Nagkasundo si Analyn at Cora na araw-araw silang magkikita at maga-bonding sa coffee shop ng huli. Sabi kasi ni Cora, dahil sa depress si Analyn, kailangan niya na may nakakausap lagi, lalo na at mag-isa na lang sa buhay si Analyn.
Mabait si Cora. Lagi itong may nakalaan at words of wisdom para sa dalaga sa araw-araw na nagpupunta siya roon. Sa totoo lang ay nagi-guilty na nga si Analyn sa kabaitan na ipinapakita sa kanya ng dating ka-may ari ng Coxi Bottles. Napagtanto niya na hindi na siya komportable sa mga kasinungalingan na sinabi niya kay Cora. Kailangan na niyang makakuha ng tiyempo para ipagtapat kay Cora ang lahat at subukang makuha ang lisensiya ng copyright ng Coxi Bottles na hawak ni Cora.
Isang gabi na magpupunta na ulit si Analyn sa coffee shop ni Cora, nagulat siya nang makita si Anthony na nakaupo sa loob ng sasakyan nito.
“Ano’ng ginagawa mo riyan? Hindi mo ba sinabihan ang driver mo na ihatid ako–”
Wala sa wisyo habang naglalakad palayo sa coffee shop ni Cora. Tila malalim ang iniisip nito.Nang makarating siya sa pinagparadahan ng sasakyan ni Anthony, huminto siya sa tapat ng lalaki na nakasandal sa labas ng kotse niya.“Kasuklam-suklam talaga ang mga lalaki,” sabi niya sa harap ni Anthony pero sa kawalan siya nakatingin.Agad na nagdikit ang mga kilay ni Anthony pagkarinig sa sinabi ng babae. “Bakit naman?”“Hindi sila makuntento sa babaeng mahal nila. Humahanap pa rin sila ng ibang putahe. Hindi ba nila alam na napakasakit para sa isang babae ang maghintay ng ilang taon sa lalaki, pagkatapos lolokohin ka lang pala?”“Don’t count me.”Binawi ni Analyn ang tingin sa kawalan at saka hinarap si Anthony.“At ano’ng karapatan mong iitsa-pwera ang sarili mo sa mga lalaking manloloko? Nagawa mo na bang magmahal? Kawawa ang mga babae sa tulad mong makapangya
“Sinubukan ni Fatima na hingin ang copyright license mula kay Cora, pero hindi niya iyon nakuha… Ibig sabihin… alam ko na! Alam ko na! Alam ko na, Sir Anthony…”Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Anthony, gustong-gusto na niyang malaman kung ano ang nasa isip ni Analyn ngayon.“Kailangan kong makausap ng personal si Xian. Siya pala ang dapat kong kinausap at hindi si Cora! Tama! Salamat sa impormasyon, Sir. Ang galing-galing mo talaga!”Napapantastikuhang nakatingin lang si Anthony sa dalaga. Pero aaminin niya na bahagyang tumaba ang puso niya sa papuri nito sa kanya.“Tara na, Sir Anthony. Umuwi na tayo. Alam ko na ang gagawin ko.”Tatayo na sana si Anthony pero pinigilan ito ni Analyn.“Wait. Ayaw mo ba talaga ng barbeque? Sarap ng pusit nila! Obvious na sariwa. Recommended. Kuha ka na, treat ko sa ‘yo dahil sa imporamasyon mo.”Seryo
Kakatapos lang mag-shower ni Analyn. Mahihiga na sana siya pagkatapos magpatuyo ng buhok nang mag-ring ang telepono niya.Agad siyang kinabahan nang makita ang pangalan ni Cora sa screen ng telepono niya. Pero pilit niyang isinantabi ang kaba. Baka paranoid lang siya at may sasabihin lang sa kanya ang babae. Baka magtatanong lang kung bakit hindi siya nagpunta kanina sa coffee shop nito.Pagkatapos huminga nang malalim, sinagot na ni Analyn ang tawag. Pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Cora.[“Kasabwat ka ba niya?”]Malamig ang boses ni Cora, hindi ito ang karaniwang sarili nito ngayon.Nung una ay hindi maintindihan ni Analyn ang tanong ni Cora. Pero biglang pumasok sa isip niya ang mukha ni Xian. Mukhang nagpunta na si Xian at nagka-usap na silang dalawa.Hindi malaman ni Analyn kung ano ang isasagot kay Cora. Hindi niya alam kung paano ba niya ipagtatanggol ang sarili. Na
Nagulat si Analyn na nandoon siya sa lugar malapit sa coffee shop ni Cora. Nakatayo siya sa walkway ng baywalk. Hindi pa niya maisip kung paano siya napunta roon nang biglang sumulpot si Anthony sa tabi niya.Hinawakan nito ang isang kamay niya at saka bahagya itong pinisil.“We will be together forever,” seryosong sabi ng lalaki sa kanya.Hindi sumagot si Analyn, naguguluhan pa siya sa mga nangyayari. Hanggang sa unti-unti ay biglang lumalabo ang mukha ni Anthony. Parang drawing lang na binubura ng pambura ng lapis ang mukha niya hanggang sa tuluyang hindi mo na makilala ang mukha niya.Bumalikwas ng bangon si Analyn. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nasiguro niyang nasa kuwarto siya sa bahay ni Anthony. Napahawak si Analyn
“Oh, tara na. Nakahanda na ang mesa. Kumain na kayo,” pag-anunsiyo ni Manang Rhia.Agad namang tumayo si Anthony mula sa sofa at akmang bubuhatin uli si Analyn nang pigilan siya ng dalaga.“O-Okay lang ako. Kaya kong maglakad.”“Hindi mo pa pwedeng biglain ‘yang paa mo. Ikaw rin, baka hindi ka makapasok sa Lunes niyan.”Hinawakan ni Analyn ang braso ni Anthony, sabay mahinang nagsalita.“Sir, hindi kasi ako komportable. Too much public display of attention.”Inilapit ni Anthony ang mukha niya sa gilid ng mukha ni Analyn at saka bumulong sa tapat ng tenga nito.“Mak
Inisip ni Analyn na baka sa kamag-anak o kaibigan ni Anthony ang mga iyon at pilit iwinaglit sa isip niya ang hinalang nabuo sa isip.Pero ang mas nakapagpalukot sa mukha ni Analyn ay ang mga lumang larawan na kasama ng mga laruan dun. Nasa pinaka-ilalim iyon ng kahon, at natatambakan nung mga laruan. Tila sinadyang ipailalim ang mga iyon doon para hindi mapansin at itago.Kinuha ni Analyn ang mga lumang larawan at saka isa-isang tiningnan ang mga iyon. Ang unang larawan ay larawan ng medyo bata pang lolo ni Anthony, at may katabi siyang dalawang bata. Ang isa ay isang nakangiting batang lalaki, at may kahawak-kamay na batang babae. At base sa background ng larawan, kuha ito sa harap ng mansyon,Namilog ang mga mata ni Analyn. Kamukhang-kamukha niya ang batang babae. Pakiramdam niya ngayon ay tinit
Habang nasa biyahe pauwi si Analyn, hindi maalis sa isip niya ang batang babaeng kasama ni Anthony at Greg sa picture. Marami siyang mga katanungan sa isip niya.So iyon pala iyong Ailyn. Iyong minsang nabanggit ni Sir Anthony na kababata niya na bigla daw nawala. Hindi ko naman kayang itanong kung paanong nawala at bakit? Pribadong buhay niya iyon at hindi ko mapangahasang magtanong. Pero bakit kamukhang-kamukha ko iyong bata? Pwede na ngang mapagkamalang ako ang batang iyon. Pero imposible namang ako iyon dahil ngayon lang niya nakilala ang mag-lolo na Anthony at Greg.Nang umalis si Analyn sa bahay ni Greg ay madilim ang langit. At eto nga, habang nasa biyahe siya at biglang bumuhos na ang malakas na ulan.Hindi napahinto ng malalaking patak ng ulan sa salamin ng bintana ang mga iniisip ni An
“Mama! Mama! Huwag mo akong iwan, Mama! Sasama ako sa ‘yo!”Hilam na sa luha ang mga mata ng batang lalaking humahabol sa itim na kotse. Pero hindi ito huminto at tuloy-tuloy lang ang takbo.“Mama! Hintayin mo ko! Sasama ako!” muling sigaw ng bata habang patuloy pa rin sa pagtakbo.Hanggang sa pagliko ng kotseng itim sa isang kurbada, tuluyan nang naiwan ang bata at hindi na nakahabol dahil sa pagkatapilok niya sa naka-usling bato.Umiiyak na sinundan na lang ng tingin ng bata ang papalayo nang sasakyan.Umiiyak pa rin na pinagmasdan ng bata ang sugat sa tuhod niya. Umagos ang dugo mula roon, na lalong nagpa-iyak sa kanya nang mapatakan ang sugat ng sarili niyang mga luha. Lalo pa siyang nai
“Hi, Analyn! Laki ng damage nung kuwarto ko nang dahil dito kay Ton kaya ako naparito.”Nakagat ni Analyn ang ibabang labi. Alam naman niyang siya ang dahilan ng pagkasira ng property ni Edward at hindi si Anthony. Iniligtas lang siya ng amo. Tumayo si Edward at saka lumapit kay Analyn. Sinipat nito ang mukha ng dalaga kung alin ang may gasa dahil sa sugat niya.“Masakit pa ba?”Nailang naman si Analyn sa pagsipat ni Edward sa pisngi niya kaya nag-iwas siya ng tingin sa lalaki. Hindi naman sinasadyang kay Anthony siya napatingin. Saktong nakatingin din pala sa kanya ang lalaki kaya nagbaba siya ng tingin. Nahihiya siya kay Anthony.Nahalata ni Edward ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya minabuti niyang magpaalam na para umalis.“Aalis na muna ako. Aasikasuhin ko muna ang kapatid mo,” sabi ni Edward kay Analyn.“Ako na ang humihingi ng pasensiya para sa kapatid ko. Pasaway kasi talaga ‘yun.”Tinapik ni Edward ang braso ni Analyn.“Don’t worry. Ako’ng bahala sa kapatid mo. Ibabalik ko
Nagmamadaling tinapos na ni Anthony ang paliligo para mapuntahan na niya si Analyn sa kuwarto ng dalaga. Hindi pa nawawala ang anestisya sa katawan ng dalaga kaya hindi pa ito nagigising.Tahimik na pumasok si Anthony sa kuwarto ng dalaga. Lumapit siya sa kama nito at saka matamang pinagmasdan ang mukha nito. Maputla pa rin ang mga labi niya, at natatakpan pa ng gasa ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Napakapayapa nitong pagmasdan. Sinamantala ni Anthony na pagmasdan ang dalaga habang hindi pa ito nagigising.Nang biglang tumunog ang telepono ni Anthony na nasa bulsa ng pantalon niya. Bago pa magising si Analyn sa ingay ng telepono niya ay minabuti ni Anthony na lumabas na muna ng kuwarto ng dalaga.NANG nagdilat ng mga mata si Analyn, isang nag-aalalang Manang Edna
Muling ngumisi si Carlito habang nakatingin sa kutsilyo niya na may bahid ng dugo ni Analyn. Mukhang natutuwa siya sa dugong nakikita. Habang si Analyn ay putlang-putla na ang mukha sa takot na nararamdaman.Balak sanang ulitin uli ni Carlito ang ginawa niya sa mukha ng dalaga nang biglang may ingay siyang narinig sa pintuan kaya napalingon siya roon.“De– De la Merced?”Nakatayo lang si Anthony sa tapat ng pintuan. Matiim siyang nakatingin kay Carlito. Napansin niya ang dalawang tao na nasa tapat ni Carlito kaya lumipat ang tingin niya sa mga iyon. Doon niya nakita ang hindi okay na itsura ni Analyn at may dugong bahagyang umaagos mula sa pisngi nito.Agad na nagdilim ang awra ng mukha ni Anthony. Lumipat muli ang tingin niya kay Carlito. Agad namang n
Hindi pa nakaka-move on si Analyn dahil sa nalamang kay Edward ang casino na kinaroroonan niya ngayon nang tabihan uli siya ni Carlito sa sofa.Inakbayan siya ng lalaki, habang ang isang kamay ay dumampot ng stick ng sigarilyo mula sa mesa. Agad namang dinampot ni Analyn ang lighter na naroroon din sa ibabaw ng mesa sa kabila ng kabang nadarama niya. Sinindihan niya ang sigarilyong nasa mga labi ni Carlito, na ikinatuwa naman ng huli.“Michelle, eh kung sumama ka kaya mamaya sa bahay ko? Ang dami kasing istorbo rito. Doon, walang iistorbo sa atin,” nakangising sabi ni Carlito. Inilapit pa nito ang mukha niya sa mukha ni Analyn na parang gustong halikan ang dalaga.Nagkunwari naman si Analyn na nahulog ang lighter para magkaroon siya ng dahilan na yumuko at para hindi mahalikan ni Carlito.&nbs
“Boss Edward?” gulat na sabi ni Carlito sa taong nasa labas ng pintuan.Nanlaki naman ang mga mata ni Analyn. Hindi niya alam ang gagawin. Nakatingin sa kanya ngayon si Edward, ang lalaking ka-meeting ni Anthony nung nakaraang araw.Agad na nagbawi ng tingin si Analyn. Hindi niya alam kung ano ang tumatabo sa isip ngayon ng lalaki sa itsura ng make up niya ngayon at sa mapangahas niyang pagdadamit.Agad na tumayo si Carlito at sinalubong si Edward.“Boss Edward… ano’ng masamang hangin ang nagtaboy sa iyo sa kuwarto ko?” nakangiting sabi ni Carlito sa bagong dating.“May palabas ka raw rito, nasagap ko,” walang emosyon na sagot ni Edward.Humalakhak si Carli
Matamis na ngumiti si Analyn sa lalaki.“Hi. Nandiyan ba si Mr. Sy? Dito ako pinapunta ng amo ko. Room 349, tama naman, di ba?” Kumindat pa si Analyn sa lalaki.Lumingon naman sa loob ng kuwarto ang lalaki.“Bosing Carlito, humingi ka ba ng babae kay Mr. Sy?”Bigla namang kinabahan si Analyn. Mabubulilyaso pa yata ang plano niya. Naisipan niyang alisin ang pangalawang butones ng pang-itaas niya kaya bahagyang lumitaw ang itaas na bahagi ng pisngi ng dibdib niya. Sakto namang muli siyang nilingon ng lalaki at sa dibdib niya ito napatingin.“Babae? Maganda ba?” sabi mula sa loob, malamang iyong Carlito na tinawag ng lalaking kausap ngayon ni Analyn.
“Magtatagal ka ba rito, Analyn? Dinner tayo,” yaya ni Jan sa dalaga.Sandaling nag-isip si Analyn. Parang gusto na niyang pagbigyan ang binata. Ilang araw na siyang kumakaing mag-isa sa bahay ni Anthony at nalulungkot siya. At least ngayon may kakuwentuhan siya at kasabay kakain.Sasagot na sana siya kay Jan nang biglang mag-ring ang telepono ni Analyn. Tiningnan ni Analyn ang screen, nakita niya ang isang hindi naka-rehistrong numero.“Sandali, Jan. Sasagutin ko lang ito.”Tumango lang si Jan. Naglakad na palabas si Analyn.“Hello?” agad na sabi niya pagkalabas niya ng pintuan.[“Miss Ferrer, hawak namin ang kapatid mo. Gusto mo bang mabuhay pa siya?”]Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Bigla siyang kinabahan. Muli niyang tiningnan ng screen ng telepono niya. Paano kaya nila nalaman ang numero niya?Muling ibinalik ni Analyn ang telepono sa tapat ng tenga
Hindi pa rin umuuwi si Anthony sa bahay niya. Subsob siya sa trabaho sa opisina. Ngayong hapon, may appointment siyang dinner sa may-ari ng Del Mundo Corp. Isinama niya si Vivian.Nang nasa loob na sila ng elevator, nagtaka si Vivian nang biglang pindutin ni Anthony ang 31st floor nang nasa ika-33rd floor na sila, sa halip na sa lower basement na una niyang pinindot.Nagkaroon ng hinala sa isip ni Vivian nang lumabas si Anthony ng elevator at naglakad patungo sa salaming pinto ng opisina ng Creatives, Inc.Sumilip si Anthony sa loob. Iyong mesa agad ni Analyn ang tinignan niya. Nakita nyang wala roon ang dalaga. Nagkataon naman na palabas na ng kuwarto si Michelle.“S-Sir Anthony? May kailangan po kayo?”Lumunok muna si Anthony bago nagsalita. Ayaw niya sanang hanapin si Analyn pero parang may nagsasabi sa kanya sa isip niya mapapalagay lang siya sa pupuntahan kung alam niya kung nasaan ang dalaga.“
“Have a seat, Ms. Employee,” yaya ng lalaking kasama ni Anthony sa kuwarto.Tiningnan muna ni Analyn si Anthony. Nang nakita niyang bahagya itong tumango sa kanya, tanda ng pagsang-ayon nito ay nagsimula na siyang naglakad patungo sa sofa na kinauupuan ng dalawa. Minabuti niyang maupo sa pang-isahang upuan.Nakaupo na si Analyn ay nakatingin pa rin sa kanya ang kasama ni Anthony.“Ako nga pala si Edward, Ms. Employee,” sabay abot nito ng kamay niya kay Analyn, “tutal mukhang walang balak ang boss mo na ipakilala ako sa ‘yo,” nakangiting sabi ni Edward.Napilitang abutin ni Analyn ang kamay ni Edward. Isa pa, kaibigan ito ng amo niya kaya kailangan niyang maging magalang dito.Nang magdaop ang mga kamay nila ay mabilis na sumulyap si Edward kay Antony, tila sinusubukan ang binata.“Oh? Baka pwede ko ng malaman ang pangalan mo, Ms. Employee. Nagpakilala na ako sa &ls