Share

77 - SAVING JIRO

Penulis: Cristine Jade
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-16 10:00:16

“Magtatagal ka ba rito, Analyn? Dinner tayo,” yaya ni Jan sa dalaga.

Sandaling nag-isip si Analyn. Parang gusto na niyang pagbigyan ang binata. Ilang araw na siyang kumakaing mag-isa sa bahay ni Anthony at nalulungkot siya. At least ngayon may kakuwentuhan siya at kasabay kakain. 

Sasagot na sana siya kay Jan nang biglang mag-ring ang telepono ni Analyn. Tiningnan ni Analyn ang screen, nakita niya ang isang hindi naka-rehistrong numero. 

“Sandali, Jan. Sasagutin ko lang ito.”

Tumango lang si Jan. Naglakad na palabas si Analyn. 

“Hello?” agad na sabi niya pagkalabas niya ng pintuan.

[“Miss Ferrer, hawak namin ang kapatid mo. Gusto mo bang mabuhay pa siya?”]

Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Bigla siyang kinabahan. Muli niyang tiningnan ng screen ng telepono niya. Paano kaya nila nalaman ang numero niya?

Muling ibinalik ni Analyn ang telepono sa tapat ng tenga

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Pres DK
hays kaloka ka Analyn
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • I SECRETLY WED the BOSS   78 - PLANO

    Matamis na ngumiti si Analyn sa lalaki.“Hi. Nandiyan ba si Mr. Sy? Dito ako pinapunta ng amo ko. Room 349, tama naman, di ba?” Kumindat pa si Analyn sa lalaki.Lumingon naman sa loob ng kuwarto ang lalaki.“Bosing Carlito, humingi ka ba ng babae kay Mr. Sy?”Bigla namang kinabahan si Analyn. Mabubulilyaso pa yata ang plano niya. Naisipan niyang alisin ang pangalawang butones ng pang-itaas niya kaya bahagyang lumitaw ang itaas na bahagi ng pisngi ng dibdib niya. Sakto namang muli siyang nilingon ng lalaki at sa dibdib niya ito napatingin.“Babae? Maganda ba?” sabi mula sa loob, malamang iyong Carlito na tinawag ng lalaking kausap ngayon ni Analyn.

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-16
  • I SECRETLY WED the BOSS   79 - MAY PROBLEMA

    “Boss Edward?” gulat na sabi ni Carlito sa taong nasa labas ng pintuan.Nanlaki naman ang mga mata ni Analyn. Hindi niya alam ang gagawin. Nakatingin sa kanya ngayon si Edward, ang lalaking ka-meeting ni Anthony nung nakaraang araw.Agad na nagbawi ng tingin si Analyn. Hindi niya alam kung ano ang tumatabo sa isip ngayon ng lalaki sa itsura ng make up niya ngayon at sa mapangahas niyang pagdadamit.Agad na tumayo si Carlito at sinalubong si Edward.“Boss Edward… ano’ng masamang hangin ang nagtaboy sa iyo sa kuwarto ko?” nakangiting sabi ni Carlito sa bagong dating.“May palabas ka raw rito, nasagap ko,” walang emosyon na sagot ni Edward.Humalakhak si Carli

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-17
  • I SECRETLY WED the BOSS    80 - PANLOLOKO

    Hindi pa nakaka-move on si Analyn dahil sa nalamang kay Edward ang casino na kinaroroonan niya ngayon nang tabihan uli siya ni Carlito sa sofa.Inakbayan siya ng lalaki, habang ang isang kamay ay dumampot ng stick ng sigarilyo mula sa mesa. Agad namang dinampot ni Analyn ang lighter na naroroon din sa ibabaw ng mesa sa kabila ng kabang nadarama niya. Sinindihan niya ang sigarilyong nasa mga labi ni Carlito, na ikinatuwa naman ng huli.“Michelle, eh kung sumama ka kaya mamaya sa bahay ko? Ang dami kasing istorbo rito. Doon, walang iistorbo sa atin,” nakangising sabi ni Carlito. Inilapit pa nito ang mukha niya sa mukha ni Analyn na parang gustong halikan ang dalaga.Nagkunwari naman si Analyn na nahulog ang lighter para magkaroon siya ng dahilan na yumuko at para hindi mahalikan ni Carlito.&nbs

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-17
  • I SECRETLY WED the BOSS    81 - TAKOT

    Muling ngumisi si Carlito habang nakatingin sa kutsilyo niya na may bahid ng dugo ni Analyn. Mukhang natutuwa siya sa dugong nakikita. Habang si Analyn ay putlang-putla na ang mukha sa takot na nararamdaman.Balak sanang ulitin uli ni Carlito ang ginawa niya sa mukha ng dalaga nang biglang may ingay siyang narinig sa pintuan kaya napalingon siya roon.“De– De la Merced?”Nakatayo lang si Anthony sa tapat ng pintuan. Matiim siyang nakatingin kay Carlito. Napansin niya ang dalawang tao na nasa tapat ni Carlito kaya lumipat ang tingin niya sa mga iyon. Doon niya nakita ang hindi okay na itsura ni Analyn at may dugong bahagyang umaagos mula sa pisngi nito.Agad na nagdilim ang awra ng mukha ni Anthony. Lumipat muli ang tingin niya kay Carlito. Agad namang n

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-17
  • I SECRETLY WED the BOSS   82 - HULI PERO HINDI KULONG ULIT

    Nagmamadaling tinapos na ni Anthony ang paliligo para mapuntahan na niya si Analyn sa kuwarto ng dalaga. Hindi pa nawawala ang anestisya sa katawan ng dalaga kaya hindi pa ito nagigising.Tahimik na pumasok si Anthony sa kuwarto ng dalaga. Lumapit siya sa kama nito at saka matamang pinagmasdan ang mukha nito. Maputla pa rin ang mga labi niya, at natatakpan pa ng gasa ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Napakapayapa nitong pagmasdan. Sinamantala ni Anthony na pagmasdan ang dalaga habang hindi pa ito nagigising.Nang biglang tumunog ang telepono ni Anthony na nasa bulsa ng pantalon niya. Bago pa magising si Analyn sa ingay ng telepono niya ay minabuti ni Anthony na lumabas na muna ng kuwarto ng dalaga.NANG nagdilat ng mga mata si Analyn, isang nag-aalalang Manang Edna

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-18
  • I SECRETLY WED the BOSS   83 - ASAWA KO

    “Hi, Analyn! Laki ng damage nung kuwarto ko nang dahil dito kay Ton kaya ako naparito.”Nakagat ni Analyn ang ibabang labi. Alam naman niyang siya ang dahilan ng pagkasira ng property ni Edward at hindi si Anthony. Iniligtas lang siya ng amo. Tumayo si Edward at saka lumapit kay Analyn. Sinipat nito ang mukha ng dalaga kung alin ang may gasa dahil sa sugat niya.“Masakit pa ba?”Nailang naman si Analyn sa pagsipat ni Edward sa pisngi niya kaya nag-iwas siya ng tingin sa lalaki. Hindi naman sinasadyang kay Anthony siya napatingin. Saktong nakatingin din pala sa kanya ang lalaki kaya nagbaba siya ng tingin. Nahihiya siya kay Anthony.Nahalata ni Edward ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya minabuti niyang magpaalam na para umalis.“Aalis na muna ako. Aasikasuhin ko muna ang kapatid mo,” sabi ni Edward kay Analyn.“Ako na ang humihingi ng pasensiya para sa kapatid ko. Pasaway kasi talaga ‘yun.”Tinapik ni Edward ang braso ni Analyn.“Don’t worry. Ako’ng bahala sa kapatid mo. Ibabalik ko

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-18
  • I SECRETLY WED the BOSS   84 - REWARD

    Isang linggo na mula nang nangyari ang insidente ni Analyn. Nagpunta siya sa ospital para up at harinawa ay tuluyan nang alisin ang gasa sa kanyang mukha.“Ano’magpa-checkng itsura ng mukha ko, dok? Nagpeklat ba?”“ peklat. Siyempre, nagurlisan ang balat mo. Imposible na walang mangyayaring pagmamarka sa balat. Pero mababaw lang naman kasi, kaya mawawala rin ang peklat sa katagalan. Huwag mo lang kalimutang i-apply iyong gamot na irereseta ko sa ‘yo para nang maging mawala ang marka.”Ngumiti si Analyn sa narinig pero hindi pa rin mawala ang kaba niya. Habang nagsusulat ng reseta ang doktor, tila may naalala itong bigla na itanong sa kanya.“Iyong nagdala rito s iyo nung nakaraan asawa mo ‘yun?”Natigilan si Analyn. Nakilala ba niya si Anthony? Kapag nagkataon, baka magalit na naman si Anthony sa akin.Isa sa mga napagkasunduan nila ni Anthony na walang dapat makaalam ng kasal nila kung hindi silang dalawa lang.

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-19
  • I SECRETLY WED the BOSS   85 - TRYING TO SEDUCE HIM

    Kinabukasan, maaga uli umuwi si Anthony. Nagulat na lang si Analyn nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto niya at mabungaran niya si Anthony sa labas nito.“Ano’ng ginagawa mo?”Umiling si Analyn. “Wala. Tinitingnan ang mukha ko kanina, parang hindi ko pa kayang pumasok bukas kasi halata pa ang–”“Magbihis ka ng maganda, sumama ka sa akin ngayon,” putol ni Anthony sa sasabihin pa ni Analyn.“Saan? Ano’ng gusto mong isuot ko?”“Dress. Somewhat formal.”“Pero ang pangit pa ng mukha ko.”“Okay na ‘yan. Be ready in fifteen minutes.” Pagkasabi nun ay tinalikuran na ni Anthony ang dalaga at saka naglakad papunta sa kuwarto niya.“Fifteen minutes?”Narinig iyon ni Anthony at saka huminto sa paglalakad.“Ayaw mo? Kung ayaw mo okay lang,” sabi ni Anthony na hindi na humarap o lumin

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-20

Bab terbaru

  • I SECRETLY WED the BOSS   243 - PARA KANINO ANG MGA DAMIT

    Nang nagising si Brittany, may malamig na bagay sa noo niya. May naamoy din siyang mabango na tila may bagong lutong pagkain. Pinilit niyang bumangon, at saka niya nakita ang isang mangkok na may lamang sabaw, isang basong tubig at mga gamot sa tabi nito. Bigla niyang naalala na nasa bahay nga pala siya ni Anthony. Napaisip tuloy siyang bigla kung kama ba ni Anthony itong hinigaan niya. Nakaramdam tuloy siya ng saya sa isiping iyon. Inilibot niya ang tingin para hanapin ang lalaki. Nakita niya na nasa veranda ito at may kausap sa telepono. Base sa anggulong nakikita ni Brittany, seryoso ang mukha ng lalaki. Napaisip si Brittany kung sino kaya ang posibleng kausap ni Anthony. Ginagawan na kaya niya ng paraan ang pagsalba sa Business Inquirer?Dahan-dahang bumaba ng kama si Brittany at saka maingat na nilapitan ang kinaroroonan ng lalaki.“Anthony, napag-isipan mo na ba?” tanong agad ni Brittany ng nakita niyang tinapos na ng lalaki ang tawag nito sa telepono niya. Napapikit si Antho

  • I SECRETLY WED the BOSS   242 - WAITING

    Hindi pa rin tumitigil ang ulan, at nakatayo pa rin si Brittany sa ulanan. Nilalamig na siya at nakakaramdam na ng gutom. Hindi niya alam kung may bagyo ba ngayong araw. Nagtatrabaho siya sa isang publication company pero ni hindi niya nabalitaan man lang kung may bagyo o paparating. Masyado kasi siyang naka-pokus kay Anthony.Pero kabaligtaran niya ang lalaki. Dahil si Anthony, kay Analyn lang naka-pokus. Sana, kahit konting oras man lang sana ay mabigyan siya ng atensyon ng lalaking matagal ng minamahal. Sana…Hindi na alam ni Analyn kung gaano na siyang katagal nakatayo roon. Pakiramdam niya ay nanlalambot na siya. Wala naman kasing pwedeng maupuan sa harap ng bahay na ito ni Anthony. Nang sa tingin niya ay tatakasan na siya ng ulirat, saka may biglang dumating na sasakyan. Tinamaan pa ng ilaw nun sa mukha niya si Brittany. Agad na nagkaroon ng pag-asa ang babae, kahit na hindi pa siya sigurado na si Anthony na ang dumating. Parang biglang nawala lahat ng masama niyang nararamda

  • I SECRETLY WED the BOSS   241 - ANTHONY'S GIFT

    Nasa 25th floor ang opisina ng Blank. Inokupa nila ang buong palapag. Binayaran na ni Elle ang pang-isang taong upa sa buong palapag. Kaya kailangang kumita sila agad para mabawi na agad nila ang ibinayad sa renta.Maraming bisita ang nagpunta sa opening. Mga dating nakikilala ni Analyn sa Creatives, Inc. Mga dating naging kliyente at mga nakasalamuha sa pagdidisenyo. Humahalimuyak ang buong palapag sa dami ng mga ipinadalang bulaklak ng mga kakilala nila Analyn at Elle. Hindi rin nahihinto si Michelle sa pagre-register ng mga dumarating na mga bisita. At siyempre, hindi pwedeng wala roon ang Papa ni Analyn. Gusto ng babae na masaksihan ng Papa niya ang importanteng bagay na ito sa buhay niya.Hindi makakarating si Anthony. Pero para kay Analyn, okay na rin iyon. Ayaw niyang isipin ng mga tao na puppet lang siya ni Anthony sa maliit na negosyo na ito. Gusto niyang matanim sa isip ng mga tao na pinagpaguran niya ang kung anong meron siya ngayon.Hindi na nagulat si Analyn ng dumating

  • I SECRETLY WED the BOSS   240 - HOT BATH

    Masasabi ni Analyn na napakalaking bagay na galing siya sa Creatives, Inc.. Idagdag pa na nakuha niya ang pinakamataaas na award sa taunang pa-contest ng Philippine Designer’s Association. Naging madali para sa kanya ang pag-aayos ng bubuksan na design company. Idagdag pa nagkaroon siya ng mga koneksyon sa gobyerno magmula noong naupo siyang department head ng Design department at nanalo siya sa maraming design projects. Pinangalanan nila ang maliit na kumpanya nila ni Elle ng Blank. Ibig sabihin ay blanko, nagsimula sa wala. Naisipan ni Analyn na tawagan si Michelle at alukin ng trabaho sa kumpanya nila ni Elle. Matagal na rin naman ang babae sa ganoong industriya at mapagkakatiwalaan ito, kaya alam ni Analyn na magiging malaking tulong sa kanya ang kaibigan. [“Of course, I’m willing to help!”]“Pero hindi pa namin kayang ibigay ang sahod at benefits na kinikita mo sa Creatives.” [“Alam ko. Pero iba kasi kapag ikaw ang ka-trabaho.”]“Wala pang maipagmamalaki ang Blank.”[“So what

  • I SECRETLY WED the BOSS   239 - SA ISANG KUNDISYON

    Nasa loob ng kotse sila Anthony at Analyn. Doon nila itinuloy ng paghahalikan kanina sa daan galing sa shop ni Hans. Nahihiya raw kasi si Analyn sa maaaring makakita sa kanila roon. Pero hindi lang basta halik ang ginagawa sa kanya ni Anthony doon. Nakatanggal ang ilang butones ng blusa ni Analyn, habang ang isang kamay ni Anthony ay nasa loob ng bra ni Analyn, sakop ang isang dibdib niya. “Anthony… kiss lang ang sabi mo…” kunwari ay pagrereklamo ni Analyn, “bakit may pagdukot ka pa diyan…”Nag-angat ng mukha niya si Anthony mula sa paghalik sa leeg ni Analyn, pero hindi niya inalis ang kamay niya sa dibdib ng asawa. Sa halip ay minasahe pa niya itong maigi, tinutukso ito. “My bad… ako nga pala ang natalo sa laro. Sorry… ano’ng gusto mong hilingin bilang premyo mo?” May naisip na kanina pa si Analyn, pero hindi niya agad nasabi kay Anthony dahil sa panghaharot nito sa kanya. “Tinatanong mo kanina kung bakit nasa bahay si Elle, di ba?” Sa halip na sagutin ang tanong ni Analyn, mu

  • I SECRETLY WED the BOSS   238 - I SAW WHAT YOU DID

    Sa unang dalawang laro, tinuruan muna ni Anthony si Analyn. Sa ikatlong round, nagsimula na ang totoong laro. “Best of three? Best of five?” tanong ni Anthony. “Three lang!” “Wow, confident…”Tumawa lang si Analyn. Sa una at pangalawang round, nanalo si Anthony. “One more win at talo ka na. Makukuha ko na ang reward ko,” nakangiting sabi ni Anthony habang binabalasa ang mga baraha. “Dinaya mo ba ako?” tanong ni Analyn. “Excuse me? Bakit ko naman gagawin ‘yun? Kahit kailan hindi ako nandadaya sa mga kalaro ko.”“Hmp!”“Natatakot ka bang matalo kita? Magaling lang talaga ako.”“Natatakot lang ako sa reward na nasa isip mo.” Inirapan pa ni Analyn ang lalaki. “Kaya humanda ka ng matalo sa third round,” bigay babala ni Anthony.Tumaas ang isang kilay ni Analyn. “Hindi ka sure…”“Game,” sa halip ay sagot ni Anthony sabay ipinamahagi na sa kanilang dalawa ang mga baraha. Sinamang-palad na matalo si Anthony sa pangatlong round. “Haha! I told you… hindi ka sure…” malakas ang tawa na

  • I SECRETLY WED the BOSS   237 - MOVED ON

    “Anthony, tapos na ba kayo?” Biglang tumuwid ng tayo si Anthony at saka humiwalay kay Analyn. Naglakad ito papunta sa kurtinang nagsisilbing tabing ng kuwarto. Nakatayo roon ang matandang sumalubong sa kanila kanina. “Maraming salamat sa pagpapagamit ng lugar at mga tools, Uncle Hans.”Iwinasiwas ng matanda ang kamay niya, na parang sinasabi nito na ‘walang anuman’. Saka lang niya napansin si Analyn. Itinuro niya ang babae. “Kaano-ano mo ang magandang babaeng ito?”Biglang nakaramdam ng hiya si Analyn. Napaatras siya, alam niya na ang isasagot ni Anthony kahit hindi pa niya naririnig. Paano siya ide-deny ni Anthony? Ano’ng sasabihin nito? Na kaibigan lang siya? Girlfriend? Malabo ‘yun. Pero biglang hinawakan ni Anthony ang kamay niya at saka siya hinila palapit sa kanya. “I am married, Uncle Hans. And this is my wife.”Napamaang si Analyn. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Anthony kaya napatingala siya sa lalaki. “Talaga ba? Nagpakasal ka na?” masayang tanong ni Hans, pagkat

  • I SECRETLY WED the BOSS   236 - TATTOO ON MY SKIN

    Pinaningkitan ni Anthony ng mga mata si Analyn. Takot na umiling si Analyn at saka muling humakbang paatras. “Ayoko, Anthony. Hindi ako papasok diyan, uuwi na ko.”“Analyn, huwag kang makulit.” Pagkasabi nun ni Anthony ay inisang hakbang niya si Analyn at saka sinaklit ang babae sa beywang at saka walang hirap na binuhat paalis doon. Karga-karga ni Anthony si Analyn habang naglalakad sa pinaka loob ng shop.“Anthony! Ibaba mo ako! Ayoko! Ayokong magpa-tattoo!”Pagdating sa isang kuwarto, agad na isinara ni Anthony ang pintuan nun at saka mahinang ibinalibag si Analyn sa kama. Pinilit bumangon ni Analyn pero hinawakan agad ni Anthony ang braso ni Analyn at saka itinali iyon sa kama.“Anthony? Ano’ng ginagawa mo?!” Hindi sumagot si Anthony hanggang sa maitali niya pa ang isa pang kamay ni Analyn at ang dalawa pang binti nito. “Anthony!” Pero hindi pa rin siya pinansin ng lalaki, sa halip ay hinila nito ang kurtina roon kaya dumilim sa loob ng kuwarto. “Anthony… maawa ka, please…” k

  • I SECRETLY WED the BOSS   235 - DAHIL KAY AILYN

    Pagpasok sa loob ng bahay, tulala si Analyn. Nakatunghay si Anthony sa laptop niya ng napansin niya ang naglalakad na asawa. Ng nakita niya ang itsura nito, napahinto siya sa binabasa at saka tumayo, hinarang si Analyn. “Okay ka lang ba?” tanong niya sa babae. Sinalat pa nito ang noo nito. Pinilit ni Analyn ngumiti at saka ipinakita kay Anthony ang hawak na telepono. “Wala lang ‘to. May nabasa lang kasi akong balita na hinuli raw si Kaye kahapon dahil nagda-drugs daw siya.”Pansin ni Analyn na tila dumilim ang mukha ni Anthony, pero agad ding umaliwalas ang mukha nito. “Alam mo namang matindi ang kampanya ng Tierra Nueva tungkol sa droga. Kung talagang gumagamit siya ng droga, malamang na makukulong talaga siya,” sabi pa ni Anthony. “Pero hindi ba parang napala-coincidence?” tanong ni Analyn.Nahulaan ni Anthony ang ibig sabihin ng tanong ni Analyn. “It’s not me.” Agad namang na-guilty si Analyn, pilit niyang binabale-wala ang nasa isip niya kanina pa. “Sorry…” sabi niya at saka

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status