Kahit magulo ang isip ni Diana dahil sa proposal ni Jeremy, tinuloy niya pa rin umalis para mag-apply. Hindi doon natitigil ang buhay niya, kailangan niya pa rin maging matatag kahit sinusubukan na siya ni Jeremy. Pagkatapos ng interview niya, agad na rin siyang umalis para umuwi dahil tamang-tama ay uwian na rin ng anak niya pagkatapos ng alas-dyes. Habang nasa byahe siya sakay sa jeep, hindi niya mapigilan mapatingin sa tatlong pasahero na nasa harap niya. Isang lalaki, isang babae at isang bata na nasa gitna ng dalawa.Sumagi sa isipan niya na ang tatlong taong iyon ay siya, si Jeremy at ang anak nilang si Justin—masaya. Ngunit agad niya rin iniling ang ulo niya para alisin ang ideyang iyon. ‘Imposible.’ sa isip niya. Imposible para sa kanya na mangyayari pa ang araw na iyon. Noong umalis siya pagkatapos niyang pirmahan ang divorce agreement, hindi nawawala sa isipan niya ang pangyayaring iyon, umaasa siya na hahabulin at hahanapin siya ni Jeremy at balang araw ay magiging buo s
Hindi agad makasagot si Diana sa tanong ng anak. Alam niya ang sagot, ayaw niya lang sabihin ang totoo. Dahil kapag sinabi niya na hindi niya gusto ang ideya na iyon mawawalan na ng pagkakataon si Justin na makilala at makasama si Jeremy. Natatakot siya na baka pag lumaki si Justin at natutunan na nito lahat, magtanong siya nang magtanong kung bakit hindi niya kasama ang ama. Ngumiti siya sa anak, hinawakan ang pisngi nito. “Kung gusto ni baby, doon din ako. Don’t worry about me, okay?”Tumango na lang si Justin at hinawakan din ang magkabilang pisngi ni Diana. “Don’t worry too, Mommy. I will protect you no matter what!”Dahil sa sinabi ng bata, hindi na napigilan ni Diana na mapaluha at yakapin ito. Sa kabilang banda, naka-upo si Jeremy sa upuan niya sa loob ng kanyang opisina at kaharap ang isang ginang na kanina pa nagagalit, at ang isang 50-years old na lalaking naka-upo sa couch.“Bakit mo gagawin ito? You can’t bring her into your home, Jeremy. Okay lang kung ang bata ang dada
Sa loob ng kotse, nasa likod si Justin, at sa passenger seat naman ay si Diana. “Ang bango ng kotse mo, Daddy!” sigaw ni Justin. “Kasing bango ng kotse ni Spongebob!”“Spongebob? From the cartoon?” nagtatakang tanong ni Jeremy.“Ah, si Dane. Spongebob ang tawag niya sa kanya,” agad na sabi ni Diana. “Dane…” mahinang banggit ni Jeremy, tama lang na marinig ni Diana. Ramdam niya ang seryosong boses ni Jeremy. “Is he…your guy?” tanong niya.Kumunot naman ang noo ni Diana, tumingin siya kay Jeremy na nagtataka. “Anong my guy? Si Dane ba? Anong ibig mong sabihin?” Sunod-sunod niyang tanong. Natawa nang bahagya si Jeremy na akala niya ay nagmaang-maangan lang si Diana pero ang totoo hindi talaga nito naiitindihan ang sinasabi niya. “He’s your boyfriend, right?”“What the f—”“Mom, that’s bad!” sigaw ni Justin. “I’m sorry, baby. Just watch on your tablet, okay? May pinag-uusapan lang kami ng Daddy mo. Here, use this.” Inabot niya ang headphone ni Justin, kinuha naman ito ng bata at agad
Nang makalabas na sila sa kwarto ni Jeremy, agad na lumapit si Diana dito at saka bumulong. “Ano bang ginagawa mo? We can’t stay together in one room, Jeremy. Bawiin mo ang sinabi mo sa bata—”“I can’t do that. Look at him.” Tinuro niya si Justin na tumatalon-talon pa rin sa tuwa at binabanggit na matutulog sila ng mommy niya sa kwarto ng daddy niya. “He’s happy. And I don’t want to remove that from him.”Nang makita ni Diana si Justin, napagtanto niyang tama si Jeremy. Huminga siya nang malalim at hinayaan na lang ang ideyang iyon na pumasok sa isipan niya ang tungkol sa pagsasama nilang tatlo sa iisang kwarto. “Oh my Gosh! Where is my grandson!”Nabalik lang sa wisyo ang sarili niya nang marinig ang pamilya na boses. Agad siyang umiwas ng tingin, kinakabahan. It was Jeremy’s mother. Napahinto si Justin sa paglalakad, at nagtatakang tumingin sa apat na taong pumasok sa loob ng bahay. Buong pamilya ni Jeremy ay nandito. Hindi niya alam ang gagawin, gusto niyang umalis pero parang ma
Isang Linggo na ang lumipas, panibagong school na naman si Justin pero ngayon ay nasa private school na—hindi madali sa bata na makihalubilo dahil pero nagkaroon din naman siya ng dalawang kaibigan na anak din ng mayaman—sina Princess at Markien.Habang si Diana naman, bumalik siya sa pagiging secretary ni Jeremy sa kumpanya nito. Wala siyang magawa dahil iyon ang gusto ni Jeremy kahit gusto niya magtrabaho sa ibang department. “Buti naman nakabalik ka na at pumayag si Sir Saltzman na bumalik ka bilang secretary niya, wala pa siyang nakikitang kapalit sa’yo.”May lumapit sa kanya, isa ring secretary ng isa sa bosses sa kumpanya, si Meren. “Oonga e,” iyon na lang ang sinagot ni Diana. Wala na siyang dapat sabihin pa dahil wala pa naman siyang close—mas gusto niya pa rin ang ugali ng mga kasama niya sa dati niyang kumpanya, walang halong kaplastikan. “Miss Lucero, to my office. Now.”Sabay na nanlaki ang mga mata nina Meren at Diana nang marinig ang boses ni Jeremy na kakapasok lang
Pagkarating nila sa bahay, agad na dumiretso si Diana sa kwarto ni Justin at nang makita niya itong mahimbing na ang tulog, tila nabunutan siya ng tinik sa lalamuna. “Mabuti naman nakatulog din siya.” bulong niya.“It seems he’s asleep now, hindi mo na kailangan matulog sa kwarto ko.”Nanlaki ang mga mata ni Diana at bumalik kay Jeremy na nasa likod niya. Gusto niya sanang sumagot pa na “Malamang” pero pinigilan niya na lang ang sarili at umalis para pumunta sa kwarto niya, naglinis ng katawan at handa nang matulog—plano niyang sa kwarto ni Justin matulog ngayong gabi, pero bago pa siya makapasok ulit sa kwarto ni Justin, biglang lumabas si Jeremy mula sa kwarto nito na kakatapos lang din maligo. Napatigil si Diana, tinignan ang lalaki na walang suot na damit pang itaas, tanging short lang at maliit na tuwalya sa batok nito. Agad na napaiwas ng tingin si Diana. “Hindi ka ba magsusuot ng damit?” tanong niya na nakaiwas pa rin ng tingin. Tinignan naman ni Jeremy ang sarili niya, san
“We’re here.” Ginising ni Jeremy si Diana pagkatapos niyang i-park ang kotse niya at ilabas si Justin sa kotse. Sa tagal ng byahe, hindi namalayan ni Diana na nakatulog siya, kaya nang magising siya nakaramdam siya ng hiya. Naalala niya ang sinabi niya kay Jeremy na papalitan niya ito sa pagmamaneho.“I’m sorry, nakatulog ako. Ako na lang ang magda-drive after natin dito,” agad siyang humingi ng paumanhin. Umiling si Jeremy. “It’s fine. Nandito na tayo, nakahanda na rin iyong hotel room natin, pwedeng doon ka muna magpahinga pero si Justin mukhang buo pa ang energy niya,” paliwanag nito sabay baling kay Justin na nagsimulang tumakbo. Malawak ang paligid kahit nasa parking lot pa sila. “Mommy, there’s a playground! Can I go there?” excited na tanong ng bata sabay turo sa playground. Marami ring mga bata ang naroon. Ngumiti naman si Diana at tumango. “Sige, sasamahan na kita pero bago iyon dadalhin muna natin ang gamit natin sa room, is that okay, baby?”Magsasalita pa sana si Just
Nakatingin lang si Diana kay Jeremy na hawak ang dalawang bata sa magkabilaang kamay habang naglalakad, nasa tabi rin ni Vanessa si Viviane—at si Diana, nasa likod nila. Sumilay ang mapait na tingin sa mata ni Diana nang pumasok sa isipan niya ang litrato ng apat na tao sa harap niya. Parang masaya at kumpletong pamilya. Saan siya sa litratong ito? Biglang kumirot ang dibdib niya at umiwas ng tingin hanggang sa tinawag siya ni Justin. “Mommy, tara!”Mabilis na ngumiti si Diana, hindi pinakita ang pait sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit kay Justin. “Dito ka sa tabi ko?” tanong niya.Ramdam niya namang huminto sina Jeremy at Viviane at tumingin sa kanya. Hindi niya pinansin ang tingin nilang dalawa, bagkus kinuha niya ang kamay ni Justin mula sa kamay ni Jeremy at siya na mismo ang naghawak sa bata. “Let’s go?” Ngiting sabi niya kay Jeremy. Kahit nagtataka si Jeremy sa biglaang pag-iba ng asta ni Diana, hindi niya na lang din iyon pinansin. Nagpatuloy na siyang maglakad habang ki
After one month, hindi na nagpakita pa muli si Catherine kay Nolan at kahit maliit lang ang mundo, sinusubukan niyang hindi mag-krus ang landas nila o kahit na sino sa pamilya ni Nolan. Naging abala siya na maging maayos ulit ang buhay niya kahit na nahihirapan siyang makisabay sa bagong buhay na ginagalawan niya ngayon kasama si Mina, ang pamilya ni Mina at si Loreen.“Ayos ka lang?” tanong ni Mina kay Catherine. Tumango si Catherine at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. “I’m fine, hindi ko lang inasahan na ganito pala kahirap sa pabrika na pinagtrabuhan ng magulang mo,” komento niya.Natawa naman ng bahagya si Mina dahil sa sinabi ni Catherine. “Ngayon lang din ako nagtrabaho rito kaya ganoon din ang nararamdaman ko. Tara, puntahan natin si Loreen,” aya ni Mina kay Catherine.Agad naman nilang pinuntahan si Loreen na tila may tinitignan sa hindi kalayuan. “Anong tinitignan mo?” tanong ni Mina na siyang kinagulat ni Loreen. Bumaling siya sa mga kaibigan at tumingin ulit sa tinignan
Hindi nagtagumpay si Mina at iba pang servers sa bahay na manatili, wala na silang nagawa nang alisin na sila ng tuluyan ng pamilya ni Nolan at naiwan si Catherine sa bahay kasama si Nolan, ang pamilya ni Nolan at si Maxine. Bumalik sa kanya-kanyang kwarto ang pamilya na para bang walang nangyari habang naiwan si Catherine sa sala na mag-isa, umiiyak at hindi alam kung ano ang gagawin. Buong buhay niya na kasama ang pamilya niya ay hindi niya naranasan ang ganitong sitwasyon, nag-iisang anak siya ng magulang niya, ibinigay sa kanya lahat ngunit hindi niya inasahan na mawawal na lang lahat ng iyon sa isang iglap at sa isang pagkakamali na magpakasal sa isang lalaking ang akala niya ay makakasama niya sa hirap at ginhawa. Tumayo si Catherine nang maisipan niyang pumasok sa kwarto ni Mina, naroon na ang iba niyang gamit dahil bago pa makaalis ang ibang servers inutusan muna ni Nolan ang mga ito na kunin ang gamit ni Catherine sa kwarto at ilagay sa maid’s room, in Mina’s room.“Ano ng
Hindi pa rin maitindin ni Catherine ang nangyayari, nasa harap niya ngayon si Mina na nakatingin sa kanya. Nasa kwarto siya ng maid’s room, Mina’s room to be exact.“What are you doing? You are his wife, you are the one supposed to be there, Catherin. Why are you here?” sunod-sunod na tanong ni Mina sa kanya.Umiiyak lang si Catherine tila ba iniisip na wala na siyang magagawa kung iyon na talaga ang nangyari. “I don’t know, Mina. Hindi ko maitindihan kung bakit iba ang sinama niya roon sa kwarto namin, and that is my room noong hindi pa kami kasal. Wala akong maitindihan—”“Ipapaintindi ko sa’yo ang nangyayari, Catherin. At sana maitindihn mo kung paano ka niya niloko, harap-harapan ka niyang sinaktan at sapat na iyon para ma-realized mo na tama na ang kahibangan mo sa kanya.” Mas lalong umiyak si Catherine dahil sa sinabi ni Mina. Si Mina lang ang kakampi niya sa bahay kung saan kasama niya ang pamilya ni Nolan at si Nolan, at kung wala si Mina ay panigurado na mas lalo pa siyang m
Kaming mga babae, wala kaming ibang hinangad kundi ang magkaroon ng asawang mapagmahal at aalagaan kami kapag dumating na ang panahon na ikakasal kami. Gusto lang namin maging masaya sa piling ng lalaking mahal namin na kasama namin na humarap sa altar pero bakit sa sitwasyon ko ay naging sumpa ang minsan ko ng pinangarap. “Wala ka ng silbi para sa anak namin kaya mabuti pang umalis ka na lang!” sigaw ng aking mother-in-law. Bakas sa kanyang mukha ang galit niya sa akin. Hindi ko maitindihan kung bakit siya nagagalit sa akin, sinunod ko lang naman ang utos niya na ipagluto siya ng pagkain na gusto niya. “Pasensya na, Mama. Magluluto ulit ako—”“Hindi na!” sigaw niya sa akin kaya napapikit ako at bahagyang umiwas mula sa kanya dahil akma niya akong hahampasin ng hawak niyang libro. “Hindi na nga masarap itong una mong luto at gusto mong pang umulit? Wala ka bang utak?” galit na sabi niya. Lumunok ako ng dalawang beses, nahihirapan magsalita. Hindi ko maitindihan ang takot na nararam
Tahimik ang paligid, tila walang gustong magsalita dahil sa pagkabigla ng kanilang narinig mula sa nars. At nang mapansin ng nars ang naging reaksyon nilang apat ay agad na itong nagpaalam para umalis, sinabi lang ulit ang instruction nito na pwede na silang makalabas sa hospital. Kahit lumabas na sila sa hospital, hindi pa rin kumibo si Irish sa kanilang tatlo, bitbit niya lang ang kanyang anak kahit na nahihirapan siyang maglakad at kahit na gusto nilang tatlo na tulungan siya ay tila nawalan siya ng pakialam, dahil hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nalaman niya; kahit si Sally ay hindi rin alam kung paano kausapin si Irish, naisip niya kanina na baka galit si Irish sa kanya. Pagtingin sa isa’t isa ang naging komunikasyon nina Sally at Jessica na para bang sa pamamagitan ng mga mata nila ay nagkakaintindihan sila tungkol kay Irish. Nasa loob na sila ng kotse at kahit na si Jarson ay hindi rin alam kung paano magsalita dahil sa katahimikan, pinagdasal niya na lang na sana umiy
Grabe ang pag-alala ng mga kaibigan ni Irish sa kanya na sila Sally, Jessica at Jarson dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising, anim na oras na simula nang ilipat siya sa kanyang kwarto pagkatapos manganak. Marami na rin napag-usapan ang magpipinsan at nagawa labas pasok sa loob ng kwarto, kasama na sa pag-uusap nila ang tungkol kay Guiller at Irish. Ngunit nagawa lang nilang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon nang lumabas si Guiller at umalis sa ospital dahil sa biglaang emergency sa kumpanya nito. “Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mo ang bagay na iyon, Sal,” komento ni Jessica sa kanyang pinsan nang malaman niya ang ginawa ni Sally. Umiwas nang tingin si Sally at saglit na bumaling kay Irish na wala pa rin malay at bumalik ulit kay Jessica. “Huwag mong babanggitin kay Irish ang napag-usapan natin, magagalit siya sa akin at ayaw kong mangyari iyon,” mahina niyang sabi.Aangal pa sana si Jessica nang may biglang kumatok sa pintuan kaya sabay silang bumalin
Hindi makagalaw si Guiller sa kinatatayuan niya habang nakatingin pa rin nang seryoso kay Jarson, walang emosyon ang mga mata nito ngunit kita ng mga taong kasama niya na hindi ito natutuwa. Umigting din ang kanyang panga at dahan-dahang ikinuyom ang mga kamao na tila ba handa ng suntokin ang lalaking kaharap niya ngayon. “Ano bang sinasabi mo, Jar?” bulong ni Jessica sa kanyang kapatid at pinilit na hilahin palayo kay Guiller nang makita ang hitsura ng lalaking handa nang magalit. Ngunit hindi pinansin ni Jarson ang kanyang kapatid, nakipag-talasan din siya ng tingin kay Guiller. “Narinig naman siguro ng lalaking ito ang sinabi ko. Hindi naman siguro siya kaano-ano ni Irish, hindi ba?”Pumikit nang mariin si Sally dahil sa sinabi ng pinsan, tila ba natatakot siya sa posibleng mangyari kay Jarson kaya agad niya itong nilapitan at hinila palayo. Nagtataka naman si Jarson sa ginawa ni Sally. “Ano bang problema mo? Anong pumasok sa kokote mo na sabihin ang mga salitang iyon, Jarson? P
Nine Months After…Kabuwanan na ni Irish at lahat ng mga kasama niya ay excited, ganoon din naman siya ngunit kinakabahan siya sa posibleng mangyari na tila ba ngayon niya lang naramdaman ang takot. “Kanina ka pa tahimik, okay ka lang ba?” tanong ni Sally sa kanya. Ngayong linggo ay nagsimulang mag labor si Irish sa tulong ng tatlong kaibigan. Tumingin siya kay Sally. “Naisip ko lang kung paano ko buhuhayin ang batang ito paglabas niya, at paano ko sasabihin sa kanya ang totoo tungkol sa tatay niya,” mahabang sabi ni Sally. Hinawakan naman ni Sally ang kamay niya at inayos ang hibla ng buhok. “Huwag kang mag-alala, palagi kong sinasabi sa’yo na nandito lang naman ako para tulongan ka.” Ngumiti si Sally sa kanya at tumingin lang din siya kay Sally nang biglang may sumagi sa isip niya. Mga nakaraang buwan, hindi na pumasok si Sally sa trabaho pero lagi itong lumalabas ng bahay at pagka-uwi niya may dala na itong maraming gamit, tulad ng grocery at iba pang pwedeng gagamitin nila, l
Hindi agad nakapagsalita si Sally sa sinabi ni Guiller, bumaling siya sa loob ng bahay at hindi niya na nakita ang tatlo na nakatingin. Lumunok siya ng laway niya, kahit na nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan at bumaling muli kay Guiller.Hindi na siya nagtataka kung paano nalaman ni Guiller ang tungkol sa pamilya niya, isa rin siyang anak ng negosyante at nanggaling sa mayamang angkan, kagaya ni Irish alam niya rin kung paano kumilos ang mga kagaya ni Guiller. Pero ang hindi niya maitindihan ay kung bakit sa tingin niya na tila ba naging desperado si Guiller kay Irish. “Ano po ba talagang kailangan niyo kay Irish, sir? Pasensya na po kung ganito ang tanong ko pero hindi ko po pwedeng hayaan na lang ang kaibigan ko na minamanmana ninyo—”“Alam ko, Miss Valdez. Kung ayaw mong pumayag sa deal ko, hayaan mo na lang akong kausapin siya,” sabi ni Guiller. Huminga nang malalim si Sally, nahihirapan na siya kung paano niya sasabihin kay Guiller na hindi niya pwedeng gawin ang lahat ng gu