Makalipas ang ilang oras, dumating ang gabi pero hindi na ulit nakatanggap ng tawag si Diana mula kay Jeremy, hanngang sa nakatulog na rin si Justin kakaantay sa daddy niya. Si Diana, nasa living room. Pinili niyang doon mag-antay kay Jeremy kahit tulog na rin ang mga helper sa bahay. Hindi siya makatulog, puno ng pag-aalala ang damdamin at isipan niya. Hindi mapakali kung ano na ang balita sa Laguna at kay Jeremy. Ang package na natanggap niya kanina ay sinunog niya na rin sa bakuran. Naalala niya na hindi dapat iyon makita ni Jeremy dahil panigurado madadagdagan ang iisipin nito. Nakita niya na ng buo ang nasa package. Litrato niya na puno ng dugo, at sa maliit na box na kasama mayroong patay na daga. At litrato nga ni Justin kaninang umaga. Hula niya na kinuhaan iyon pagkatapos nilang ihatid si Justin. Takot na takot siya nang makita ang mga ito, pakiramdam niya lumabas ang kaluluwa niya sa loob ng kanyang katawan kaya agad niya itong tinapon at sinunog, hindi niya rin hinayaan n
Nang magising kinaumagahan si Diana, tulog pa si Justin sa tabi niya. Tinignan niya ang orasan, alas-singko pa lang. Bumangon siya at hinanda ang school unform ni Justin, pagkatapos bumaba na siya.Inasahan niya na nakarating na si Jeremy pero wala pa rin. Ang mga helper lang ang naroon at ang driver, nagka-kape sa kusina. “Goodmorning, Ma’am.” bati nila kay Diana.“Morning. Hindi pa umuwi si Jeremy?” tanong niya. Nagkatinginan naman sila bago sabay na tumango. “Hindi pa po, Ma’am. Baka po mamaya pa iyon, sabi niya kahapon ay susubukan niyang makauwi ngayong araw,” ang driver ang sumagot.Tila gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ni Diana nang marinig iyon. Tumango siya sa kanila at nagsabi na ipaghahanda niya lang si Justin ng breakfast at baon. Hapag pinagmamasdan nila si Diana, isa-isa nilang naiisip na hindi pa rin ito nagbabago simula noon. Maalagain pa rin ito, at ngayon na may anak na ay sobrang hands-on kata natutuwa sila na makita si Diana muli.Alam din nila ang sitwa
Napalunok si Diana, hindi alam ang sasabihin. Na para bang bago sa kanya ang mga salitang iyon lalo na kung galing kay Jeremy. “Aheem. Are you still there?” tanong ni Jeremy nang mapansin na hindi na nagsalita si Diana sa kabilang linya, tinignan niya pa ang screen kung naka-off na ba ang tawag pero hindi pa. “A-ah, yes, yes. Nandito pa. Uhm, did you eat?” iniba niya ang usapan. As much as possible gusto niyang iwasan si Jeremy kahit alam niyang mahihirapan siyang gawin iyon. Lalo na ang nangyari sa kanilang dalawa sa business trip.“Yes, kahit papaano nakakakain naman ako. How are you? Si Justin, kumusta?”“He asked me about you kaninang umaga. Ayos naman kami—”“Sir, may nakita na po kami.”Hindi natuloy ang sasabihin ni Diana nang may marinig siyang nagsalita sa kabilang linya.“Sige, susunod ako,” sagot ni Jeremy. Nang makaalis ang tao, binalikan niya si Diana. “Hey, I need to go now. I’m sorry, tatawag ako mamaya. Mag-ingat kayo ni Justin.”“Okay, ingat ka rin.”Inantay ni Dian
Mahigpit na pinigil ni Viviane ang panginginig ng kanyang mga kamay habang mariing nakatiklop ang kanyang mga palad sa ilalim ng mesa. Sa simula pa lang, alam na niyang delikado ang pakikitungo kay Francine, ngunit hindi niya inasahang magiging ganito kabangis ang babae.“Baliw ka,” mariing bulong niya, nanginginig ang kanyang boses sa pagpipigil ng galit at takot. Nasa isang pampublikong cafe sila, at hindi niya kayang ipagsapalaran ang anumang kapahamakan. “Alam mong hindi niya pwedeng malaman na kasama mo ako rito,” giit niya.Ngunit ngumiti lamang si Francine, para bang naaaliw sa kanyang takot. Nakapatong ang kanyang baba sa kanyang kamay habang puno ng pang-uuyam ang tingin niya kay Viviane.“Oh, Viviane, naaaliw ako sa takot mo. May asawa ka na at anak, sa pinsan pa ni Jeremy pero despereda ka pa rin kay Jeremy? Kung hindi ka naman kasi kalahating tanga at bobo, bakit ka lumandi sa iba?” Mas lalong natawa si Francine na para bang kaligayan niya ang sitwasyon ni Viviane. “But you
Nakatingin ako sa lalaking nag-iisa ngayon sa counter, nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba talaga siya. Kanina ko pa siya pinagmasdan simula nang dumating siya rito sa resort kasama ang mga kasamahan niya kanina, ngunit umalis na yata at naiwan siya mag-isa. Halatang lasing sa daming iniinom. “Kanina mo pa iyan tinitingnan, kilala mo ba?” Napalingon ako sa ka-trabaho kong si Jela, ngumiti ako at umiling. Pinagmasdan ko muna ulit ang lalaki bago siya sagutin. “Hindi, kanina pa kasi siya lasing d’yan. Okay lang kaya siya?” nag-alala kong tanong, umismid naman si Jela na para bang nagtataka sa sinabi ko. “Hayaan mo na iyan pero infairness, dinalhan ko ng isa pang beer kanina gwapo si Daddy mo ah, mukhang yummy.” Kinikilig na saad nito, napailing na lamang ako. Ilang buwan na ako rito sa Manila para maghanap ng trabaho, Salamat sa Diyos ay nakahanap kaagad ako dahil na rin sa tulong ng isa kong nakilala noong nakaluwas ako rito, si Luigi. Sa re
“Where have you been?” Umupo muna ako sa swivel chair ko bago tignan si Sandra.“How’s the company? Hindi naman siguro nagka-problema na wala ako?” tanong ko, lumapit naman siya sa akin at may inabot na folder. Taka ko siyang tiningnan pero hindi siya nagsalita pa mula. “Make sure lang na hindi ito problema, Sandra.”“Hindi naman, sa isang linggo kang nawala maayos naman ang lahat and by the tumawag si Atty. Chu may pag-uusapan daw kayo.” Tumango ako at pinalabas na siya sa opisina.Sandra is my secretary, si Atty. mismo ang kumuha sa kanya dahil mapagkatiwalaan hindi rin naman ako nagkamali na tanggapin, ramdam ko rin naman na mapagkatiwalaan siya. Kinuha ko ang cellphone ko and I dialed Atty’s number, agad din naman niyang sinagot.“Gosh, thank God nagparamdam ka. Akala ko nawala ka na naman.” Napailing ako at natawa. Isang linggo lang naman akong nawala.“What is it Atty?” I asked, hindi naman siya tatawag kung walang problema.“I saw you.” Napatigil ako sa sinabi niya, nakita niya
"It's you again?" Madiin ngunit mahinang tanong niya sa akin. "Are you following me? Or perhaps, are you a stalker?" Napangiwi ako sa kanya.Mukha ba akong stalker? "Sir, hindi ho kita sinusundan, okay? I am working here kasi po pinaalis ako sa dati kong trabaho." Umigting ang kanyang panga sa sinabi ko, totoo naman.I have a new work in a restaurant as a waitress, at sa sinuswerte ka nga naman. Nakita ko na naman ang taong ito. Amazing, isn't? Ako lang naman nag-se-serve ng pagkain niya. And I didn't expect na magkikita ulit kami."Where's your Manager?" Ito na naman siya, I am not doing anything tapos papaalisin niya na naman ako. So arrogant!"Sir, I am just serving a food here and I didn't touch you. Ilang buwan po akong walang trabaho dahil sa ginawa ninyo." "Ginawa ko? Excuse me? Baka nakaka—""Enjoy the food, Sir. Have a nice day!" Nginitian ko siya at tinalikuran na, baka ipagsigawan niya pa na hinubaran ko siya. Akala mo naman talaga maganda ang katawan— okay fine, he's hot.
"Sir, hindi na po kailangan. Maraming salamat po talaga.""Gusto mo bang mangyari na naman sa iyo ang nangyari kanina? Sige, bahala ka—""Teka po..." Napahawak agad ako sa kamay niya nang akma itong tatalikod, nakatingin siya sa aking mukha at labis na hiya ang naramdaman ko nang bumaba ang tingin nito sa kamay ko. Doon ko lang napagtanto na dahil sa kamay kong nakahawak sa kanya, agad akong bumitaw at umatras nang bahagya. "Sorry po, uhm nakakahiya man pero pwede po bang pahatid?" Mahina kong saad. I heard him tsk, I bit my lower lip hoping that he will say yes. Tutal siya naman nag-aya una na ihatid ko. "Bilisan mo..." Ngumiti ako nang malawak habang papasok sa kotse niya, "Uh-uhm diretso lang po i-iyong bahat ko," nahihiya kong saad. Hindi rin naman siya nagsalita pa at sinimulan na ang pagmamaneho.Ang tahimik, malayo pa naman 'yong bahay ko rito. Akala ko kasi kanina ay may dadaanh bus. Nakalimutan kong kapag Biyernes ng gabi ay wala masyadong dadaan. Mahina akong bumuntong hin
Nang oras na para sa conference meeting, kasama ni Jeremy si Diana. At ngayon sa harap nila, nagsasalita si Viviane. Puno ng paghanga ang mga naroon, na tila ba perpektong asawa ng isang Saltzman dahil alam niya lahat ng mga sinasabi niya. At habang pinagmasdan ni Diana ang slides sa presentation, may napansin siya. Walang nagbago mula sa siya ang gumawa ng slides. Pero naalala niya na nabanggit ni Viviane ay marami siyang binago dahil mali-mali ang mga ito. Sa nakikita niya ngayon, mukhang sinabi naman ni Viviane ang lahat ng siya mismo ang gumawa. Napangiti siya sa kanyang isipan. Hindi niya inasahan na may ganito pa lang kayang gawin si Viviane, ang angkinin pati ang mga bagay na hindi siya ang gumawa. “Wow, Viviane. Hindi talaga nagkakamali na isa ka sa napiling mapapangasawa ng isang Saltzman. Ang husay ng presentation mo, walang labis walang kulang,” sabi ng isang executive na naroon. Nakikinig lang si Diana sa mga komento nila tungkol kay Viviane, si Viviane naman ay tuwang-
Third Person’s Point of View:Napatigil si Diana sa narinig. Nagulat, hindi inaasahan na iyon ang dahilan ng matanda kung bakit ito umalis ng bansa. Pero gumaan ang pakiramdam niya na nagpapagamot lang ito sa ibang bansa, ibig sabihin may pag-asa pa siyang makita ito at makilala si Justin. “Huwag kang magalit kay Jeremy, Diana. Hindi lang din namin inasahan na iyon ang magiging reaction ng lolo niya,” sabi ni Viviane. Tumingin si Diana sa kanya, at sa isip nito. Oo, hindi lang dapat si Jeremy ang dapat sisisihin kung bakit umalis ang matanda, kasama si Viviane sa dapat na sisihin. “Hindi ko naman iniisip iyon. Ang mahalaga ngayon, nasa maayos siya.” Tumingin siya kay Jeremy ulit. “You can call him and tell him to come back. I’m already here, gusto ko rin na makilala siya ni Justin,” dagdag ni Diana.Nagulat naman silang tatlo, lalo na si Viviane. Palihim niyang ikinuyom ang kanyang mga palad habang nakatingin kay Diana. Naiinis siya. Sino ba naman ang hindi maiinis kung walang iba
DIANA’s POINT OF VIEW:Sinimulan nilang ikwento sa akin lahat, nauna si Viviane pero hindi niya alam bago pa niya ikwento ang tungkol sa kanila ni Jacob, nalaman ko na ang lahat. At alam ko puro kasinungalinga ang lumalabas sa bibig niya dahil si Jacob mismo ang nagsabi sa akin. Pinakinggan ko lang siya sa mga kasinungalingan niya, malayo sa mga kinwento ni Jacob sa akin. Ang laman ng kwento ni Viviane ay puro paghanga at pagbanggit sa pangalan ni Jacob. Pero ako, alam ko; hindi si Jacob ang ibig niyang sabihin, ginamit niya lang ang pangalan ni Jacob para pagtakpan ang desire niya. Si Jeremy pa rin hanggang ngayon. Kasi hindi naman masyadong magaling sa negosyo si Jacob, kaya paano niya nasabi na si Jacob ang nagtaas ng buong Saltzman?It was Jeremy. She can’t fool me. But still, I’m in the act. Dapat akong umakto na naniwala sa kaniya.“Wow, grabe. Ang dami ko na pala talagang hindi alam. Pero honestly, masaya ako na nahanap mo na iyong taong para sa’yo, Vi. After all, Saltzman pa
Sa inis, tinulak ni Viviane si Jacob at tinignan ito nang masama. “Ano bang akala mo sa akin, ha? Tanga para gumawa ng katangahan?” gigil nitong sabi. Ngumisi naman si Jacob. “Alam kong hindi ka pa rin nagbabago, Viviane. Huwag mo na talagang subukan dahil sa oras na may gawin ka, hinding-hindi mo na makikita si Vanessa. Ilalayo ko siya sa’yo. Ayaw kong magalit ang buong pamilya ko sa akin dahil hinayaan kitang gumawa ng kabobohan…ayaw kong madamay ang anak ko.” Pagkatapos sabihin ni Jacob iyon, tumalikod siya para umalis. Naiwan si Viviane na nakakuyom ang mga palat dahil sa galit. Pumikit siya nang mariin. Iniisip ang mga araw pagkatapos mawala ni Diana. FLASHBACK***“Vi, anong nangyari, ah? Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Jeremy nang makarating siya sa condo unit ni Viviane. Iniwan niya si Diana dahil tumawag si Viviane na kailangan siya nito. Pagkarating niya, mataas ang lagnat ni Viviane hanggang sa nahimatay ito kaya agad siyang sinugod sa ospital. Pagkarating sa
Masaya si Justin habang naliligo sa dagat kasama ang kanyang magulang—noon pa man ay gusto niya na ito. Bata pa lang, wala siyang ibang ninanais kundi makasama sina Diana at Jeremy. Halos isang oras silang naliligo hanggang sa nagpaalam si Jeremy dahil may tumawag sa kanya bigla. Nakipag-usap siya rito hindi kalayuan kina Justin at Diana. Samantala, nang sila nalang ni Diana at Justin sa dagat, ngumiti si Diana sa anak at nagtanong. “Are you happy, son?” Masaya namang tumango si Justin. “Yes, Mommy! Sana palaging ganito, palagi ko kayong kasama ni Daddy!” Hinimas ni Diana ang ulo ni Justin at ngumiti. Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa sinabi ng anak niya dhail hindi siya sigurado kung mangyayari ba iyon. Natapos na rin silang maligo kaya pumunta sila sa cottage nila, naroon si Jeremy naghahanda ng pagkain. “Oh, saan na ang kausap mo?” tanong ni Diana nang makitang si Jeremy na lang mag-isa. “Pumunta na sa suite niya. By the way, ayos lang ba sasama sina Viviane at Vaness
Pagkatapos maligo at magbihis nina Diana at Justin, lumabas na sila ng suite nila at dumiretso sa dining hall. Pagkaraing nila roon, nakita nila si Jeremy may kasama—si Viviane at ang anak nitong si Vanessa.“Wala ba ang daddy ni Vanessa?” tanong niya sana iyon sa sarili niya pero si Justin ang sumagot na ikinagulat niya.“Vanessa said he won’t come.”Hindi na nagsalita si Diana, hindi niya inasahan na anak niya talaga ang sumagot no’n. Hinawakan niya na lang ang kamay ni Justin at saka sila sabay na naglakad.Nang makarating sila lamesa kung nasaan ang tatlo, agad na tumayo si Jeremy para paupuin sila. Magkatabi sina Vanessa at Justin, kaharap naman ni Diana si Jeremy at katabi ni Jeremy si Viviane. Nasa gitna nila ni Vanessa si Justin. Biglang nakaramdam ng pag-alinlangan si Diana. “Umorder na ako ng pagkain, ayos lang ba?” tanong ni Jeremy kay Diana. “Oo, ayos lang. Pasensya na kung natagalan kami,” sabi naman ni Diana. Sasagot pa sana si Jeremy sa kanya nang maunahan ito ni Vi
Halos limang oras bago magising si Justin, naroon lang si Diana sa kanyang tabi sa loob ng limang oras na iyon. Habang si Jeremy ay nasa loob lang din ng kwarto, doon niya ginagawa ang iba niyang trabaho na connected sa magiging partnership niya sa business trip na ito. At nang magising si Justin, tinawag niya si Diana. “Anak…gising ka na. May masakit ba sa’yo? How are you?” Mabilis na tanong ni Diana. Nang marinig din ni Jeremy ang boses nilang dalawa, tumayo siya at lumapit sa kama ni Justin.“Dadd, you’re here too…” mahinang sabi ng bata sabay ngiti. “Yes, son. I’m here. How are you?” mahinahon namang tanong ni Jeremy habang hinawakan nito ang noo ng anak. “I am good now. You guys are here, I can tell my new friends that I have a mommy and a daddy….”Dahil sa narinig, sumikip bigla ang dibdib ni Diana. Hindi niya inasahan na iyon ang sasabihin ng anak matapos ang insidente niya sa dinner party. Umiwas siya ng tingin, ngunit hindi nakatakas kay Jeremy ang sakit sa kanyang mga m
Hindi sumagot si Diana kay Jeremy, nahihirapan siyang ibigkas ang mga salitang gusto niyang sabihin sa lalaki. Matagal nang may sakit si Justin, ang pagta-takwondo niya ay isa lang sa paraan para umayos ang pakiramdam niya, ang health niya kapag nasanay sa mga nakakapagod na gawain. Lagi din naman itong nagdadala ng gamot at inantabayan din ng coach nito. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin maiiwasan ang mga posibilidad na babalik ito. Si Jeremy na hindi mapakali, hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil hindi siya sinasagot ni Diana. Mas lalo siyang nainis na tahimik lang ito, nakatulala sa pintuan ng emergency room.Hanggang sa lumabas ang doctor, agad na lumapit si Jeremy dito, at si Diana na nanghihina. “Doc, how’s my son? Is everything alright? Ano?” Sunod-sunod na tanong ni Jeremy. Tinignan naman ng doctor ang dalawa. “He’s fine now. Kailangan niya lang muna magpahinga. Daldalhin na namin siya sa ward niya—”“Doc, please make sure it’s a private room. Kailangan comfortable
Baliw ka na talaga, Lucille. Hindi ko alam na kasama sa plano mo ang maging baliw, bakit mo susugatan ang sarili mo?” mahabang tanong ni Ales kay Lucille. Siguro nga ay nagtataka na siya sa kaibigan ngunit wala naman siyang magagawa dahil iyon ang gusto niya.“Just do it, Ales. Trust me.” Bumuntonghininga si Ales at inilibas ang kutsilyong dala niya, hinawakan niya ang kanan na kamay ni Lucille at agad na sinugatan, palihim na nasaktan si Lucille pero pinigilan ang sarili na sumigaw dahil ayaw niyang marinig nila Judiel.“Dito pa?” gulat na tanong ni Ales nang ipakita ni Lucille ang kaliwang tiyan. “Nahihibang ka na ba talaga? Magkaka-peklat ka, Lucille. Wala bang ibang paraan para ipakita ang kabaliwan mo?” Halata kay Alessandra na naiinis na siya sa kaibigan.“Wala, Ales. Sige na para makaalis ka na agad.” Pilit niyang sinabi kay Ales, walang nagawa ang kaibigan niya kundi sugatan din ang bewang ni Lucille at naglabas ito ng matinding pagdugo. “You are totally insane,” Ales said.