Inisip ni Analyn na baka sa kamag-anak o kaibigan ni Anthony ang mga iyon at pilit iwinaglit sa isip niya ang hinalang nabuo sa isip.
Pero ang mas nakapagpalukot sa mukha ni Analyn ay ang mga lumang larawan na kasama ng mga laruan dun. Nasa pinaka-ilalim iyon ng kahon, at natatambakan nung mga laruan. Tila sinadyang ipailalim ang mga iyon doon para hindi mapansin at itago.
Kinuha ni Analyn ang mga lumang larawan at saka isa-isang tiningnan ang mga iyon. Ang unang larawan ay larawan ng medyo bata pang lolo ni Anthony, at may katabi siyang dalawang bata. Ang isa ay isang nakangiting batang lalaki, at may kahawak-kamay na batang babae. At base sa background ng larawan, kuha ito sa harap ng mansyon,
Namilog ang mga mata ni Analyn. Kamukhang-kamukha niya ang batang babae. Pakiramdam niya ngayon ay tinit
Habang nasa biyahe pauwi si Analyn, hindi maalis sa isip niya ang batang babaeng kasama ni Anthony at Greg sa picture. Marami siyang mga katanungan sa isip niya.So iyon pala iyong Ailyn. Iyong minsang nabanggit ni Sir Anthony na kababata niya na bigla daw nawala. Hindi ko naman kayang itanong kung paanong nawala at bakit? Pribadong buhay niya iyon at hindi ko mapangahasang magtanong. Pero bakit kamukhang-kamukha ko iyong bata? Pwede na ngang mapagkamalang ako ang batang iyon. Pero imposible namang ako iyon dahil ngayon lang niya nakilala ang mag-lolo na Anthony at Greg.Nang umalis si Analyn sa bahay ni Greg ay madilim ang langit. At eto nga, habang nasa biyahe siya at biglang bumuhos na ang malakas na ulan.Hindi napahinto ng malalaking patak ng ulan sa salamin ng bintana ang mga iniisip ni An
“Mama! Mama! Huwag mo akong iwan, Mama! Sasama ako sa ‘yo!”Hilam na sa luha ang mga mata ng batang lalaking humahabol sa itim na kotse. Pero hindi ito huminto at tuloy-tuloy lang ang takbo.“Mama! Hintayin mo ko! Sasama ako!” muling sigaw ng bata habang patuloy pa rin sa pagtakbo.Hanggang sa pagliko ng kotseng itim sa isang kurbada, tuluyan nang naiwan ang bata at hindi na nakahabol dahil sa pagkatapilok niya sa naka-usling bato.Umiiyak na sinundan na lang ng tingin ng bata ang papalayo nang sasakyan.Umiiyak pa rin na pinagmasdan ng bata ang sugat sa tuhod niya. Umagos ang dugo mula roon, na lalong nagpa-iyak sa kanya nang mapatakan ang sugat ng sarili niyang mga luha. Lalo pa siyang nai
Maaga gumising si Analyn. Alam niya sa sarili niya na hindi uuwi si Anthony kagabi kaya paniguradong magko-commute lang siya ngayong araw pagpasok sa kumpanya ng binata.Walang tao sa bus stop nang dumating si Analyn doon. Bigla tuloy siyang natakot para sa sarili. Pakiramdam niya, anumang oras ay susulpot doon si Jiro at sasaktan siya. Para tuloy gusto niyang magsisi na nagawa niyang galitin si Anthony. Napakalaking bagay din kapag nakasakay siya sa sasakyan ng binata. Nakatipid na siya sa pamasahe, meron pa siyang kapanatagan ng loob laban kay Jiro. Kaya dapat, hindi na niya gagalitin ulit si Anthony. Mabuti na lang at payapa siyang nakarating sa DLM.Nagtaka si Analyn nang sundan siya ni Michelle sa mesa niya.“Ang haggard mo,” sabi ni Michelle sa kaibigan, “may problema ba sa asawa mo? Maysakit siya, di ba
Sa isang seafood restaurant nagpa-reserve si Xian. Malapit rin ito ng dagat. Sa open air ang pinili ni Xian na puwesto nila, kaya naman ramdam ni Analyn ang malamig na simoy ng hangin at amoy niya ang natural na amoy ng dagat.“Natuwa ako sa design mo. Nakita ko na may elemento rin ng dagat doon,” nakangiting sabi ni Xian.“Mukhang may something sa iyo ang dagat, Sir Xian,” nakangiting komento ni Analyn.Nakangiting umiling si Xian, “wala akong hilig sa dagat.”Napamaang si Analyn. Nagkamali pala siya ng hula.“Si Cora lang.”Natigilan si Analyn. Mukhang hindi pa talaga nakaka-move on si Xian kay Cora.
“Have a seat, Ms. Employee,” yaya ng lalaking kasama ni Anthony sa kuwarto.Tiningnan muna ni Analyn si Anthony. Nang nakita niyang bahagya itong tumango sa kanya, tanda ng pagsang-ayon nito ay nagsimula na siyang naglakad patungo sa sofa na kinauupuan ng dalawa. Minabuti niyang maupo sa pang-isahang upuan.Nakaupo na si Analyn ay nakatingin pa rin sa kanya ang kasama ni Anthony.“Ako nga pala si Edward, Ms. Employee,” sabay abot nito ng kamay niya kay Analyn, “tutal mukhang walang balak ang boss mo na ipakilala ako sa ‘yo,” nakangiting sabi ni Edward.Napilitang abutin ni Analyn ang kamay ni Edward. Isa pa, kaibigan ito ng amo niya kaya kailangan niyang maging magalang dito.Nang magdaop ang mga kamay nila ay mabilis na sumulyap si Edward kay Antony, tila sinusubukan ang binata.“Oh? Baka pwede ko ng malaman ang pangalan mo, Ms. Employee. Nagpakilala na ako sa &ls
Hindi pa rin umuuwi si Anthony sa bahay niya. Subsob siya sa trabaho sa opisina. Ngayong hapon, may appointment siyang dinner sa may-ari ng Del Mundo Corp. Isinama niya si Vivian.Nang nasa loob na sila ng elevator, nagtaka si Vivian nang biglang pindutin ni Anthony ang 31st floor nang nasa ika-33rd floor na sila, sa halip na sa lower basement na una niyang pinindot.Nagkaroon ng hinala sa isip ni Vivian nang lumabas si Anthony ng elevator at naglakad patungo sa salaming pinto ng opisina ng Creatives, Inc.Sumilip si Anthony sa loob. Iyong mesa agad ni Analyn ang tinignan niya. Nakita nyang wala roon ang dalaga. Nagkataon naman na palabas na ng kuwarto si Michelle.“S-Sir Anthony? May kailangan po kayo?”Lumunok muna si Anthony bago nagsalita. Ayaw niya sanang hanapin si Analyn pero parang may nagsasabi sa kanya sa isip niya mapapalagay lang siya sa pupuntahan kung alam niya kung nasaan ang dalaga.“
“Magtatagal ka ba rito, Analyn? Dinner tayo,” yaya ni Jan sa dalaga.Sandaling nag-isip si Analyn. Parang gusto na niyang pagbigyan ang binata. Ilang araw na siyang kumakaing mag-isa sa bahay ni Anthony at nalulungkot siya. At least ngayon may kakuwentuhan siya at kasabay kakain.Sasagot na sana siya kay Jan nang biglang mag-ring ang telepono ni Analyn. Tiningnan ni Analyn ang screen, nakita niya ang isang hindi naka-rehistrong numero.“Sandali, Jan. Sasagutin ko lang ito.”Tumango lang si Jan. Naglakad na palabas si Analyn.“Hello?” agad na sabi niya pagkalabas niya ng pintuan.[“Miss Ferrer, hawak namin ang kapatid mo. Gusto mo bang mabuhay pa siya?”]Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Bigla siyang kinabahan. Muli niyang tiningnan ng screen ng telepono niya. Paano kaya nila nalaman ang numero niya?Muling ibinalik ni Analyn ang telepono sa tapat ng tenga
Matamis na ngumiti si Analyn sa lalaki.“Hi. Nandiyan ba si Mr. Sy? Dito ako pinapunta ng amo ko. Room 349, tama naman, di ba?” Kumindat pa si Analyn sa lalaki.Lumingon naman sa loob ng kuwarto ang lalaki.“Bosing Carlito, humingi ka ba ng babae kay Mr. Sy?”Bigla namang kinabahan si Analyn. Mabubulilyaso pa yata ang plano niya. Naisipan niyang alisin ang pangalawang butones ng pang-itaas niya kaya bahagyang lumitaw ang itaas na bahagi ng pisngi ng dibdib niya. Sakto namang muli siyang nilingon ng lalaki at sa dibdib niya ito napatingin.“Babae? Maganda ba?” sabi mula sa loob, malamang iyong Carlito na tinawag ng lalaking kausap ngayon ni Analyn.
Ilang minuto ng naibaba ni Analyn ang tawag ni Edward, pero nasa malalim pa rin siyang pag-iisip. Hindi siya mapaniwalaan na paaalisin ni Anthony si Vivian. Maraming taon silang nagkasama nito. Ika nga, through thic and thin ang naging samahan nilang dalawa. Tapos sa isang iglap, basta na lang pakakawalan ni Anthony ang assistant niya? Ano ang dahilan? Hindi lang dahilan, kung hindi mabigat na dahilan. Hindi siya basta-basta paaalisin ni Anthony ng ganun-ganun lang. Hindi naman maikakaila na alam na alam ni Vivian ang mga sikreto ng kumpanya, ang mga sikreto ni Anthony. Naisip ni Analyn na baka nalaman ni Anthony na may pagtingin sa kanya ang assistant kaya pinaalis niya ito. Pero sa tingin niya, hindi naman ganung tao ang lalaki. Sa tingin ni Analyn, may nalaman si Anthony na nagawang pagkakamali ni Vivian na inilihim sa kanya ng babae kaya pinaalis ito. Kung ano man iyon ay paniguradong mabigat ang nagawa ni Vivian, dahilan para mawalan siya ng halaga sa amo nito.DALAWANG araw pa
Yumakap si Anthony kay Analyn. Kakatapos lang ng mainit milang pagniniig.“Kumusta naman ‘yung bagong hire n’yo?” tanong ni Anthony, at saka isiniksik ang mukha niya sa gilid ng leeg ni Analyn.Bahagyang nilingon ni Analyn ang lalaki.“Bakit mo inalis sa Design si RJ? Tapos ang pinalit mo, wala namang alam sa pagdi-design. Nakakainis ka.”Bahagyang natawa si Anthony. Pilit niyang pinaharap sa kanya ang mukha ni Analyn. “May gusto sa ‘yo ang ugok na ‘yun kaya kailangan niyang malayo sa ‘yo. Delikado.”Inirapan ni Analyn ang lalaki. “Delikado sa akin? O delikado sa ‘yo?” Muling tumawa si Anthony.“Iyong ipinalit mo, mas boss pa sa akin,” sabi uli ni Analyn.“Ganun lang ‘yun, pero mapagkakatiwalaan naman ’yon,” pagkontra ni Anthony.Ang hindi alam ni Analyn, sinadya ni Anthony na kunin si Karl para bantayan si Analyn at i-report sa kanya ang lahat ng detalye ni Analyn sa araw-araw.“Inaantok na ko,” sa halip ay sagot ni Analyn sabay hikab. Humalik si Anthony sa buhok ni Analyn, “go, s
Pagkatapos makipag-usap sa mga doktor, nagpasya si Analyn na iwan na muli ang Papa niya sa ospital. Pagsakay niya ng elevator, nabungaran niya sa loob si Edward. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Analyn pagkapasok niya sa loob. “May dinalaw lang bago magpunta sa meeting. Hindi ka ba pinasama ni Anthony dun?”Napataas ang isang kilay ni Analyn. “Kasama mo si Anthony sa meeting ngayon? Meeting ng ano?” “Ow… sorry. Hindi na naman ba sinabi sa iyo ng asawa mo? May meeting kami ngayon kasama ng Mama niya. Hindi ba nabanggit ko sa iyo last time na papasok na rin sa internet business ang De la Merced? Since hindi naman kasama sa line up ng mga kumpanya ng DLM ang internet business, makikipag-partner siya sa akin.” “Ano?” Sa tingin ni Analyn ay ang pakikipag-partner kay Edward ang pinakahuli nitong gagawin. Hindi ba nga at para silang aso’t pusa sa tuwing magkikita sila?“At hindi lang kami ni Anthony ang involve dito. Involve din si Tita Emily.”Ang Mama ni Anthony? Ito ba ang sina
Pagdating sa bahay ni Anthony, agad na dumiretso sa itaas si Analyn para silipin ang Papa niya. Pero bago pa siya makapasok sa kuwarto nito ay nasalubong niya ang kasambahay na nag-aalaga sa Papa niya.“Mam! Mabuti at nakabalik ka na!” masaya nitong sabi kay Analyn.Nagtaka si Analyn. “Bakit? Ano’ng nangyari?”“Nalaman namin na may paggalaw sa Papa n’yo dalawang araw na ang nakakaraan.”Nanlaki ang mga mata ni Analyn. “Talaga ba?”“Tingnan mo rito sa CCTV, Mam…” at saka nauna ng naglakad ang kasambahay papunta sa monitor na nasa loob ng kuwarto ng Papa ni Analyn. Agad na sumunod si Analyn dito. Ipinakita ng kasambahay ang recorded video kung saan nakitang gumagalaw ang ilang daliri sa kamay ng Papa ni Analyn. Natutop ni Analyn ang kanyang bibig. Hindi siya makapagsalita sa sobrang saya. Agad niyang kinopya ang video at pinadala kay Jan. Hindi pa nakontento si Analyn, at agad na tinawagan si Jan.“Doc Jan, ano ang dapat nating gawin? For the first time, sa loob ng apat na taon, ngayo
Nung araw na iyon ay anibersaryo ng DLM Group of Companies. May programang magaganap sa hapon. At dahil si Anthony ang presidente nito ay kailangan niyang magbigay ng speech.Maraming imbitadong mga taga-press at mga kaibigan ng pamilya De la Merced. Nakatayo sa gilid ng stage si Analyn habang nakatunghay kay Anthony na nagsasalita na ngayon sa itaas ng entablado. Mataman siyang nakatitig sa lalaki ng biglang bumulong si Michelle na nasa tabi niya. “Hindi mo na ako binalikan dun sa sinend ko sa ‘yong picture.”Nilingon ni Analyn ang kaibigan.“Ano’ng picture?”“Iyong picture ni boss Anthony at saka iyong babaeng nakatalikod na kuha dun sa bahay ni boss. ‘Yung sabi ko na parang ikaw. Pero siyempre, imposible namang maging ikaw.”“Baka photoshop lang ‘yun.”“Kunsabagay…”Muling itinuon ng dalawa ang atensyon sa nagsasalitang si Anthony hanggang sa matapos ang lalaki. Nakisabay sila sa palakpakan ng mga tao. Napansin ni Analyn ang mabilisang pagsulyap ni Anthony sa direksyon niya bago
Nagtaka si Anthony ng dumating siya. Nakabaluktot pa rin sa sofa si Analyn kahit na alam nitong dumating na siya. Kalimitan ay tatayo na ito agad kapag pumasok na siya sa loob ng bahay. “May masakit ba sa ‘yo?” tanong ni Anthony.Inot-inot na bumangon at naupo sa sofa si Analyn, “nagpunta ang Mama mo kanina. Nag-usap kami.”Sandaling natigilan si Anthony pero hindi naman kinakitaan ng pagka-sorpresa ang mukha niya. Naupo siya sa tabi ni Analyn.“Ano’ng sinabi niya sa ‘yo?”Huminga ng malalim si Analyn.“Gusto niyang ako na ang mag-initiate ng pakikipaghiwalay sa ‘yo.”Huminga ng malalim si Anthony, “huwag mo na lang pansinin. Wala lang iyon masabi.”Wala naman talagang plano si Analyn, pero hindi pa rin niya mapigilang hindi maapektuhan. Kapag sinunod niya si Emily, para na rin niyang ipinanalo agad sa laban nila ang babae. Hindi alam ni Analyn kung ano ang naisipan niya, bigla niyang niyakap sa beywang niya si Anthony. “Sir Anthony, kapag dumating ba ang panahon na kailangan mong
Kinabukasan, maagang nakatanggap ng text message si Analyn. Unknown:Magkita tayo ngayon sa park sa loob ng Grace Village. Biglang sumikdo ang dibdib ni Analyn. May hinala na siya kung sino ang nag-text sa kanya. Wala pa naman ngayon si Anthony. Marami siyang kailangang puntahang social events ngayong araw. Sa mga sandaling ito, maaaring nandun na ang Mama ni Anthony at naghihintay na sa kanya. Walang nagawa si Analyn kung hindi ang magpunta sa park. Naglakad lang si Analyn. Wala siyang pinagsabihang kasambahay kung saan siya pupunta.Abot-tanaw na ni Analyn ang Mama ni Anthony. Nakaupo ito sa isang bench doon habang panay ang buga ng usok ng sigarilyo. Nag-iisa lang siya sa bahaging iyon. Naramdaman niya siguro na may parating kaya lumingon siya sa gawi ni Analyn. Tinitigan ni Emily si Analyn habang naglalakad ito palapit sa kanya. Kinabahan naman si Analyn sa klase ng titig nito sa kanya. Pakiramdam niya ay nakakalason ang tingin nito at anumang oras ay babagsak na lang siya ng
Alas onse na ng gabi, pero wala pa rin si Anthony. Nakailang akyat-baba na rin si Analyn. Nakailang balik na rin siya sa kuwarto ni Anthony at sa kuwarto ng Papa niya para patayin ang oras. Para hindi antukin, naisipan niyang tawagan si Edward. Naalala niyang hindi niya masyadong nakausap ang lalaki kaninang tumawag ito.May katagalan ng nagri-ring ang numero ni Edward bago nito sinagot ang tawag. Humihingal ito at parang naiinis ang boses.[“Ano ba ‘yun?”]“Bakit ka galit? Nakaistorbo ba ako?” [“Hindi lang istorbo, Analyn. Sobrang istorbo… ang galing ng timing mo!”]Pagkatapos ay may narinig si Analyn na boses ng babae sa background. [“Ano ba? Nambibitin ka, ah!”]Narinig ni Analyn na sinabihan ni Edward ang babae na magbihis muna at kumain sa ibaba. “Sir Edward, ano’ng ginagawa mo? Don’t tell me…”[“FYI, Analyn. Lalaki ako. May pangangailangan. I am single. Hindi ba pwedeng mag-enjoy naman ako?”]Sasagot sana si Analyn pero naunahan siyang magsalita ni Edward. [“Alam mo, Analyn
Malalim na ang gabi pero hindi pa bumabalik si Anthony. Naiinip na si Analyn. Nakailang silip na siya sa Papa niya at nakabalik na sa sala, pero walang Anthony na dumarating. Nung dumating si Greg at Ria, sabik na sumalubong si Analyn. Akala niya ay kasama na nila si Anthony. Na-disappoint man, agad na nagmano si Analyn sa matanda.“S-Si Anthony po, ‘Lo?”Huminga ng malalim si Greg, “naiwan pa siya, iha. Iniwan pa namin sila dun. Mukhang marami silang kailangang pag-usapan ng Mama niya.” Nalungkot si Analyn, gusto na niyang makita at makausap ang asawa.“Hindi pa po naghahapunan si Mam, Sir Greg,” sabat ni Edna sa usapan. “Oh? Bakit, apo?”“Hinihintay ko po si Anthony. Sabay na kaming kakain. Nag-aalala kasi ako sa kanya,” pagkatapos ay bumaling si Analyn kay Edna, “manang, itago mo muna ang mga pagkain. Kung matutulog ka na, iinitin ko na lang mamaya kapag dumating na si Anthony.”Agad na umalis na si Edna para asikasuhin ang mga pagkain. “Kumain ka na muna kahit papaano, baka n