Nakatitig si Sigmund sa mga kutsara sa kanyang kamay, malamig ang kanyang tingin. Mababa ang boses niya, puno ng pananakot. “Ano’ng ibig mong sabihin? Sa kanya mapupunta ang puwesto?” Walang takot na ngumiti si Izar. “’Wag mong kalimutan, may kalaban ka sa istasyon.” Tahimik lang si Sigmund, pero mabigat ang katahimikan sa silid. “Pinapahirapan siya ng mga Prescott araw-araw, at wala kang ginagawa. If this goes on, tuluyang mawawala sa’yo si Cerise.”Hindi pa rin kumibo si Sigmund, kaya mas binigatan pa ni Izar ang kanyang mga salita. “Baka iwan ka na niya...” “Lumayas ka.” Malamig at diretsahan ang sagot ni Sigmund, hindi na niya tinago ang inis habang itinataboy ito. Ngumiti si Izar at sinundot pa siya bago umalis. “Bago nga pala ako umalis, si Riri na mismo ang nagsabi. Hindi ka na niya gusto.” “Labas!” Biglang tumayo si Sigmund, muntik nang sapakin si Izar. Agad na tumakbo si Izar palabas, iniwang nagngingitngit si Sigmund sa loob ng silid. Tinitigan niya ang hapunang h
Hindi iyon ang unang beses na sinabi niya ang mga salitang iyon, pero tuwing maririnig ni Cerise, isang malamig na kilabot ang gumagapang sa kanyang katawan. Naramdaman niya pa rin ang takot, at muntik nang pumatak ang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata."Anong gusto mo sa’kin?" tanong niya, mahinahon ngunit nanginginig ang tinig.“You. Everything about you.” Mababa at mariin ang sagot ni Sigmund."May naghihintay pa rin sa'yo na pakasalan mo."Bumagsak ang loob ni Cerise. Ilang ulit na ba nilang inuulit-ulit ang usapang ito, parang mga buwitre na paikot-ikot sa isang bangkay? Pagod na siya. Wasak ang kaluluwa niya. Dahan-dahan siyang dumulas sa pader, tila nawalan ng laman ang kanyang dibdib.Pero hindi pa tapos si Sigmund.May pagkainis na ikinabig niya si Cerise paharap, hinawakan sa baywang, pilit pinapaharap sa kanya. Ang tingin ni Sigmund ay parang apoy na hindi matigil. "Cerise..." bulong niya, mababa at puno ng utos. "Ibibigay mo ba sa’kin ang sarili mo o hindi?"Napa-igik
Hindi naging mahirap kay Sigmund ang makuha ang numero ni Kara, ibinigay agad ito ni Izar nang walang pag-aalinlangan.Balak sanang abalahin ni Cerise si Kara, pero sa huli, nagbago ang isip niya at nag-check in na lamang sa isang hotel.Pagpasok niya sa isang simpleng kwarto, naglakad-lakad siya saglit, tila wala sa sarili, bago naupo sa kama at napatingin sa kisame.Madilim ang ilaw ng silid, walang pulang ilaw o anomang palatandaan ng kamera o ano mang nakakapagduda, kaya nahiga na siya.Bigla niyang naisip si Sigmund sa ganitong lugar…Malamang mandidiri iyon nang sobra-sobra…Sandali—bakit ko nga ba iniisip si Sigmund?Napangiti siya nang mapait at napailing. Bakit nga ba nasa isip ko pa rin siya?Ano nga ba si Vivian sa kanya ngayon? At ano siya—si Cerise?Naalala niya kung gaano niya ito minahal noon, at kahit ngayong alam niyang isa itong basura, nararamdaman pa rin niya ang damdamin sa puso niya. Napaangat ang kamay niya at tinakpan ang mukha, saka dahan-dahang bumuntong-hini
Napakrus ng braso si Cerise, matigas ang loob. "Nakabayad na’ko at naligo na rin. Wala nang refund, kaya dito ako matutulog ngayong gabi!"Sinubukan niyang alisin ang kamay ni Sigmund mula sa kanyang pulso, ngunit mahigpit ang hawak nito. Kahit anong pilit niya ay hindi siya makawala.Nakasimangot si Sigmund, halatang hindi pa rin kumpiyansa sa kalinisan ng lugar. Wala siyang tiwala sa mga pinapahiram nitong gamit, at mas lalo na ang hihigaan. Hindi niya alam kung sino na ang gumamit ng mga ito noon o kung anong kahibangan ang nangyari sa mga sapin doon. Tiningnan niya si Cerise nang mariin. "Magpapalit ka ba o hindi?"Naramdaman ni Cerise ang pagkainis nito at tumingin pataas, ramdam ang pag-init ng kanyang ulo. Bakit ba siya palaging madaling magalit sa kanya? Kung marumi ang tingin niya sa mga damit, wala namang pumipilit sa kanyang tingnan o hawakan ang mga ito.Hindi siya isang alagang hayop na basta susunod sa bawat utos nito."Hindi ako magpapalit!" sagot niya nang matigas.Nag
Pagdating nila sa parking lot, saglit na huminto si Cerise sa tabi ng driver’s seat bago sumakay. Tumingin siya sa lalaking nasa tapat niya. "Bibili muna ba tayo ng monggo?" Saktong bubuksan na ni Sigmund ang pinto ng kotse niya nang tumigil siya at tumingin sa kanya. Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi. "Sige." Napakunot ang noo ni Cerise. Parang may hindi tama, pero hindi niya mawari kung ano. Pumasok na rin ito at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang kanilang sasakyan sa harap ng isang 24-hour convenience store. Bumaba muna si Sigmund. Nanatili si Cerise sa kanyang upuan, pinagmamasdan niya itong maglakad papunta sa pinto ng kotse para pagbuksan siya. Napangiti siya nang hindi inaasahan. "Salamat." Nagningning ang madilim na mga mata ni Sigmund habang nakatingin sa kanya. "Walang anuman." May kung anong kiliti sa puso ni Cerise dahil sa banayad na tono ng boses nito. Pagkababa niya ng kotse, tumingin siya sa convenienc
Tumayo si Cerise, marahang iniligpit ang mga pinggan bago naglakad patungo sa kusina. Ang marahang kalansing ng porselana sa lababo ang bumalot sa katahimikan. Wala siyang sinabi, tuluyang umalis papunta sa silid at isinara ang pinto nang mahigpit.Naiwan si Sigmund sa pasilyo, nakamasid. Narinig niya ang lock na kumapit sa pintuan at muling napangiti nang hindi namamalayan.Sa loob, pinilit ni Cerise na huminga nang malalim habang idinidiin ang noo sa malamig na kahoy. Ramdam niya ang pagod na parang biglang bumagsak sa kanya. Isang tunog ang bumasag sa katahimikan.Isang text message mula kay Kara...Kara: Ayos ka lang ba?Cerise: Oo.Hindi na muling nagtanong si Kara. Hindi na rin siya nagpaliwanag. Ngunit kinabukasan, nagising siya dahil sa isang bagay na hindi niya inaasahan.Hindi siya sanay gumising nang maaga. Madalas, mas gusto niyang manatili sa kama, hinahayaan ang sarili na namnamin ang bawat minuto ng kanyang pagtulog. Ngunit ngayong araw, sa sandaling binuksan niya ang W
Hindi inaasahan ni Cerise na darating ito nang ganoon kabilis. Nang bumukas ang pinto, nadatnan niya si Mr. Prescott na nakaupo at abala sa kanyang cellphone. Saglit siyang tumigil bago pumasok at nagtanong, “Mr. Prescott, may kailangan po ba kayo?” Bahagyang tumingin si Mr. Prescott mula sa kanyang cellphone patungo sa kanya. “Wala naman, maliit na bagay lang para sa’yo.” Sa mesa, isang maliit na kahon ang nakalagay, katulad nang natanggap niya kaninang umaga.Lumapit si Cerise, ngunit pinili niyang manatili sa ligtas na distansya. Pinagmasdan niya ito nang mataman bago nagsalita, “Bakit niyo po ito ginagawa, Mr. Prescott?” “Bakit hindi mo muna tingnan?” sagot nito habang binubuksan ang kahon at iniharap sa kanya ang laman nito. Medyo malabo ang paningin ni Cerise kaya hindi niya agad naaninag ang nasa loob, ngunit nang makita niya ang kintab ng bato, isang payak na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Isang dilaw na diyamante. “Noon pa man, mahilig ka na sa mga makinang na baga
"Alam kong matatagalan pa ang divorce niyo, pero ayos lang. Puwede namang magpakasal muna kami."Magaan ang tono ni Vivian, parang hindi malaking bagay sa kanyang sinasabi.Saglit na nag-isip si Cerise bago tumango. "Oo nga."Napangiti si Vivian at tila lalo pang ginanahan. "Pwede ka bang maging maid of honor namin?"Napabuntong-hininga si Cerise at marahang inilapag ang hawak na kutsara. Alam niyang hindi simpleng kahilingan iyon. Alam niyang si Vivian ay hindi talaga mapagpakumbaba at hindi ‘yun tanong bilang pagmamagandang-loob, kalkulado ang bawat kilos nito."Huwag na muna nating pag-usapan na kasal pa rin ako kay Sigmund," mahinahon niyang sagot. "Pero kahit sa panuntunan dito, alam mong bawal maging maid of honor ang isang babaeng kasal na."Hinawakan ni Vivian ang kanyang kamay at marahang pinisi
Lalong bumilis ang agos ng mga luha ni Cerise habang unti-unting bumabagsak sa kanyang pisngi, mainit at mabigat, humahalo sa init na kumakalat sa kanyang katawan.How can I not worry about you after all?Magkasama silang lumaki. Magkalaro sa likod ng bahay nila, nagtatago sa dilim habang nagbubulungan ng mga sikreto. Minahal niya ito ng buong puso sa loob ng napakaraming taon. Ang ganoong klaseng pagmamahal, hindi iyon basta nawawala.Dahan-dahang yumuko si Sigmund, hinalikan siya, banayad, alanganin, puno ng mga salitang hindi masambit. Sandali siyang nanatili roon bago bumitaw at inalalayan siya nitong umupo. Hawak niya ang mukha ni Cerise gamit ang dalawang kamay, hinahaplos ang mga luha sa pisngi nito. Pagkatapos ay inilapit ang kanyang noo, mariing ipinatong sa noo ni Cerise, sabay kunot-noo.“May lagnat ka ba?”Hindi nakasagot si Cerise. Para siyang lumulutang, ang utak niya ay parang nasa ulap, mabigat ang kanyang katawan, parang binabalot ng usok.Mainit ang lahat. Ang balat
"Sig? Sig?"Nakayukong tinapik ni Izar ang pisngi ng walang malay na lalaki, ang kanyang mga kilay bahagyang nakakunot sa kunwaring pag-aalala. Pagkatapos, lumingon siya sa babaeng nakatayo sa tabi niya, namumutla sa takot."Hala," mahinang sabi niya sabay dramatikong umiling. "Baby Riri, napatay mo yata ang asawa mo."Napasinghap si Cerise. "A-Anong sinabi mo?" Nanginginig ang boses niya, mabilis ang tibok ng kanyang puso. "Hindi—hindi ko siya—""Kalma," putol ni Winston, kita sa mukha niya ang pag-aalala. "Hinimatay lang ‘yan. Magigising din 'yan bukas ng umaga."Mabigat ang lunok ni Cerise. "Sigurado ka?"Gusto ko lang naman ng divorce, hindi ko siya gustong patayin."True," sagot ni Izar, tinutukoy ang lasing na si Sigmund. "Nakainom na siya at nahihilo na. Ikaw lang naman ang sumapol sa kanya gamit ang isang matigas na bagay."Napatingin si Cerise kay Sigmund, nakahiga roon nang walang kamalay-malay, ang kanyang noo balot ng puting bandage. Kumirot ang kanyang sikmura sa biglang
Nang makauwi si Mrs. Beauch ay kasabay naman ang pagdating ng isang tawag.“O Ali, napaaga ka yata. Anong–“Napahinto ang matandang babae nang makita ang tila pamumutla ng manugang. “Sino ‘yan?”Tiningnan nito ang screen at nakita ang apelyidong kinasusuklaman niya.Prescott.Matigas ang tinig ng matandang babae. "Sagutin mo at pakinggan mo ang sasabihin niya." Kahit na pareho nilang nahulaan ang laman ng tawag, saglit silang nag-aatubili bago sinagot ito at inilagay sa speakerphone. At ganoon lang, dumating na ang hindi maiiwasan. Totoo nga, gumalaw na ang pamilya Prescott para ipilit ang kasal. Kinagabihan, pinauwi si Sigmund sa Oakmere. Sa loob ng engrandeng mansyon ng pamilya Beauch, nakaupo ang lahat ng nakatatandang miyembro sa mahabang sofa na balot ng pelus. Ang mga tingin nila’y malamig, puno ng panunuri. Ramdam ang bigat ng katahimikan, pero hindi ito inalintana ni Sigmund. Mabilis niyang nilibot ng tingin ang silid, wala si Cerise. Hindi niya pinansin ang tensyon sa
"Sino ang buntis?" Natigilan si Mrs. Beauch sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita, kumurap-kurap siya na parang hindi niya narinig ito nang tama. Bahagyang bumuka ang kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita, tila nahuli sa pagitan ng pagkalito at hindi makapaniwala. "Si Ate Vivian," muling ulit ni Cerise nang matatag. "Buntis siya." Ayaw niyang magtagal pa ang anumang maling akala. Kung ito ang paraan para tuluyang matapos ang kanilang relasyon, mas mabuti na ito. Nakabuka ang mga labi ni Mrs. Beauch, pero walang lumabas na salita. Nanatili ang katahimikan sa pagitan nila, mabigat at hindi mabasag, hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator. Sa wakas ay kumilos siya pero hindi pa rin mabasa ang kanyang ekspresyon. "Mommy, gusto ko nang makipaghiwalay," muling sabi ni Cerise, mas matatag na ngayon ang kanyang tinig. "Bago pumanaw ang mama ko, ito rin ang gusto niya para sa akin." Nanlalabo ang kanyang paningin, ngunit hindi siya papayag na tumulo ang kanyang mga l
“Pasensya na, pero kailangan ko nang umalis!” Tumigas ang ekspresyon ni Cerise at walang anumang dagdag na salita, agad siyang tumalikod at umalis. Kailangan niyang kausapin si Sigmund. Hindi na dapat maantala pa ang kanilang paghihiwalay. - Pagkaalis nina Sigmund at Cerise, sinundan ni Spencer si Vivian upang kamustahin ito. Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang matalas na tinig ang umalingawngaw sa silid. “Kahit totoo ngang buntis ako, hindi ko itutuloy ang pagbubuntis na ito.” Natigilan si Spencer. Napangisi si Craig nang mapait. “Ano ang gusto mong gawin? Ipapa-abort mo?” “Syempre! Hindi siya karapat-dapat na manatili sa loob ko.” Napakuyom ng kamao si Craig. “Dahil lang ba isa akong bodyguard, iniisip mong wala akong karapatang maging ama ng anak mo?” “Oo! Ang isang tulad mo ay walang karapatan na itali ako sa isang bata.” Malalim ang buntong-hininga ni Craig, ang kanyang tinig ay puno ng galit. “Isang tulad ko? Pero ang tulad ko ang taong bumuntis sa'yo at tunay n
"Nanghihina ako kanina at nahimatay, si Mr. Xylas ang tumulong sa'kin."Mabilis ang sagot ni Vivian, tila handa na siya sa tanong.Lumingon si Spencer sa kanya, hindi mabasa ang ekspresyon, ngunit hindi niya pinabulaanan ang sinabi nito."Ganoon ba?" Ang tono ni Cerise ay may halong pag-aalinlangan. Palaging mahirap tukuyin kung ano ang totoo at hindi.Napansin niya ang saglit na palitan ng tingin ng dalawa, ang kay Spencer ay may pag-uusisa, habang kay Vivian ay tila may pakiusap."Umorder na tayo," sabi ni Spencer at binasag ang tensyon.Lumapit ang waiter na may hawak na mga menu, ngunit bago pa man makuha ni Cerise ang isa, inabot na ito ni Sigmund. Agad siyang nag-order ng dalawang parehong vegetarian dish at ibinalik ang menu sa waiter nang walang pag-aalinlangan.Napataas ang kilay ni Cerise, ngunit si Vivian ang unang nagtanong. "Sig, lumilipat ka na rin ba sa vegetarian diet?""Wala akong ibang pagpipilian," sagot ni Sigmund, ngunit si Cerise ang tinitigan niya.Ramdam ni Cer
"I could've been yours, Sigmund. Sa'yo lang. Pero hindi mo ako gusto noon. Kaya bakit ngayon? Bakit ka bumabalik? Baliw." Nanginig ang boses ni Cerise, pero hindi siya papayag na bumigay. Hindi na muli. Hindi para sa kanya. Katahimikan ang bumalot sa kwarto maliban sa hindi pantay nilang paghinga. Bigla, pinutol ni Sigmund ang distansya, hinuli ang kanyang mga labi sa isang desperadong halik. Sa isang saglit, muntik na siyang bumigay sa pamilyar na init, pero bumalik ang mga alaala ng nakaraan at ginising siya sa realidad. Nang lumayo ito upang alisin ang butones ng kanyang blouse, agad siyang kumilos. Dinampot niya ang unan at ibinato ito sa kanya nang buong lakas. Isa pa. At isa pa. "Ano ba—?" Halos hindi agad nakailag si Sigmund bago bumagsak sa kanya ang sunod-sunod na unan. Napahiga siya sa kama, tinakpan ang ulo gamit ang kanyang mga braso. "Cerise! Tama na—" Pero palabas na ito ng pinto. Itinaas niya ang ulo at natanaw ang kanyang paa habang mabilis itong lumalakad palay
Napakurap si Cerise at unti-unting lumilinaw ang kanyang pandama sa malalim at paos na boses."Sigmund? Lasing ka ba?"Isang matapang na amoy ng alak ang bumalot sa kanya bago pa ito sumagot."Oo," anito, habang inilulubog ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg ni Cerise. Ang mainit niyang hininga ay nagdulot ng kilabot sa kanya.Nanigas si Cerise, hinawakan ang kanyang gumagalang mga kamay sa katawan niya. "Sigmund, bakit hindi ka na lang umuwi kapag lasing ka?""Gusto kong matulog sa kama mo, sa tabi mo. I want to sleep with my Cerise," aniya sa isang tinig na parang bata.Napabuntong-hininga siya, ramdam ang paparating na sakit ng ulo. "Tatawag ako ng taxi. Pwede kang pumunta sa lugar ni Vivian, okay?" Mahigpit ang kanyang tinig, pilit na pinipigilan ang sariling emosyon."Hindi! Ikaw ang gusto ko! Ayoko sa kanya! No" pagdadabog nito.Bago pa siya makapag-react, lumingon si Sigmund at ninakaw ang kanyang labi sa isang mainit at desperadong halik.---Kinabukasan, pagod na gumising Ce
Linagyan ni Cerise ng alak sa kanyang baso, pinagmamasdan ang pulang likido na sumasalamin sa mahinang ilaw ng bar. Napabuntong-hininga siya, umupo nang bahagya at hinaplos ang kanyang sentido. "Bakit hindi mo ako tulungang makakuha ng divorce? Law student ka diba, dapat alam mo kung paano mapapabilis ito."Halos mabilaukan naman si Kara sa kanyang inumin. "Ha?""Nag-research na ako online," patuloy ni Cerise, ang boses ay kaswal ngunit may halong inis. "Isa lang ang siguradong gumagana."Nag-alinlangan si Kara bago nagtanong, "Ano?"Ngumiti si Cerise, uminom nang mabagal bago sumagot. "Pangangaliwa."Nanlaki ang mga mata ni Kara. Parang binagsakan siya ng mundo. "...Nagbibiro ka ba?"Bago pa makasagot si Cerise, isang pamilyar na ubo ang narinig sa likuran niya. Nanigas siya, lumingon, at bumunggo ang kanyang mata kay Izar—nakangiti pero halatang may bahagyang pagkailang.Lumapit si Kara at bumulong, "Mukhang narinig ng asawa mo ang sinabi mo. Ano'ng gagawin mo?"Huminga nang malalim