Home / Romance / Mr. Saltzman Rejected Wife / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Mr. Saltzman Rejected Wife: Chapter 31 - Chapter 40

52 Chapters

Chapter 31

Pagkarating nila sa bahay, agad na dumiretso si Diana sa kwarto ni Justin at nang makita niya itong mahimbing na ang tulog, tila nabunutan siya ng tinik sa lalamuna. “Mabuti naman nakatulog din siya.” bulong niya.“It seems he’s asleep now, hindi mo na kailangan matulog sa kwarto ko.”Nanlaki ang mga mata ni Diana at bumalik kay Jeremy na nasa likod niya. Gusto niya sanang sumagot pa na “Malamang” pero pinigilan niya na lang ang sarili at umalis para pumunta sa kwarto niya, naglinis ng katawan at handa nang matulog—plano niyang sa kwarto ni Justin matulog ngayong gabi, pero bago pa siya makapasok ulit sa kwarto ni Justin, biglang lumabas si Jeremy mula sa kwarto nito na kakatapos lang din maligo. Napatigil si Diana, tinignan ang lalaki na walang suot na damit pang itaas, tanging short lang at maliit na tuwalya sa batok nito. Agad na napaiwas ng tingin si Diana. “Hindi ka ba magsusuot ng damit?” tanong niya na nakaiwas pa rin ng tingin. Tinignan naman ni Jeremy ang sarili niya, san
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Chapter 32

“We’re here.” Ginising ni Jeremy si Diana pagkatapos niyang i-park ang kotse niya at ilabas si Justin sa kotse. Sa tagal ng byahe, hindi namalayan ni Diana na nakatulog siya, kaya nang magising siya nakaramdam siya ng hiya. Naalala niya ang sinabi niya kay Jeremy na papalitan niya ito sa pagmamaneho.“I’m sorry, nakatulog ako. Ako na lang ang magda-drive after natin dito,” agad siyang humingi ng paumanhin. Umiling si Jeremy. “It’s fine. Nandito na tayo, nakahanda na rin iyong hotel room natin, pwedeng doon ka muna magpahinga pero si Justin mukhang buo pa ang energy niya,” paliwanag nito sabay baling kay Justin na nagsimulang tumakbo. Malawak ang paligid kahit nasa parking lot pa sila. “Mommy, there’s a playground! Can I go there?” excited na tanong ng bata sabay turo sa playground. Marami ring mga bata ang naroon. Ngumiti naman si Diana at tumango. “Sige, sasamahan na kita pero bago iyon dadalhin muna natin ang gamit natin sa room, is that okay, baby?”Magsasalita pa sana si Just
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 33

Nakatingin lang si Diana kay Jeremy na hawak ang dalawang bata sa magkabilaang kamay habang naglalakad, nasa tabi rin ni Vanessa si Viviane—at si Diana, nasa likod nila. Sumilay ang mapait na tingin sa mata ni Diana nang pumasok sa isipan niya ang litrato ng apat na tao sa harap niya. Parang masaya at kumpletong pamilya. Saan siya sa litratong ito? Biglang kumirot ang dibdib niya at umiwas ng tingin hanggang sa tinawag siya ni Justin. “Mommy, tara!”Mabilis na ngumiti si Diana, hindi pinakita ang pait sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit kay Justin. “Dito ka sa tabi ko?” tanong niya.Ramdam niya namang huminto sina Jeremy at Viviane at tumingin sa kanya. Hindi niya pinansin ang tingin nilang dalawa, bagkus kinuha niya ang kamay ni Justin mula sa kamay ni Jeremy at siya na mismo ang naghawak sa bata. “Let’s go?” Ngiting sabi niya kay Jeremy. Kahit nagtataka si Jeremy sa biglaang pag-iba ng asta ni Diana, hindi niya na lang din iyon pinansin. Nagpatuloy na siyang maglakad habang ki
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Chapter 34

Inalayan ng lalaki si Irish patungo sa parking lot para hanapin ang kotse ni Irish. "Where's your car?" tanong niya at hindi pa rin natigil sa paghahanap."I don't have my car with me," bulong ni Irish. Malabo na ang kanyang mata dahil sa kalasingan, nakahawak siya sa braso ng lalaki. Napakunot ang noo ng lalaki dahil sa sinabi niya, naisip niya kung anong sinakyan ni Irish papunta sa club. "Paano ka uuwi kung wala kang kotse? May kasama ka ba papunta rito?" sunod-sunod na tanong ng lalaki ngunit walang maitindihan si Irish. "Hey?""What? Where's your car? Nahihilo na ako, dalhin mo na ako sa kotse mo..."Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa sinabi ni Irish, ang buong akala niya ay nagbibiro lamang si Irish sa sinabi nitong ilayo siya sa club dahil hindi niya iyon sineryoso; ang nais niya lang gawin ay ihatid si Irish sa kotse nito. "Damn it," bulong ng lalaki at naglakad na habang akay si Irish papunta sa kotse niya. Wala siyang magawa kundi sundin ang sinabi ng babaeng kasama niya.
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Chapter 35

Nagising si Irish na sumasakit ang ulo niya at hindi alam ang nangyari, pero ramdam niyang nasa malambot na kama siya. Dahan-dahan siyang bumangon habang hawak-hawak ang kanyang ulo, hindi niya pa nabubuksan ng buo ang dalawa niyang mata pero nang may marinig siyang nagbukas ng shower sa banyo, agad siyang napabalikwas sa kama. Tumingin siya sa kanyang katawan na wala ng saplot, tumingin din siya sa paligid at napagtantong hindi niya iyon kwarto. Mas lalong sumakit ang ulo niya habang inaalala ang nangyari at nang maalala niya ang ginawa niya, napatakip siya sa kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata. "Shit..." bulong niya at nagmamadaling hinanap ang suot niyang damit. Dahan-dahan niya iyong hinanap sa loob ng kwarto dahil ayaw niyang marinig ng taong nasa banyo. Nahanap niya naman ang suot niyang damit kagabi sa isang mahabang sofa na naka tupi na. Napa-ismid siya sa kanyang sarili, hindi niya inasahan na mahahayaan niya ang sarili niyang bumigay sa lalaking hindi niya kila
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Chapter 36

Kinabihan nang makauwi si Sally mula sa kanyang trabaho, nadatnan niya si Irish sa kusina na nagluluto, agad din namang bumaling si Irish nang maramdaman niya ang presensya ni Sally. "Hey...nandyan ka na pala." Nakangiting sabi ni Irish sa kaibigan at sinarado niya na ang kalan dahil sakto ay tapos na siya magluto."Oo, pasensya na kung natagalan ako. Dapat kanina pa ako nakauwi, malakas ang ulan. Anyway, nagluto ka?""Ayos lang, maaga pa naman. And yes, kung okay lang na ginalaw ko ang gamit mo?" tanong ni Irish. Hindi naman sanay si Sally na tila biglang nagbago ang pakikitungo ni Irish sa kanya, alam niyang marunong magluto si Irish at nagawa na nitong magluto sa condo unit niya mismo kaya hindi na bago sa kanya, ang bago sa kanya ay iyong akala ni Irish na hindi ayos na galawin ang gamit niya sa condo. "Ano ka ba, oo naman. Ayos lang. Ako dapat ang nahihiya sa'yo kasi bisita ka," sabi ni Sally. "No, ako dapat dahil nakikitira lang ako. Pasensya na sa abala, Sally."Napabuntong
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Chapter 37

"Handa ka na ba?" tanong ni Sally kay Irish nang makarating sila sa kumpanya kung saan siya nagtatrabaho.Bumuntong hininga si Irish at tumango sa kanyang kaibigan. Kinakabahan siya hindi dahil hindi siya makakapasok sa kumpanya, alam niya kung paano makapasok ngunit ang iniisip niya ay baka may makakilala sa kanya at ituro siya sa kanyang pamilya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil gusto niya munang hindi manghimasok ang pamilya niya sa buhay niya. "Paano kung makilala nila ako at sabihin sa magulang ko na nandito ako?" tanong niya kay Sally. Hindi agad nakasagot si Sally dahil kahit siya ay hindi alam kung anong gagawin kung sakaling mangyari nga ang iniisip ni Irish. Hinawakan niya ang kamay ni Irish. "Magtiwala lang tayo na hindi mangyayari iyon. Minsan na akong nakita ng magulang ko pero hindi rin nila ako pinansin, at mas lalong hindi ko rin sila pinansin. Ayos lang sa akin iyon dahil naging tahimik ang buhay ko, let's just hope na iyon din ang mangyayari sa'yo..." mahabang paliw
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Chapter 38

“Anong nangyari?” Iyan agad ang bungad na tanong ni Sally nang makalabas siya sa opisina ni Guiller. Mas mabilis pa sa alas-kuwatro na kumalat ang balita sa buong building na hinila siya ng bagong Presidente ng kumpanya patungo sa opisina nila, siya rin ang ginawang dahilan kung bakit hindi natapos ang meeting sa conference room.At nang hindi niya masagot ang tanong ni Guiller tungkol sa pag-alis nito noong gabing nagsama sila, agad siyang lumabas sa opisina at bumungad sa kanya ang mga tinginan at bulongan ng mga tao sa palapag na iyon—na nandoon din ang kanyang kaibigan na si Sally, nag-aalala sa kanya. “Wala iyon. Gusto ko na munang umuwi, ayos lang ba na mauna ako sa’yo?” Mahinang tanong ni Irish. Hindi agad nakasagot si Sally dahil hindi niya alam ang gagawin. Baguhan din siya sa kumpanya, at kahit na pareho silang anak mayaman ni Irish, wala silang mawa rin na kontrolin ang pangyayari. Tumango si Sally. “Ihahatid na kita sa baba, pero pagka-uwi ko, kailangan mong sabihin sa
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Chapter 39

Agad na nagmamadali si Sally na mapuntahan si Irish sa lugar na sinabi nito. Kung hindi lang siya tumawag ay hindi niya malalaman na hindi pala umuwi si Irish sa condo unit niya, sinabi nito na nasa isang club siya—sa Padis Point ng Taguig City. Nakita niya rin naman agad si Irish nang makapasok siya sa loob ng club lalo na wala pang masyadong tao dahil maaga pa iyon. “Irish…” tawag niya sa kaibigan. Bumaling si Irish nang marinig niya ang boses ni Sally sa gilid niya. “Sally, nandyan ka na pala. Hali ka, pasensya na kung naabala kita; ayaw ko pa kasing umuwi…” Huminga nang malalim si Sally at umupo sa tabi ni Irish. “Ano bang nangyayari sa’yo? Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon pero natitiyak ko na mas may malalim pa…” Seryosong sabi ni Sally. Saglit na natahimik si Irish at saka uminom ng alak. Nag-order lang siya ng isang bucket at kakarating lang no’n, sakto na dumating na rin si Sally. Pinahiram muna siya ng spare phone ni Sally para may magamit silang dalawa kun
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

Chapter 40

Kinabukasan, hindi pumasok si Sally dahil iyon na rin ang araw na sasamahan niya si Irish sa province nila. Noong una ay tinanong pa nang paulit-ulit ni Sally si Irish kung sigurado na siya pero ang sagot ni Irish ay ‘Oo’.Wala nang nagawa si Sally kundi hayaan ang kaibigan, ang mahalag lang din sa kanya ay ligtas ito. “Bukas na ako uuwi pabalik sa Manila, sasamahan muna kita rito,” sabi ni Sally nang makarating sila sa bahay ng lolo’t lola niya. “Maraming salamat talaga, Sal—”“Huwag ka munang magpasalamat, hindi pa naman tayo nagkakalayo ng landas. Basta alagaan mo ang sarili mo rito, ako na muna ang bahala sa mga gastos mo rito habang wala ka pang trabaho. Tumawag ka rin sa akin kung may kailangan ka pa,” mahabang sabi ni Sally. Sumang-ayon na lang si Irish sa mga sinabi ni Sally kahit na nakakaramdam na talaga siya ng hiya. May kalakihan ang bahay nila Sally, tatlo ang kwarto nito, may malaking sala at ang katabi nito ay lutoan, may tig-isa ring banyo ang bawat kwarto kaya hab
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status