Sa loob ng opisina ni Jeremy, kausap niya ngayon si Shawn, o mas kilalang Atty. Cinco. Isa sa kaibigan ni Jeremy. “Mahihirapan ka sa gusto mong mangyari, Saltzman. Alam mo naman na hindi mo nakasama ang anak mo ng ilang taon, bago mo pa lang nalaman ang tungkol sa kanya.”“But I know, sa oras na mawalan ng suporta ang nanay niya sa kanya, malaki ang laban ko. Pwede kong sabihn sa korte na inilayo niya ito sa akin nang matagal kaya hindi ko nakasama ang anak ko,” paliwanag naman ni Jeremy. Bumuntong hininga si Shawn, may point si Jeremy kung iyon nga ang idadahilan niya sa korte. Kilala niya ang kaibigan niya, hinding-hindi ito titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya.“Dude, hindi ka ba naaawa sa ex-wife mo kung ipipilit mo ito? Panigurado magagalit sa’yo lalo ang anak mo, mas close silang dalawa, wala ka nga sa litrato ng buhay nila at bigla ka na lang papasok at kukunin ang bata? Bakit hindi mo na lang daanin sa mahinahong paraan?” mahabang sabi ni Shawn.Kumunot naman
Nang makarating siya sa sinasabing coffee shop, agad siyang pumasok. Pero napakunot din agad ang noo niya nang mapansin niyang tila nagbubulongan at naghighikan ang mga customer na babae sa loob at may isang direction lang silang tinitignan. Sinundan niya ang tingin na iyon at nang makita kung ano ang tinitignan ng mga ito, napairap siya. “Kahit kailan talaga, papansin ang isang ‘to,” bulong niya sa kanyang sarili habang masama ang tingin sa lalaking nakatingin sa iPad nito. Huminga nang malalim si Diana bago tuloyang maglakad papalapit kay Jeremy. Binagsak niya ang dala niyang bag sa lamesa sa harap ni Jeremy na dahilan kung bakit napatigil ang lalaki sa ginagawa nito sa iPad niya. Napasinghap din ang mga tao sa paligid dahil sa ginawa niya.“Ay may girlfriend na.”“Pero mukha namang maghihiwalay na sila sa inasta ng babae.”Bulongan ng mga magkaibigan sa kalapit table nila Jeremy. “What do you want at gusto mong makipagkita ngayon? Hindi ka pa rin ba tapos?” agad na tanong ni Dia
Kahit magulo ang isip ni Diana dahil sa proposal ni Jeremy, tinuloy niya pa rin umalis para mag-apply. Hindi doon natitigil ang buhay niya, kailangan niya pa rin maging matatag kahit sinusubukan na siya ni Jeremy. Pagkatapos ng interview niya, agad na rin siyang umalis para umuwi dahil tamang-tama ay uwian na rin ng anak niya pagkatapos ng alas-dyes. Habang nasa byahe siya sakay sa jeep, hindi niya mapigilan mapatingin sa tatlong pasahero na nasa harap niya. Isang lalaki, isang babae at isang bata na nasa gitna ng dalawa.Sumagi sa isipan niya na ang tatlong taong iyon ay siya, si Jeremy at ang anak nilang si Justin—masaya. Ngunit agad niya rin iniling ang ulo niya para alisin ang ideyang iyon. ‘Imposible.’ sa isip niya. Imposible para sa kanya na mangyayari pa ang araw na iyon. Noong umalis siya pagkatapos niyang pirmahan ang divorce agreement, hindi nawawala sa isipan niya ang pangyayaring iyon, umaasa siya na hahabulin at hahanapin siya ni Jeremy at balang araw ay magiging buo s
Hindi agad makasagot si Diana sa tanong ng anak. Alam niya ang sagot, ayaw niya lang sabihin ang totoo. Dahil kapag sinabi niya na hindi niya gusto ang ideya na iyon mawawalan na ng pagkakataon si Justin na makilala at makasama si Jeremy. Natatakot siya na baka pag lumaki si Justin at natutunan na nito lahat, magtanong siya nang magtanong kung bakit hindi niya kasama ang ama. Ngumiti siya sa anak, hinawakan ang pisngi nito. “Kung gusto ni baby, doon din ako. Don’t worry about me, okay?”Tumango na lang si Justin at hinawakan din ang magkabilang pisngi ni Diana. “Don’t worry too, Mommy. I will protect you no matter what!”Dahil sa sinabi ng bata, hindi na napigilan ni Diana na mapaluha at yakapin ito. Sa kabilang banda, naka-upo si Jeremy sa upuan niya sa loob ng kanyang opisina at kaharap ang isang ginang na kanina pa nagagalit, at ang isang 50-years old na lalaking naka-upo sa couch.“Bakit mo gagawin ito? You can’t bring her into your home, Jeremy. Okay lang kung ang bata ang dada
Sa loob ng kotse, nasa likod si Justin, at sa passenger seat naman ay si Diana. “Ang bango ng kotse mo, Daddy!” sigaw ni Justin. “Kasing bango ng kotse ni Spongebob!”“Spongebob? From the cartoon?” nagtatakang tanong ni Jeremy.“Ah, si Dane. Spongebob ang tawag niya sa kanya,” agad na sabi ni Diana. “Dane…” mahinang banggit ni Jeremy, tama lang na marinig ni Diana. Ramdam niya ang seryosong boses ni Jeremy. “Is he…your guy?” tanong niya.Kumunot naman ang noo ni Diana, tumingin siya kay Jeremy na nagtataka. “Anong my guy? Si Dane ba? Anong ibig mong sabihin?” Sunod-sunod niyang tanong. Natawa nang bahagya si Jeremy na akala niya ay nagmaang-maangan lang si Diana pero ang totoo hindi talaga nito naiitindihan ang sinasabi niya. “He’s your boyfriend, right?”“What the f—”“Mom, that’s bad!” sigaw ni Justin. “I’m sorry, baby. Just watch on your tablet, okay? May pinag-uusapan lang kami ng Daddy mo. Here, use this.” Inabot niya ang headphone ni Justin, kinuha naman ito ng bata at agad
Nang makalabas na sila sa kwarto ni Jeremy, agad na lumapit si Diana dito at saka bumulong. “Ano bang ginagawa mo? We can’t stay together in one room, Jeremy. Bawiin mo ang sinabi mo sa bata—”“I can’t do that. Look at him.” Tinuro niya si Justin na tumatalon-talon pa rin sa tuwa at binabanggit na matutulog sila ng mommy niya sa kwarto ng daddy niya. “He’s happy. And I don’t want to remove that from him.”Nang makita ni Diana si Justin, napagtanto niyang tama si Jeremy. Huminga siya nang malalim at hinayaan na lang ang ideyang iyon na pumasok sa isipan niya ang tungkol sa pagsasama nilang tatlo sa iisang kwarto. “Oh my Gosh! Where is my grandson!”Nabalik lang sa wisyo ang sarili niya nang marinig ang pamilya na boses. Agad siyang umiwas ng tingin, kinakabahan. It was Jeremy’s mother. Napahinto si Justin sa paglalakad, at nagtatakang tumingin sa apat na taong pumasok sa loob ng bahay. Buong pamilya ni Jeremy ay nandito. Hindi niya alam ang gagawin, gusto niyang umalis pero parang ma
Isang Linggo na ang lumipas, panibagong school na naman si Justin pero ngayon ay nasa private school na—hindi madali sa bata na makihalubilo dahil pero nagkaroon din naman siya ng dalawang kaibigan na anak din ng mayaman—sina Princess at Markien.Habang si Diana naman, bumalik siya sa pagiging secretary ni Jeremy sa kumpanya nito. Wala siyang magawa dahil iyon ang gusto ni Jeremy kahit gusto niya magtrabaho sa ibang department. “Buti naman nakabalik ka na at pumayag si Sir Saltzman na bumalik ka bilang secretary niya, wala pa siyang nakikitang kapalit sa’yo.”May lumapit sa kanya, isa ring secretary ng isa sa bosses sa kumpanya, si Meren. “Oonga e,” iyon na lang ang sinagot ni Diana. Wala na siyang dapat sabihin pa dahil wala pa naman siyang close—mas gusto niya pa rin ang ugali ng mga kasama niya sa dati niyang kumpanya, walang halong kaplastikan. “Miss Lucero, to my office. Now.”Sabay na nanlaki ang mga mata nina Meren at Diana nang marinig ang boses ni Jeremy na kakapasok lang
Pagkarating nila sa bahay, agad na dumiretso si Diana sa kwarto ni Justin at nang makita niya itong mahimbing na ang tulog, tila nabunutan siya ng tinik sa lalamuna. “Mabuti naman nakatulog din siya.” bulong niya.“It seems he’s asleep now, hindi mo na kailangan matulog sa kwarto ko.”Nanlaki ang mga mata ni Diana at bumalik kay Jeremy na nasa likod niya. Gusto niya sanang sumagot pa na “Malamang” pero pinigilan niya na lang ang sarili at umalis para pumunta sa kwarto niya, naglinis ng katawan at handa nang matulog—plano niyang sa kwarto ni Justin matulog ngayong gabi, pero bago pa siya makapasok ulit sa kwarto ni Justin, biglang lumabas si Jeremy mula sa kwarto nito na kakatapos lang din maligo. Napatigil si Diana, tinignan ang lalaki na walang suot na damit pang itaas, tanging short lang at maliit na tuwalya sa batok nito. Agad na napaiwas ng tingin si Diana. “Hindi ka ba magsusuot ng damit?” tanong niya na nakaiwas pa rin ng tingin. Tinignan naman ni Jeremy ang sarili niya, san
Nang oras na para sa conference meeting, kasama ni Jeremy si Diana. At ngayon sa harap nila, nagsasalita si Viviane. Puno ng paghanga ang mga naroon, na tila ba perpektong asawa ng isang Saltzman dahil alam niya lahat ng mga sinasabi niya. At habang pinagmasdan ni Diana ang slides sa presentation, may napansin siya. Walang nagbago mula sa siya ang gumawa ng slides. Pero naalala niya na nabanggit ni Viviane ay marami siyang binago dahil mali-mali ang mga ito. Sa nakikita niya ngayon, mukhang sinabi naman ni Viviane ang lahat ng siya mismo ang gumawa. Napangiti siya sa kanyang isipan. Hindi niya inasahan na may ganito pa lang kayang gawin si Viviane, ang angkinin pati ang mga bagay na hindi siya ang gumawa. “Wow, Viviane. Hindi talaga nagkakamali na isa ka sa napiling mapapangasawa ng isang Saltzman. Ang husay ng presentation mo, walang labis walang kulang,” sabi ng isang executive na naroon. Nakikinig lang si Diana sa mga komento nila tungkol kay Viviane, si Viviane naman ay tuwang-
Third Person’s Point of View:Napatigil si Diana sa narinig. Nagulat, hindi inaasahan na iyon ang dahilan ng matanda kung bakit ito umalis ng bansa. Pero gumaan ang pakiramdam niya na nagpapagamot lang ito sa ibang bansa, ibig sabihin may pag-asa pa siyang makita ito at makilala si Justin. “Huwag kang magalit kay Jeremy, Diana. Hindi lang din namin inasahan na iyon ang magiging reaction ng lolo niya,” sabi ni Viviane. Tumingin si Diana sa kanya, at sa isip nito. Oo, hindi lang dapat si Jeremy ang dapat sisisihin kung bakit umalis ang matanda, kasama si Viviane sa dapat na sisihin. “Hindi ko naman iniisip iyon. Ang mahalaga ngayon, nasa maayos siya.” Tumingin siya kay Jeremy ulit. “You can call him and tell him to come back. I’m already here, gusto ko rin na makilala siya ni Justin,” dagdag ni Diana.Nagulat naman silang tatlo, lalo na si Viviane. Palihim niyang ikinuyom ang kanyang mga palad habang nakatingin kay Diana. Naiinis siya. Sino ba naman ang hindi maiinis kung walang iba
DIANA’s POINT OF VIEW:Sinimulan nilang ikwento sa akin lahat, nauna si Viviane pero hindi niya alam bago pa niya ikwento ang tungkol sa kanila ni Jacob, nalaman ko na ang lahat. At alam ko puro kasinungalinga ang lumalabas sa bibig niya dahil si Jacob mismo ang nagsabi sa akin. Pinakinggan ko lang siya sa mga kasinungalingan niya, malayo sa mga kinwento ni Jacob sa akin. Ang laman ng kwento ni Viviane ay puro paghanga at pagbanggit sa pangalan ni Jacob. Pero ako, alam ko; hindi si Jacob ang ibig niyang sabihin, ginamit niya lang ang pangalan ni Jacob para pagtakpan ang desire niya. Si Jeremy pa rin hanggang ngayon. Kasi hindi naman masyadong magaling sa negosyo si Jacob, kaya paano niya nasabi na si Jacob ang nagtaas ng buong Saltzman?It was Jeremy. She can’t fool me. But still, I’m in the act. Dapat akong umakto na naniwala sa kaniya.“Wow, grabe. Ang dami ko na pala talagang hindi alam. Pero honestly, masaya ako na nahanap mo na iyong taong para sa’yo, Vi. After all, Saltzman pa
Sa inis, tinulak ni Viviane si Jacob at tinignan ito nang masama. “Ano bang akala mo sa akin, ha? Tanga para gumawa ng katangahan?” gigil nitong sabi. Ngumisi naman si Jacob. “Alam kong hindi ka pa rin nagbabago, Viviane. Huwag mo na talagang subukan dahil sa oras na may gawin ka, hinding-hindi mo na makikita si Vanessa. Ilalayo ko siya sa’yo. Ayaw kong magalit ang buong pamilya ko sa akin dahil hinayaan kitang gumawa ng kabobohan…ayaw kong madamay ang anak ko.” Pagkatapos sabihin ni Jacob iyon, tumalikod siya para umalis. Naiwan si Viviane na nakakuyom ang mga palat dahil sa galit. Pumikit siya nang mariin. Iniisip ang mga araw pagkatapos mawala ni Diana. FLASHBACK***“Vi, anong nangyari, ah? Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Jeremy nang makarating siya sa condo unit ni Viviane. Iniwan niya si Diana dahil tumawag si Viviane na kailangan siya nito. Pagkarating niya, mataas ang lagnat ni Viviane hanggang sa nahimatay ito kaya agad siyang sinugod sa ospital. Pagkarating sa
Masaya si Justin habang naliligo sa dagat kasama ang kanyang magulang—noon pa man ay gusto niya na ito. Bata pa lang, wala siyang ibang ninanais kundi makasama sina Diana at Jeremy. Halos isang oras silang naliligo hanggang sa nagpaalam si Jeremy dahil may tumawag sa kanya bigla. Nakipag-usap siya rito hindi kalayuan kina Justin at Diana. Samantala, nang sila nalang ni Diana at Justin sa dagat, ngumiti si Diana sa anak at nagtanong. “Are you happy, son?” Masaya namang tumango si Justin. “Yes, Mommy! Sana palaging ganito, palagi ko kayong kasama ni Daddy!” Hinimas ni Diana ang ulo ni Justin at ngumiti. Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa sinabi ng anak niya dhail hindi siya sigurado kung mangyayari ba iyon. Natapos na rin silang maligo kaya pumunta sila sa cottage nila, naroon si Jeremy naghahanda ng pagkain. “Oh, saan na ang kausap mo?” tanong ni Diana nang makitang si Jeremy na lang mag-isa. “Pumunta na sa suite niya. By the way, ayos lang ba sasama sina Viviane at Vaness
Pagkatapos maligo at magbihis nina Diana at Justin, lumabas na sila ng suite nila at dumiretso sa dining hall. Pagkaraing nila roon, nakita nila si Jeremy may kasama—si Viviane at ang anak nitong si Vanessa.“Wala ba ang daddy ni Vanessa?” tanong niya sana iyon sa sarili niya pero si Justin ang sumagot na ikinagulat niya.“Vanessa said he won’t come.”Hindi na nagsalita si Diana, hindi niya inasahan na anak niya talaga ang sumagot no’n. Hinawakan niya na lang ang kamay ni Justin at saka sila sabay na naglakad.Nang makarating sila lamesa kung nasaan ang tatlo, agad na tumayo si Jeremy para paupuin sila. Magkatabi sina Vanessa at Justin, kaharap naman ni Diana si Jeremy at katabi ni Jeremy si Viviane. Nasa gitna nila ni Vanessa si Justin. Biglang nakaramdam ng pag-alinlangan si Diana. “Umorder na ako ng pagkain, ayos lang ba?” tanong ni Jeremy kay Diana. “Oo, ayos lang. Pasensya na kung natagalan kami,” sabi naman ni Diana. Sasagot pa sana si Jeremy sa kanya nang maunahan ito ni Vi
Halos limang oras bago magising si Justin, naroon lang si Diana sa kanyang tabi sa loob ng limang oras na iyon. Habang si Jeremy ay nasa loob lang din ng kwarto, doon niya ginagawa ang iba niyang trabaho na connected sa magiging partnership niya sa business trip na ito. At nang magising si Justin, tinawag niya si Diana. “Anak…gising ka na. May masakit ba sa’yo? How are you?” Mabilis na tanong ni Diana. Nang marinig din ni Jeremy ang boses nilang dalawa, tumayo siya at lumapit sa kama ni Justin.“Dadd, you’re here too…” mahinang sabi ng bata sabay ngiti. “Yes, son. I’m here. How are you?” mahinahon namang tanong ni Jeremy habang hinawakan nito ang noo ng anak. “I am good now. You guys are here, I can tell my new friends that I have a mommy and a daddy….”Dahil sa narinig, sumikip bigla ang dibdib ni Diana. Hindi niya inasahan na iyon ang sasabihin ng anak matapos ang insidente niya sa dinner party. Umiwas siya ng tingin, ngunit hindi nakatakas kay Jeremy ang sakit sa kanyang mga m
Hindi sumagot si Diana kay Jeremy, nahihirapan siyang ibigkas ang mga salitang gusto niyang sabihin sa lalaki. Matagal nang may sakit si Justin, ang pagta-takwondo niya ay isa lang sa paraan para umayos ang pakiramdam niya, ang health niya kapag nasanay sa mga nakakapagod na gawain. Lagi din naman itong nagdadala ng gamot at inantabayan din ng coach nito. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin maiiwasan ang mga posibilidad na babalik ito. Si Jeremy na hindi mapakali, hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil hindi siya sinasagot ni Diana. Mas lalo siyang nainis na tahimik lang ito, nakatulala sa pintuan ng emergency room.Hanggang sa lumabas ang doctor, agad na lumapit si Jeremy dito, at si Diana na nanghihina. “Doc, how’s my son? Is everything alright? Ano?” Sunod-sunod na tanong ni Jeremy. Tinignan naman ng doctor ang dalawa. “He’s fine now. Kailangan niya lang muna magpahinga. Daldalhin na namin siya sa ward niya—”“Doc, please make sure it’s a private room. Kailangan comfortable
Baliw ka na talaga, Lucille. Hindi ko alam na kasama sa plano mo ang maging baliw, bakit mo susugatan ang sarili mo?” mahabang tanong ni Ales kay Lucille. Siguro nga ay nagtataka na siya sa kaibigan ngunit wala naman siyang magagawa dahil iyon ang gusto niya.“Just do it, Ales. Trust me.” Bumuntonghininga si Ales at inilibas ang kutsilyong dala niya, hinawakan niya ang kanan na kamay ni Lucille at agad na sinugatan, palihim na nasaktan si Lucille pero pinigilan ang sarili na sumigaw dahil ayaw niyang marinig nila Judiel.“Dito pa?” gulat na tanong ni Ales nang ipakita ni Lucille ang kaliwang tiyan. “Nahihibang ka na ba talaga? Magkaka-peklat ka, Lucille. Wala bang ibang paraan para ipakita ang kabaliwan mo?” Halata kay Alessandra na naiinis na siya sa kaibigan.“Wala, Ales. Sige na para makaalis ka na agad.” Pilit niyang sinabi kay Ales, walang nagawa ang kaibigan niya kundi sugatan din ang bewang ni Lucille at naglabas ito ng matinding pagdugo. “You are totally insane,” Ales said.