“Vivian, kumusta iyong lote na gusto kong bilhin sa Buenaventura?” Nag-angat ng tingin si Vivian para tingnan si Anthony. “Okay na ‘yun, boss. Katulad ng gusto mo, sa ibang kumpanya ko ipinangalan ang titulo nun at hindi sa iyo o sa anumang related sa DLM.”Tumango lang si Anthony habang nakatingin sa kape na nasa loob ng tasa niya. Pasimple namang pinag-aaralan ni Vivian ang boss niya. Hindi niya alam kung ano pa ba ang tumatakbo sa isip nito. “Sir Anthony, nagtataka ako kung bakit pumayag ka sa presyo nung lote. Hindi ka man lang tumawad sa may-ari.”“Okay lang. Gagamitin ko lang naman iyon para sa training.”Training? Training ng ano? Gusto sanang itanong ni Vivian sa amo pero hindi niya magawa. Maganda ang location ng loteng iyon. Napakaganda niyang maging proyekto para sa isang real estate project. Biglang tumayo si Anthony.“Vivian, naka-leave ang driver ko kaya ipag-drive mo muna ako ngayon.”Palihim na natuwa si Vivian. Isinantabi muna niya ang pag-iisip sa lote sa Buenav
Nagmamadaling nagpa-appointment sa skin clinic si Analyn. Excited siyang nagpunta agad, dala ang card na bigay ni Anthony.Medyo naasiwa lang siya nang dalhin na siya ng staff sa isang kuwarto. Pakiramdam ni Analyn ay puro mayayaman ang kasama niya sa kuwartong iyon. Ano pa ba ang aasahan ko, malamang puro naka-gold card itong mga babaeng naririto?Nang natapos na siya, dumaan muna siya sa CR paglabas ng kuwarto. Nasa loob siya ng cubicle ng may narinig siyang pumasok. “Mrs. Gregorio, tama ba ang nasagap kong balita? Sinakitan daw ng mister mo ang anak niya sa una na si Charles? At doon pa raw sa The Jewel Hotel nangyari ang pananakit?”“Hmp! Nahuling nagsusugal, kaya ayun! Mabuti nga ‘yun, nang magtanda siya. Ang bata-bata pa, sugal ang inaatupag, sa halip na pag-aaaral.”“Naku, hindi maganda ‘yan. Siya pa naman ang nag-iisang tagapagmana ng mga negosyo ng mga Gregorio. Dapat ngayon pa lang inaalagaan na niya ang image niya.”Gregorio? Charles? Si Charles Gregorio? Iyong batang ipin
Nagulat si Analyn sa isinagot ni Anthony. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa binata.“What makes a man’s heart move most about a woman is that she is charming and innocent at the same time. She looks brave and fearless, but in fact, she is so scared.”Pinakatitigan ni Analyn ang mga mata ni Anthony, pilit niyang hinahanap doon ang kaseryhosohan nito sa mga sinabi nito. Pero hindi niya nagawa. Sa halip, nabighani siya ng gwapong mukha nito. Pinagmasdan niya ang lahat ng parte ng mukha ni Anthony. Sa taglay niyang kaguwapuhan, hindi niya problema ang babae.“Katulad ka ba ng idini-describe ko, Analyn?” Paos pa rin ang boses ni Anthony.Nagbuga ng hangin si Analyn. “H-Hindi ko alam…”Pakiramdam ni Analyn ngayon ay siya ang sine-seduce ng lalaki. Napansin ni Analyn ang pagbabago sa mga mata ng lalaki. Ramdam din niya na tila mas uminit ang hininga nito kaysa kanina lang. Titig na titig pa rin ito sa mukha niya. Hindi alam ni Analyn kung ano ang sumanib sa kanya. Inilapit niy
Mula noon, gabi-gabi ng nago-overtime si Analyn para sa Buenaventura project. Marami na siyang nagawang design. Pero wala pa ring final na disenyo dahil ilang beses na inulit-ulit ni Analyn ang paggawa ng panibagong design. Hindi siya nasisiyahan sa bawat disenyong natatapos niya kaya gumagawa uli siya ng panibago.Bukas ay araw na ng meeting para ipresenta ang design.Biglang sumulpot si Fatima sa mesa ni Analyn.“Kung hindi mo kayang ipasa ang design sa tamang oras, mag-resign ka na lang. Huwag mong puwersahin ang utak mo.”Inalis ni Analyn ang tingin sa screen ng laptop niya, kasabay ng pagbitiw niya sa pagkakahawak sa mouse. Tumuwid siya ng upo at saka matamang tiningnan si Fatima.“Sa pagkakatanda ko, team tayo sa project na ito. So kung hindi ko kayang ipasa, dapat siguro, kasama kita dapat sa pagre-resign since team tayo.”Tumaas ang isang kilay ni Fatima.“Kung ako lang san
Agad na sinalubong ni Analyn ang kaibigang doktor.“Kumusta si Papa?” Huminto si Jan sa paglalakad. Pero wala kay Analyn ang atensyon niya, kung hindi nasa lalaking nasa likuran ni Analyn. Saka lang niya binawi ang tingin sa lalaki ng maramdaman niya ang paghawak ni Analyn sa braso niya.“Huwag kang mag-alala. He’s out of danger now.”Napabuga ng hangin si Analyn, “salamat naman…”Tipid na ngumiti si Jan sa babae, at saka ginulo ang buhok niya. “Bakit nangyari ‘yon, Doc Jan?”“Normal ang ganun sa isang matagal ng naka-comatose. Continuous ang pag-inom niya ng gamot. Normal na magka-cardiopulmonary failure siya. Pero kahit na okay na siya ngayon, kung hindi siya magigising, baka hindi na niya kayanin pa in the near future.”Nakagat ni Analyn ang ibabang labi sa sinabi ni Jan. “Hindi natin alam kung ano pa ang pwedeng mangyari, Analyn. Sa ngayon, kailangang mag-effort ng buong pamilya. Gawin n’yo ang lahat ng dapat na sa tingin n’yo ay dapat gawin para magising siya. Hindi natin alam
“Natatakot ba siya na iri-reveal ko ang identity niya in public? Na ang ang kilala nilang bachelor boss ng DLM ay may asawa na pala?” “Siguro,” sagot ni Analyn habang sa mukha ng Papa siya nakatingin. “Pero alam mong hindi ko gagawin iyon. Kapag ginawa ko iyon, madadamay ka. At ayaw kong malagay ka sa alanganing sitwasyon.” “Salamat, Doc Jan. Napakabait mo sa akin. Minsan, naiisip ko, mas masahol ka pa sa totoong kapatid. Lagi kang nandiyan sa tabi ko.” “Stop saying that. Ayaw kong maging kapatid mo.”Nagulat si Analyn sa sinabi ni Jan. Hihingi sana siya ng dispensa sa binata pero umalis na ito. Binalingan ni Analyn ang ama. Hinaplos-haplos niya ang mabutong kamay nito. Saka naman niya naisip ang sinabi ni Jan kanina ukol sa kung paano gigisingin ang ama.“Paano ba kita magagawang gisingin, Papa?”Saka naman bumukas ang pintuan at saka pumasok si Anthony. May kausap pa ito sa telepono niya habang papasok ng pintuan. “Okay, bye.” Narinig pa ni Analyn ang pagpapaalam ni Anthony sa
Hindi nagtagal ay bumalik na si Analyn sa kuwarto, bitbit ang laptop niya. Dumiretso siya sa sofa at doon naupo. Binuksan niya ang laptop at saka inumpisahan ng magtrabaho.“Magtatrabaho ka pa?” tanong ni Anthony habang naglalakad palapit sa kinauupuan ni Analyn.“Wala akong choice. Kapag hindi ko natapos ito ngayon, pipilitin ako ni Fatima na mag-resign.”Hindi na kumibo si Anthony. Humanga siya sa dalaga. Obvious naman na desperadong sinusubukan ng dalaga na panatilihin ang trabaho nito.“Gaano katagal mo pang gagawin ‘yan?”“Malapit ng matapos.“Tahimik na pinanood ni Anthony ang pag
Umuwi muna si Analyn sa bahay ni Anthony para maligo at magpalit ng damit. Ngayon ay nasa biyahe na siya papunta sa opisina ng DLM. Habang nasa biyahe, muling sumagi sa isip ni Analyn ang tanong ni Jan bago siya umalis ng ospital.“Kapag nagising na ba ang Papa mo, hihiwalayan mo na siya?”Kung noon siguro tinanong sa kanya ang tanong na iyon, oo agad ang isasagot niya. Pero sa ngayon, parang hindi na niya kayang humiwalay sa binata. Nasanay na siyang nasa tabi niya ito lagi. Laging nakaalalay sa kanya. Kahit na lagi silang nagsasagutan, parang normal na sa kanilang dalawa ang ganun.WALANG sinayang na oras si Analyn sa opisina. Ginugol niya ang lahat ng oras niya sa pagtapos sa design. Nang dumating na ang oras ng uwian, agad siyang nagligpit ng mga gamit niya. Kailangan niya pang magpunta sa ospital. “Oy, oy, Analyn,” tawag ni Michelle, “bakit uuwi ka na? Tapos mo na ba ‘yung design?”Hindi nagpatinag si Analyn at ipinagpatuloy lang niya ang pagliligpit. Mahahalata mo sa mga mata
Alam din ni Brittany na kay Edward ang sumbrero, at marahil ay ipinasuot niya lang ito kay Analyn. Pero nakakita na siya ng pagkakataon na ipahiya ang babae at paninindigan na niya ito. Nagsimula ng magbulungan ang mga bisita.“May magnanakaw daw.”“Ang kapal naman ng mukha nun!” “Ang lakas ng loob na nakawin ang gamit ni Miss Brittany.”Bawat binibitiwang mga salita ng mga naroroon ay mga pana na tumutusok sa katawan ni Analyn. Nasasaktan siya sa mga walang basehang akusasyon. Pero ayaw niyang humingi ng tulong kay Anthony. Ni tingnan ito ay ayaw niyang gawin. Marami ng bisita ang nakapaligid kina Brittany at Analyn. Maski sila Sixto at Mercy ay napahangos ng narinig nila ang balita. Nang nakita nila si Brittany na kinukumpronta ang isang estranghero ay hindi nila iyon nagustuhan.“Ha! Tingnan mo, Edward. Bida-bida na naman ang kapatid ko. Nanghuli kuno ng magnanakaw sa party niya. Makaalis na nga lang.”“Hey! Saan ka naman pupunta? Bakit ka ba nagmamadali? May importante ka bang
Nagulat din si Analyn. Hindi niya inaasahan na makikilala siya ng sekretarya ni Anthony ganung may suot naman siyang face mask.“Nakilala mo ako?” Malapad na napangiti ang sekretarya. “Of course naman, Madam! Kahit takpan mo pa ang buong mukha mo, makikilala pa rin kita.” Pagkatapos ay biglang napawi ang ngiti nito. “Madam, dalawang buwan ka ng hinahanap ni boss Anthony.”Nang dahil sa pagkabanggit sa pangalan ni Anthony, muling napalingon tuloy si Analyn sa gawi kung saan naroroon ang asawa at si Brittany. Nag-alala siya na makita siya ng lalaki. Muli siyang nagbaling ng tingin sa sekretarya nito. “Saka na ako magpapaliwanag. Kailangan ko ng umalis dito.” Nataranta ang sekretarya. Lumipad ang tingin niya sa sekretarya ni Edward na naghihintay kay Analyn. Muli niyang binalingan si Analyn. “Madam, nakita na, eh. Aalis ka na naman?” Naisip niyang hawakan ang kamay nito at isama kay Anthony. “Madam, magpakita ka muna kay boss. Please lang. Mapapagalitan na naman ako kapag pinaalis
Ini-lock kanina ni Edward ang pintuan ng study room mula sa loob para walang sinuman ang makapasok doon. Kaya nakalabas sila ng basement ng ligtas. Inilagay ni Edward ang sumbrero niyang suot sa ulo ni Analyn, tapos ay nauna na siyang lumabas ng kuwarto para makiramdam muna. Wala pa ring tao sa dinaanan nila kanina kaya kampante si Edward na makakalabas ng bakuran ang tatlong kasama niya. Nagpadala siya ng mensahe sa sekretarya na pwede na silang lumabas mula sa study room at hihintayin niya sila sa daan malapit na sa gate. Nakalabas na ng bahay ang tatlo at nag-aabang na sa kanila si Edward sa isang tagong bahagi ng bigla na lang sumulpot si Alfie mula sa kung saan. May kasama itong ilang mga bisita na mukhang ihahatid niya palabas ng gate nila.Agad na umalis si Edward sa pinagkukublihan at saka nilapitan si Alfie. “Alfie!” tawag niya sa lalaki. Nilingon naman siya ni Alfie, tamang-tama naman na nakalabas na ang mga bisitang kasama nito. “Edward!” nakangiting balik-pagbati ni
Pinakinggang mabuti ng dalawa kung saan nanggagaling ang tila pagdaing. Sinundan nila ang tunog nun, hangggang sa nakita nila ang isang nakahigang babae sa isang sulok doon. Agad na nakilala ni Analyn ang kulot na buhok ni Elle. “Elle!” Mabilis na tinakbo ni Analyn ang nakababatang kaibigan. Naupo siya sa tabi nito at saka pinagmasdan ang babae. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang kawalan ng pag-asa. Nang nakita ni Elle ang mukha ni Analyn, tila nagkaroon ito ng pag-asa. Hindi niya napigilan ang mapa-iyak. Ibayong tuwa ang nadama niya pagkakita sa tagapagligtas niya. “A-Analyn…”Nakapadapa si Elle sa sahig kaya nakita ni Analyn ang sira-sirang damit nito sa bandang likod, na tila sanhi ng tama na latigo roon. Nahahaluan na nga rin ng dugo ang tela ng damit niya dahil sa pagkakalatigo sa likod niya. Agad na nakaramdam ng awa si Analyn sa babae. Hindi rin niya napigil ang sarili na hindi maiyak sa kalagayang nakikita niya rito ngayon. “Elle…”“Parang balak ka ng patayin ng asawa
Walang nakakaalam sa garden na may dalawang tao sa study room na iba ang motibo. Maingay doon. Puno ng sayawan, halakhakan at kuwentuhan. Na pabor na pabor kina Analyn at Edward. Pero nagulantang na lang sila ng may biglang kumatok sa pintuan ng study room. “Edward!” Napahinto ang dalawa sa kung ano man ang ginagawa nila at sabay pang napatingin sa direksyon ng pintuan. “Edward! Nandiyan na ba kayo sa loob? Okay lang ba kayo riyan? May problema ba?”Nagkatinginan sila Edward at Analyn. Sa labas, nainip si Mercy sa sagot ni Edward. Naisipan niyang pumasok na sa loobb ng kuwarto. Pero nang akmang pipihitin na niya ang door knob ay saka naman iyon bumukas. Isang nakangiting Edward ang bumungad sa babae. “Tita, hindi pa kami tapos. Medyo masalimuot lang ng konti. Pero sandali na lang siguro ‘to.”Nakangiting tumango si Mercy kay Edward, at saka pasimpleng sumilip sa loob ng kuwarto. Nakita niya si Analyn na may suot pa ring face mask habang nagta-type sa likod ng computer doon.
Lumingon si Edward. Napasambit na lang siya ng salamat ng makita na hindi si Brittany iyon. Ngumiti ang babae kay Edward. “Sino siya, Edward?”Kinakabahang nilingon ni Analyn ang babae. Pero ikinagulat ni Analyn ng nakita niya kung sino iyon. Paano’ng napunta si Nanay Mercy dito sa mga Esguerra? Ibang-iba ang itsura nito ngayon kaysa noong kasama niya noong dalawang buwan na ang nakalipas sa kumbento. Maganda at magara ang suot na damit nito ngayon, kabaligtaran sa mga simpleng suot niya doon sa lugar na pinagsamahan nila. Nakadagdag pa sa pagiging sopistikada nito ang bahagyang make up na nasa mukha nito. Tumingin si Mercy kay Analyn. Pero dahil siguro sa may suot itong face mask kaya hindi nakilala ng ginang ang anak-anakan sa loob ng kumbento.“Ah, Tita. Assistant ko. Pinapunta ko rito kasi may emergency sa trabaho. May kailangan lang kaming asikasuhin,” sambot ni Edward. Muling tiningnan ni Mercy si Analyn. “Kawawa ka naman. Ano’ng oras na ng gabi at pinagtatrabaho ka pa rin
Tuloy-tuloy na naglakad si Analyn papasok ng gate ng bahay ng mga Esguerra. Pero napansin pa rin siya ng isang guwardiya at hinarang siya. “Saan ka pupunta?” tanong ng guwardiya kay Analyn nakasuot ng malaking uniporme ng isang kilalang pizza store at may hawak na kahon ng malaking pizza.Nagtataka ang guwardiya kung ano ang ginagawa ng isang delivery staff sa lugar na iyon. Naisip niya na imposibleng may mag-order ng pizza mula sa mga amo at sa mga bisita habang napakaraming handang pagkain sa kaarawan ng anak ng amo. “Delivery,” tipid na sagot ni Analyn. Masusing pinagmasdan ng guwardiya ang mukha ni Analyn pero hindi niya makilala ito dahil natatakpan ng face mask ang mukha nito. Idagdag pa na may suot itong cap.“Sino naman ang nagpa-deliver?” nagdududa pa rin na tanong ng guwardiya. “Si Sir Edward Zamora.”“Asan ang resibo?” Agad na inabot ni Analyn ang resibo sa guwardiya. Kaninang umoorder siya sa taksi at habang nag-iisip kung kanino ipapangalan ang pizza, naisip niya si
“Ah, actually dumaan lang ako para kumustahin si Tita. Nabalitaan ko kasi na nandito siya.”Nadismaya si Brittany sa sagot ni Anthony pero hindi siya nagpahalata. Pinilit niyang binalewala ang sagot na iyon, pero ipinangako niya sa sarili na hindi niya paaalisin si Anthony hanggang mamaya. Pinilit niyang ngumiti kay Anthony. “Ganun ba? Tara. Ihahatid kita kay Mama.”Lingid sa kaalaman ni Anthony, kanina pa sila pinag-uusapan ng mga tao sa paligid dahil sa kanina pa sila tila masayang magkasama at magkausap. Iniisip ng ilan na totoo nga ang balita na nanganganib na ang pagsasama ni Anthony at ng asawa nito dahil narito ngayon ang lalaki. Maraming nag-espekula na marahil ay gusto talaga ng lalaking De la Merced ang anak ng mga Esguerra. Maraming humuhula na baka ang kasal ng dalawa ang ibabalita mamaya ni Brittany sa party nito. Naglalakad na sila Anthony at Brittany papunta sa ina ng huli. Agad ding napansin ng Mama ni Brittany ang lalaki. Hindi rin niya inaasahan na dadating ngayon
Punong-puno ang bakuran ng mga Esguerra ng mga bisita. Halos lahat ay nakasuot ng magagarang kasuotan dahil hindi naman basta-basta ang mga Esguerra sa Tierra Nueva. Kasama lang naman sila sa isa sa pinaka-maimpluwensiya at pinakamayaman na pamilya sa lugar.Maingay ang paligid. Kanya-kanyang usapan ang mga mayayaman ding mga bisita ng pamilya Esguerra. Pero nang lumabas na si Brittany, kasama ng kanyang mga magulang, mula sa loob ng bahay, natahimik ang lahat at napunta ang lahat ng atensyon sa babaeng may kaarawan. Tunay na napakaganda nito ng gabing iyon, Bumagay sa kanya ang asul na gown niya na kakulay ng dagat. Ang mahaba niyang buhok ay naka-ayos ng paitaas at may tiara pa, kaya nagmukha siyang isang tunay na prinsesa. Kapansin-pansin ang nagniningning na balat nito sa kinis. Halos lahat ng mga dalagang naroroon ay nakaramdam ng inggit sa taglay niyang kagandahan. Bago hipan ni Brittany ang kandila ng kanyang cake, nagsalita muna siya. “Tierra Nueva will be my permanent hom