Sa loob ng kotse, nasa likod si Justin, at sa passenger seat naman ay si Diana. “Ang bango ng kotse mo, Daddy!” sigaw ni Justin. “Kasing bango ng kotse ni Spongebob!”“Spongebob? From the cartoon?” nagtatakang tanong ni Jeremy.“Ah, si Dane. Spongebob ang tawag niya sa kanya,” agad na sabi ni Diana. “Dane…” mahinang banggit ni Jeremy, tama lang na marinig ni Diana. Ramdam niya ang seryosong boses ni Jeremy. “Is he…your guy?” tanong niya.Kumunot naman ang noo ni Diana, tumingin siya kay Jeremy na nagtataka. “Anong my guy? Si Dane ba? Anong ibig mong sabihin?” Sunod-sunod niyang tanong. Natawa nang bahagya si Jeremy na akala niya ay nagmaang-maangan lang si Diana pero ang totoo hindi talaga nito naiitindihan ang sinasabi niya. “He’s your boyfriend, right?”“What the f—”“Mom, that’s bad!” sigaw ni Justin. “I’m sorry, baby. Just watch on your tablet, okay? May pinag-uusapan lang kami ng Daddy mo. Here, use this.” Inabot niya ang headphone ni Justin, kinuha naman ito ng bata at agad
Nang makalabas na sila sa kwarto ni Jeremy, agad na lumapit si Diana dito at saka bumulong. “Ano bang ginagawa mo? We can’t stay together in one room, Jeremy. Bawiin mo ang sinabi mo sa bata—”“I can’t do that. Look at him.” Tinuro niya si Justin na tumatalon-talon pa rin sa tuwa at binabanggit na matutulog sila ng mommy niya sa kwarto ng daddy niya. “He’s happy. And I don’t want to remove that from him.”Nang makita ni Diana si Justin, napagtanto niyang tama si Jeremy. Huminga siya nang malalim at hinayaan na lang ang ideyang iyon na pumasok sa isipan niya ang tungkol sa pagsasama nilang tatlo sa iisang kwarto. “Oh my Gosh! Where is my grandson!”Nabalik lang sa wisyo ang sarili niya nang marinig ang pamilya na boses. Agad siyang umiwas ng tingin, kinakabahan. It was Jeremy’s mother. Napahinto si Justin sa paglalakad, at nagtatakang tumingin sa apat na taong pumasok sa loob ng bahay. Buong pamilya ni Jeremy ay nandito. Hindi niya alam ang gagawin, gusto niyang umalis pero parang ma
Isang Linggo na ang lumipas, panibagong school na naman si Justin pero ngayon ay nasa private school na—hindi madali sa bata na makihalubilo dahil pero nagkaroon din naman siya ng dalawang kaibigan na anak din ng mayaman—sina Princess at Markien.Habang si Diana naman, bumalik siya sa pagiging secretary ni Jeremy sa kumpanya nito. Wala siyang magawa dahil iyon ang gusto ni Jeremy kahit gusto niya magtrabaho sa ibang department. “Buti naman nakabalik ka na at pumayag si Sir Saltzman na bumalik ka bilang secretary niya, wala pa siyang nakikitang kapalit sa’yo.”May lumapit sa kanya, isa ring secretary ng isa sa bosses sa kumpanya, si Meren. “Oonga e,” iyon na lang ang sinagot ni Diana. Wala na siyang dapat sabihin pa dahil wala pa naman siyang close—mas gusto niya pa rin ang ugali ng mga kasama niya sa dati niyang kumpanya, walang halong kaplastikan. “Miss Lucero, to my office. Now.”Sabay na nanlaki ang mga mata nina Meren at Diana nang marinig ang boses ni Jeremy na kakapasok lang
Pagkarating nila sa bahay, agad na dumiretso si Diana sa kwarto ni Justin at nang makita niya itong mahimbing na ang tulog, tila nabunutan siya ng tinik sa lalamuna. “Mabuti naman nakatulog din siya.” bulong niya.“It seems he’s asleep now, hindi mo na kailangan matulog sa kwarto ko.”Nanlaki ang mga mata ni Diana at bumalik kay Jeremy na nasa likod niya. Gusto niya sanang sumagot pa na “Malamang” pero pinigilan niya na lang ang sarili at umalis para pumunta sa kwarto niya, naglinis ng katawan at handa nang matulog—plano niyang sa kwarto ni Justin matulog ngayong gabi, pero bago pa siya makapasok ulit sa kwarto ni Justin, biglang lumabas si Jeremy mula sa kwarto nito na kakatapos lang din maligo. Napatigil si Diana, tinignan ang lalaki na walang suot na damit pang itaas, tanging short lang at maliit na tuwalya sa batok nito. Agad na napaiwas ng tingin si Diana. “Hindi ka ba magsusuot ng damit?” tanong niya na nakaiwas pa rin ng tingin. Tinignan naman ni Jeremy ang sarili niya, san
“We’re here.” Ginising ni Jeremy si Diana pagkatapos niyang i-park ang kotse niya at ilabas si Justin sa kotse. Sa tagal ng byahe, hindi namalayan ni Diana na nakatulog siya, kaya nang magising siya nakaramdam siya ng hiya. Naalala niya ang sinabi niya kay Jeremy na papalitan niya ito sa pagmamaneho.“I’m sorry, nakatulog ako. Ako na lang ang magda-drive after natin dito,” agad siyang humingi ng paumanhin. Umiling si Jeremy. “It’s fine. Nandito na tayo, nakahanda na rin iyong hotel room natin, pwedeng doon ka muna magpahinga pero si Justin mukhang buo pa ang energy niya,” paliwanag nito sabay baling kay Justin na nagsimulang tumakbo. Malawak ang paligid kahit nasa parking lot pa sila. “Mommy, there’s a playground! Can I go there?” excited na tanong ng bata sabay turo sa playground. Marami ring mga bata ang naroon. Ngumiti naman si Diana at tumango. “Sige, sasamahan na kita pero bago iyon dadalhin muna natin ang gamit natin sa room, is that okay, baby?”Magsasalita pa sana si Just
Nakatingin lang si Diana kay Jeremy na hawak ang dalawang bata sa magkabilaang kamay habang naglalakad, nasa tabi rin ni Vanessa si Viviane—at si Diana, nasa likod nila. Sumilay ang mapait na tingin sa mata ni Diana nang pumasok sa isipan niya ang litrato ng apat na tao sa harap niya. Parang masaya at kumpletong pamilya. Saan siya sa litratong ito? Biglang kumirot ang dibdib niya at umiwas ng tingin hanggang sa tinawag siya ni Justin. “Mommy, tara!”Mabilis na ngumiti si Diana, hindi pinakita ang pait sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit kay Justin. “Dito ka sa tabi ko?” tanong niya.Ramdam niya namang huminto sina Jeremy at Viviane at tumingin sa kanya. Hindi niya pinansin ang tingin nilang dalawa, bagkus kinuha niya ang kamay ni Justin mula sa kamay ni Jeremy at siya na mismo ang naghawak sa bata. “Let’s go?” Ngiting sabi niya kay Jeremy. Kahit nagtataka si Jeremy sa biglaang pag-iba ng asta ni Diana, hindi niya na lang din iyon pinansin. Nagpatuloy na siyang maglakad habang ki
Inalayan ng lalaki si Irish patungo sa parking lot para hanapin ang kotse ni Irish. "Where's your car?" tanong niya at hindi pa rin natigil sa paghahanap."I don't have my car with me," bulong ni Irish. Malabo na ang kanyang mata dahil sa kalasingan, nakahawak siya sa braso ng lalaki. Napakunot ang noo ng lalaki dahil sa sinabi niya, naisip niya kung anong sinakyan ni Irish papunta sa club. "Paano ka uuwi kung wala kang kotse? May kasama ka ba papunta rito?" sunod-sunod na tanong ng lalaki ngunit walang maitindihan si Irish. "Hey?""What? Where's your car? Nahihilo na ako, dalhin mo na ako sa kotse mo..."Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa sinabi ni Irish, ang buong akala niya ay nagbibiro lamang si Irish sa sinabi nitong ilayo siya sa club dahil hindi niya iyon sineryoso; ang nais niya lang gawin ay ihatid si Irish sa kotse nito. "Damn it," bulong ng lalaki at naglakad na habang akay si Irish papunta sa kotse niya. Wala siyang magawa kundi sundin ang sinabi ng babaeng kasama niya.
Nagising si Irish na sumasakit ang ulo niya at hindi alam ang nangyari, pero ramdam niyang nasa malambot na kama siya. Dahan-dahan siyang bumangon habang hawak-hawak ang kanyang ulo, hindi niya pa nabubuksan ng buo ang dalawa niyang mata pero nang may marinig siyang nagbukas ng shower sa banyo, agad siyang napabalikwas sa kama. Tumingin siya sa kanyang katawan na wala ng saplot, tumingin din siya sa paligid at napagtantong hindi niya iyon kwarto. Mas lalong sumakit ang ulo niya habang inaalala ang nangyari at nang maalala niya ang ginawa niya, napatakip siya sa kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata. "Shit..." bulong niya at nagmamadaling hinanap ang suot niyang damit. Dahan-dahan niya iyong hinanap sa loob ng kwarto dahil ayaw niyang marinig ng taong nasa banyo. Nahanap niya naman ang suot niyang damit kagabi sa isang mahabang sofa na naka tupi na. Napa-ismid siya sa kanyang sarili, hindi niya inasahan na mahahayaan niya ang sarili niyang bumigay sa lalaking hindi niya kila
Tomorrow morning, we went to the office. Sa bahay ko na rin pinatulog si Alessandra at doon ko na rin siya papatirahin. Since she knew my plans but not everything, I needed to be careful. Ayaw ko rin silang madamay dito kung ano man ang mangyayari. Sa kompanya, kung saan ako kilala bilang Lucille Damian. Mataas ang tingin at takot sa akin ang iilan. Ilang buwan ko ring pinag-aralan kung paano maging si Lucille Damian at ilang taon akong naging Lucille Santos. Simula nang dumating si attorney sa buhay ko, pinakilala niya sa akin kung sino at ano ba talaga ako. I am the heir of Damian but no one knows I am alive. After all, kilala naman ako ng media bilang Lucille na walang mukha. Pinagbawalan ko lahat ng empleyado kong ilabas kung ano ang hitsura ko bilang Lucille Damian. Hindi nila dapat ako ipahamak."Everything is settle, maaari ka nang bumalik bilang Lucille Santos ulit." Pumasok si Alessandra sa opisina ko para ibalita iyon. I stood up and went to my small cabinet. I grabbed a fo
Tomorrow morning, we went to the office. Sa bahay ko na rin pinatulog si Alessandra at doon ko na rin siya papatirahin. Since she knew my plans but not everything, I needed to be careful. Ayaw ko rin silang madamay dito kung ano man ang mangyayari. Sa kompanya, kung saan ako kilala bilang Lucille Damian. Mataas ang tingin at takot sa akin ang iilan. Ilang buwan ko ring pinag-aralan kung paano maging si Lucille Damian at ilang taon akong naging Lucille Santos. Simula nang dumating si attorney sa buhay ko, pinakilala niya sa akin kung sino at ano ba talaga ako. I am the heir of Damian but no one knows I am alive. After all, kilala naman ako ng media bilang Lucille na walang mukha. Pinagbawalan ko lahat ng empleyado kong ilabas kung ano ang hitsura ko bilang Lucille Damian. Hindi nila dapat ako ipahamak."Everything is settle, maaari ka nang bumalik bilang Lucille Santos ulit." Pumasok si Alessandra sa opisina ko para ibalita iyon. I stood up and went to my small cabinet. I grabbed a fo
"Sir, hindi na po kailangan. Maraming salamat po talaga.""Gusto mo bang mangyari na naman sa iyo ang nangyari kanina? Sige, bahala ka—""Teka po..." Napahawak agad ako sa kamay niya nang akma itong tatalikod, nakatingin siya sa aking mukha at labis na hiya ang naramdaman ko nang bumaba ang tingin nito sa kamay ko. Doon ko lang napagtanto na dahil sa kamay kong nakahawak sa kanya, agad akong bumitaw at umatras nang bahagya. "Sorry po, uhm nakakahiya man pero pwede po bang pahatid?" Mahina kong saad. I heard him tsk, I bit my lower lip hoping that he will say yes. Tutal siya naman nag-aya una na ihatid ko. "Bilisan mo..." Ngumiti ako nang malawak habang papasok sa kotse niya, "Uh-uhm diretso lang po i-iyong bahat ko," nahihiya kong saad. Hindi rin naman siya nagsalita pa at sinimulan na ang pagmamaneho.Ang tahimik, malayo pa naman 'yong bahay ko rito. Akala ko kasi kanina ay may dadaanh bus. Nakalimutan kong kapag Biyernes ng gabi ay wala masyadong dadaan. Mahina akong bumuntong hin
"It's you again?" Madiin ngunit mahinang tanong niya sa akin. "Are you following me? Or perhaps, are you a stalker?" Napangiwi ako sa kanya.Mukha ba akong stalker? "Sir, hindi ho kita sinusundan, okay? I am working here kasi po pinaalis ako sa dati kong trabaho." Umigting ang kanyang panga sa sinabi ko, totoo naman.I have a new work in a restaurant as a waitress, at sa sinuswerte ka nga naman. Nakita ko na naman ang taong ito. Amazing, isn't? Ako lang naman nag-se-serve ng pagkain niya. And I didn't expect na magkikita ulit kami."Where's your Manager?" Ito na naman siya, I am not doing anything tapos papaalisin niya na naman ako. So arrogant!"Sir, I am just serving a food here and I didn't touch you. Ilang buwan po akong walang trabaho dahil sa ginawa ninyo." "Ginawa ko? Excuse me? Baka nakaka—""Enjoy the food, Sir. Have a nice day!" Nginitian ko siya at tinalikuran na, baka ipagsigawan niya pa na hinubaran ko siya. Akala mo naman talaga maganda ang katawan— okay fine, he's hot.
“Where have you been?” Umupo muna ako sa swivel chair ko bago tignan si Sandra.“How’s the company? Hindi naman siguro nagka-problema na wala ako?” tanong ko, lumapit naman siya sa akin at may inabot na folder. Taka ko siyang tiningnan pero hindi siya nagsalita pa mula. “Make sure lang na hindi ito problema, Sandra.”“Hindi naman, sa isang linggo kang nawala maayos naman ang lahat and by the tumawag si Atty. Chu may pag-uusapan daw kayo.” Tumango ako at pinalabas na siya sa opisina.Sandra is my secretary, si Atty. mismo ang kumuha sa kanya dahil mapagkatiwalaan hindi rin naman ako nagkamali na tanggapin, ramdam ko rin naman na mapagkatiwalaan siya. Kinuha ko ang cellphone ko and I dialed Atty’s number, agad din naman niyang sinagot.“Gosh, thank God nagparamdam ka. Akala ko nawala ka na naman.” Napailing ako at natawa. Isang linggo lang naman akong nawala.“What is it Atty?” I asked, hindi naman siya tatawag kung walang problema.“I saw you.” Napatigil ako sa sinabi niya, nakita niya
Nakatingin ako sa lalaking nag-iisa ngayon sa counter, nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba talaga siya. Kanina ko pa siya pinagmasdan simula nang dumating siya rito sa resort kasama ang mga kasamahan niya kanina, ngunit umalis na yata at naiwan siya mag-isa. Halatang lasing sa daming iniinom. “Kanina mo pa iyan tinitingnan, kilala mo ba?” Napalingon ako sa ka-trabaho kong si Jela, ngumiti ako at umiling. Pinagmasdan ko muna ulit ang lalaki bago siya sagutin. “Hindi, kanina pa kasi siya lasing d’yan. Okay lang kaya siya?” nag-alala kong tanong, umismid naman si Jela na para bang nagtataka sa sinabi ko. “Hayaan mo na iyan pero infairness, dinalhan ko ng isa pang beer kanina gwapo si Daddy mo ah, mukhang yummy.” Kinikilig na saad nito, napailing na lamang ako. Ilang buwan na ako rito sa Manila para maghanap ng trabaho, Salamat sa Diyos ay nakahanap kaagad ako dahil na rin sa tulong ng isa kong nakilala noong nakaluwas ako rito, si Luigi. Sa re
After one month, hindi na nagpakita pa muli si Catherine kay Nolan at kahit maliit lang ang mundo, sinusubukan niyang hindi mag-krus ang landas nila o kahit na sino sa pamilya ni Nolan. Naging abala siya na maging maayos ulit ang buhay niya kahit na nahihirapan siyang makisabay sa bagong buhay na ginagalawan niya ngayon kasama si Mina, ang pamilya ni Mina at si Loreen.“Ayos ka lang?” tanong ni Mina kay Catherine. Tumango si Catherine at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. “I’m fine, hindi ko lang inasahan na ganito pala kahirap sa pabrika na pinagtrabuhan ng magulang mo,” komento niya.Natawa naman ng bahagya si Mina dahil sa sinabi ni Catherine. “Ngayon lang din ako nagtrabaho rito kaya ganoon din ang nararamdaman ko. Tara, puntahan natin si Loreen,” aya ni Mina kay Catherine.Agad naman nilang pinuntahan si Loreen na tila may tinitignan sa hindi kalayuan. “Anong tinitignan mo?” tanong ni Mina na siyang kinagulat ni Loreen. Bumaling siya sa mga kaibigan at tumingin ulit sa tinignan
Hindi nagtagumpay si Mina at iba pang servers sa bahay na manatili, wala na silang nagawa nang alisin na sila ng tuluyan ng pamilya ni Nolan at naiwan si Catherine sa bahay kasama si Nolan, ang pamilya ni Nolan at si Maxine. Bumalik sa kanya-kanyang kwarto ang pamilya na para bang walang nangyari habang naiwan si Catherine sa sala na mag-isa, umiiyak at hindi alam kung ano ang gagawin. Buong buhay niya na kasama ang pamilya niya ay hindi niya naranasan ang ganitong sitwasyon, nag-iisang anak siya ng magulang niya, ibinigay sa kanya lahat ngunit hindi niya inasahan na mawawal na lang lahat ng iyon sa isang iglap at sa isang pagkakamali na magpakasal sa isang lalaking ang akala niya ay makakasama niya sa hirap at ginhawa. Tumayo si Catherine nang maisipan niyang pumasok sa kwarto ni Mina, naroon na ang iba niyang gamit dahil bago pa makaalis ang ibang servers inutusan muna ni Nolan ang mga ito na kunin ang gamit ni Catherine sa kwarto at ilagay sa maid’s room, in Mina’s room.“Ano ng
Hindi pa rin maitindin ni Catherine ang nangyayari, nasa harap niya ngayon si Mina na nakatingin sa kanya. Nasa kwarto siya ng maid’s room, Mina’s room to be exact.“What are you doing? You are his wife, you are the one supposed to be there, Catherin. Why are you here?” sunod-sunod na tanong ni Mina sa kanya.Umiiyak lang si Catherine tila ba iniisip na wala na siyang magagawa kung iyon na talaga ang nangyari. “I don’t know, Mina. Hindi ko maitindihan kung bakit iba ang sinama niya roon sa kwarto namin, and that is my room noong hindi pa kami kasal. Wala akong maitindihan—”“Ipapaintindi ko sa’yo ang nangyayari, Catherin. At sana maitindihn mo kung paano ka niya niloko, harap-harapan ka niyang sinaktan at sapat na iyon para ma-realized mo na tama na ang kahibangan mo sa kanya.” Mas lalong umiyak si Catherine dahil sa sinabi ni Mina. Si Mina lang ang kakampi niya sa bahay kung saan kasama niya ang pamilya ni Nolan at si Nolan, at kung wala si Mina ay panigurado na mas lalo pa siyang m