Napakrus ng braso si Cerise, matigas ang loob. "Nakabayad na’ko at naligo na rin. Wala nang refund, kaya dito ako matutulog ngayong gabi!"Sinubukan niyang alisin ang kamay ni Sigmund mula sa kanyang pulso, ngunit mahigpit ang hawak nito. Kahit anong pilit niya ay hindi siya makawala.Nakasimangot si Sigmund, halatang hindi pa rin kumpiyansa sa kalinisan ng lugar. Wala siyang tiwala sa mga pinapahiram nitong gamit, at mas lalo na ang hihigaan. Hindi niya alam kung sino na ang gumamit ng mga ito noon o kung anong kahibangan ang nangyari sa mga sapin doon. Tiningnan niya si Cerise nang mariin. "Magpapalit ka ba o hindi?"Naramdaman ni Cerise ang pagkainis nito at tumingin pataas, ramdam ang pag-init ng kanyang ulo. Bakit ba siya palaging madaling magalit sa kanya? Kung marumi ang tingin niya sa mga damit, wala namang pumipilit sa kanyang tingnan o hawakan ang mga ito.Hindi siya isang alagang hayop na basta susunod sa bawat utos nito."Hindi ako magpapalit!" sagot niya nang matigas.Nag
Pagdating nila sa parking lot, saglit na huminto si Cerise sa tabi ng driver’s seat bago sumakay. Tumingin siya sa lalaking nasa tapat niya. "Bibili muna ba tayo ng monggo?" Saktong bubuksan na ni Sigmund ang pinto ng kotse niya nang tumigil siya at tumingin sa kanya. Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi. "Sige." Napakunot ang noo ni Cerise. Parang may hindi tama, pero hindi niya mawari kung ano. Pumasok na rin ito at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang kanilang sasakyan sa harap ng isang 24-hour convenience store. Bumaba muna si Sigmund. Nanatili si Cerise sa kanyang upuan, pinagmamasdan niya itong maglakad papunta sa pinto ng kotse para pagbuksan siya. Napangiti siya nang hindi inaasahan. "Salamat." Nagningning ang madilim na mga mata ni Sigmund habang nakatingin sa kanya. "Walang anuman." May kung anong kiliti sa puso ni Cerise dahil sa banayad na tono ng boses nito. Pagkababa niya ng kotse, tumingin siya sa convenienc
Tumayo si Cerise, marahang iniligpit ang mga pinggan bago naglakad patungo sa kusina. Ang marahang kalansing ng porselana sa lababo ang bumalot sa katahimikan. Wala siyang sinabi, tuluyang umalis papunta sa silid at isinara ang pinto nang mahigpit.Naiwan si Sigmund sa pasilyo, nakamasid. Narinig niya ang lock na kumapit sa pintuan at muling napangiti nang hindi namamalayan.Sa loob, pinilit ni Cerise na huminga nang malalim habang idinidiin ang noo sa malamig na kahoy. Ramdam niya ang pagod na parang biglang bumagsak sa kanya. Isang tunog ang bumasag sa katahimikan.Isang text message mula kay Kara...Kara: Ayos ka lang ba?Cerise: Oo.Hindi na muling nagtanong si Kara. Hindi na rin siya nagpaliwanag. Ngunit kinabukasan, nagising siya dahil sa isang bagay na hindi niya inaasahan.Hindi siya sanay gumising nang maaga. Madalas, mas gusto niyang manatili sa kama, hinahayaan ang sarili na namnamin ang bawat minuto ng kanyang pagtulog. Ngunit ngayong araw, sa sandaling binuksan niya ang W
Hindi inaasahan ni Cerise na darating ito nang ganoon kabilis. Nang bumukas ang pinto, nadatnan niya si Mr. Prescott na nakaupo at abala sa kanyang cellphone. Saglit siyang tumigil bago pumasok at nagtanong, “Mr. Prescott, may kailangan po ba kayo?” Bahagyang tumingin si Mr. Prescott mula sa kanyang cellphone patungo sa kanya. “Wala naman, maliit na bagay lang para sa’yo.” Sa mesa, isang maliit na kahon ang nakalagay, katulad nang natanggap niya kaninang umaga.Lumapit si Cerise, ngunit pinili niyang manatili sa ligtas na distansya. Pinagmasdan niya ito nang mataman bago nagsalita, “Bakit niyo po ito ginagawa, Mr. Prescott?” “Bakit hindi mo muna tingnan?” sagot nito habang binubuksan ang kahon at iniharap sa kanya ang laman nito. Medyo malabo ang paningin ni Cerise kaya hindi niya agad naaninag ang nasa loob, ngunit nang makita niya ang kintab ng bato, isang payak na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Isang dilaw na diyamante. “Noon pa man, mahilig ka na sa mga makinang na baga
"Alam kong matatagalan pa ang divorce niyo, pero ayos lang. Puwede namang magpakasal muna kami."Magaan ang tono ni Vivian, parang hindi malaking bagay sa kanyang sinasabi.Saglit na nag-isip si Cerise bago tumango. "Oo nga."Napangiti si Vivian at tila lalo pang ginanahan. "Pwede ka bang maging maid of honor namin?"Napabuntong-hininga si Cerise at marahang inilapag ang hawak na kutsara. Alam niyang hindi simpleng kahilingan iyon. Alam niyang si Vivian ay hindi talaga mapagpakumbaba at hindi ‘yun tanong bilang pagmamagandang-loob, kalkulado ang bawat kilos nito."Huwag na muna nating pag-usapan na kasal pa rin ako kay Sigmund," mahinahon niyang sagot. "Pero kahit sa panuntunan dito, alam mong bawal maging maid of honor ang isang babaeng kasal na."Hinawakan ni Vivian ang kanyang kamay at marahang pinisi
Dumapo ang tingin ni Sigmund sa wedding dress na nakapatong sa upuan sa tabi ni Cerise. Makinis ang tela, kumikislap sa ilalim ng malambot na ilaw ng studio. Isang saglit lang iyon bago muling bumalik ang mga mata niya sa dalaga, diretso, hindi nag-aalinlangan, parang may gustong basahin sa kanya."Ayaw mo bang subukan?"Mababa ang tono niya, halos parang bulong. Walang bahid ng pangungutya o pilit na panghihikayat, parang simpleng tanong lang. Pero alam ni Cerise na hindi ito basta tanong lang.Bahagyang bumigat ang dibdib niya. Pinisil niya nang mahina ang laylayan ng suot niyang damit, pilit pinapanatili ang kanyang tindig."Pwede bang huwag na lang?" tanong niya pabalik, ang boses niya ay kalmado, pero may kung anong paninikip sa kanyang lalamunan.Walang imik si Sigmund habang unti-unting lumapit, ang bawat hakbang niya ay banayad
Malakas si Sigmund. Sapat na para pigilan niya itong muling magpadala sa galit.Mataman siyang tinitigan ni Cerise, nangingibabaw ang kaba sa kanyang dibdib habang nakikita ang matalim na tingin nito, sadyang nakakapanindig-balahibo. Ngunit sa halip na sumagot, kinagat na lamang niya ang loob ng kanyang labi at nanatiling tahimik.“Iuuwi na kita.”Matigas ang boses ni Sigmund, walang pag-aalinlangan.Napakurap si Cerise.Tama ba ang narinig niya?Akala niya, kinasusuklaman na siya nito. Inaasahan niyang itataboy siya, iiwan sa kawalan, pero hindi. Sa halip, gusto siya nitong iuwi?Sa loob ng mahabang panahon, parang kulungan ang mundong ginagalawan niya. At ngayon, sa isang iglap, may nagbukas na pinto.Hinaplos ni Sigmund ang kanyang pisngi&mda
Tahimik ang pasilyo, tanging ang mahina at malayong tunog ng trapiko ang maririnig. Nakatayo si Cerise, nakatagong mahigpit ang kanyang mga kamay sa likod, habang nakayuko, tila ba may hinahanap sa sahig. Sa harapan niya, nakatitig si Sigmund, naiinis. Pumasok sila sa kwarto at naiwan nila si Kara sa sala."Hindi man lang ba karapat-dapat ang pangalan ko sa puso mo?" malamig niyang tanong. Lalong pinigilan ni Cerise ang mga daliri niyang manginig sa likod. "Ayoko lang na magkaroon na iba ang isipin nila," mahina niyang sagot. "Iba ang isipin? Ano’ng iba?" Bahagya siyang tumingala, ngunit agad ding iniwas ng tingin. "Na may espesyal na relasyon tayo." Napangisi si Sigmund, sarkastiko at walang halong saya. "Espesyal? Hindi ba espesyal ang relasyon ng mag-asawa? What’s not special with a wife saving his husband’s contact?" Napakapit si Cerise sa sariling braso, pilit pinapanatili ang kumpiyansa. "Maliit na bagay lang ito. Bakit ka ba nagagalit? Please, ayokong makipagtalo sa’yo nga
“Wag kang magalit... sabi ni Kuya Izar, bawal kang ma-stress...” halos pabulong na ang kanyang tinig.“Cerise,” sabi ni Sigmund. “Sana hindi na lang kita nakilala.”Mula sa malamig ay naging isang mapait na lamig ang bumalot sa silid. Wala na siyang nasabi.At gaya ng eksenang walang pasabi, bumukas ang pinto.“Sigmund!”Pamilyar ang boses, malakas, sabik. Pumasok si Vivian, dala ang sariling pag-aalala. Kasunod niya si Craig, pero hindi ito lumapit.Napatingin si Cerise sa kanila. Hindi maipinta ang naramdaman niya.“Ceri, nandito ka rin pala,” magiliw na bati ni Vivian. Walang halong init o panunumbat, pero may pagitan ang tono. Tumabi ito kay Sigmund at agad hinawakan ang kamay nito.“Kumusta ka na? Mas okay ka na ba ngayon?”Hindi sumagot si Sigmund. Tiningnan lang niya si Vivian, at saka bahagyang napangisi. Isang malamig na ngiti na mas masakit pa kaysa sa kanina.Hindi alam ni Cerise kung bakit nakangisi si Sigmund. Wala naman itong sinasabi. Kaya’t marahan niyang paalala, “’Wa
“Kuya Izar?” may halong gulat ang boses ni Cerise.“Sakto ang tawag mo,” ani Izar. “Hinahanap din kita. Naaksidente si Sigmund kagabi... nasa ospital siya ngayon.”Nabigla si Cerise. “Ano?” Mabilis siyang napatayo. “Nasaan siya? Anong ospital?”“May bali sa isang braso. Nagising kaninang madaling-araw, pero nawalan ulit ng malay. Baka mas mabuti kung pumunta ka rito. Kailangan nating mag-usap.”Hindi na siya nagtanong pa. “Pupunta na ako ngayon.”-Kasabay ng malakas na pagbugso ng hangin ang mabilis na takbo ng kotse. Tahimik si Cerise sa likuran ng sasakyan ng direktor, hawak pa rin ang kanyang, habang paulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Izar.Pagbaba sa ospital, sinalubong siya ng malamig na hangin. Inayos niya ang buhok na ginugulo ng hangin habang nagmamadaling tumakbo papasok.Sa labas ng silid ng pasyente, tumingala si Izar sa naririnig niyang yapak. Nang makita niya si Cerise, bahagya siyang ngumiti, alanganin, pero malinaw ang pagkaunawa sa nararamdaman nito.“Kuya Izar, k
Kita ni Cerise ang pagsabog ng emosyon sa mata nito. Disappointment. Inis. Galit na pilit pinipigil. Pero kahit naramdaman niyang unti-unting bumibitaw si Sigmund sa kanya, kailangan niya itong sabihin.Huminga siya nang malalim, parang pagsuko pero puno ng layunin.“Young Master… pakiusap, hiwalayan mo na ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. Tumigas ang ekspresyon nito, at may sagot siyang buo na bago pa man niya mapigilan ang sarili:“Imposible.”Tumalikod siya at umalis.Naiwan si Cerise sa kinatatayuan, parang naligaw sa gitna ng makakapal na ulap.Buti na lang at kailangan nitong umalis kinagabihan. Nang makatiyak siyang wala na si Sigmund, tahimik siyang lumabas ng suite.Diretso siya sa hotel lobby. Wala namang sagabal sa kanyang pag-alis. Tumango ang mga staff at magalang siyang binati.“Ingat po kayo, Madam.”Napahinto si Cerise. Sandaling nagulat… pero tinuloy ang lakad na may matatag na hakbang.Sumakay siya ng taxi at dumiretso sa bahay.Nag-file siya ng leave at nagkulong s
Napatingin sa kanya si Cerise. “Bakit?”“Sa nangyari sa’yo kagabi, wala ka bang gustong alamin? Sino ang nasa likod no’n? Magpahinga ka muna. Huwag kang pumasok.”“Eh ‘di uuwi na lang ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. “Hindi ka ba komportable kapag kasama ako?”“Hindi ko sinasabi ‘yon,” mahinang sagot ni Cerise. “Pero hindi ako pwedeng manatili rito habang-buhay.”“Naghihintay ang mga reporter sa labas ng bahay mo ngayon. Kung pipilitin mong umalis, iisa lang ang pupuntahan mo.”“Saan?”“Sa condo ko.”Ang kanyang sea-view unit.Hindi umimik si Cerise. Tumigil lang siya, nakatingin sa sahig. Tahimik. Pero sa loob-loob niya, naluha ang kanyang damdamin.Hindi ba’t ibig sabihin nito’y hindi pa rin siya makakawala sa kanya?Ayaw na niyang maging human pillow nito tuwing gabi.“Pupunta na lang ako kay Kara. Puwede?”“Alam kong anak siya ng abogado ng tatay mo, at matagal na kayong magkaibigan. Pero ako ang asawa mo. Mas pipiliin mo ba ang kaibigan mo kaysa sa asawa mo? Mas ligtas ka ba ka
Sa kabilang bahagi ng lungsod, hindi tahimik ang umaga sa private apartment ni Vivian.Nakaupo siya sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili. Ilang ulit niyang tinangkang mag-makeup, pero nauuwi lang ito sa pagkabigo. Sa huli, binato niya ang mga mamahaling cosmetics at skincare sa sahig.Tumunog ang mga bote. Nagkalat ang mga piraso.Pumasok si Craig na nagulat sa gulo. Napatingin siya kay Vivian, nakaupo pa rin sa upuan, tahimik pero naglalagablab ang mga mata.“Lumapit ka rito,” malamig na utos ng babae.Nagdadalawang-isip man ay lumapit si Craig.Tumayo si Vivian, at bigla na lang yumakap sa kanya. Hinalikan siya nito, mariin, puno ng poot at pangungulila. May luha sa mga mata nito at napakaagresibo ng galaw nito.Pagbitaw niya sa halik ay mahina itong nagtanong, “Tulungan mo akong kalimutan siya. Kaya mo ba?”“Vivian…”“Please.”Muling hinalikan ni Vivian ang kanyang leeg, labi, at dibdib. Habang hinahaplos siya, pinasok ng kamay niya ang loob ng suot ni Craig, binubuksan an
Bigla siyang hinila ni Sigmund pabalik at sabay silang bumagsak sa kama.Nataranta si Cerise. Napakapit siya sa braso nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, mahina siyang bumulong."Hindi yata tama 'to...""Bukas, may press conference. Sasabihin ko na asawa kita. At hindi ko na itatago."Ibinulong ni Sigmund iyon sa leeg niya—mababa, mariin, at puno ng paninindigan.“Hindi,” madiing sabi ni Cerise sa nanginginig niyang tinig. “Hindi tayo puwedeng magpa-press conference.”Bahagyang napatigil ang mundo. Nadadarang siya sa init ng katawan nito, sa seguridad ng yakap, ngunit nanaig ang katinuan.Dumikit si Sigmund sa leeg niya, at may bulong na dumaan sa balat niya gaya ng usok na may dalang apoy. “Ayoko nang maulit ang nangyari ngayon,” aniya, mariin ang tono.Ayaw na niyang hayaang harapin ni Cerise ang panganib nang mag-isa.Pumasok sa isipan ni Cerise ang nakaraan, ang araw na sinabuyan siya ng pintura sa harap ng media. Iyon ay isang kahihiyan, ngunit maituturing pang mabab
Natigilan si Cerise nang magtagpo ang tingin nila ni Sigmund. Sa isang sulyap pa lang, alam niyang nakita na nito ang mga sugat niya na pilit niyang itinatago. Naunawaan niya rin kung bakit ito bumalik sa pribadong silid para hanapin si Mr. Peterson. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya."Sigmund, tumigil ka na sa pagtitig," mahinang bulong niya.Ngunit hindi siya pinakinggan ni Sigmund. Sa halip, lumapit ito mula sa likuran at bumulong sa kanyang tainga, malamig ang tinig nito."Sino'ng nagbigay ng pahintulot para masaktan ka?"Napatigil si Cerise. Sa dami ng nangyari, halos hindi na siya makakilos. Akala niya, ligtas na siya, pero heto siya, pinapagalitan pa nga. "Saan ka pa nasugatan? Sasabihin mo ba, o gusto mong ako na mismo ang maghubad ng natitira mong damit para malaman ko?"Hindi na siya hinintay nitong sumagot. Parang seryoso nga ito."Ako na ang magsasabi! Ako na!"Taranta siyang napasigaw.Sa wakas, umangat si Sigmund mula sa kanya. Ngunit na
Binalewala ni Cerise ang kirot na gumagapang sa kanyang tagiliran. Ang tunay na takot ay dumapo sa kanyang sikmura nang mapansing naka-lock ang pinto, inilock ito ni Mr. Peterson.Tahimik ang tunog ng mga sapatos ni Mr. Prescott habang papalapit siya, mabagal, puno ng intensyon. Hinawakan nito ang basang manggas ng kanyang damit.Napaatras si Cerise nang di sinasadya. Napadikit ang kanyang kamay sa nabasag na salamin. Napasinghap siya at mabilis na inangat ito. Dugo ang dumaloy sa kanyang palad."Akala mo ba'y kaya kitang pagbigyan katulad ng ama mong inutil?" mariing bulong ni Mr. Prescott habang sinunggaban siya sa kwelyo at pilit siyang itinatayo. "Kung hindi dahil sa natitirang pakialam ng pamilya Beauch sa'yo, matagal ka nang wala. Hindi kita gagawing prinsesa tulad ng ginawa ko kay Vivian."Napilitan si Cerise na titigan ang kanyang mukha. Wala nang pagkukunwari. Sa isang simpleng pagkakatapon ng alak, lumabas ang tunay na anyo ng halimaw.Dapat sana’y masaya siya na nabunyag an
“Ako?”“Hm-hm.” mabilis na pagtango ni Spencer, pilit na ngumiti kahit hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti. “Kumain na tayo.”Dahan-dahan nilang tinapos ang hapunan. Pagkatapos, isinama ni Cerise si Spencer sa ilang kilalang lugar sa lungsod, ipinakita ang kultura at tradisyon ng Pearl Pavilion. Nang matapos ang paglilibot, tinawag niya ang taxi para ihatid siya pabalik sa hotel.Ginagampanan lang niya ang papel ng mabuting host. ’Yun ang iniisip niya.Pero hindi inaasahan ang sumunod.Pagkababa ni Spencer mula sa taxi, nakaharap na siya agad sa isang pamilyar na tanawin nang bigla ay may isang katahimikan nang makaramdam ng isang malakas na presensya.Si Sigmund.Nakatayo siya sa unahan ng isang grupo, malamig ang tingin na ibinabato nito kay Spencer. Mula roon, lumipat ang tingin niya sa likuran, sa taxi kung saan nakaupo pa rin si Cerise.“Manong, paandarin niyo na po,” utos ni Cerise sa drayber, kahit nanginginig ang kanyang mga daliri.Umalis agad ang taxi, iniwan si Spen