Kakatapos lang mag-shower ni Analyn. Mahihiga na sana siya pagkatapos magpatuyo ng buhok nang mag-ring ang telepono niya.
Agad siyang kinabahan nang makita ang pangalan ni Cora sa screen ng telepono niya. Pero pilit niyang isinantabi ang kaba. Baka paranoid lang siya at may sasabihin lang sa kanya ang babae. Baka magtatanong lang kung bakit hindi siya nagpunta kanina sa coffee shop nito.
Pagkatapos huminga nang malalim, sinagot na ni Analyn ang tawag. Pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Cora.
[“Kasabwat ka ba niya?”]
Malamig ang boses ni Cora, hindi ito ang karaniwang sarili nito ngayon.
Nung una ay hindi maintindihan ni Analyn ang tanong ni Cora. Pero biglang pumasok sa isip niya ang mukha ni Xian. Mukhang nagpunta na si Xian at nagka-usap na silang dalawa.
Hindi malaman ni Analyn kung ano ang isasagot kay Cora. Hindi niya alam kung paano ba niya ipagtatanggol ang sarili. Na
Nagulat si Analyn na nandoon siya sa lugar malapit sa coffee shop ni Cora. Nakatayo siya sa walkway ng baywalk. Hindi pa niya maisip kung paano siya napunta roon nang biglang sumulpot si Anthony sa tabi niya.Hinawakan nito ang isang kamay niya at saka bahagya itong pinisil.“We will be together forever,” seryosong sabi ng lalaki sa kanya.Hindi sumagot si Analyn, naguguluhan pa siya sa mga nangyayari. Hanggang sa unti-unti ay biglang lumalabo ang mukha ni Anthony. Parang drawing lang na binubura ng pambura ng lapis ang mukha niya hanggang sa tuluyang hindi mo na makilala ang mukha niya.Bumalikwas ng bangon si Analyn. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nasiguro niyang nasa kuwarto siya sa bahay ni Anthony. Napahawak si Analyn
“Oh, tara na. Nakahanda na ang mesa. Kumain na kayo,” pag-anunsiyo ni Manang Rhia.Agad namang tumayo si Anthony mula sa sofa at akmang bubuhatin uli si Analyn nang pigilan siya ng dalaga.“O-Okay lang ako. Kaya kong maglakad.”“Hindi mo pa pwedeng biglain ‘yang paa mo. Ikaw rin, baka hindi ka makapasok sa Lunes niyan.”Hinawakan ni Analyn ang braso ni Anthony, sabay mahinang nagsalita.“Sir, hindi kasi ako komportable. Too much public display of attention.”Inilapit ni Anthony ang mukha niya sa gilid ng mukha ni Analyn at saka bumulong sa tapat ng tenga nito.“Mak
Inisip ni Analyn na baka sa kamag-anak o kaibigan ni Anthony ang mga iyon at pilit iwinaglit sa isip niya ang hinalang nabuo sa isip.Pero ang mas nakapagpalukot sa mukha ni Analyn ay ang mga lumang larawan na kasama ng mga laruan dun. Nasa pinaka-ilalim iyon ng kahon, at natatambakan nung mga laruan. Tila sinadyang ipailalim ang mga iyon doon para hindi mapansin at itago.Kinuha ni Analyn ang mga lumang larawan at saka isa-isang tiningnan ang mga iyon. Ang unang larawan ay larawan ng medyo bata pang lolo ni Anthony, at may katabi siyang dalawang bata. Ang isa ay isang nakangiting batang lalaki, at may kahawak-kamay na batang babae. At base sa background ng larawan, kuha ito sa harap ng mansyon,Namilog ang mga mata ni Analyn. Kamukhang-kamukha niya ang batang babae. Pakiramdam niya ngayon ay tinit
Habang nasa biyahe pauwi si Analyn, hindi maalis sa isip niya ang batang babaeng kasama ni Anthony at Greg sa picture. Marami siyang mga katanungan sa isip niya.So iyon pala iyong Ailyn. Iyong minsang nabanggit ni Sir Anthony na kababata niya na bigla daw nawala. Hindi ko naman kayang itanong kung paanong nawala at bakit? Pribadong buhay niya iyon at hindi ko mapangahasang magtanong. Pero bakit kamukhang-kamukha ko iyong bata? Pwede na ngang mapagkamalang ako ang batang iyon. Pero imposible namang ako iyon dahil ngayon lang niya nakilala ang mag-lolo na Anthony at Greg.Nang umalis si Analyn sa bahay ni Greg ay madilim ang langit. At eto nga, habang nasa biyahe siya at biglang bumuhos na ang malakas na ulan.Hindi napahinto ng malalaking patak ng ulan sa salamin ng bintana ang mga iniisip ni An
“Mama! Mama! Huwag mo akong iwan, Mama! Sasama ako sa ‘yo!”Hilam na sa luha ang mga mata ng batang lalaking humahabol sa itim na kotse. Pero hindi ito huminto at tuloy-tuloy lang ang takbo.“Mama! Hintayin mo ko! Sasama ako!” muling sigaw ng bata habang patuloy pa rin sa pagtakbo.Hanggang sa pagliko ng kotseng itim sa isang kurbada, tuluyan nang naiwan ang bata at hindi na nakahabol dahil sa pagkatapilok niya sa naka-usling bato.Umiiyak na sinundan na lang ng tingin ng bata ang papalayo nang sasakyan.Umiiyak pa rin na pinagmasdan ng bata ang sugat sa tuhod niya. Umagos ang dugo mula roon, na lalong nagpa-iyak sa kanya nang mapatakan ang sugat ng sarili niyang mga luha. Lalo pa siyang nai
Maaga gumising si Analyn. Alam niya sa sarili niya na hindi uuwi si Anthony kagabi kaya paniguradong magko-commute lang siya ngayong araw pagpasok sa kumpanya ng binata.Walang tao sa bus stop nang dumating si Analyn doon. Bigla tuloy siyang natakot para sa sarili. Pakiramdam niya, anumang oras ay susulpot doon si Jiro at sasaktan siya. Para tuloy gusto niyang magsisi na nagawa niyang galitin si Anthony. Napakalaking bagay din kapag nakasakay siya sa sasakyan ng binata. Nakatipid na siya sa pamasahe, meron pa siyang kapanatagan ng loob laban kay Jiro. Kaya dapat, hindi na niya gagalitin ulit si Anthony. Mabuti na lang at payapa siyang nakarating sa DLM.Nagtaka si Analyn nang sundan siya ni Michelle sa mesa niya.“Ang haggard mo,” sabi ni Michelle sa kaibigan, “may problema ba sa asawa mo? Maysakit siya, di ba
Sa isang seafood restaurant nagpa-reserve si Xian. Malapit rin ito ng dagat. Sa open air ang pinili ni Xian na puwesto nila, kaya naman ramdam ni Analyn ang malamig na simoy ng hangin at amoy niya ang natural na amoy ng dagat.“Natuwa ako sa design mo. Nakita ko na may elemento rin ng dagat doon,” nakangiting sabi ni Xian.“Mukhang may something sa iyo ang dagat, Sir Xian,” nakangiting komento ni Analyn.Nakangiting umiling si Xian, “wala akong hilig sa dagat.”Napamaang si Analyn. Nagkamali pala siya ng hula.“Si Cora lang.”Natigilan si Analyn. Mukhang hindi pa talaga nakaka-move on si Xian kay Cora.
“Have a seat, Ms. Employee,” yaya ng lalaking kasama ni Anthony sa kuwarto.Tiningnan muna ni Analyn si Anthony. Nang nakita niyang bahagya itong tumango sa kanya, tanda ng pagsang-ayon nito ay nagsimula na siyang naglakad patungo sa sofa na kinauupuan ng dalawa. Minabuti niyang maupo sa pang-isahang upuan.Nakaupo na si Analyn ay nakatingin pa rin sa kanya ang kasama ni Anthony.“Ako nga pala si Edward, Ms. Employee,” sabay abot nito ng kamay niya kay Analyn, “tutal mukhang walang balak ang boss mo na ipakilala ako sa ‘yo,” nakangiting sabi ni Edward.Napilitang abutin ni Analyn ang kamay ni Edward. Isa pa, kaibigan ito ng amo niya kaya kailangan niyang maging magalang dito.Nang magdaop ang mga kamay nila ay mabilis na sumulyap si Edward kay Antony, tila sinusubukan ang binata.“Oh? Baka pwede ko ng malaman ang pangalan mo, Ms. Employee. Nagpakilala na ako sa &ls
Ini-lock kanina ni Edward ang pintuan ng study room mula sa loob para walang sinuman ang makapasok doon. Kaya nakalabas sila ng basement ng ligtas. Inilagay ni Edward ang sumbrero niyang suot sa ulo ni Analyn, tapos ay nauna na siyang lumabas ng kuwarto para makiramdam muna. Wala pa ring tao sa dinaanan nila kanina kaya kampante si Edward na makakalabas ng bakuran ang tatlong kasama niya. Nagpadala siya ng mensahe sa sekretarya na pwede na silang lumabas mula sa study room at hihintayin niya sila sa daan malapit na sa gate. Nakalabas na ng bahay ang tatlo at nag-aabang na sa kanila si Edward sa isang tagong bahagi ng bigla na lang sumulpot si Alfie mula sa kung saan. May kasama itong ilang mga bisita na mukhang ihahatid niya palabas ng gate nila.Agad na umalis si Edward sa pinagkukublihan at saka nilapitan si Alfie. “Alfie!” tawag niya sa lalaki. Nilingon naman siya ni Alfie, tamang-tama naman na nakalabas na ang mga bisitang kasama nito. “Edward!” nakangiting balik-pagbati ni
Pinakinggang mabuti ng dalawa kung saan nanggagaling ang tila pagdaing. Sinundan nila ang tunog nun, hangggang sa nakita nila ang isang nakahigang babae sa isang sulok doon. Agad na nakilala ni Analyn ang kulot na buhok ni Elle. “Elle!” Mabilis na tinakbo ni Analyn ang nakababatang kaibigan. Naupo siya sa tabi nito at saka pinagmasdan ang babae. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang kawalan ng pag-asa. Nang nakita ni Elle ang mukha ni Analyn, tila nagkaroon ito ng pag-asa. Hindi niya napigilan ang mapa-iyak. Ibayong tuwa ang nadama niya pagkakita sa tagapagligtas niya. “A-Analyn…”Nakapadapa si Elle sa sahig kaya nakita ni Analyn ang sira-sirang damit nito sa bandang likod, na tila sanhi ng tama na latigo roon. Nahahaluan na nga rin ng dugo ang tela ng damit niya dahil sa pagkakalatigo sa likod niya. Agad na nakaramdam ng awa si Analyn sa babae. Hindi rin niya napigil ang sarili na hindi maiyak sa kalagayang nakikita niya rito ngayon. “Elle…”“Parang balak ka ng patayin ng asawa
Walang nakakaalam sa garden na may dalawang tao sa study room na iba ang motibo. Maingay doon. Puno ng sayawan, halakhakan at kuwentuhan. Na pabor na pabor kina Analyn at Edward. Pero nagulantang na lang sila ng may biglang kumatok sa pintuan ng study room. “Edward!” Napahinto ang dalawa sa kung ano man ang ginagawa nila at sabay pang napatingin sa direksyon ng pintuan. “Edward! Nandiyan na ba kayo sa loob? Okay lang ba kayo riyan? May problema ba?”Nagkatinginan sila Edward at Analyn. Sa labas, nainip si Mercy sa sagot ni Edward. Naisipan niyang pumasok na sa loobb ng kuwarto. Pero nang akmang pipihitin na niya ang door knob ay saka naman iyon bumukas. Isang nakangiting Edward ang bumungad sa babae. “Tita, hindi pa kami tapos. Medyo masalimuot lang ng konti. Pero sandali na lang siguro ‘to.”Nakangiting tumango si Mercy kay Edward, at saka pasimpleng sumilip sa loob ng kuwarto. Nakita niya si Analyn na may suot pa ring face mask habang nagta-type sa likod ng computer doon.
Lumingon si Edward. Napasambit na lang siya ng salamat ng makita na hindi si Brittany iyon. Ngumiti ang babae kay Edward. “Sino siya, Edward?”Kinakabahang nilingon ni Analyn ang babae. Pero ikinagulat ni Analyn ng nakita niya kung sino iyon. Paano’ng napunta si Nanay Mercy dito sa mga Esguerra? Ibang-iba ang itsura nito ngayon kaysa noong kasama niya noong dalawang buwan na ang nakalipas sa kumbento. Maganda at magara ang suot na damit nito ngayon, kabaligtaran sa mga simpleng suot niya doon sa lugar na pinagsamahan nila. Nakadagdag pa sa pagiging sopistikada nito ang bahagyang make up na nasa mukha nito. Tumingin si Mercy kay Analyn. Pero dahil siguro sa may suot itong face mask kaya hindi nakilala ng ginang ang anak-anakan sa loob ng kumbento.“Ah, Tita. Assistant ko. Pinapunta ko rito kasi may emergency sa trabaho. May kailangan lang kaming asikasuhin,” sambot ni Edward. Muling tiningnan ni Mercy si Analyn. “Kawawa ka naman. Ano’ng oras na ng gabi at pinagtatrabaho ka pa rin
Tuloy-tuloy na naglakad si Analyn papasok ng gate ng bahay ng mga Esguerra. Pero napansin pa rin siya ng isang guwardiya at hinarang siya. “Saan ka pupunta?” tanong ng guwardiya kay Analyn nakasuot ng malaking uniporme ng isang kilalang pizza store at may hawak na kahon ng malaking pizza.Nagtataka ang guwardiya kung ano ang ginagawa ng isang delivery staff sa lugar na iyon. Naisip niya na imposibleng may mag-order ng pizza mula sa mga amo at sa mga bisita habang napakaraming handang pagkain sa kaarawan ng anak ng amo. “Delivery,” tipid na sagot ni Analyn. Masusing pinagmasdan ng guwardiya ang mukha ni Analyn pero hindi niya makilala ito dahil natatakpan ng face mask ang mukha nito. Idagdag pa na may suot itong cap.“Sino naman ang nagpa-deliver?” nagdududa pa rin na tanong ng guwardiya. “Si Sir Edward Zamora.”“Asan ang resibo?” Agad na inabot ni Analyn ang resibo sa guwardiya. Kaninang umoorder siya sa taksi at habang nag-iisip kung kanino ipapangalan ang pizza, naisip niya si
“Ah, actually dumaan lang ako para kumustahin si Tita. Nabalitaan ko kasi na nandito siya.”Nadismaya si Brittany sa sagot ni Anthony pero hindi siya nagpahalata. Pinilit niyang binalewala ang sagot na iyon, pero ipinangako niya sa sarili na hindi niya paaalisin si Anthony hanggang mamaya. Pinilit niyang ngumiti kay Anthony. “Ganun ba? Tara. Ihahatid kita kay Mama.”Lingid sa kaalaman ni Anthony, kanina pa sila pinag-uusapan ng mga tao sa paligid dahil sa kanina pa sila tila masayang magkasama at magkausap. Iniisip ng ilan na totoo nga ang balita na nanganganib na ang pagsasama ni Anthony at ng asawa nito dahil narito ngayon ang lalaki. Maraming nag-espekula na marahil ay gusto talaga ng lalaking De la Merced ang anak ng mga Esguerra. Maraming humuhula na baka ang kasal ng dalawa ang ibabalita mamaya ni Brittany sa party nito. Naglalakad na sila Anthony at Brittany papunta sa ina ng huli. Agad ding napansin ng Mama ni Brittany ang lalaki. Hindi rin niya inaasahan na dadating ngayon
Punong-puno ang bakuran ng mga Esguerra ng mga bisita. Halos lahat ay nakasuot ng magagarang kasuotan dahil hindi naman basta-basta ang mga Esguerra sa Tierra Nueva. Kasama lang naman sila sa isa sa pinaka-maimpluwensiya at pinakamayaman na pamilya sa lugar.Maingay ang paligid. Kanya-kanyang usapan ang mga mayayaman ding mga bisita ng pamilya Esguerra. Pero nang lumabas na si Brittany, kasama ng kanyang mga magulang, mula sa loob ng bahay, natahimik ang lahat at napunta ang lahat ng atensyon sa babaeng may kaarawan. Tunay na napakaganda nito ng gabing iyon, Bumagay sa kanya ang asul na gown niya na kakulay ng dagat. Ang mahaba niyang buhok ay naka-ayos ng paitaas at may tiara pa, kaya nagmukha siyang isang tunay na prinsesa. Kapansin-pansin ang nagniningning na balat nito sa kinis. Halos lahat ng mga dalagang naroroon ay nakaramdam ng inggit sa taglay niyang kagandahan. Bago hipan ni Brittany ang kandila ng kanyang cake, nagsalita muna siya. “Tierra Nueva will be my permanent hom
Araw ng kaarawan ni Brittany. Maliwanag ang buong kabahayan at bakuran ng mga Esguerra dahil marami silang inimbita para iselebra ang araw na iyon. Walang katapusan ang pagdating ng mga bisita. Lahat ay may dalang mahal at importanteng regalo para sa dalaga ng mga Esguerra. Tuwang-tuwa si Brittany sa atensyon na natatanggap niya. Pero sa dinami-dami ng mga taong dumating, isang tao lang ang hinahanap pa niya. “Bakit wala pa si Anthony?” Tumayo si Brittany at saka muling sumilip sa bakuran sa ibaba kung saan naka-set up ang mga mesa at upuan para sa mga bisita.Iniwan ni Brittany ang bintana at saka wala sa loob na tinanong ang kasama niyang kasambahay sa loob n g kuwarto niya.“Ano’ng oras na ba?” Aware naman si Brittany na maaga pa ang gabi, pero naiinip na kasi siya sa pagdating ni Anthony. Saka naman may pumasok na isa pang kasambahay. “Mam, may dumating pong regalo galing kay Sir Anthony,” sabi nito habang may hawak na maliit na kahon.Hindi malaman ni Brittany kung matutuwa
Dalawang buwan na rin si Analyn sa kumbento. Ngayon, mas payapa na ang kalooban niya. Sa loob ng mga buwan na ito, hindi niya inihinto ang trabaho niya sa maliit na kumpanya niya. Nagdo-drawing pa rin siya at tinapos ang mga naiwang trabaho. Sa email lang niya ipinapadala kay Elle ang mga natapos niyang disenyo. Hindi pa rin niya binubuksan ang telepono niya. May usapan sila ni Elle na hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino na may ugnayan sila. Pero hindi rin alam ni Elle kung nasaan talaga siya. Panay ang tanong sa kanya ni Elle. Nag-aalala siya para kay Analyn. Ang nasa isip ni Elle ay ang itsura nito nung huli niya itong nakita. Payat at maputla. [“Basta, ingatan mong mabuti ang sarili mo. Kung ayaw mo munang magpakita sa amin, sige lang. Huwag mong isipin ang Blank, kaya ko ‘to.”]Alam ni Analyn na sinasabi lang iyon ni Elle. Alam naman niyang may sarili ring problemang pinagdadaanan ang babae. Baka nahihirapan na itong balansehin ang trabaho at ang pasaway na asawa nito. Dahil dit