Home / Romance / Mr. Saltzman Rejected Wife / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Mr. Saltzman Rejected Wife: Chapter 41 - Chapter 50

90 Chapters

Chapter 41

DIANA’s POINT OF VIEW:Sinimulan nilang ikwento sa akin lahat, nauna si Viviane pero hindi niya alam bago pa niya ikwento ang tungkol sa kanila ni Jacob, nalaman ko na ang lahat. At alam ko puro kasinungalinga ang lumalabas sa bibig niya dahil si Jacob mismo ang nagsabi sa akin. Pinakinggan ko lang siya sa mga kasinungalingan niya, malayo sa mga kinwento ni Jacob sa akin. Ang laman ng kwento ni Viviane ay puro paghanga at pagbanggit sa pangalan ni Jacob. Pero ako, alam ko; hindi si Jacob ang ibig niyang sabihin, ginamit niya lang ang pangalan ni Jacob para pagtakpan ang desire niya. Si Jeremy pa rin hanggang ngayon. Kasi hindi naman masyadong magaling sa negosyo si Jacob, kaya paano niya nasabi na si Jacob ang nagtaas ng buong Saltzman?It was Jeremy. She can’t fool me...But still, I’m in the act. Dapat akong umakto na naniwala sa kaniya.“Wow, grabe. Ang dami ko na pala talagang hindi alam. Pero honestly, masaya ako na nahanap mo na iyong taong para sa’yo, Vi. After all, Saltzman pa
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

Chapter 42

Third Person’s Point of View:Napatigil si Diana sa narinig. Nagulat, hindi inaasahan na iyon ang dahilan ng matanda kung bakit ito umalis ng bansa. Pero gumaan ang pakiramdam niya na nagpapagamot lang ito sa ibang bansa, ibig sabihin may pag-asa pa siyang makita ito at makilala si Justin. “Huwag kang magalit kay Jeremy, Diana. Hindi lang din namin inasahan na iyon ang magiging reaction ng lolo niya,” sabi ni Viviane. Tumingin si Diana sa kanya, at sa isip nito. Oo, hindi lang dapat si Jeremy ang dapat sisisihin kung bakit umalis ang matanda, kasama si Viviane sa dapat na sisihin. “Hindi ko naman iniisip iyon. Ang mahalaga ngayon, nasa maayos siya.” Tumingin siya kay Jeremy ulit. “You can call him and tell him to come back. I’m already here, gusto ko rin na makilala siya ni Justin,” dagdag ni Diana.Nagulat naman silang tatlo, lalo na si Viviane. Palihim niyang ikinuyom ang kanyang mga palad habang nakatingin kay Diana. Naiinis siya. Sino ba naman ang hindi maiinis kung walang iban
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

Chapter 43

Nang oras na para sa conference meeting, kasama ni Jeremy si Diana. At ngayon sa harap nila, nagsasalita si Viviane. Puno ng paghanga ang mga naroon, na tila ba perpektong asawa ng isang Saltzman dahil alam niya lahat ng mga sinasabi niya. At habang pinagmasdan ni Diana ang slides sa presentation, may napansin siya. Walang nagbago mula sa siya ang gumawa ng slides. Pero naalala niya na nabanggit ni Viviane ay marami siyang binago dahil mali-mali ang mga ito. Sa nakikita niya ngayon, mukhang sinabi naman ni Viviane ang lahat ng siya mismo ang gumawa. Napangiti siya sa kanyang isipan. Hindi niya inasahan na may ganito pa lang kayang gawin si Viviane, ang angkinin pati ang mga bagay na hindi siya ang gumawa. “Wow, Viviane. Hindi talaga nagkakamali na isa ka sa napiling mapapangasawa ng isang Saltzman. Ang husay ng presentation mo, walang labis walang kulang,” sabi ng isang executive na naroon. Nakikinig lang si Diana sa mga komento nila tungkol kay Viviane, si Viviane naman ay tuwang-t
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

Chapter 44

Pagkarinig ng sinabi ni Jeremy, hindi na nakagalaw si Diana. Nanginginig ang kanyang dibdib sa kaba at halo-halong emosyon—galit, pagtataka, at isang hindi maipaliwanag na pakiramdam na ayaw niyang pangalanan.“Jeremy… ano bang gusto mong pag-usapan?” mahina ngunit may halong tensyon ang boses niya.Ngunit imbes na sumagot, patuloy na lumapit si Jeremy. Seryoso ang tingin nito, hindi nag-aalinlangan, hindi bumibitaw sa titig na tila hinuhubaran ang bawat pagtatanggi ni Diana.“Diana…” bulong niya, mababa, matalim.Napasinghap si Diana nang lumapat ang kamay nito sa kanyang pisngi, marahang hinaplos na para bang iniingatang huwag siyang matakot. Ngunit ramdam niya ang init ng palad nito, ang bigat ng bawat dampi—hindi lang basta haplos, kundi isang pahiwatig.“Jeremy, tama na,” mahina niyang sabi, ngunit hindi niya rin maikaila ang bahagyang panginginig ng kanyang boses.Naguguluhan na siya sobra sa kinikilos ni Jeremy, para sa kanya ay hindi dapat ito ganito—dahil noon pa man sanay na
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

45

Nang magmulat si Diana, madilim pa rin ang silid. Ang tanging liwanag na pumapasok ay ang malamlam na sinag ng buwan mula sa bintana. Hindi niya alam kung anong oras na, ngunit ramdam niya ang bigat ng kanyang katawan, ang init na nananatili pa rin sa kanyang balat mula sa mga haplos ni Jeremy.Ipinilig niya ang kanyang ulo at napabuntong-hininga. Ang kanyang dibdib ay puno ng emosyon na hindi niya maipaliwanag. Nang lingunin niya ang lalaking katabi niya, tahimik itong nakahiga, pero hindi siya sigurado kung gising ito o natutulog.“Jeremy?” mahina niyang tawag.Hindi ito kumilos sa una, pero ilang sandali pa, bumaling ito sa kanya. Dumilat ang mga mata nito, nakatitig sa kanya na para bang pinagmamasdan ang bawat hibla ng kanyang pagkatao.“Diana…”Ang paraan ng pagbigkas niya sa pangalan nito ay tila isang panalangin. Isang bagay na sinasambit nang may pag-iingat, ngunit may kasamang matinding damdamin.Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Hindi niya rin alam kung ano
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

46

Habang nasa byahe silang tatlo papunta sa skwelahan ni Justin, tahimik lang si Diana na naka-upo sa passenger seat habang si Justin naman sa likod ay may pinapanood sa kanyang iPad. Si Jeremy, pinapakiramdaman si Diana. May gusto siyang sabihin dito pero pinigilan niya rin ang sarili niya dahil kasama pa nila ang anak nila. Nang makarating sila sa skwela, agad na bumaba si Diana at inalayan si Justin bumaba. Sumunod si Jeremy. “Ako na ang maghahatid sa kanya sa room niya, antayin mo na lang ako rito,” sabi n Diana sa kanya. “Okay…”Pagkatapos magpaalam ni Justin kay Jeremy, naglakad na sina Diana at Justin patungo sa second floor kung saan ang classroom ni Justin, saktong pagkarating nila napahinto si Diana kaya napahinto rin si Justin. “Diana…”“Viviane, nakalipat na pala agad kayo?” tanong ni Diana. Si Viviane ang nakasalubong nila. “Tita Vi!” masayang bati ni Justin at yumakap kay Viviane. “Classmate po ba kami ni Vanessa?” tanong niya. Ngumiti si Viviane sa bata. “Yes, baby. I
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

47

Hindi pa rin mabasa ni Jeremy si Diana, pero hindi niya na lang pa ito kinulit pa nang mapansin na tila ayaw niya na talagang makipag-usap hanggang sa makarating sila sa office. Dumiretso si Jeremy sa opisina niya, at si Diana naman ay sa cubicle niya pero bago pa siya makaupo, nagulat siya sa nakita. Wala na ang gamit niya sa cubicle. “Nilipat ba ako ng pwesto? Nasaan ang mga gamit ko?” tanong niya sa kanyang sarili. May bigla namang lumapit sa kanya. “Ma’am Diana, nilipat po kahapon sa loob ng office ni Sir Jeremy ang gamit ninyo. Hindi niyo po ba alam?” Napaawang ang bibig ni Diana sa nariniig, gulat siyang tumingin sa opisina ni Jeremy na nakasarado. ‘Paanong nangyari iyon?’ tanong niya sa kanyang isipan. Pero isa pa ang napansin niya, sa tawag ng empleyadong lumapit sa kanya. “Ma’am?” tanong niya. “Opo, alam na po namin na asawa po kayo ni Sir Jeremy. Pasensya na po kung minsan ay naging masungit ako sainyo,” sabi nito. Hindi niya namalayan na habang nasa business trip siya
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

48

Habang nasa byahe si Jeremy papunta sa Laguna, hindi tumitigil sa pagdadasal si Diana na sana ay ayos lang ang lahat. Abala naman ang ibang department tulad ng customer service department, insurance department pati na rin ang finance department sa mga bagay na konektado sa trahedya sa pangunguna ni Diana at ang bawat manager. Kailangan agad nilang kumilos. Samantala, lumabas na rin sa balita ang tungkol sa sunog. Hindi pa nalaman kung ano ang dahilan pero nang makita na ang daming nasugatan at nawalan ng buhay ang siyang mas lalong nakapanghina kay Diana at sa iba pang empleyado sa kumpanya.“Diyos ko, bakit ba nagkaganito? Maayos naman ang lahat ng branches natin, ngayon lang nagka trahedya at isa pa Laguna pa ang pinaka malaking branch. Ayaw ko sanang mag-isip ng kung anu-ano pero sana mali ang iniisip ko.”Napatingin ang lahat pati si Diana sa nagsalita. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Diana. Natahimik ang lahat, inaantay ang sagot niya. “Kanina po kasi Ma’am Diana…nakatangg
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

49

Makalipas ang ilang oras, dumating ang gabi pero hindi na ulit nakatanggap ng tawag si Diana mula kay Jeremy, hanngang sa nakatulog na rin si Justin kakaantay sa daddy niya. Si Diana, nasa living room. Pinili niyang doon mag-antay kay Jeremy kahit tulog na rin ang mga helper sa bahay. Hindi siya makatulog, puno ng pag-aalala ang damdamin at isipan niya. Hindi mapakali kung ano na ang balita sa Laguna at kay Jeremy. Ang package na natanggap niya kanina ay sinunog niya na rin sa bakuran. Naalala niya na hindi dapat iyon makita ni Jeremy dahil panigurado madadagdagan ang iisipin nito. Nakita niya na ng buo ang nasa package. Litrato niya na puno ng dugo, at sa maliit na box na kasama mayroong patay na daga. At litrato nga ni Justin kaninang umaga. Hula niya na kinuhaan iyon pagkatapos nilang ihatid si Justin. Takot na takot siya nang makita ang mga ito, pakiramdam niya lumabas ang kaluluwa niya sa loob ng kanyang katawan kaya agad niya itong tinapon at sinunog, hindi niya rin hinayaan n
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more

50

Nang magising kinaumagahan si Diana, tulog pa si Justin sa tabi niya. Tinignan niya ang orasan, alas-singko pa lang. Bumangon siya at hinanda ang school unform ni Justin, pagkatapos bumaba na siya.Inasahan niya na nakarating na si Jeremy pero wala pa rin. Ang mga helper lang ang naroon at ang driver, nagka-kape sa kusina. “Goodmorning, Ma’am.” bati nila kay Diana.“Morning. Hindi pa umuwi si Jeremy?” tanong niya. Nagkatinginan naman sila bago sabay na tumango. “Hindi pa po, Ma’am. Baka po mamaya pa iyon, sabi niya kahapon ay susubukan niyang makauwi ngayong araw,” ang driver ang sumagot.Tila gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ni Diana nang marinig iyon. Tumango siya sa kanila at nagsabi na ipaghahanda niya lang si Justin ng breakfast at baon. Hapag pinagmamasdan nila si Diana, isa-isa nilang naiisip na hindi pa rin ito nagbabago simula noon. Maalagain pa rin ito, at ngayon na may anak na ay sobrang hands-on kata natutuwa sila na makita si Diana muli.Alam din nila ang sitwa
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more
PREV
1
...
34567
...
9
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status