbitadong bisita. “Umuwi na nga kayo.”“Magkakaibigan tayo,” protesta ni Izar, “at si Riri ang nagluluto, hindi ikaw.”“I warn you,” biglang tumigas ang boses ni Sigmund, “huwag na huwag mo siyang hahawakan ulit kahit na tawaging baby.”Agad namang tumango si Izar na nagpalambot sa ekspresyon ni Sigmund. Samantalang si Winston ay hindi mapigilan ang sarili na magtanong, “So, nagsasama na kayo?”Nagpaliwanag si Sigmund tungkol sa kasunduan ni la ni Cerise, isang walang kabuluhang excuse para sa
“Wag kang magalit... sabi ni Kuya Izar, bawal kang ma-stress...” halos pabulong na ang kanyang tinig.“Cerise,” sabi ni Sigmund. “Sana hindi na lang kita nakilala.”Mula sa malamig ay naging isang mapait na lamig ang bumalot sa silid. Wala na siyang nasabi.At gaya ng eksenang walang pasabi, bumukas ang pinto.“Sigmund!”Pamilyar ang boses, malakas, sabik. Pumasok si Vivian, dala ang sariling pag-aalala. Kasunod niya si Craig, pero hindi ito lumapit.Napatingin si Cerise sa kanila. Hindi maipinta ang naramdaman niya.“Ceri, nandito ka rin pala,” magiliw na bati ni Vivian. Walang halong init o panunumbat, pero may pagitan ang tono. Tumabi ito kay Sigmund at agad hinawakan ang kamay nito.“Kumusta ka na? Mas okay ka na ba ngayon?”Hindi sumagot si Sigmund. Tiningnan lang niya si Vivian, at saka bahagyang napangisi. Isang malamig na ngiti na mas masakit pa kaysa sa kanina.Hindi alam ni Cerise kung bakit nakangisi si Sigmund. Wala naman itong sinasabi. Kaya’t marahan niyang paalala, “’Wa
“Kuya Izar?” may halong gulat ang boses ni Cerise.“Sakto ang tawag mo,” ani Izar. “Hinahanap din kita. Naaksidente si Sigmund kagabi... nasa ospital siya ngayon.”Nabigla si Cerise. “Ano?” Mabilis siyang napatayo. “Nasaan siya? Anong ospital?”“May bali sa isang braso. Nagising kaninang madaling-araw, pero nawalan ulit ng malay. Baka mas mabuti kung pumunta ka rito. Kailangan nating mag-usap.”Hindi na siya nagtanong pa. “Pupunta na ako ngayon.”-Kasabay ng malakas na pagbugso ng hangin ang mabilis na takbo ng kotse. Tahimik si Cerise sa likuran ng sasakyan ng direktor, hawak pa rin ang kanyang, habang paulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Izar.Pagbaba sa ospital, sinalubong siya ng malamig na hangin. Inayos niya ang buhok na ginugulo ng hangin habang nagmamadaling tumakbo papasok.Sa labas ng silid ng pasyente, tumingala si Izar sa naririnig niyang yapak. Nang makita niya si Cerise, bahagya siyang ngumiti, alanganin, pero malinaw ang pagkaunawa sa nararamdaman nito.“Kuya Izar, k
Kita ni Cerise ang pagsabog ng emosyon sa mata nito. Disappointment. Inis. Galit na pilit pinipigil. Pero kahit naramdaman niyang unti-unting bumibitaw si Sigmund sa kanya, kailangan niya itong sabihin.Huminga siya nang malalim, parang pagsuko pero puno ng layunin.“Young Master… pakiusap, hiwalayan mo na ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. Tumigas ang ekspresyon nito, at may sagot siyang buo na bago pa man niya mapigilan ang sarili:“Imposible.”Tumalikod siya at umalis.Naiwan si Cerise sa kinatatayuan, parang naligaw sa gitna ng makakapal na ulap.Buti na lang at kailangan nitong umalis kinagabihan. Nang makatiyak siyang wala na si Sigmund, tahimik siyang lumabas ng suite.Diretso siya sa hotel lobby. Wala namang sagabal sa kanyang pag-alis. Tumango ang mga staff at magalang siyang binati.“Ingat po kayo, Madam.”Napahinto si Cerise. Sandaling nagulat… pero tinuloy ang lakad na may matatag na hakbang.Sumakay siya ng taxi at dumiretso sa bahay.Nag-file siya ng leave at nagkulong s
Napatingin sa kanya si Cerise. “Bakit?”“Sa nangyari sa’yo kagabi, wala ka bang gustong alamin? Sino ang nasa likod no’n? Magpahinga ka muna. Huwag kang pumasok.”“Eh ‘di uuwi na lang ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. “Hindi ka ba komportable kapag kasama ako?”“Hindi ko sinasabi ‘yon,” mahinang sagot ni Cerise. “Pero hindi ako pwedeng manatili rito habang-buhay.”“Naghihintay ang mga reporter sa labas ng bahay mo ngayon. Kung pipilitin mong umalis, iisa lang ang pupuntahan mo.”“Saan?”“Sa condo ko.”Ang kanyang sea-view unit.Hindi umimik si Cerise. Tumigil lang siya, nakatingin sa sahig. Tahimik. Pero sa loob-loob niya, naluha ang kanyang damdamin.Hindi ba’t ibig sabihin nito’y hindi pa rin siya makakawala sa kanya?Ayaw na niyang maging human pillow nito tuwing gabi.“Pupunta na lang ako kay Kara. Puwede?”“Alam kong anak siya ng abogado ng tatay mo, at matagal na kayong magkaibigan. Pero ako ang asawa mo. Mas pipiliin mo ba ang kaibigan mo kaysa sa asawa mo? Mas ligtas ka ba ka
Sa kabilang bahagi ng lungsod, hindi tahimik ang umaga sa private apartment ni Vivian.Nakaupo siya sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili. Ilang ulit niyang tinangkang mag-makeup, pero nauuwi lang ito sa pagkabigo. Sa huli, binato niya ang mga mamahaling cosmetics at skincare sa sahig.Tumunog ang mga bote. Nagkalat ang mga piraso.Pumasok si Craig na nagulat sa gulo. Napatingin siya kay Vivian, nakaupo pa rin sa upuan, tahimik pero naglalagablab ang mga mata.“Lumapit ka rito,” malamig na utos ng babae.Nagdadalawang-isip man ay lumapit si Craig.Tumayo si Vivian, at bigla na lang yumakap sa kanya. Hinalikan siya nito, mariin, puno ng poot at pangungulila. May luha sa mga mata nito at napakaagresibo ng galaw nito.Pagbitaw niya sa halik ay mahina itong nagtanong, “Tulungan mo akong kalimutan siya. Kaya mo ba?”“Vivian…”“Please.”Muling hinalikan ni Vivian ang kanyang leeg, labi, at dibdib. Habang hinahaplos siya, pinasok ng kamay niya ang loob ng suot ni Craig, binubuksan an
Bigla siyang hinila ni Sigmund pabalik at sabay silang bumagsak sa kama.Nataranta si Cerise. Napakapit siya sa braso nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, mahina siyang bumulong."Hindi yata tama 'to...""Bukas, may press conference. Sasabihin ko na asawa kita. At hindi ko na itatago."Ibinulong ni Sigmund iyon sa leeg niya—mababa, mariin, at puno ng paninindigan.“Hindi,” madiing sabi ni Cerise sa nanginginig niyang tinig. “Hindi tayo puwedeng magpa-press conference.”Bahagyang napatigil ang mundo. Nadadarang siya sa init ng katawan nito, sa seguridad ng yakap, ngunit nanaig ang katinuan.Dumikit si Sigmund sa leeg niya, at may bulong na dumaan sa balat niya gaya ng usok na may dalang apoy. “Ayoko nang maulit ang nangyari ngayon,” aniya, mariin ang tono.Ayaw na niyang hayaang harapin ni Cerise ang panganib nang mag-isa.Pumasok sa isipan ni Cerise ang nakaraan, ang araw na sinabuyan siya ng pintura sa harap ng media. Iyon ay isang kahihiyan, ngunit maituturing pang mabab
Natigilan si Cerise nang magtagpo ang tingin nila ni Sigmund. Sa isang sulyap pa lang, alam niyang nakita na nito ang mga sugat niya na pilit niyang itinatago. Naunawaan niya rin kung bakit ito bumalik sa pribadong silid para hanapin si Mr. Peterson. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya."Sigmund, tumigil ka na sa pagtitig," mahinang bulong niya.Ngunit hindi siya pinakinggan ni Sigmund. Sa halip, lumapit ito mula sa likuran at bumulong sa kanyang tainga, malamig ang tinig nito."Sino'ng nagbigay ng pahintulot para masaktan ka?"Napatigil si Cerise. Sa dami ng nangyari, halos hindi na siya makakilos. Akala niya, ligtas na siya, pero heto siya, pinapagalitan pa nga. "Saan ka pa nasugatan? Sasabihin mo ba, o gusto mong ako na mismo ang maghubad ng natitira mong damit para malaman ko?"Hindi na siya hinintay nitong sumagot. Parang seryoso nga ito."Ako na ang magsasabi! Ako na!"Taranta siyang napasigaw.Sa wakas, umangat si Sigmund mula sa kanya. Ngunit na
Binalewala ni Cerise ang kirot na gumagapang sa kanyang tagiliran. Ang tunay na takot ay dumapo sa kanyang sikmura nang mapansing naka-lock ang pinto, inilock ito ni Mr. Peterson.Tahimik ang tunog ng mga sapatos ni Mr. Prescott habang papalapit siya, mabagal, puno ng intensyon. Hinawakan nito ang basang manggas ng kanyang damit.Napaatras si Cerise nang di sinasadya. Napadikit ang kanyang kamay sa nabasag na salamin. Napasinghap siya at mabilis na inangat ito. Dugo ang dumaloy sa kanyang palad."Akala mo ba'y kaya kitang pagbigyan katulad ng ama mong inutil?" mariing bulong ni Mr. Prescott habang sinunggaban siya sa kwelyo at pilit siyang itinatayo. "Kung hindi dahil sa natitirang pakialam ng pamilya Beauch sa'yo, matagal ka nang wala. Hindi kita gagawing prinsesa tulad ng ginawa ko kay Vivian."Napilitan si Cerise na titigan ang kanyang mukha. Wala nang pagkukunwari. Sa isang simpleng pagkakatapon ng alak, lumabas ang tunay na anyo ng halimaw.Dapat sana’y masaya siya na nabunyag an
“Ako?”“Hm-hm.” mabilis na pagtango ni Spencer, pilit na ngumiti kahit hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti. “Kumain na tayo.”Dahan-dahan nilang tinapos ang hapunan. Pagkatapos, isinama ni Cerise si Spencer sa ilang kilalang lugar sa lungsod, ipinakita ang kultura at tradisyon ng Pearl Pavilion. Nang matapos ang paglilibot, tinawag niya ang taxi para ihatid siya pabalik sa hotel.Ginagampanan lang niya ang papel ng mabuting host. ’Yun ang iniisip niya.Pero hindi inaasahan ang sumunod.Pagkababa ni Spencer mula sa taxi, nakaharap na siya agad sa isang pamilyar na tanawin nang bigla ay may isang katahimikan nang makaramdam ng isang malakas na presensya.Si Sigmund.Nakatayo siya sa unahan ng isang grupo, malamig ang tingin na ibinabato nito kay Spencer. Mula roon, lumipat ang tingin niya sa likuran, sa taxi kung saan nakaupo pa rin si Cerise.“Manong, paandarin niyo na po,” utos ni Cerise sa drayber, kahit nanginginig ang kanyang mga daliri.Umalis agad ang taxi, iniwan si Spen