Habang nasa biyahe pauwi si Analyn, hindi maalis sa isip niya ang batang babaeng kasama ni Anthony at Greg sa picture. Marami siyang mga katanungan sa isip niya.
So iyon pala iyong Ailyn. Iyong minsang nabanggit ni Sir Anthony na kababata niya na bigla daw nawala. Hindi ko naman kayang itanong kung paanong nawala at bakit? Pribadong buhay niya iyon at hindi ko mapangahasang magtanong. Pero bakit kamukhang-kamukha ko iyong bata? Pwede na ngang mapagkamalang ako ang batang iyon. Pero imposible namang ako iyon dahil ngayon lang niya nakilala ang mag-lolo na Anthony at Greg.
Nang umalis si Analyn sa bahay ni Greg ay madilim ang langit. At eto nga, habang nasa biyahe siya at biglang bumuhos na ang malakas na ulan.
Hindi napahinto ng malalaking patak ng ulan sa salamin ng bintana ang mga iniisip ni An
“Mama! Mama! Huwag mo akong iwan, Mama! Sasama ako sa ‘yo!”Hilam na sa luha ang mga mata ng batang lalaking humahabol sa itim na kotse. Pero hindi ito huminto at tuloy-tuloy lang ang takbo.“Mama! Hintayin mo ko! Sasama ako!” muling sigaw ng bata habang patuloy pa rin sa pagtakbo.Hanggang sa pagliko ng kotseng itim sa isang kurbada, tuluyan nang naiwan ang bata at hindi na nakahabol dahil sa pagkatapilok niya sa naka-usling bato.Umiiyak na sinundan na lang ng tingin ng bata ang papalayo nang sasakyan.Umiiyak pa rin na pinagmasdan ng bata ang sugat sa tuhod niya. Umagos ang dugo mula roon, na lalong nagpa-iyak sa kanya nang mapatakan ang sugat ng sarili niyang mga luha. Lalo pa siyang nai
Maaga gumising si Analyn. Alam niya sa sarili niya na hindi uuwi si Anthony kagabi kaya paniguradong magko-commute lang siya ngayong araw pagpasok sa kumpanya ng binata.Walang tao sa bus stop nang dumating si Analyn doon. Bigla tuloy siyang natakot para sa sarili. Pakiramdam niya, anumang oras ay susulpot doon si Jiro at sasaktan siya. Para tuloy gusto niyang magsisi na nagawa niyang galitin si Anthony. Napakalaking bagay din kapag nakasakay siya sa sasakyan ng binata. Nakatipid na siya sa pamasahe, meron pa siyang kapanatagan ng loob laban kay Jiro. Kaya dapat, hindi na niya gagalitin ulit si Anthony. Mabuti na lang at payapa siyang nakarating sa DLM.Nagtaka si Analyn nang sundan siya ni Michelle sa mesa niya.“Ang haggard mo,” sabi ni Michelle sa kaibigan, “may problema ba sa asawa mo? Maysakit siya, di ba
Sa isang seafood restaurant nagpa-reserve si Xian. Malapit rin ito ng dagat. Sa open air ang pinili ni Xian na puwesto nila, kaya naman ramdam ni Analyn ang malamig na simoy ng hangin at amoy niya ang natural na amoy ng dagat.“Natuwa ako sa design mo. Nakita ko na may elemento rin ng dagat doon,” nakangiting sabi ni Xian.“Mukhang may something sa iyo ang dagat, Sir Xian,” nakangiting komento ni Analyn.Nakangiting umiling si Xian, “wala akong hilig sa dagat.”Napamaang si Analyn. Nagkamali pala siya ng hula.“Si Cora lang.”Natigilan si Analyn. Mukhang hindi pa talaga nakaka-move on si Xian kay Cora.
“Have a seat, Ms. Employee,” yaya ng lalaking kasama ni Anthony sa kuwarto.Tiningnan muna ni Analyn si Anthony. Nang nakita niyang bahagya itong tumango sa kanya, tanda ng pagsang-ayon nito ay nagsimula na siyang naglakad patungo sa sofa na kinauupuan ng dalawa. Minabuti niyang maupo sa pang-isahang upuan.Nakaupo na si Analyn ay nakatingin pa rin sa kanya ang kasama ni Anthony.“Ako nga pala si Edward, Ms. Employee,” sabay abot nito ng kamay niya kay Analyn, “tutal mukhang walang balak ang boss mo na ipakilala ako sa ‘yo,” nakangiting sabi ni Edward.Napilitang abutin ni Analyn ang kamay ni Edward. Isa pa, kaibigan ito ng amo niya kaya kailangan niyang maging magalang dito.Nang magdaop ang mga kamay nila ay mabilis na sumulyap si Edward kay Antony, tila sinusubukan ang binata.“Oh? Baka pwede ko ng malaman ang pangalan mo, Ms. Employee. Nagpakilala na ako sa &ls
Hindi pa rin umuuwi si Anthony sa bahay niya. Subsob siya sa trabaho sa opisina. Ngayong hapon, may appointment siyang dinner sa may-ari ng Del Mundo Corp. Isinama niya si Vivian.Nang nasa loob na sila ng elevator, nagtaka si Vivian nang biglang pindutin ni Anthony ang 31st floor nang nasa ika-33rd floor na sila, sa halip na sa lower basement na una niyang pinindot.Nagkaroon ng hinala sa isip ni Vivian nang lumabas si Anthony ng elevator at naglakad patungo sa salaming pinto ng opisina ng Creatives, Inc.Sumilip si Anthony sa loob. Iyong mesa agad ni Analyn ang tinignan niya. Nakita nyang wala roon ang dalaga. Nagkataon naman na palabas na ng kuwarto si Michelle.“S-Sir Anthony? May kailangan po kayo?”Lumunok muna si Anthony bago nagsalita. Ayaw niya sanang hanapin si Analyn pero parang may nagsasabi sa kanya sa isip niya mapapalagay lang siya sa pupuntahan kung alam niya kung nasaan ang dalaga.“
“Magtatagal ka ba rito, Analyn? Dinner tayo,” yaya ni Jan sa dalaga.Sandaling nag-isip si Analyn. Parang gusto na niyang pagbigyan ang binata. Ilang araw na siyang kumakaing mag-isa sa bahay ni Anthony at nalulungkot siya. At least ngayon may kakuwentuhan siya at kasabay kakain.Sasagot na sana siya kay Jan nang biglang mag-ring ang telepono ni Analyn. Tiningnan ni Analyn ang screen, nakita niya ang isang hindi naka-rehistrong numero.“Sandali, Jan. Sasagutin ko lang ito.”Tumango lang si Jan. Naglakad na palabas si Analyn.“Hello?” agad na sabi niya pagkalabas niya ng pintuan.[“Miss Ferrer, hawak namin ang kapatid mo. Gusto mo bang mabuhay pa siya?”]Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Bigla siyang kinabahan. Muli niyang tiningnan ng screen ng telepono niya. Paano kaya nila nalaman ang numero niya?Muling ibinalik ni Analyn ang telepono sa tapat ng tenga
Matamis na ngumiti si Analyn sa lalaki.“Hi. Nandiyan ba si Mr. Sy? Dito ako pinapunta ng amo ko. Room 349, tama naman, di ba?” Kumindat pa si Analyn sa lalaki.Lumingon naman sa loob ng kuwarto ang lalaki.“Bosing Carlito, humingi ka ba ng babae kay Mr. Sy?”Bigla namang kinabahan si Analyn. Mabubulilyaso pa yata ang plano niya. Naisipan niyang alisin ang pangalawang butones ng pang-itaas niya kaya bahagyang lumitaw ang itaas na bahagi ng pisngi ng dibdib niya. Sakto namang muli siyang nilingon ng lalaki at sa dibdib niya ito napatingin.“Babae? Maganda ba?” sabi mula sa loob, malamang iyong Carlito na tinawag ng lalaking kausap ngayon ni Analyn.
“Boss Edward?” gulat na sabi ni Carlito sa taong nasa labas ng pintuan.Nanlaki naman ang mga mata ni Analyn. Hindi niya alam ang gagawin. Nakatingin sa kanya ngayon si Edward, ang lalaking ka-meeting ni Anthony nung nakaraang araw.Agad na nagbawi ng tingin si Analyn. Hindi niya alam kung ano ang tumatabo sa isip ngayon ng lalaki sa itsura ng make up niya ngayon at sa mapangahas niyang pagdadamit.Agad na tumayo si Carlito at sinalubong si Edward.“Boss Edward… ano’ng masamang hangin ang nagtaboy sa iyo sa kuwarto ko?” nakangiting sabi ni Carlito sa bagong dating.“May palabas ka raw rito, nasagap ko,” walang emosyon na sagot ni Edward.Humalakhak si Carli
“Ang mabuti pa, kumain ka na,” sabi ni Analyn sa ama. Inihanda na ni Analyn ang mesa para sa ama. Umupo na si Damian at nagsimula ng kumain. “Eh, ikaw?” “Mayamaya na ako, Papa. Hindi pa ako nagugutom.Hindi na sumagot pa si Damian. Alam niya ang nangyayari sa anak. “Lalabas lang ako, Papa. Magpapahangin lang. Ilagay mo na lang ang pinagkainan mo sa lababo. Huhugasan ko pagbalik.” Naglakad na si Analyn papunta sa pintuan ng tawagin siya ni Damian. “Analyn “ Huminto si Analyn at saka nilingon si Damian. Malungkot ang mukha ni Damian, nalulungkot siya para sa anak-anakan. “Ang mga taong tulad niya, mahirap silang hulaan. Ang maipapayo ko lang sa ‘yo, kung hindi talaga ubra, huwag mong ipilit para hindi ka masaktan.”Nasaling ng mga salitang iyon ang damdamin ni Analyn. Agad siyang nagbaling ng tingin para iwasan ang tingin ng ama. Nagbabanta na kasi ang pagbagsak ng mga luha niya at ayaw niyang makita ng ama ang pag-iyak niya. “Okay,” sagot niya habang nakaiwas ang tingin sa ama
Kalahating oras pa ang hihintayin bago malaman ang resulta ng bidding. Nagdesisyon si Analyn na umalis na sa lugar at huwag ng hintayin ang anunsyo. Tapos naman na ang papel niya roon. Nagawa na niya ang dapat niyang gawin. Nasa biyahe pa si Analyn ng tumawag ang sekretarya ni Edward. [“Miss Analyn, maraming salamat sa tulong mo. Nakuha ni Sir Edward ang project.”]Malakas ang kutob ni Analyn na mananalo ang proposal ni Edward. Bakit nga hindi? Si Anthony lang naman ang gumawa nun! “Ganun ba?” [“Pinapasabi ni boss Edward na gusto ka raw niya i-treat sa isang dinner pagkalabas niya ng ospital.”]“No need. Pakisabi na lang sa kanya na okay na. Quits na kamo kami.”[“Miss Analyn?”]Bakas ang pagkagulat at pagtataka sa boses ng kausap ni Analyn.“Pakisabi na rin sa kanya na kung sakaling magkikita kami ulit, magpanggap na lang siya na hindi kami magkakilala. Maraming salamat kamo sa lahat ng naitulong niya sa akin.”Hindi na hinintay ni Analyn na sumagot ang kausap at pinatayan na it
“Umm. Konti pa lang ang nakain mo, ah?”Ibinaba ni Analyn ang tasa sa mesa pagkaraan niyang ubusin ang laman na kape nun.“Hindi ako makakain masyado, kinakabahan ako. Okay na muna itong kape.”Tumayo na si Analyn kaya ganun din ang ginawa ni Anthony. Kahit hindi siya kumakain ng almusal, pinilit niyang kumain kahit konti para samahang kumain ang babae. Naglakad na si Analyn palabas ng dining room, kasunod si Anthony. Dinampot ni Analyn ang bag niya at ang bag na naglalaman ng mga papeles at dokumento. “Check mong mabuti ang mga dala mo, baka makalimutan kang dalhin,” paalala ni Anthony.Ganun nga ang ginawa ni Analyn.“I told you, ihahatid na kita.”Huminto si Analyn sa pagbusisi sa mga papeles at saka nakangiting tiningnan si Anthony.“I told you, si Karl na lang.”Ipinamulsa ni Anthony ang mga kamay at saka tumango. Ngayong araw na ang bidding ni Edward, pero sa kasamaang palad hindi ito makakapunta dahil bigla itong nagkasakit at nasa ospital. Dahil si Analyn ang gumawa ng pro
Nakalabas na si Damian sa ospital at iniuwi sa bahay na nahanap ni Vhance. Paminsan-minsan ay dumadalaw roon si Anthony. “Okay na ko. Akala ko ba sabi mo ako lang ang hinihintay para matuloy ang kasal n'yo sa simbahan?” Napahinto si Analyn sa ginagawa. Hindi niya akalain na maaalala ng Papa niya iyon. Muling itinuloy ni Analyn ang ginagawa at saka sinagot ang ama-amahan. “Kailangan pa ba ‘yun eh iang buwan na kaming kasal ni Anthony? Formality na lang naman ang ganun. Okay na kami ni Anthony.” Napamaang si Damian sa sagot ni Analyn. “Anak, minsan lang ikakasal ang isang babae sa simbahan ng naka-trahe de boda. Bakit mo naman ipagkakait sa sarili mo ‘yun?” Napakamot sa ulo niya si Analyn. “Eh, okay na ako, Papa. As long as kasal kami ni Anthony, okay na.”Matamang tinitigan ni Damian ang anak-anakan. “Iyong totoo, Analyn. May hidden agenda ba iyang kasal n’yo?”Muntik ng mabitiwan ni Analyn ang hawak niyang baso na pinupunasan. “‘Pa naman… ano’ng hidden agenda? Walang ganun…”
Hapon na ng magising si Analyn. Kumakalam na kasi ang sikmura niya. Kailan pa ba kasi ang huling kain niya?Tiningnan niya ang katabing espasyo sa kama. Wala roon si Anthony. “Awake?”Nilingon ni Analyn ang pinanggalingan ng boses. Nakaupo si Anthony sa pang-isahang sofa sa may paanan ng kama habang nasa hita niya ang nakabukas na laptop..Pupungas-pungas na bumangon si Analyn. “Nagtatrabaho ka na?” “Malamang. Baka hiwalayan mo ako kapag naghirap na ko.” Umirap si Analyn sa hangin, kasi somehow, kinilig siya sa sinabi na iyon ni Anthony pero ayaw niyang ipahalata sa lalaki. “Get ready. Maligo ka na, tapos kain na tayo bago pumunta ng ospital.”“Sige.”Akmang bababa na ng kama si Analyn ng bigla siyang natigilan. Inulit niya sa isip niya ang sinabi ni Anthony.“Ano’ng sabi mo?” Kagabi pa niya gustong sabihin kay Anthony na samahan siya sa pagpunta sa ospital pero nahihiya siya. Ayaw niyang iobliga ang lalaki dahil hindi naman kasama sa kasunduan nila iyon. Ang hiningi lang niya r
Papasikat na ang araw ng tinigilan ni Anthony si Analyn. Hindi napigilan ni Anthony ang mapangiti habang matamang nakatitig sa magandang mukha ni Analyn. Ngayon lang naging ganito kaganda ang umaga niya.“Good morning…” pagbati ni Anthony.Inirapan ni Analyn si Anthony.“At nagawa mo pang mag-good morning talaga?” Lalong lumapad ang ngiti ni Anthony. “Eh, sa good ang morning ko, eh! Sa sobrang good ng morning ko, gusto ko pa ngang humirit, eh!” Itinulak ni Analyn si Anthony, pero nanlalambot na siya kaya hindi man lang natinag ang lalaki sa malamyang pagtulak niya. Kumpara sa lalaki na para bang lalo pang na-energize pagkatapos ng ilang rounds nila. “Ano’ng humirit ka diyan? Pagod na ko.”Bahagyang natawa si Anthony. Bumaba na ito ng kama pero binuhat niya si Analyn at saka sila pumasok sa loob ng banyo. Naupo si Anthony sa gilid ng bathtub habang nasa kandungan niya si Analyn. Inabot niya ang gripo para dumaloy ang tubig. Mayamaya, tinimpla na niya ang temperatura ng tubig at sak
Pagpasok ni Analyn sa kuwarto nila ni Anthony, ang unang tumambad sa kanya ay ang magulong higaan. Pero naalala pa niya na inayos muna niya ang kama bago siya umalis kahit na nagmamadali pa siya. Inayos niya ang kama, pinalitan ng bed sheet at ang mga punda. Paano ay amoy usok ng sigarilyo ang mga iyon. Nang natapos na siya, saka niya napansin na bukas ang pintuan ng balcony. Naglakad siya patungo roon. Nang tuluyan niyang buksan ang pintuan, ang sumalubong sa kanya ay ang masakit sa ilong na amoy ng usok ng sigarilyo.“Grabe! Ilang tao ba ang nanigarilyo rito?” tanong ni Analyn sa sarili niya. Inilibot niya ang mga mata, doon niya nakita ang ashtray sa ibabaw ng center table. Punong-puno iyon ng upos ng sigarilyo, at meron ding kalahati lang ang nakonsumo pero itinapon na. Halos hindi na sila magkasya sa ashtray. Sininop ni Analyn iyon at nag-spray ng room spray para mawala ang amoy ng sigarilyo. Nakapagligpit na siya at lahat pero hindi pa rin dumating si Anthony. Napakatahimik
“Papa, sasagutin ko lang ito.” “Sige lang, anak.” Dinampot ni Analyn ang telepono at saka lumayo. “Hello.”[“Ano ‘yun?’] Hindi alam ni Analyn kung paano sisimulang sabihin kay Anthony ang nasa isip niya. Isa pa, halata ang pagod sa boses nito. Baka kakatapos lang ng meeting nito, at hindi niya alam kung good mood ba ito o bad mood pagkatapos ng sunod-sunod na meeting niya. “Hihintayin na lang kita sa bahay. Pwede ka bang umuwi mamaya? Kahit mga 10pm na.”Hindi agad sumagot si Anthony. Tahimik ding naghintay sa sagot niya si Analyn. [“Sige.”]“Okay. See you later.”Pagkakain ng hapunan, nagpaalam si Analyn sa ama. Sinabi niyang kailangan niya munang umuwi sa bahay at babalik na lang kinabukasan. Agad namang sumang-ayon si Damian. Maaga pa para umuwi sa bahay ni Anthony. Naglakad-lakad muna si Analyn habang nag-iisip, hindi niya alam kung saan pupunta. Hanggang sa napagpasyahan niyang sa casino na pagmamay-ari ni Raymond tumuloy. “May problema ba?” agad na tanong ni Raymond pagk
Napalunok si Analyn. “Ano… nagkataong nasa business trip siya. Ilang araw din siyang mawawala. Hayaan mo, pagbalik niya, ipapakilala ko siya agad sa ‘yo.” Nagdududa si Analyn kung kaya ba niyang gawin iyon. Siguro, kailangan na naman niyang makipag-deal kay Anthony kahit ngayon lang ulit. Pero hindi agad binili ni Damian ang katwiran ni Analyn. “Ano’ng klaseng tao ang asawa mo, anak?” Nag-panic ang isip ni Analyn, hindi niya alam kung paano ide-describe si Anthony sa ama. “Huwag kang mag-alala, Papa. Mabuti siyang tao at mabait siya sa akin.”“Magkuwento ka pa ng tungkol sa kanya.”Lagot! Ano ba’ng kasinungalingan ang sasabihin ko? “Mukhang galing sa isang mabuting pamilya ang napangasawa mo. Ikinasal ba kayo sa simbahan?” Umiling si Analyn, “hindi pa. Ang sabi ng lolo niya ay hintayin ka raw muna naming magising at saka iaayos ang church wedding. Gustong-gusto ka na ngang makausap ng lolo niya.” This time, totoo naman ang sinabi ni Analyn. Tumango-tango si Damian. “Ba