Pagdating nila sa parking lot, saglit na huminto si Cerise sa tabi ng driver’s seat bago sumakay. Tumingin siya sa lalaking nasa tapat niya. "Bibili muna ba tayo ng monggo?" Saktong bubuksan na ni Sigmund ang pinto ng kotse niya nang tumigil siya at tumingin sa kanya. Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi. "Sige." Napakunot ang noo ni Cerise. Parang may hindi tama, pero hindi niya mawari kung ano. Pumasok na rin ito at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang kanilang sasakyan sa harap ng isang 24-hour convenience store. Bumaba muna si Sigmund. Nanatili si Cerise sa kanyang upuan, pinagmamasdan niya itong maglakad papunta sa pinto ng kotse para pagbuksan siya. Napangiti siya nang hindi inaasahan. "Salamat." Nagningning ang madilim na mga mata ni Sigmund habang nakatingin sa kanya. "Walang anuman." May kung anong kiliti sa puso ni Cerise dahil sa banayad na tono ng boses nito. Pagkababa niya ng kotse, tumingin siya sa convenienc
Tumayo si Cerise, marahang iniligpit ang mga pinggan bago naglakad patungo sa kusina. Ang marahang kalansing ng porselana sa lababo ang bumalot sa katahimikan. Wala siyang sinabi, tuluyang umalis papunta sa silid at isinara ang pinto nang mahigpit.Naiwan si Sigmund sa pasilyo, nakamasid. Narinig niya ang lock na kumapit sa pintuan at muling napangiti nang hindi namamalayan.Sa loob, pinilit ni Cerise na huminga nang malalim habang idinidiin ang noo sa malamig na kahoy. Ramdam niya ang pagod na parang biglang bumagsak sa kanya. Isang tunog ang bumasag sa katahimikan.Isang text message mula kay Kara...Kara: Ayos ka lang ba?Cerise: Oo.Hindi na muling nagtanong si Kara. Hindi na rin siya nagpaliwanag. Ngunit kinabukasan, nagising siya dahil sa isang bagay na hindi niya inaasahan.Hindi siya sanay gumising nang maaga. Madalas, mas gusto niyang manatili sa kama, hinahayaan ang sarili na namnamin ang bawat minuto ng kanyang pagtulog. Ngunit ngayong araw, sa sandaling binuksan niya ang W
Hindi inaasahan ni Cerise na darating ito nang ganoon kabilis. Nang bumukas ang pinto, nadatnan niya si Mr. Prescott na nakaupo at abala sa kanyang cellphone. Saglit siyang tumigil bago pumasok at nagtanong, “Mr. Prescott, may kailangan po ba kayo?” Bahagyang tumingin si Mr. Prescott mula sa kanyang cellphone patungo sa kanya. “Wala naman, maliit na bagay lang para sa’yo.” Sa mesa, isang maliit na kahon ang nakalagay, katulad nang natanggap niya kaninang umaga.Lumapit si Cerise, ngunit pinili niyang manatili sa ligtas na distansya. Pinagmasdan niya ito nang mataman bago nagsalita, “Bakit niyo po ito ginagawa, Mr. Prescott?” “Bakit hindi mo muna tingnan?” sagot nito habang binubuksan ang kahon at iniharap sa kanya ang laman nito. Medyo malabo ang paningin ni Cerise kaya hindi niya agad naaninag ang nasa loob, ngunit nang makita niya ang kintab ng bato, isang payak na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Isang dilaw na diyamante. “Noon pa man, mahilig ka na sa mga makinang na baga
"Alam kong matatagalan pa ang divorce niyo, pero ayos lang. Puwede namang magpakasal muna kami."Magaan ang tono ni Vivian, parang hindi malaking bagay sa kanyang sinasabi.Saglit na nag-isip si Cerise bago tumango. "Oo nga."Napangiti si Vivian at tila lalo pang ginanahan. "Pwede ka bang maging maid of honor namin?"Napabuntong-hininga si Cerise at marahang inilapag ang hawak na kutsara. Alam niyang hindi simpleng kahilingan iyon. Alam niyang si Vivian ay hindi talaga mapagpakumbaba at hindi ‘yun tanong bilang pagmamagandang-loob, kalkulado ang bawat kilos nito."Huwag na muna nating pag-usapan na kasal pa rin ako kay Sigmund," mahinahon niyang sagot. "Pero kahit sa panuntunan dito, alam mong bawal maging maid of honor ang isang babaeng kasal na."Hinawakan ni Vivian ang kanyang kamay at marahang pinisi
Dumapo ang tingin ni Sigmund sa wedding dress na nakapatong sa upuan sa tabi ni Cerise. Makinis ang tela, kumikislap sa ilalim ng malambot na ilaw ng studio. Isang saglit lang iyon bago muling bumalik ang mga mata niya sa dalaga, diretso, hindi nag-aalinlangan, parang may gustong basahin sa kanya."Ayaw mo bang subukan?"Mababa ang tono niya, halos parang bulong. Walang bahid ng pangungutya o pilit na panghihikayat, parang simpleng tanong lang. Pero alam ni Cerise na hindi ito basta tanong lang.Bahagyang bumigat ang dibdib niya. Pinisil niya nang mahina ang laylayan ng suot niyang damit, pilit pinapanatili ang kanyang tindig."Pwede bang huwag na lang?" tanong niya pabalik, ang boses niya ay kalmado, pero may kung anong paninikip sa kanyang lalamunan.Walang imik si Sigmund habang unti-unting lumapit, ang bawat hakbang niya ay banayad
Malakas si Sigmund. Sapat na para pigilan niya itong muling magpadala sa galit.Mataman siyang tinitigan ni Cerise, nangingibabaw ang kaba sa kanyang dibdib habang nakikita ang matalim na tingin nito, sadyang nakakapanindig-balahibo. Ngunit sa halip na sumagot, kinagat na lamang niya ang loob ng kanyang labi at nanatiling tahimik.“Iuuwi na kita.”Matigas ang boses ni Sigmund, walang pag-aalinlangan.Napakurap si Cerise.Tama ba ang narinig niya?Akala niya, kinasusuklaman na siya nito. Inaasahan niyang itataboy siya, iiwan sa kawalan, pero hindi. Sa halip, gusto siya nitong iuwi?Sa loob ng mahabang panahon, parang kulungan ang mundong ginagalawan niya. At ngayon, sa isang iglap, may nagbukas na pinto.Hinaplos ni Sigmund ang kanyang pisngi&mda
Tahimik ang pasilyo, tanging ang mahina at malayong tunog ng trapiko ang maririnig. Nakatayo si Cerise, nakatagong mahigpit ang kanyang mga kamay sa likod, habang nakayuko, tila ba may hinahanap sa sahig. Sa harapan niya, nakatitig si Sigmund, naiinis. Pumasok sila sa kwarto at naiwan nila si Kara sa sala."Hindi man lang ba karapat-dapat ang pangalan ko sa puso mo?" malamig niyang tanong. Lalong pinigilan ni Cerise ang mga daliri niyang manginig sa likod. "Ayoko lang na magkaroon na iba ang isipin nila," mahina niyang sagot. "Iba ang isipin? Ano’ng iba?" Bahagya siyang tumingala, ngunit agad ding iniwas ng tingin. "Na may espesyal na relasyon tayo." Napangisi si Sigmund, sarkastiko at walang halong saya. "Espesyal? Hindi ba espesyal ang relasyon ng mag-asawa? What’s not special with a wife saving his husband’s contact?" Napakapit si Cerise sa sariling braso, pilit pinapanatili ang kumpiyansa. "Maliit na bagay lang ito. Bakit ka ba nagagalit? Please, ayokong makipagtalo sa’yo nga
Gumapang ang kaba sa dibdib ni Cerise nang marinig niya ang matalim na tunog ng kandado. Agad siyang lumingon, nag-aapoy ang mga mata."Hindi kita pinilit na bilhan ako ng bahay, Sigmund. At lalong hindi ako papayag na may mangyari satin, dahil lang doon."Umayos ng upo si Sigmund, marahang tinapik ang daliri sa manibela. May bahagyang ngiti sa labi niya. "Siyempre hindi. May mangyayari sa’tin kapag mahal mo na ako."Napatingin si Cerise, nabigla sa seryosong tono ng boses nito. Mahal? Ha!?Napailing siya at ibinaling ang tingin sa bintana. "Buksan mo ang pinto. Gusto ko nang umuwi."Nanatiling tahimik si Sigmund, ang mga mata'y nakatutok sa kanya. Inis niyang hinampas ang hawakan ng pinto at tinitigan ito nang masama. Nagliyab ang titig ni Sigmund, pero hindi niya mabasa ang nasa isip nito.Bago pa siya muling makapagsalita, nag-vibrate bigla ang cellphone niya. Mabilis niyang hinanap ito sa bag at hindi na tinignan ang screen bago i-reject ang tawag.Vince PrescottKumirot ang sikmu
"Nanghihina ako kanina at nahimatay, si Mr. Xylas ang tumulong sa'kin."Mabilis ang sagot ni Vivian, tila handa na siya sa tanong.Lumingon si Spencer sa kanya, hindi mabasa ang ekspresyon, ngunit hindi niya pinabulaanan ang sinabi nito."Ganoon ba?" Ang tono ni Cerise ay may halong pag-aalinlangan. Palaging mahirap tukuyin kung ano ang totoo at hindi.Napansin niya ang saglit na palitan ng tingin ng dalawa, ang kay Spencer ay may pag-uusisa, habang kay Vivian ay tila may pakiusap."Umorder na tayo," sabi ni Spencer at binasag ang tensyon.Lumapit ang waiter na may hawak na mga menu, ngunit bago pa man makuha ni Cerise ang isa, inabot na ito ni Sigmund. Agad siyang nag-order ng dalawang parehong vegetarian dish at ibinalik ang menu sa waiter nang walang pag-aalinlangan.Napataas ang kilay ni Cerise, ngunit si Vivian ang unang nagtanong. "Sig, lumilipat ka na rin ba sa vegetarian diet?""Wala akong ibang pagpipilian," sagot ni Sigmund, ngunit si Cerise ang tinitigan niya.Ramdam ni Cer
"I could've been yours, Sigmund. Sa'yo lang. Pero hindi mo ako gusto noon. Kaya bakit ngayon? Bakit ka bumabalik? Baliw." Nanginig ang boses ni Cerise, pero hindi siya papayag na bumigay. Hindi na muli. Hindi para sa kanya. Katahimikan ang bumalot sa kwarto maliban sa hindi pantay nilang paghinga. Bigla, pinutol ni Sigmund ang distansya, hinuli ang kanyang mga labi sa isang desperadong halik. Sa isang saglit, muntik na siyang bumigay sa pamilyar na init, pero bumalik ang mga alaala ng nakaraan at ginising siya sa realidad. Nang lumayo ito upang alisin ang butones ng kanyang blouse, agad siyang kumilos. Dinampot niya ang unan at ibinato ito sa kanya nang buong lakas. Isa pa. At isa pa. "Ano ba—?" Halos hindi agad nakailag si Sigmund bago bumagsak sa kanya ang sunod-sunod na unan. Napahiga siya sa kama, tinakpan ang ulo gamit ang kanyang mga braso. "Cerise! Tama na—" Pero palabas na ito ng pinto. Itinaas niya ang ulo at natanaw ang kanyang paa habang mabilis itong lumalakad palay
Napakurap si Cerise at unti-unting lumilinaw ang kanyang pandama sa malalim at paos na boses."Sigmund? Lasing ka ba?"Isang matapang na amoy ng alak ang bumalot sa kanya bago pa ito sumagot."Oo," anito, habang inilulubog ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg ni Cerise. Ang mainit niyang hininga ay nagdulot ng kilabot sa kanya.Nanigas si Cerise, hinawakan ang kanyang gumagalang mga kamay sa katawan niya. "Sigmund, bakit hindi ka na lang umuwi kapag lasing ka?""Gusto kong matulog sa kama mo, sa tabi mo. I want to sleep with my Cerise," aniya sa isang tinig na parang bata.Napabuntong-hininga siya, ramdam ang paparating na sakit ng ulo. "Tatawag ako ng taxi. Pwede kang pumunta sa lugar ni Vivian, okay?" Mahigpit ang kanyang tinig, pilit na pinipigilan ang sariling emosyon."Hindi! Ikaw ang gusto ko! Ayoko sa kanya! No" pagdadabog nito.Bago pa siya makapag-react, lumingon si Sigmund at ninakaw ang kanyang labi sa isang mainit at desperadong halik.---Kinabukasan, pagod na gumising Ce
Linagyan ni Cerise ng alak sa kanyang baso, pinagmamasdan ang pulang likido na sumasalamin sa mahinang ilaw ng bar. Napabuntong-hininga siya, umupo nang bahagya at hinaplos ang kanyang sentido. "Bakit hindi mo ako tulungang makakuha ng divorce? Law student ka diba, dapat alam mo kung paano mapapabilis ito."Halos mabilaukan naman si Kara sa kanyang inumin. "Ha?""Nag-research na ako online," patuloy ni Cerise, ang boses ay kaswal ngunit may halong inis. "Isa lang ang siguradong gumagana."Nag-alinlangan si Kara bago nagtanong, "Ano?"Ngumiti si Cerise, uminom nang mabagal bago sumagot. "Pangangaliwa."Nanlaki ang mga mata ni Kara. Parang binagsakan siya ng mundo. "...Nagbibiro ka ba?"Bago pa makasagot si Cerise, isang pamilyar na ubo ang narinig sa likuran niya. Nanigas siya, lumingon, at bumunggo ang kanyang mata kay Izar—nakangiti pero halatang may bahagyang pagkailang.Lumapit si Kara at bumulong, "Mukhang narinig ng asawa mo ang sinabi mo. Ano'ng gagawin mo?"Huminga nang malalim
“Baliw?”“Oo! Nakakatawa ka! Alam mong hindi tayo katulad ng mga ordinaryong mag-asawa, paano natin magagaya ang buhay nila? We don't have the right to do that.”Napasinghap si Cerise. Totoo ba ang narinig niya mula sa sarili niyang bibig? Ang kasinungalingan ng kanyang mga salita ay nag-iwan sa kanya ng saglit na pagkabigla.“Kung alam ko lang na madalas mong sasabihin ang ganitong bagay,” bumuntong-hininga siya at tumawid ang kanyang mga braso, “sinabi ko na sana sa araw ng kasal natin. Bakit pa ba ako naghintay na mawalan ka ng nararamdaman para sa'kin.”Lumalim ang tingin ni Sigmund habang papalapit ito, ang presensya niya’y nakakapangibabaw. “Oh? Sige, sabihin mo ngayon.”Awtomatikong umatras si Cerise. Magsisimula silang mag-usap nang maayos, ngunit sa tuwing lalapit siya, nawawala ang kakayahan niyang mag-isip nang matino.“Sa tingin mo pa rin ba’y nakakatawa ito?” tanong ni Sigmund, mas mababa ang boses ngayon, mas malambing—pero may matigas na gilid.Mabilis na umiling si Cer
Matigas ang boses ni Cerise, nakapulupot ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. "Hindi ba ikaw? Nakaluhod ka sa harap ko ng walang damit, ano pa ito kundi panunukso?"Tumawa si Sigmund, malalim ang tinig na may halong aliw. "Babe, hindi ito panunukso. Panliligaw 'to. I'm trying to win your heart."Nanlaki ang mga mata ni Cerise, ngunit walang lumabas na salita. Uminit ang kanyang mukha at bumilis ang tibok ng kanyang puso.Ngumisi si Sigmund, halatang nasisiyahan sa kanyang reaksyon. Hinawakan niya ang baba nito, iniangat ng bahagya ang kanyang ulo, at idinikit ang kanyang mga labi sa kanya. Matibay ang halik, mariin, at bago pa siya makapag-react, kumilos ito kasabay niya, hanggang sa napadagan siya sa maliit na sofa.Pumihit si Cerise, pilit na iniiwasan ang kanyang malamig na hininga, ngunit wala itong saysay. Sinundan siya nito, ang mahahabang binti ay nakaharang sa kanyang pagtakas.Ang kanyang sofa ay tila nagkanulo sa kanya sa sandaling iyon. Ngunit para kay Sigmund, hindi so