Home / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of I SECRETLY WED the BOSS: Chapter 81 - Chapter 90

163 Chapters

81 - TAKOT

Muling ngumisi si Carlito habang nakatingin sa kutsilyo niya na may bahid ng dugo ni Analyn. Mukhang natutuwa siya sa dugong nakikita. Habang si Analyn ay putlang-putla na ang mukha sa takot na nararamdaman. Balak sanang ulitin uli ni Carlito ang ginawa niya sa mukha ng dalaga nang biglang may ingay siyang narinig sa pintuan kaya napalingon siya roon.“De– De la Merced?” Nakatayo lang si Anthony sa tapat ng pintuan. Matiim siyang nakatingin kay Carlito. Napansin niya ang dalawang tao na nasa tapat ni Carlito kaya lumipat ang tingin niya sa mga iyon. Doon niya nakita ang hindi okay na itsura ni Analyn at may dugong bahagyang umaagos mula sa pisngi nito. Agad na nagdilim ang awra ng mukha ni Anthony. Lumipat muli ang tingin niya kay Carlito. Agad namang n
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

82 - HULI PERO HINDI KULONG ULIT

Nagmamadaling tinapos na ni Anthony ang paliligo para mapuntahan na niya si Analyn sa kuwarto ng dalaga. Hindi pa nawawala ang anestisya sa katawan ng dalaga kaya hindi pa ito nagigising. Tahimik na pumasok si Anthony sa kuwarto ng dalaga. Lumapit siya sa kama nito at saka matamang pinagmasdan ang mukha nito. Maputla pa rin ang mga labi niya, at natatakpan pa ng gasa ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Napakapayapa nitong pagmasdan. Sinamantala ni Anthony na pagmasdan ang dalaga habang hindi pa ito nagigising. Nang biglang tumunog ang telepono ni Anthony na nasa bulsa ng pantalon niya. Bago pa magising si Analyn sa ingay ng telepono niya ay minabuti ni Anthony na lumabas na muna ng kuwarto ng dalaga. NANG nagdilat ng mga mata si Analyn, isang nag-aalalang Manang Edna
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

83 - ASAWA KO

“Hi, Analyn! Laki ng damage nung kuwarto ko nang dahil dito kay Ton kaya ako naparito.”Nakagat ni Analyn ang ibabang labi. Alam naman niyang siya ang dahilan ng pagkasira ng property ni Edward at hindi si Anthony. Iniligtas lang siya ng amo. Tumayo si Edward at saka lumapit kay Analyn. Sinipat nito ang mukha ng dalaga kung alin ang may gasa dahil sa sugat niya.“Masakit pa ba?”Nailang naman si Analyn sa pagsipat ni Edward sa pisngi niya kaya nag-iwas siya ng tingin sa lalaki. Hindi naman sinasadyang kay Anthony siya napatingin. Saktong nakatingin din pala sa kanya ang lalaki kaya nagbaba siya ng tingin. Nahihiya siya kay Anthony.Nahalata ni Edward ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya minabuti niyang magpaalam na para umalis.“Aalis na muna ako. Aasikasuhin ko muna ang kapatid mo,” sabi ni Edward kay Analyn.“Ako na ang humihingi ng pasensiya para sa kapatid ko. Pasaway kasi talaga ‘yun.”Tinapik ni Edward ang braso ni Analyn.“Don’t worry. Ako’ng bahala sa kapatid mo. Ibabalik ko
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

84 - REWARD

Isang linggo na mula nang nangyari ang insidente ni Analyn. Nagpunta siya sa ospital para up at harinawa ay tuluyan nang alisin ang gasa sa kanyang mukha.“Ano’magpa-checkng itsura ng mukha ko, dok? Nagpeklat ba?”“ peklat. Siyempre, nagurlisan ang balat mo. Imposible na walang mangyayaring pagmamarka sa balat. Pero mababaw lang naman kasi, kaya mawawala rin ang peklat sa katagalan. Huwag mo lang kalimutang i-apply iyong gamot na irereseta ko sa ‘yo para nang maging mawala ang marka.”Ngumiti si Analyn sa narinig pero hindi pa rin mawala ang kaba niya. Habang nagsusulat ng reseta ang doktor, tila may naalala itong bigla na itanong sa kanya.“Iyong nagdala rito s iyo nung nakaraan asawa mo ‘yun?”Natigilan si Analyn. Nakilala ba niya si Anthony? Kapag nagkataon, baka magalit na naman si Anthony sa akin.  Isa sa mga napagkasunduan nila ni Anthony na walang dapat makaalam ng kasal nila kung hindi silang dalawa lang. 
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

85 - TRYING TO SEDUCE HIM

Kinabukasan, maaga uli umuwi si Anthony. Nagulat na lang si Analyn nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto niya at mabungaran niya si Anthony sa labas nito.“Ano’ng ginagawa mo?”Umiling si Analyn. “Wala. Tinitingnan ang mukha ko kanina, parang hindi ko pa kayang pumasok bukas kasi halata pa ang–”“Magbihis ka ng maganda, sumama ka sa akin ngayon,” putol ni Anthony sa sasabihin pa ni Analyn.“Saan? Ano’ng gusto mong isuot ko?”“Dress. Somewhat formal.”“Pero ang pangit pa ng mukha ko.”“Okay na ‘yan. Be ready in fifteen minutes.” Pagkasabi nun ay tinalikuran na ni Anthony ang dalaga at saka naglakad papunta sa kuwarto niya. “Fifteen minutes?” Narinig iyon ni Anthony at saka huminto sa paglalakad.“Ayaw mo? Kung ayaw mo okay lang,” sabi ni Anthony na hindi na humarap o lumin
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more

86 - THE JEWEL HOTEL

Hinabol ni Analyn ang lalaki. Nang maabutan niya ito ay hinawalan niya ito sa braso at saka pilit pinaharap sa kanya. Huminto naman sa paglalakad ang binata at saka hinarap si Analyn.“Hindi uubra iyong mga ganyang kalokohan mo sa akin, Analyn.”Sa halip na matakot o ma-discourage si Analyn sa sinabi ni Anthony, mas lalo niyang inilapit ang sarili sa lalaki. Pati ang mukha niya ay inilapit niya sa mukha ni Anthony. Sobrang lapit, at kapag nagkamaling magsalita pa uli si Anthony ay magdidikit ang kanilang mga labi. Ilang saglit silang nagsukatan ng tingin.Walang gustong magsalita. Nang pilyang ngumiti si Analyn at saka inilayo ang mukha niya kay Anthony. “Tsk! Sayang… akala ko pa naman ay kayang-kaya kong i-seduce si ADLM.”Nagbuga ng hangin sii Anthony, pagkatapos ay hinila ang laylayan ng coat nna para bang umaktong inayos niya ang suot. “Nagbago na ang isip ko, maiwan ka na lang dito,” seryosong sabi niya kay Analyn.Napamaang si Analyn. Bigla siyang nagsisi sa kalokohan niya. In
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more

87 - CUNNING BUSINESSMAN

Agad na tumayo mula sa pagkakaupo ang tumawag kay Anthony at lumapit sa kanya. “Alam ba ng Papa mo na nandito ka at naglalaro?” seryosong tanong ni Anthony ng makalapit na ang lalaki sa kinatatayuan nila ni Analyn. “Come on, Kuya… nami-miss ko na itong laruan mo. Ilang taon na rin na puro aral lang ang ginagawa ko. Pagbigyan mo naman ako.”Ngiti ang isinagot ni Anthony sa nakababatang lalaki. Tinapik niya ang balikat nito. “Doon tayo sa rancho sa susunod. Matagal na rin akong walang practice sa kabayo. Kailangan ko ng makakalaban.”“Sure! Gusto ko ‘yan… wala ka na palang practice, baka this time matalo na kita, Kuya.”Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Anthony, “tingnan natin… huwag kang pakasiguro, Charles…” Bahagyang natawa si Charles, pagkatapos ay napansin niya si Analyn na nasa likuran ni Anthony.“Kuya, may bago kang hired assistant? Bakit siya naka-mask? Sobrang ganda ba niya kaya itinatago mo ang mukha niya sa amin?”Bahagyang nilingon ni Anthony si Analyn, “si Charles
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more

88 - MABUTI SA ASAWA

“Vivian, kumusta iyong lote na gusto kong bilhin sa Buenaventura?” Nag-angat ng tingin si Vivian para tingnan si Anthony. “Okay na ‘yun, boss. Katulad ng gusto mo, sa ibang kumpanya ko ipinangalan ang titulo nun at hindi sa iyo o sa anumang related sa DLM.”Tumango lang si Anthony habang nakatingin sa kape na nasa loob ng tasa niya. Pasimple namang pinag-aaralan ni Vivian ang boss niya. Hindi niya alam kung ano pa ba ang tumatakbo sa isip nito. “Sir Anthony, nagtataka ako kung bakit pumayag ka sa presyo nung lote. Hindi ka man lang tumawad sa may-ari.”“Okay lang. Gagamitin ko lang naman iyon para sa training.”Training? Training ng ano? Gusto sanang itanong ni Vivian sa amo pero hindi niya magawa. Maganda ang location ng loteng iyon. Napakaganda niyang maging proyekto para sa isang real estate project. Biglang tumayo si Anthony.“Vivian, naka-leave ang driver ko kaya ipag-drive mo muna ako ngayon.”Palihim na natuwa si Vivian. Isinantabi muna niya ang pag-iisip sa lote sa Buenav
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more

89 - SEDUCED TWICE

Nagmamadaling nagpa-appointment sa skin clinic si Analyn. Excited siyang nagpunta agad, dala ang card na bigay ni Anthony.Medyo naasiwa lang siya nang dalhin na siya ng staff sa isang kuwarto. Pakiramdam ni Analyn ay puro mayayaman ang kasama niya sa kuwartong iyon. Ano pa ba ang aasahan ko, malamang puro naka-gold card itong mga babaeng naririto?Nang natapos na siya, dumaan muna siya sa CR paglabas ng kuwarto. Nasa loob siya ng cubicle ng may narinig siyang pumasok. “Mrs. Gregorio, tama ba ang nasagap kong balita? Sinakitan daw ng mister mo ang anak niya sa una na si Charles? At doon pa raw sa The Jewel Hotel nangyari ang pananakit?”“Hmp! Nahuling nagsusugal, kaya ayun! Mabuti nga ‘yun, nang magtanda siya. Ang bata-bata pa, sugal ang inaatupag, sa halip na pag-aaaral.”“Naku, hindi maganda ‘yan. Siya pa naman ang nag-iisang tagapagmana ng mga negosyo ng mga Gregorio. Dapat ngayon pa lang inaalagaan na niya ang image niya.”Gregorio? Charles? Si Charles Gregorio? Iyong batang ipin
last updateLast Updated : 2024-12-23
Read more

90 - BIG PROJECT

Nagulat si Analyn sa isinagot ni Anthony. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa binata.“What makes a man’s heart move most about a woman is that she is charming and innocent at the same time. She looks brave and fearless, but in fact, she is so scared.”Pinakatitigan ni Analyn ang mga mata ni Anthony, pilit niyang hinahanap doon ang kaseryhosohan nito sa mga sinabi nito. Pero hindi niya nagawa. Sa halip, nabighani siya ng gwapong mukha nito. Pinagmasdan niya ang lahat ng parte ng mukha ni Anthony. Sa taglay niyang kaguwapuhan, hindi niya problema ang babae.“Katulad ka ba ng idini-describe ko, Analyn?” Paos pa rin ang boses ni Anthony.Nagbuga ng hangin si Analyn. “H-Hindi ko alam…”Pakiramdam ni Analyn ngayon ay siya ang sine-seduce ng lalaki. Napansin ni Analyn ang pagbabago sa mga mata ng lalaki. Ramdam din niya na tila mas uminit ang hininga nito kaysa kanina lang. Titig na titig pa rin ito sa mukha niya. Hindi alam ni Analyn kung ano ang sumanib sa kanya. Inilapit niy
last updateLast Updated : 2024-12-24
Read more
PREV
1
...
7891011
...
17
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status