Muling pinindot ni Anthony ang MUTE na buton para ma-UNMUTE ang mikropono, at saka nagsalita.“Well, yes… I want to know the absorption rate. Do you have the figures?”Tinakpan ni Analyn ang bibig niya ng kamay niya. Pinipigilan niyang makagawa ng ingay habang naka-UNMUTE ang mikropono ng laptop ni Anthony. Ultimo paghinga nga ay pinipigilan niya rin. Nang natapos magsalita ang taga Finance Department, muling nagsalita si Anthony. Hindi alam ni Analyn kung dahil ba sa kaba kaya tila wala siyang maintindihan sa mga sinasabi ni Anthony. O dahil habang nagsasalita si Anthony ay sa kanya ito nakatingin at hindi sa screen ng laptop niya, kung saan naroroon ang mga ka-meeting niya. Hindi alam ni Analyn kung nanunukso ba o nang-aasar ang klase ng tingin ni Anthony sa kanya. Sa tantiya ni Analyn, hinihimay ni Anthony ang ini-report nung taga Finance, pero wala talaga siyang naiintindihan sa mga sinasabi at binabanggit n
Terakhir Diperbarui : 2024-12-11 Baca selengkapnya