“Natatakot ba siya na iri-reveal ko ang identity niya in public? Na ang ang kilala nilang bachelor boss ng DLM ay may asawa na pala?” “Siguro,” sagot ni Analyn habang sa mukha ng Papa siya nakatingin. “Pero alam mong hindi ko gagawin iyon. Kapag ginawa ko iyon, madadamay ka. At ayaw kong malagay ka sa alanganing sitwasyon.” “Salamat, Doc Jan. Napakabait mo sa akin. Minsan, naiisip ko, mas masahol ka pa sa totoong kapatid. Lagi kang nandiyan sa tabi ko.” “Stop saying that. Ayaw kong maging kapatid mo.”Nagulat si Analyn sa sinabi ni Jan. Hihingi sana siya ng dispensa sa binata pero umalis na ito. Binalingan ni Analyn ang ama. Hinaplos-haplos niya ang mabutong kamay nito. Saka naman niya naisip ang sinabi ni Jan kanina ukol sa kung paano gigisingin ang ama.“Paano ba kita magagawang gisingin, Papa?”Saka naman bumukas ang pintuan at saka pumasok si Anthony. May kausap pa ito sa telepono niya habang papasok ng pintuan. “Okay, bye.” Narinig pa ni Analyn ang pagpapaalam ni Anthony sa
Hindi nagtagal ay bumalik na si Analyn sa kuwarto, bitbit ang laptop niya. Dumiretso siya sa sofa at doon naupo. Binuksan niya ang laptop at saka inumpisahan ng magtrabaho.“Magtatrabaho ka pa?” tanong ni Anthony habang naglalakad palapit sa kinauupuan ni Analyn.“Wala akong choice. Kapag hindi ko natapos ito ngayon, pipilitin ako ni Fatima na mag-resign.”Hindi na kumibo si Anthony. Humanga siya sa dalaga. Obvious naman na desperadong sinusubukan ng dalaga na panatilihin ang trabaho nito.“Gaano katagal mo pang gagawin ‘yan?”“Malapit ng matapos.“Tahimik na pinanood ni Anthony ang pag
Umuwi muna si Analyn sa bahay ni Anthony para maligo at magpalit ng damit. Ngayon ay nasa biyahe na siya papunta sa opisina ng DLM. Habang nasa biyahe, muling sumagi sa isip ni Analyn ang tanong ni Jan bago siya umalis ng ospital.“Kapag nagising na ba ang Papa mo, hihiwalayan mo na siya?”Kung noon siguro tinanong sa kanya ang tanong na iyon, oo agad ang isasagot niya. Pero sa ngayon, parang hindi na niya kayang humiwalay sa binata. Nasanay na siyang nasa tabi niya ito lagi. Laging nakaalalay sa kanya. Kahit na lagi silang nagsasagutan, parang normal na sa kanilang dalawa ang ganun.WALANG sinayang na oras si Analyn sa opisina. Ginugol niya ang lahat ng oras niya sa pagtapos sa design. Nang dumating na ang oras ng uwian, agad siyang nagligpit ng mga gamit niya. Kailangan niya pang magpunta sa ospital. “Oy, oy, Analyn,” tawag ni Michelle, “bakit uuwi ka na? Tapos mo na ba ‘yung design?”Hindi nagpatinag si Analyn at ipinagpatuloy lang niya ang pagliligpit. Mahahalata mo sa mga mata
Kaarawan ni Charles Gregorio. Inimbita si Anthony ng nakababatang Gregorio, at halos lahat ng bisita roon ay pawang mga anak ng mga kilalang mga negosyante sa Tierra Nueva. Lahat ay nagkakasiyahan at bumabaha ng alak sa buong kabahayan ng mga Gregorio.Hindi ugali ni Anthony na magpunta sa mga ganitong okasyon. Pero tuwang-tuwa si Charles ng makita sa kaarawan niya ang iniidolo niyang batang negosyante.“Kuya Anthony! Akala ko hindi ka na makakarating.”“Pwede ba ‘yun? Ikaw pa, ang lakas mo sa akin.” Pagkasabi nun ay nilingon ni Anthony ang kasama niyang si Vivian.Humakbang naman si Vivian at saka may inabot na maliit na kahon na may lasong kulay pula kay Charles. “Happy birthday. A gift for you.”Malapad ang ngiti na kinuha ni Charles ang maliit na kahon. Agad niyang binuksan iyon at lumitaw ang isang susi ng sasakyan. Agad na lumipad ang tingin niya kay Anthony.“Kuya?” masayang tanong ni Charles kay Anthony. May hinala
Maagang gumisng si Analyn. Agad-agad siyang naghanda para sa pagpasok. Bago umalis, nilapitan muna niya ang ama.”Papa. May importante akong meeting ngayon kaya aalis na muna ako. Babalik ako mamaya pagkatapos. Papa, kinakabahan ako. Ngayon lang ako nabigyan ng ganitong kalaking project. So, pray for me. Sana magustuhan nila ang gawa ko.”Pagkasabi nun ay humalik siya sa noo ng ama. Palabas na siya ng bumukas ang pintuan at iluwa nun si Jan. "Ang aga pa, aalis ka na?”“May meeting kasi ako, Doc Jan kaya ako nagmamadali.” Pagkasabi nun ay lumabas na ng kuwarto si Analyn. Pagkalabas niya ng lobby ay nakita niya agad ang sasakyan ni Anthony at agad siyang sumakay.“Kuya Rey, hinay-hinay lang sa pagda-drive, ha. Maglalagay kasi ako ng make up,” sabi ni Analyn nang tumatakbo na ang sasakyan nila.“Kaya mong mag-make up habang tumatakbo itong sasakyan?” namamanghang tanong ni Rey.“Kuya, skill ‘yun ng mga babaeng nagtatrabaho. Hindi pwedeng hindi sila maging bihasa sa ganun,” sagot ni Ana
Gusto sanang abutin ni Analyn ang laptop bag niya para protektahan ang disenyo niya pero hindi niya mai-angat man lang ang kamay niya. Hanggang sa pakiramdam niya ay nahihilo siya at nawawalan na siya ng lakas. May mga taong isa-isa na ring lumalapit sa kanya. Gusto niyang magsalita, pero walang tinig na gustong lumabas mula sa lalamunan niya. Ni ibuka ang mga labi niya ay hindi rin niya magawa. Samantala, sa loob ng DLM Building, sa labas ng conference room, hindi mapakali si Fatima. Panay-panay ang tingin niya sa relo niya at sa pintuan ng elevator. Ilang minuto na lang at mag-uumpisa na ang meeting.Lahat ng bisita mula sa Buenaventura at ang mga matataas na opisyal ng DLM ay kumpleto na at nasa loob na ng conference room. “Boss, ise-serve ko na itong kape ng mga bisita. Huwag kang mag-alala, nakausap ko si Analyn. Anytime maga-appear na ‘yun diyan sa elevatior,” sabi ni Michelle habang may dalang tray na puno ng tasa ng kape.Tumango lang si Fatima at hindi na nagsalita pa. L
Ding!Hinintay ni Analyn na magbukas ang pintuan ng elevator. Kung pwede nga lang hilahin na niya ang mga pintuan para magbukas na agad, ginawa na niya.Nang sa wakas ay tuluyan ng magbukas ang elevator, si Michelle ang sumalubong sa kanya.“Bilis, friend! Nandoon na silang lahat sa loob ng conference room,” sabi ni Michelle habang hatak-hatak si Analyn.Nagpahatak na lang si Analyn sa kaibigan. Hanggang sa makarating sila sa unahan ng kuwarto. Nakita niya ang lahat ng bisita at mga opisyal ng DLM na nakatingin lahat sa kanya.“Sorry po… medyo na-late lang po ako ng konti,” paghingi ng paumanhin ni Analyn habang inaayos ang laptop niya.
Agad na humiwalay si Analyn kay Anthony. Nilingon naman ni Anthony si Vivian na nakatayo pa rin sa pinto.May hawak na brown envelope si Vivian. Walang ideya si Anthony kung gaano na katagal na nakatayo roon ang babae. “Magre-report ka ba?” malamig na tanong ni Anthony sa babae.Marahang tumango si Vivian, at saka alanganing naglakad palapit kay Anthony. Nang nasa tapat na siya ni Anthony, nag-aalangan siyang magsalita dahil kay Analyn. Pasimple niyang tiningnan ang babae. Hindi siya sanay na may ibang nakikinig sa usapan nila ng boss.Nahulaan ni Anthony ang iniisip ni Vivian. “Go on, speak. Okay lang marinig ni Analyn.”Humugot ng malalim na hininga si Vivian bago nagsalita.“Galit sa iyo si Charles. Nahulaan niya ang nangyari sa gabi ng birthday niya,” sagot ni Vivian at saka inabot ang envelope kay Anthony. Kinuha ni Anthony ang laman ng envelope at saka binasa ang nakalagay sa mga papel na nandoon. “Nasaan na ang ama niya ngayon?”“Nasa airport siya ng damputin ng kapulisan. N
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na si Anthony. Kasama niya si Damian. Agad na sinalubong sila ni Analyn. “Napaka-thoughtful nitong si Antony,” sabi ni Damian kay Analyn.“Nahihiya nga po ako sa inyo. Although nagdya-jive naman kayo ni Lolo, pero siyempre, iba pa rin ‘yung nasa sarili kang bahay. Pasensiya na po at hindi namin kayo agad nabalikan, naging busy kami ni Analyn,” paliwanag ni Anthony.Tinapik ni Damian ang balikat ni Anthony habang nakangiti.“So, bakit ang tagal nakabalik?” sabat naman ni Analyn.Binuksan ni Anthony ang pintuan sa likurang bahagi ng sasakyan at saka may kinuha mula roon. Isang katamtamang laki ng kahon ang kinuha niya mula roon na may tatak ng ipinapabiling pagkain ni Analyn.“Mahaba ang pila nitong tiramisu crepe mo kaya ako natagalan.” Agad namang kinuha ni Analyn ang kahon mula kay Anthony at saka nagmamadaling binuksan ito. May kasama ng tinidor sa loob ng kahon kaya kinuha iyon ni Analyn at saka tinikman ang crepe.Sumimangot ang mukha ni
Nang nagising si Analyn, wala na si Anthony sa tabi niya. Bumangon siya at tiningnan kung nasa banyo ang asawa, pero wala ito roon. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at sumilip sa barandilya. Sakto na nakita niya ang papalabas na si Anthony. Narinig naman ni Anthony ang ingay sa itaas kaya tumingin ito sa itaas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Analyn.“Susunduin ko ang Papa mo. Nakalimutan mo na ba na nandoon pa siya sa bahay ni Lolo?” Sa totoo lang, nawala na talaga iyon sa isip ni Analyn sa dami ng iniisip niya. “Ah, okay. Bilhan mo na rin ako ng crepe dun sa paborito kong cake house. Gusto ko ‘yung tiramisu flavor.” “Okay. Aalis na ako.”Tuluyan ng lumabas ng bahay si Anthony. Narinig na lang ni Analyn ang tunog ng papaalis na sasakyan sa labas. Tumalikod na si Analyn para pumasok na uli sa kuwarto nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Bigla niyang naalala na may driver naman si Anthony dito at may driver din si Lolo Greg sa bahay niya. Mas gugustuhin pa talaga ni Anthon
Ibinuka ni Analyn ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin pero walang lumabas mula sa lalamunan niya. Iyong tawag ba kanina na natanggap ni Anthony ay para sabihan siya na nakita na nga si Ailyn? At iniwan siya nito para makita niya si Ailyn?Hindi mapaniwalaan ni Analyn na nakabalik na nga si Ailyn. Parang ang hirap paniwalaan. Sa totoo lang, umasa rin naman siya na sana ay buhay pa si Ailyn at makabalik ito sa pamilya niya. Hiniling niya ito dahil naniniwala siyang siya na ang mahal ni Anthony. Naniniwala siyang sa dami at bigat ng mga pinagdaanan nilang dalawa ni Anthony, wala ng makakagiba sa relasyon nila. Pero nagbalik na nga siya…At iba ang nararamdaman ngayon ni Analyn. Pakiramdam niya ay may delubyo na namang darating sa buhay mag-asawa nila ni Anthony. “Na-surprise ka ba?” nang-iinis na tanong ni Edward.Pakiramdam ni Analyn ay biglang nawala ang lahat ng kumpiyansa sa katawan niya. “Biro mo, nagpunta siya sa bahay ng mga Esguerra ng hindi mo alam? Ni hindi man lan
Nanlaki ang mga mata ni Analyn. “Ano’ng nangyari? Paano nangyari ‘yun?”Lumipad ang tingin ng dalawang matanda kay Analyn dahil sa timbre ng boses nito.[“Hindi ko pa alam ang buong nangyari. Basta, narinig ko. Pero wala pang nakarating na balita sa press at sa mga pulis as of now. At hindi ko rin alam kung may tao bang na-injured dun o ano.”]Kung nasaan man si Elle ngayon ay halatang patago lang ang ginawang pagtawag nito kay Analyn base sa pabulong na pagsasalita nito. Nahalata iyon ni Analyn. [“Pero bukas ng umaga, hindi natin alam kung maitatago pa iyon sa mga press at sa mga pulis.”]“Iyon nga rin ang iniisip ko.”Pagkababa ni Elle sa tawag, hindi pa rin mapakali si Analyn. Hindi niya maisip kung paano nangyari ang aksidente, pinatutukan niya ang project na iyon at todo bantay ang mga tao niya roon. Biglang tumayo si Analyn at saka hinarap ang dalawang matanda. “‘Lo, Papa, aalis na muna ako. May importante lang akong kailangang asikasuhin sa trabaho. Huwag n’yo na akong hint
Kasama si Damian, sa bahay ni Greg nagdiwang ng pagsalubong sa bagong taon sila Anthony at Analyn. Bagaman, may dinaramdam at nanlalambot ang matanda, nakipag-selebra pa rin ito sa kanilang tatlo, pero maaga itong nagpahinga. Nakatanggap ng dalawang ampao si Analyn, isa galing kay Damian, at isa galing kay Anthony. Namilog ang mga mata niya sa tuwa. Madadagdagan na naman ang ipon niya. Nawala ang tuwa niya ng may napansin siya sa dalawang sobre. “Anthony, bakit ang nipis lang ng ampao mo? Etong kay Papa, ang kapal.” Pagkatapos ay binalingan ni Analyn ang ama.“Papa, ibinigay mo na ba sa akin ang buong pensyon mo? Ang kapal ng envelope mo, eh,” pabirong tanong ni Analyn. “Huwag kang umasa. Puro tigsi-singkwentang papel lang ‘yan kaya mukhang makapal,” sagot ni Damian, kay lumabi si Analyn sa kanya. “Hindi ako naniniwal. Ang kapal nito, eh,” sabi ni Analyn habang pinipisil-pisil ang sobre. Pinagbuntunan namin ni Analyn ang asawa. “Ikaw, Anthony. Hindi ba importante sa iyo ang asa
Malapit na ang Bagong Taon. Marami ng nagtitinda ng kung ano-ano sa mga kalsadang nadadaanan nila Anthony at Analyn. Galing sila sa Annual Year-End Party ng lahat ng investor ng DLM Group. Habang pinagmamasdan ni Analyn ang mga iba’t ibang paninda sa labas ng bintana, maraming tumatakbo sa isipan niya. Parang kailan lang nung huling bagong taon. Bago lang sila na naiksala ni Anthony noon. Sino ang mag-aakala na ang anim buwan ay aabot ng isang taon pala?Nilingon ni Analyn si Anthony. “Malapit na naman sa subdivision, gusto kong maglakad kasama ka.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony at saka tiningnan ang mga paa ni Analyn. “Magpalit ka muna ng sapatos.”“Wala akong dala. Okay na ‘to. Eh di, kapag sumakit ang paa ko, kargahin mo ko,” tila naglalambing na sagot ni Analyn. Kinalabit ni Anthony ang balikat ng sekretarya niya na nakaupo satabi ni Karl. Agad namang yumuko ang sekretarya at may kinuha sa paanan niya.May kinuha pala itong paper bag at saka inabot iyon kay Anthony. Mula
Abala si Analyn sa laptop niya ng biglang may nagsalita sa gawi ng pintuan. Kinabukasan na ang araw ng pasahod sa mga empleyado nila ni Elle at ngayon pa lang niya nire-review ang attendance ng mga ito.“Bakit naman salubong ang mga kilay mo diyan?”Nag-angat ng tingin si Analyn mula sa laptop niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya ng nakita niyang nakatayo si Elle sa may pintuan ng kuwarto niya. Agad siyang napatayo at saka nagmamadaling nilapitan ang kaibigan. Gusto sana niyang magtampo dahil wala itong sinagot sa mga text niya, pero ngayong nakita niya na okay ito ay kinalimutan na lang niya ang pagtatampo. “Elle! Mariosep, akala ko ipauubaya mo na sa akin ang buong Blank,” pagbibiro ni Analyn.Umirap si Elle sa kanya. “Asa ka, malaki ang inilabas kong pera rito,” ang tipikal na sagot ng isang Elle. Niyakap ni Analyn si Elle. “Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit ka umalis ng Tierra Nueva?”Nag-alanganin si Elle. Gusto rin sana niyang yakapin pabalik si Analyn, pero meron sa loob n
Walang nagawa si Damian kung hindi ang gumawa ng listahan at ibigay iyon kay Analyn. “Itong nasa huli ng listahan, kulay pulang kahon ito. Nakapatong ito sa pinaka-itaas ng cabinet ko roon. Huwag na huwag mong kakalimutan ‘yan. Kailangang dala mo ‘yan pabalik dito,” pagbibilin ni Damian kay Analyn.“Ano’ng nasa loob nito, Papa? Kayamanan ba?” “Private matter ko ‘yan, Analyn. Huwag ng maraming tanong.”“Sige na, Papa… ano’ng sikreto ang meron ka dun sa kahon?” pangungulit pa ni Analyn.Tumaas ang isang kilay ni Damian. “Sikreto nga, di ba?”“Pera? Marami kang pera?” namimilog ang mga mata na tanong ni Analyn.“Tsk! Ang kulit nitong batang ‘to…”Ngumiti at nag-peace sign si Analyn sa ama. “Joke lang! Hindi na mabiro si Papa…”NANG naroroon na si Analyn sa dating tinutuluyan ni Damian, inobserbahan niya ang bahay. Mukhang wala namang bakas na may nakapasok. Baka hindi pa umaaksyon si Vhance, o nagbabalak pa lang ito ng pwede niyang gawin. Agad na kinuha ni Analyn ang mga nakalagay sa
Pagkatapos ng hindi pagkikita ng ilang araw, naging napakainit ng naging pagniniig ng mag-asawa. Himbing na himbing ang tulog ni Anthony ng nagising si Analyn. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang bigla niyang naalala si Elle, baka sumagot na ang kaibigan sa mga text niya.Agad niyang dinampot ang telepono at saka binuksan iyon. Meron na ngang sagot si Elle. Hindi lang isa, kung hindi marami. Agad niyang binuksan ang mga mensahe nito. Nakalagay doon na nagpunta siya ng San Clemente para may asikasuhin tungkol sa negosyo nila. Sinabi rin niya na huwag siyang mag-alala dahil hindi pa sila nagpapanagpo ulit ni Alfie at okay lang siya. Huling mensahe ni Elle na huwag siyang mag-alala para sa kanya. Napa-isip si Analyn. May mali sa mga mensahe ni Elle. Masyado iyong pormal. Parang malayo sa Elle na kilala niya na laging may halong biro o sarkasmo ang pagsasalita nito kahit pa sa text lang. Parang hindi niya ma-imagine na ganun magsalita si Elle katulad ng nabasa niya.Sandali. Kailan pa kam