Nagising si Irish na sumasakit ang ulo niya at hindi alam ang nangyari, pero ramdam niyang nasa malambot na kama siya. Dahan-dahan siyang bumangon habang hawak-hawak ang kanyang ulo, hindi niya pa nabubuksan ng buo ang dalawa niyang mata pero nang may marinig siyang nagbukas ng shower sa banyo, agad siyang napabalikwas sa kama. Tumingin siya sa kanyang katawan na wala ng saplot, tumingin din siya sa paligid at napagtantong hindi niya iyon kwarto. Mas lalong sumakit ang ulo niya habang inaalala ang nangyari at nang maalala niya ang ginawa niya, napatakip siya sa kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata. "Shit..." bulong niya at nagmamadaling hinanap ang suot niyang damit. Dahan-dahan niya iyong hinanap sa loob ng kwarto dahil ayaw niyang marinig ng taong nasa banyo. Nahanap niya naman ang suot niyang damit kagabi sa isang mahabang sofa na naka tupi na. Napa-ismid siya sa kanyang sarili, hindi niya inasahan na mahahayaan niya ang sarili niyang bumigay sa lalaking hindi niya kila
Kinabihan nang makauwi si Sally mula sa kanyang trabaho, nadatnan niya si Irish sa kusina na nagluluto, agad din namang bumaling si Irish nang maramdaman niya ang presensya ni Sally. "Hey...nandyan ka na pala." Nakangiting sabi ni Irish sa kaibigan at sinarado niya na ang kalan dahil sakto ay tapos na siya magluto."Oo, pasensya na kung natagalan ako. Dapat kanina pa ako nakauwi, malakas ang ulan. Anyway, nagluto ka?""Ayos lang, maaga pa naman. And yes, kung okay lang na ginalaw ko ang gamit mo?" tanong ni Irish. Hindi naman sanay si Sally na tila biglang nagbago ang pakikitungo ni Irish sa kanya, alam niyang marunong magluto si Irish at nagawa na nitong magluto sa condo unit niya mismo kaya hindi na bago sa kanya, ang bago sa kanya ay iyong akala ni Irish na hindi ayos na galawin ang gamit niya sa condo. "Ano ka ba, oo naman. Ayos lang. Ako dapat ang nahihiya sa'yo kasi bisita ka," sabi ni Sally. "No, ako dapat dahil nakikitira lang ako. Pasensya na sa abala, Sally."Napabuntong
"Handa ka na ba?" tanong ni Sally kay Irish nang makarating sila sa kumpanya kung saan siya nagtatrabaho.Bumuntong hininga si Irish at tumango sa kanyang kaibigan. Kinakabahan siya hindi dahil hindi siya makakapasok sa kumpanya, alam niya kung paano makapasok ngunit ang iniisip niya ay baka may makakilala sa kanya at ituro siya sa kanyang pamilya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil gusto niya munang hindi manghimasok ang pamilya niya sa buhay niya. "Paano kung makilala nila ako at sabihin sa magulang ko na nandito ako?" tanong niya kay Sally. Hindi agad nakasagot si Sally dahil kahit siya ay hindi alam kung anong gagawin kung sakaling mangyari nga ang iniisip ni Irish. Hinawakan niya ang kamay ni Irish. "Magtiwala lang tayo na hindi mangyayari iyon. Minsan na akong nakita ng magulang ko pero hindi rin nila ako pinansin, at mas lalong hindi ko rin sila pinansin. Ayos lang sa akin iyon dahil naging tahimik ang buhay ko, let's just hope na iyon din ang mangyayari sa'yo..." mahabang paliw
“Anong nangyari?” Iyan agad ang bungad na tanong ni Sally nang makalabas siya sa opisina ni Guiller. Mas mabilis pa sa alas-kuwatro na kumalat ang balita sa buong building na hinila siya ng bagong Presidente ng kumpanya patungo sa opisina nila, siya rin ang ginawang dahilan kung bakit hindi natapos ang meeting sa conference room.At nang hindi niya masagot ang tanong ni Guiller tungkol sa pag-alis nito noong gabing nagsama sila, agad siyang lumabas sa opisina at bumungad sa kanya ang mga tinginan at bulongan ng mga tao sa palapag na iyon—na nandoon din ang kanyang kaibigan na si Sally, nag-aalala sa kanya. “Wala iyon. Gusto ko na munang umuwi, ayos lang ba na mauna ako sa’yo?” Mahinang tanong ni Irish. Hindi agad nakasagot si Sally dahil hindi niya alam ang gagawin. Baguhan din siya sa kumpanya, at kahit na pareho silang anak mayaman ni Irish, wala silang mawa rin na kontrolin ang pangyayari. Tumango si Sally. “Ihahatid na kita sa baba, pero pagka-uwi ko, kailangan mong sabihin sa
Agad na nagmamadali si Sally na mapuntahan si Irish sa lugar na sinabi nito. Kung hindi lang siya tumawag ay hindi niya malalaman na hindi pala umuwi si Irish sa condo unit niya, sinabi nito na nasa isang club siya—sa Padis Point ng Taguig City. Nakita niya rin naman agad si Irish nang makapasok siya sa loob ng club lalo na wala pang masyadong tao dahil maaga pa iyon. “Irish…” tawag niya sa kaibigan. Bumaling si Irish nang marinig niya ang boses ni Sally sa gilid niya. “Sally, nandyan ka na pala. Hali ka, pasensya na kung naabala kita; ayaw ko pa kasing umuwi…” Huminga nang malalim si Sally at umupo sa tabi ni Irish. “Ano bang nangyayari sa’yo? Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon pero natitiyak ko na mas may malalim pa…” Seryosong sabi ni Sally. Saglit na natahimik si Irish at saka uminom ng alak. Nag-order lang siya ng isang bucket at kakarating lang no’n, sakto na dumating na rin si Sally. Pinahiram muna siya ng spare phone ni Sally para may magamit silang dalawa kun
Kinabukasan, hindi pumasok si Sally dahil iyon na rin ang araw na sasamahan niya si Irish sa province nila. Noong una ay tinanong pa nang paulit-ulit ni Sally si Irish kung sigurado na siya pero ang sagot ni Irish ay ‘Oo’.Wala nang nagawa si Sally kundi hayaan ang kaibigan, ang mahalag lang din sa kanya ay ligtas ito. “Bukas na ako uuwi pabalik sa Manila, sasamahan muna kita rito,” sabi ni Sally nang makarating sila sa bahay ng lolo’t lola niya. “Maraming salamat talaga, Sal—”“Huwag ka munang magpasalamat, hindi pa naman tayo nagkakalayo ng landas. Basta alagaan mo ang sarili mo rito, ako na muna ang bahala sa mga gastos mo rito habang wala ka pang trabaho. Tumawag ka rin sa akin kung may kailangan ka pa,” mahabang sabi ni Sally. Sumang-ayon na lang si Irish sa mga sinabi ni Sally kahit na nakakaramdam na talaga siya ng hiya. May kalakihan ang bahay nila Sally, tatlo ang kwarto nito, may malaking sala at ang katabi nito ay lutoan, may tig-isa ring banyo ang bawat kwarto kaya hab
“Anong nangyayari sa’yo? Bakit nabalitaan ko sa secretary mo na marami kang pinagkaabalahan kahit na sa kumpanya lang naman. Malalagot ako kay Tito kapag nalaman nila na hindi ka maayos dito sa Pinas,” mahabang sabi ni Allen kay Guiller. Binisita niya si Guiller sa condo unit nito, sakto naman ay gabi na at tapos na sa trabaho kaya dumiretso na siya para mangamusta. May dala siyang alak para sa kanilang dalawa. “Hindi mo naman magsumbong sa ama ko. I can handle everything, Allen. Lalo na nandyan ka naman para tulungan ako.” Natatawang sabi ni Guiller. Napailing na lang si Allen dahil sa sagot ng kaibigan niya. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Guiller, dalawang Linggo pa lang siya sa Pilipinas pero tila marami nang napagdaanan ang kaibigan niya. Hindi niya rin naman makuha ang sagot na gusto niyang malaman mula sa secretary ni Guiller dahil ang loyalty no’n ay naka’y Guiller. “Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan mo?” tanong ulit ni Allen. Tila ayaw niyang tigilan si Guiller s
Isang linggo ang lumipas simula noong dumating si Irish sa lugar nila Sally, sa loob din ng isang linggo na iyon ay nakasundo niya na sina Jarson at Jessica, lalo na si Jessica na pinangarap pa noon na magkaroon siya ng kapatid na babae rin. Maraming nangyari sa loob ng isang linggo tulad na lang nang biglaan pagpunta ni Sally kahit na may mas mahala siyang kailangan gawin sa trabaho nang biglang tumawag si Jessica sa kanya para ipaalam ang tungkol kay Irish. “Sinasabi ko na nga ba, mabubuo at mabubuo ang nangyari noong gabing iyon, Rish..” Mahina niyang sabi kay Irish. Nasa loob sila ng kwarto ni Irish para kausapin niya nang pribado. Kahapon lang din nalaman nila Irish ang tungkol sa pagbubuntis niya nang bigla na lang siyang nahilo habang namamasyal sila sa parke sa bayan, agad siyang sinugod nina Jarson at Jessica sa malapit na hospital at doon nila nalaman na apat na linggo ng buntis si Irish. “Hindi ko alam ang gagawin ko, Sal. Paano ko bubuhayin ang batang ito?” Walang tigi
After one month, hindi na nagpakita pa muli si Catherine kay Nolan at kahit maliit lang ang mundo, sinusubukan niyang hindi mag-krus ang landas nila o kahit na sino sa pamilya ni Nolan. Naging abala siya na maging maayos ulit ang buhay niya kahit na nahihirapan siyang makisabay sa bagong buhay na ginagalawan niya ngayon kasama si Mina, ang pamilya ni Mina at si Loreen.“Ayos ka lang?” tanong ni Mina kay Catherine. Tumango si Catherine at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. “I’m fine, hindi ko lang inasahan na ganito pala kahirap sa pabrika na pinagtrabuhan ng magulang mo,” komento niya.Natawa naman ng bahagya si Mina dahil sa sinabi ni Catherine. “Ngayon lang din ako nagtrabaho rito kaya ganoon din ang nararamdaman ko. Tara, puntahan natin si Loreen,” aya ni Mina kay Catherine.Agad naman nilang pinuntahan si Loreen na tila may tinitignan sa hindi kalayuan. “Anong tinitignan mo?” tanong ni Mina na siyang kinagulat ni Loreen. Bumaling siya sa mga kaibigan at tumingin ulit sa tinignan
Hindi nagtagumpay si Mina at iba pang servers sa bahay na manatili, wala na silang nagawa nang alisin na sila ng tuluyan ng pamilya ni Nolan at naiwan si Catherine sa bahay kasama si Nolan, ang pamilya ni Nolan at si Maxine. Bumalik sa kanya-kanyang kwarto ang pamilya na para bang walang nangyari habang naiwan si Catherine sa sala na mag-isa, umiiyak at hindi alam kung ano ang gagawin. Buong buhay niya na kasama ang pamilya niya ay hindi niya naranasan ang ganitong sitwasyon, nag-iisang anak siya ng magulang niya, ibinigay sa kanya lahat ngunit hindi niya inasahan na mawawal na lang lahat ng iyon sa isang iglap at sa isang pagkakamali na magpakasal sa isang lalaking ang akala niya ay makakasama niya sa hirap at ginhawa. Tumayo si Catherine nang maisipan niyang pumasok sa kwarto ni Mina, naroon na ang iba niyang gamit dahil bago pa makaalis ang ibang servers inutusan muna ni Nolan ang mga ito na kunin ang gamit ni Catherine sa kwarto at ilagay sa maid’s room, in Mina’s room.“Ano ng
Hindi pa rin maitindin ni Catherine ang nangyayari, nasa harap niya ngayon si Mina na nakatingin sa kanya. Nasa kwarto siya ng maid’s room, Mina’s room to be exact.“What are you doing? You are his wife, you are the one supposed to be there, Catherin. Why are you here?” sunod-sunod na tanong ni Mina sa kanya.Umiiyak lang si Catherine tila ba iniisip na wala na siyang magagawa kung iyon na talaga ang nangyari. “I don’t know, Mina. Hindi ko maitindihan kung bakit iba ang sinama niya roon sa kwarto namin, and that is my room noong hindi pa kami kasal. Wala akong maitindihan—”“Ipapaintindi ko sa’yo ang nangyayari, Catherin. At sana maitindihn mo kung paano ka niya niloko, harap-harapan ka niyang sinaktan at sapat na iyon para ma-realized mo na tama na ang kahibangan mo sa kanya.” Mas lalong umiyak si Catherine dahil sa sinabi ni Mina. Si Mina lang ang kakampi niya sa bahay kung saan kasama niya ang pamilya ni Nolan at si Nolan, at kung wala si Mina ay panigurado na mas lalo pa siyang m
Kaming mga babae, wala kaming ibang hinangad kundi ang magkaroon ng asawang mapagmahal at aalagaan kami kapag dumating na ang panahon na ikakasal kami. Gusto lang namin maging masaya sa piling ng lalaking mahal namin na kasama namin na humarap sa altar pero bakit sa sitwasyon ko ay naging sumpa ang minsan ko ng pinangarap. “Wala ka ng silbi para sa anak namin kaya mabuti pang umalis ka na lang!” sigaw ng aking mother-in-law. Bakas sa kanyang mukha ang galit niya sa akin. Hindi ko maitindihan kung bakit siya nagagalit sa akin, sinunod ko lang naman ang utos niya na ipagluto siya ng pagkain na gusto niya. “Pasensya na, Mama. Magluluto ulit ako—”“Hindi na!” sigaw niya sa akin kaya napapikit ako at bahagyang umiwas mula sa kanya dahil akma niya akong hahampasin ng hawak niyang libro. “Hindi na nga masarap itong una mong luto at gusto mong pang umulit? Wala ka bang utak?” galit na sabi niya. Lumunok ako ng dalawang beses, nahihirapan magsalita. Hindi ko maitindihan ang takot na nararam
Tahimik ang paligid, tila walang gustong magsalita dahil sa pagkabigla ng kanilang narinig mula sa nars. At nang mapansin ng nars ang naging reaksyon nilang apat ay agad na itong nagpaalam para umalis, sinabi lang ulit ang instruction nito na pwede na silang makalabas sa hospital. Kahit lumabas na sila sa hospital, hindi pa rin kumibo si Irish sa kanilang tatlo, bitbit niya lang ang kanyang anak kahit na nahihirapan siyang maglakad at kahit na gusto nilang tatlo na tulungan siya ay tila nawalan siya ng pakialam, dahil hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nalaman niya; kahit si Sally ay hindi rin alam kung paano kausapin si Irish, naisip niya kanina na baka galit si Irish sa kanya. Pagtingin sa isa’t isa ang naging komunikasyon nina Sally at Jessica na para bang sa pamamagitan ng mga mata nila ay nagkakaintindihan sila tungkol kay Irish. Nasa loob na sila ng kotse at kahit na si Jarson ay hindi rin alam kung paano magsalita dahil sa katahimikan, pinagdasal niya na lang na sana umiy
Grabe ang pag-alala ng mga kaibigan ni Irish sa kanya na sila Sally, Jessica at Jarson dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising, anim na oras na simula nang ilipat siya sa kanyang kwarto pagkatapos manganak. Marami na rin napag-usapan ang magpipinsan at nagawa labas pasok sa loob ng kwarto, kasama na sa pag-uusap nila ang tungkol kay Guiller at Irish. Ngunit nagawa lang nilang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon nang lumabas si Guiller at umalis sa ospital dahil sa biglaang emergency sa kumpanya nito. “Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mo ang bagay na iyon, Sal,” komento ni Jessica sa kanyang pinsan nang malaman niya ang ginawa ni Sally. Umiwas nang tingin si Sally at saglit na bumaling kay Irish na wala pa rin malay at bumalik ulit kay Jessica. “Huwag mong babanggitin kay Irish ang napag-usapan natin, magagalit siya sa akin at ayaw kong mangyari iyon,” mahina niyang sabi.Aangal pa sana si Jessica nang may biglang kumatok sa pintuan kaya sabay silang bumalin
Hindi makagalaw si Guiller sa kinatatayuan niya habang nakatingin pa rin nang seryoso kay Jarson, walang emosyon ang mga mata nito ngunit kita ng mga taong kasama niya na hindi ito natutuwa. Umigting din ang kanyang panga at dahan-dahang ikinuyom ang mga kamao na tila ba handa ng suntokin ang lalaking kaharap niya ngayon. “Ano bang sinasabi mo, Jar?” bulong ni Jessica sa kanyang kapatid at pinilit na hilahin palayo kay Guiller nang makita ang hitsura ng lalaking handa nang magalit. Ngunit hindi pinansin ni Jarson ang kanyang kapatid, nakipag-talasan din siya ng tingin kay Guiller. “Narinig naman siguro ng lalaking ito ang sinabi ko. Hindi naman siguro siya kaano-ano ni Irish, hindi ba?”Pumikit nang mariin si Sally dahil sa sinabi ng pinsan, tila ba natatakot siya sa posibleng mangyari kay Jarson kaya agad niya itong nilapitan at hinila palayo. Nagtataka naman si Jarson sa ginawa ni Sally. “Ano bang problema mo? Anong pumasok sa kokote mo na sabihin ang mga salitang iyon, Jarson? P
Nine Months After…Kabuwanan na ni Irish at lahat ng mga kasama niya ay excited, ganoon din naman siya ngunit kinakabahan siya sa posibleng mangyari na tila ba ngayon niya lang naramdaman ang takot. “Kanina ka pa tahimik, okay ka lang ba?” tanong ni Sally sa kanya. Ngayong linggo ay nagsimulang mag labor si Irish sa tulong ng tatlong kaibigan. Tumingin siya kay Sally. “Naisip ko lang kung paano ko buhuhayin ang batang ito paglabas niya, at paano ko sasabihin sa kanya ang totoo tungkol sa tatay niya,” mahabang sabi ni Sally. Hinawakan naman ni Sally ang kamay niya at inayos ang hibla ng buhok. “Huwag kang mag-alala, palagi kong sinasabi sa’yo na nandito lang naman ako para tulongan ka.” Ngumiti si Sally sa kanya at tumingin lang din siya kay Sally nang biglang may sumagi sa isip niya. Mga nakaraang buwan, hindi na pumasok si Sally sa trabaho pero lagi itong lumalabas ng bahay at pagka-uwi niya may dala na itong maraming gamit, tulad ng grocery at iba pang pwedeng gagamitin nila, l
Hindi agad nakapagsalita si Sally sa sinabi ni Guiller, bumaling siya sa loob ng bahay at hindi niya na nakita ang tatlo na nakatingin. Lumunok siya ng laway niya, kahit na nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan at bumaling muli kay Guiller.Hindi na siya nagtataka kung paano nalaman ni Guiller ang tungkol sa pamilya niya, isa rin siyang anak ng negosyante at nanggaling sa mayamang angkan, kagaya ni Irish alam niya rin kung paano kumilos ang mga kagaya ni Guiller. Pero ang hindi niya maitindihan ay kung bakit sa tingin niya na tila ba naging desperado si Guiller kay Irish. “Ano po ba talagang kailangan niyo kay Irish, sir? Pasensya na po kung ganito ang tanong ko pero hindi ko po pwedeng hayaan na lang ang kaibigan ko na minamanmana ninyo—”“Alam ko, Miss Valdez. Kung ayaw mong pumayag sa deal ko, hayaan mo na lang akong kausapin siya,” sabi ni Guiller. Huminga nang malalim si Sally, nahihirapan na siya kung paano niya sasabihin kay Guiller na hindi niya pwedeng gawin ang lahat ng gu