Home / Romance / Mr. Saltzman Rejected Wife / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Mr. Saltzman Rejected Wife: Kabanata 21 - Kabanata 30

90 Kabanata

Chapter 21

Nakarating na sila Diana sa bahay ng magulang niya. Agad din naman silang sinalubong ng pamilya niya. “Nandito na rin kayo sa wakas! Kumusta ang byahe niyo? Nahirapan ba kayo? Sana tinawagan mo ang kapatid mo para tumulong sa pag-aayos ng gamit,” sabi ng kina ni Diana.Niyakap niya naman ito at dumiretso ang ina niya kay Justin pagkatapos magmano ni Dane. “Ayos lang, Ma. Kaunti lang din naman ang gamit namin at tinulungan naman kami ni Dane,” nakangiting sabi ni Diana. Tinulungan na rin sila ng mga taong naroon na ibaba ang mga gamit habang nasa loob na sila ng bahay kasama si Dane. “Salamat at bumalik na rin kayo rito ni Justin,” sabi ng Tita Malet ni Diana, ang kapatid ng kanyang ama. “Oonga, Tita. Namiss po namin kayo kaya naisipan naming lumipat.” sagot naman n Diana. “Ate, na-enroll ko na si Justin sa Kinder School dito. Next week pwede na siya pumasok,” sabi ni Stephanie, ang bunsong kapatid ni Diana.Tatlo lang silang magkakapatid, siya ang panganay, at ang pangalawang an
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

Chapter 22

Inilayo ni Diana si Justin mula kay Jeremy, agad din namang lumapit ang nanay ni Diana para kunin ang bata ngunit nagpumiglas ito. Tumingin si Justin kay Jeremy na umiiyak pa rin. “Stay away from my mommy!” Lumapit siya kay Jeremy at gamit ulit ang maliit na kamay, itinulak niya ito. “Umalis na tayo,” bulong ni Nathan kay Jeremy. Agad siyang lumapit kay Jeremy kanina nang mapansin ang gulo. Hinawakan niya ito sa braso at pinilit na hilain palayo ngunit hindi gumalaw si Jeremy.“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakukuha ang gusto ko—”Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha niya, lahat ay nagulat at napasigaw. “Tay!” sigaw ni Diana. Agad niyang nilapitan ang ama niya na sinuntok si Jeremy. Kahit si Jeremy ay nagulat sa ginawa ni David. “Hindi porket mayaman ka at kaya mong gawin lahat gamit ang pera, pwes ibahin mo ang pagkakataon na ito! Lumayas ka rito!” Galit na sigaw ni David. Mas lalong kinabahan si Diana para sa kanyang ama lalo na’t may sakit ito sa puso. “Ma, d
last updateHuling Na-update : 2025-01-29
Magbasa pa

Chapter 23

Kinabukasan umuwi na si Dane, naging tahimik din ang paligid at pilit kinalimutan ang nangyari kahapon. Alam ni Diana ang pagpapakita ni Jeremy sa kanila kahapon ay simula ulit ng haharapin niyang laban. Hindi titigil si Jeremy lalo na’t nalaman niya na si Jeremy ang dahilan kung bakit hindi siya nakakahanap ng trabaho. Natatakot siya na baka dalhin ni Jeremy ang connections nito sa lugar kung nasaan sila ngayon. “Anak…”Agad na bumaling si Diana nang tawagin siya ng kanyang ina. Bakas ang pag-aalala sa mukha nitong nakatingin kay Diana.“Ma, ano po iyon?” magalang at marahang tanong niya.Hinawakan ng kanyang ina ang kamay nito, ngumiti ng tipid. “Kumusta ka? Ayos ka lang ba? Hindi tayo nakapag-usap kahapon,” sabi nito. Hinawakan naman ni Diana pabalik ang kamay ng ina at saka ngumiti rin; pinipilit niyang ipakita sa ina niya na ayos lang siya sa pamamagitan nang masayang ngiti. “Ma, ayos lang po ako. Huwag po kayong mag-aalala sa akin, para saan pa na naging anak niyo ako kung hin
last updateHuling Na-update : 2025-02-05
Magbasa pa

Chapter 24

Sa loob ng opisina ni Jeremy, kausap niya ngayon si Shawn, o mas kilalang Atty. Cinco. Isa sa kaibigan ni Jeremy. “Mahihirapan ka sa gusto mong mangyari, Saltzman. Alam mo naman na hindi mo nakasama ang anak mo ng ilang taon, bago mo pa lang nalaman ang tungkol sa kanya.”“But I know, sa oras na mawalan ng suporta ang nanay niya sa kanya, malaki ang laban ko. Pwede kong sabihn sa korte na inilayo niya ito sa akin nang matagal kaya hindi ko nakasama ang anak ko,” paliwanag naman ni Jeremy. Bumuntong hininga si Shawn, may point si Jeremy kung iyon nga ang idadahilan niya sa korte. Kilala niya ang kaibigan niya, hinding-hindi ito titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya.“Dude, hindi ka ba naaawa sa ex-wife mo kung ipipilit mo ito? Panigurado magagalit sa’yo lalo ang anak mo, mas close silang dalawa, wala ka nga sa litrato ng buhay nila at bigla ka na lang papasok at kukunin ang bata? Bakit hindi mo na lang daanin sa mahinahong paraan?” mahabang sabi ni Shawn.Kumunot naman
last updateHuling Na-update : 2025-02-08
Magbasa pa

Chapter 25

Nang makarating siya sa sinasabing coffee shop, agad siyang pumasok. Pero napakunot din agad ang noo niya nang mapansin niyang tila nagbubulongan at naghighikan ang mga customer na babae sa loob at may isang direction lang silang tinitignan. Sinundan niya ang tingin na iyon at nang makita kung ano ang tinitignan ng mga ito, napairap siya. “Kahit kailan talaga, papansin ang isang ‘to,” bulong niya sa kanyang sarili habang masama ang tingin sa lalaking nakatingin sa iPad nito. Huminga nang malalim si Diana bago tuloyang maglakad papalapit kay Jeremy. Binagsak niya ang dala niyang bag sa lamesa sa harap ni Jeremy na dahilan kung bakit napatigil ang lalaki sa ginagawa nito sa iPad niya. Napasinghap din ang mga tao sa paligid dahil sa ginawa niya.“Ay may girlfriend na.”“Pero mukha namang maghihiwalay na sila sa inasta ng babae.”Bulongan ng mga magkaibigan sa kalapit table nila Jeremy. “What do you want at gusto mong makipagkita ngayon? Hindi ka pa rin ba tapos?” agad na tanong ni Dia
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa

Chapter 26

Kahit magulo ang isip ni Diana dahil sa proposal ni Jeremy, tinuloy niya pa rin umalis para mag-apply. Hindi doon natitigil ang buhay niya, kailangan niya pa rin maging matatag kahit sinusubukan na siya ni Jeremy. Pagkatapos ng interview niya, agad na rin siyang umalis para umuwi dahil tamang-tama ay uwian na rin ng anak niya pagkatapos ng alas-dyes. Habang nasa byahe siya sakay sa jeep, hindi niya mapigilan mapatingin sa tatlong pasahero na nasa harap niya. Isang lalaki, isang babae at isang bata na nasa gitna ng dalawa.Sumagi sa isipan niya na ang tatlong taong iyon ay siya, si Jeremy at ang anak nilang si Justin—masaya. Ngunit agad niya rin iniling ang ulo niya para alisin ang ideyang iyon. ‘Imposible.’ sa isip niya. Imposible para sa kanya na mangyayari pa ang araw na iyon. Noong umalis siya pagkatapos niyang pirmahan ang divorce agreement, hindi nawawala sa isipan niya ang pangyayaring iyon, umaasa siya na hahabulin at hahanapin siya ni Jeremy at balang araw ay magiging buo s
last updateHuling Na-update : 2025-02-12
Magbasa pa

Chapter 27

Hindi agad makasagot si Diana sa tanong ng anak. Alam niya ang sagot, ayaw niya lang sabihin ang totoo. Dahil kapag sinabi niya na hindi niya gusto ang ideya na iyon mawawalan na ng pagkakataon si Justin na makilala at makasama si Jeremy. Natatakot siya na baka pag lumaki si Justin at natutunan na nito lahat, magtanong siya nang magtanong kung bakit hindi niya kasama ang ama. Ngumiti siya sa anak, hinawakan ang pisngi nito. “Kung gusto ni baby, doon din ako. Don’t worry about me, okay?”Tumango na lang si Justin at hinawakan din ang magkabilang pisngi ni Diana. “Don’t worry too, Mommy. I will protect you no matter what!”Dahil sa sinabi ng bata, hindi na napigilan ni Diana na mapaluha at yakapin ito. Sa kabilang banda, naka-upo si Jeremy sa upuan niya sa loob ng kanyang opisina at kaharap ang isang ginang na kanina pa nagagalit, at ang isang 50-years old na lalaking naka-upo sa couch.“Bakit mo gagawin ito? You can’t bring her into your home, Jeremy. Okay lang kung ang bata ang dada
last updateHuling Na-update : 2025-02-13
Magbasa pa

Chapter 28

Sa loob ng kotse, nasa likod si Justin, at sa passenger seat naman ay si Diana. “Ang bango ng kotse mo, Daddy!” sigaw ni Justin. “Kasing bango ng kotse ni Spongebob!”“Spongebob? From the cartoon?” nagtatakang tanong ni Jeremy.“Ah, si Dane. Spongebob ang tawag niya sa kanya,” agad na sabi ni Diana. “Dane…” mahinang banggit ni Jeremy, tama lang na marinig ni Diana. Ramdam niya ang seryosong boses ni Jeremy. “Is he…your guy?” tanong niya.Kumunot naman ang noo ni Diana, tumingin siya kay Jeremy na nagtataka. “Anong my guy? Si Dane ba? Anong ibig mong sabihin?” Sunod-sunod niyang tanong. Natawa nang bahagya si Jeremy na akala niya ay nagmaang-maangan lang si Diana pero ang totoo hindi talaga nito naiitindihan ang sinasabi niya. “He’s your boyfriend, right?”“What the f—”“Mom, that’s bad!” sigaw ni Justin. “I’m sorry, baby. Just watch on your tablet, okay? May pinag-uusapan lang kami ng Daddy mo. Here, use this.” Inabot niya ang headphone ni Justin, kinuha naman ito ng bata at agad
last updateHuling Na-update : 2025-02-13
Magbasa pa

Chapter 29

Nang makalabas na sila sa kwarto ni Jeremy, agad na lumapit si Diana dito at saka bumulong. “Ano bang ginagawa mo? We can’t stay together in one room, Jeremy. Bawiin mo ang sinabi mo sa bata—”“I can’t do that. Look at him.” Tinuro niya si Justin na tumatalon-talon pa rin sa tuwa at binabanggit na matutulog sila ng mommy niya sa kwarto ng daddy niya. “He’s happy. And I don’t want to remove that from him.”Nang makita ni Diana si Justin, napagtanto niyang tama si Jeremy. Huminga siya nang malalim at hinayaan na lang ang ideyang iyon na pumasok sa isipan niya ang tungkol sa pagsasama nilang tatlo sa iisang kwarto. “Oh my Gosh! Where is my grandson!”Nabalik lang sa wisyo ang sarili niya nang marinig ang pamilya na boses. Agad siyang umiwas ng tingin, kinakabahan. It was Jeremy’s mother. Napahinto si Justin sa paglalakad, at nagtatakang tumingin sa apat na taong pumasok sa loob ng bahay. Buong pamilya ni Jeremy ay nandito. Hindi niya alam ang gagawin, gusto niyang umalis pero parang ma
last updateHuling Na-update : 2025-02-14
Magbasa pa

Chapter 30

Isang Linggo na ang lumipas, panibagong school na naman si Justin pero ngayon ay nasa private school na—hindi madali sa bata na makihalubilo dahil pero nagkaroon din naman siya ng dalawang kaibigan na anak din ng mayaman—sina Princess at Markien.Habang si Diana naman, bumalik siya sa pagiging secretary ni Jeremy sa kumpanya nito. Wala siyang magawa dahil iyon ang gusto ni Jeremy kahit gusto niya magtrabaho sa ibang department. “Buti naman nakabalik ka na at pumayag si Sir Saltzman na bumalik ka bilang secretary niya, wala pa siyang nakikitang kapalit sa’yo.”May lumapit sa kanya, isa ring secretary ng isa sa bosses sa kumpanya, si Meren. “Oonga e,” iyon na lang ang sinagot ni Diana. Wala na siyang dapat sabihin pa dahil wala pa naman siyang close—mas gusto niya pa rin ang ugali ng mga kasama niya sa dati niyang kumpanya, walang halong kaplastikan. “Miss Lucero, to my office. Now.”Sabay na nanlaki ang mga mata nina Meren at Diana nang marinig ang boses ni Jeremy na kakapasok lang
last updateHuling Na-update : 2025-02-16
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status