Home / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of I SECRETLY WED the BOSS: Chapter 41 - Chapter 50

83 Chapters

41 - WALANG PUSO AT MAPAGMATAAS NA ASAWA

Walang balak magsampa ng reklamo si Karla. Unang-una, magagastusan pa siya. Pangalawa, maaabala pa siya. “May araw din kayong dalawa sa akin!” sabi niya kay Analyn at Jan, bago umalis ng ospital.Naiiling na sinundan na lang ng tingin ni Analyn ang papalayong ina-inahan. Wala na yatang pag-asang magbago ang babae. Nang nawala na sa paningin ni Analyn si Karla, hinarap niya si Jan. “Salamat, Doc Jan. Kung hindi mo siya siguro nakita, baka na-refund niya ‘yung advance payment dito sa ospital. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling nangyari ‘yun. Saka mabuti na rin siguro ‘yung nangyari. Iyong pagsampal mo sa kanya. Baka sakaling matauhan siya at makapag-isip-isip.”Ngumiti si Jan. “Kanina ka pa sabi ng sabi ng salamat. Meron sigurong masa magandang paraan para mapasalamatan mo ko.”Tumingin si Analyn sa relo niya.“Tutal naman, hindi na ako makakapasok sa escape room, at tapos na ang duty mo, iti-treat  na lan
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

42 - THAT PART-TIME JOB

Pagkatapos kumain nila Analyn at Jan, pinili nilang maglakad na lang pabalik ng ospital. Sabi ni Analyn, para raw matunaw ang kinain nila. "Bakit ba kasi kailangan mo pang bumalik ng ospital?”"Duty ko na mamaya, ano ka ba?” natatawang sagot ni Jan."Kawawa ka naman. Nakakaawa iyong mga taong kailangang magtrabaho kapag weekends,” pagbibiro ni Analyn. “Ah talaga? Naaawa ka sa akin?” Huminto si Jan at saka pinisil ang ilong ni Analyn, dahilan para huminto rin ito at piliting alisin ang mga daliri ni Jan sa ilong niya. “Doc Jan, masakit ha.”“Mas nakakaawa ‘yung umeeskapo sa part time job niya. Pera na, naging bato pa,” sagot ni Jan at saka binuntutan ng tawa.Natawa rin si Analyn nang maalala ang ginawa niya kanina.“By the way, kailangan mo pa ba ng bagong part time job? Makakabalik ka pa ba sa Escape Room? Abandonment of duty ang ginawa mo kaya.”Samantala, sa kabilang panig ng kalsada, lumabas si Anth
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

43 - REKLAMO O TALONG?

“What I mean is… if I remember it right, your monthly salary is at least thirty five thousand. Binayaran ko na ang medical expenses ng Papa mo. Nag-advance payment na rin ako sa ospital. Bakit kailangan mo pa ng part-time job?”Nag-iwas ng tingin si Analyn. Nahihiya siyang sabihin kay Anthony ang rason niya.“You see, gusto kong makaipon.”“Makaipon?” ulit ni Anthony.“Makaipon. Kailangan kong maging handa. Kung sakaling dumating na ang panahon na tapos na ang pagiging asawa ko sa ‘yo, hindi pa rin naman matatapos ang mga pasanin ko. Iyong pansamantala mong pinasan para sa akin, babalik na uli sa akin iyon. Sa ngayon, libre ako sa lahat. At salamat sa iyo. Pero pagkatapos ng palabas natin, sagot ko na uli lahat. Bigas, mantika, gasul, patis, toyo, suka, asin, asukal, kape, gatas, at marami pang iba. Aba! Hindi ka siguro aware, pero linggo-linggo, tumataas ang bilihin. Salamat sa inflation.”Tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Analyn at tila hindi siya h
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

44 - PART-TIME JOB KAPALIT NI DOC

Tulak-tulak ni Anthony ang cart habang naglalakad sa tabi niya si Analyn. Nagulat si Anthony ng bigla itong tumakbo. “Analyn!” tawag niya sa dalaga, “saan ka pupunta?”Nakita niyang dumiretso ang dalaga sa mga lalagyan ng ice cream. Sinundan niya ito roon habang tumitingin ito sa lalagyanan.Parang bata na nakangiti si Analyn habang iniisa-isa ang mga flavor ng ice cream. Ganunpaman, bigla siyang nalungkot ng tingnan niya ang presyo ng bawat isa. Matagal na tumayo roon si Analyn habang naghihintay si Anthony. Mayamaya ay bumalik na si Analyn sa tabi ni Anthony. “Akala ko bibili ka?”Nagkibit-balikat si Analyn, “mahal, eh! Tara na, uwi na tayo.”Hindi kumilos si Anthony. Pinagmasdan niya si Analyn. “Bakit?” tanong naman ni Analyn.Akala ko ba gusto mo ‘yan? Bakit  hindi ka kumuha?”Sumimangot si Analyn. “Super mahal. Sayang pera,” pagkatapos ay ngumiti siya, “saka na lang a
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

45 - THE KEY POINT

Napakamot sa ulo niya si Analyn. Hindi pa rin ba tapos ang issue na ‘yun?“Okay, para matapos na, ikukuwento ko na sa iyo lahat ng nangyari sa akin sa raw na ‘to.”Umayos ng upo si Analyn at saka inumpisahang ikuwento ni Analyn lahat-lahat.“So, ako pala ang puno’t dulo ng nangyari sa iyo maghapon?”Napataas ang isang kilay ni Analyn. “Hala! Bakit ikaw? Hindi ko naman binanggit ang pangalan mo.”“The two hundred thousand.”Nakagat ni Analyn ang ibabang labi niya nang mabanggit ni Anthony ang perang gustong i-refund ng ina-inahan kanina sa ospital. “Last year, pinlano ng DLM  na makipag-collaborate sa Luca Capital for expansion, but it was rejected. Ni-reject nila ng hindi pa nila nababasa ang proposal namin. Ang reason nila sa pag-reject, may other plans ang Project Manager ng Luca Capital at iyon ang gagamitin niya para sa job promotion niya.”Nagtaka si Analyn kung ano ang kinalaman ng sinasab
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

46 - BEATING THE DEADLINE

“A rough estimate of more than one hundred thousand ang kabuuang utang ni Jiro ngayon. Wala naman siyang trabaho, saan siya kukuha ng pambayad? Magkano ba ang sahod mo ngayon? Nasa kulang-kulang fifteen  thousand a month? Kung pakakasalan mo siya, ilang taon n’yo matatapos bayaran ang mga utang niya?”Mabuting tao si Frances. At alam niyang mahal na mahal nito si Jiro. Ayaw man niyang saktan ang damdamin ng dalaga, walang pagpipilian si Analyn kung hindi sabihin ang totoo rito. Isa pa, ayaw niyang dumagdag pa sa magiging pasanin ni Frances ang Mama niyang si Karla kung sakaling magiging asawa na siya ni Jiro. Sa palagay niya, two birds hitting in one stone itong ginawa niya. Nailigtas na niya ang babae sa pagbabayad ng mga utang ni Jiro, nailigtas pa niya ito sa mukhang pera nilang ina.Nakatulala pa rin si Frances. Tila ina-analisa ang mga sinabi ni Analyn sa kanya. Kumuha si Analyn ng dalawang basong tubig mula sa counter ng coffee shop. Ang isa ay
last updateLast Updated : 2024-12-05
Read more

47 - HUWAG ABUSUHIN

Pero agad na nawala ang ngiti ni Analyn nang lalapit na siya kay Anthony. Doon niya lang napansin ang masamang tingin nito sa kanya. Awtomatikong napahinto siya sa paglapit sa binata, agad niyang naramdaman na may kakaiba rito ngayon. Mabilis niyang sinulyapan ang kasambahay na nakatayo sa di-kalayuan at saka ito alanganing umiling.Dahil naiintriga, nilakasan ni Analyn ang loob niya para magtanong kay Anthony.“May masama ba akong nagawa, Sir Anthony?”Sa tanong na iyon ni Analyn, lalong tumalim ang tingin ni Anthony sa kanya. “Sige. May ikukwento ka, di ba? Ano’ng ikukuwento mo sa akin? Ikukuwento mo kung saan kayo nag-date nung doktor mo? Kung ano ang kinain n’yo?”Ang excited na itsura ni Analyn ay agad napalitan ng pagkadismaya at inis.“Ano ba’ng problema mo kay Doc Jan? Hindi ba at sinabi ko na sa iyo na magkaibigan lang kami? Bakit kung sitahin mo ako ngayon para bang lumalabas na may relasyon kami at nagkikita kam
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

48 - CONCERN

Pakiramdam ni Analyn ay hindi husto ang isang basong tubig. Ramdam pa rin niya ang galilt sa dibdib niya, kaya humingi pa siya ng isa pa.Agad niya uli iyong ininom pagkabalik ng kasambahay. Habang iniinom niya ang tubig, muling nagsalita ang kasambahay.“Mam, huwag ka sanang magagalit. Pero sa tingin ko, concern lang si Sir sa ‘yo. Kasi gabi na nga at kargo niya kung anuman ang masamang mangyari sa iyo sa labas. Saka ngayon lang kasi may ibang taong inaalala si Sir. Ilang taon na rin na sarili lang niya ang iniintindi niya. Iyon nga lang, mali ang paraan niya ng pagsasabi nun sa ‘yo.”Nang hindi nag-react si Analyn, inisip ng kasambahay na baka nga nagalit ang dalaga sa sinabi niya. “Maaga kasing umuwi si Sir kanina. At kapag maaga siyang umuuwi, sinasamantala niya iyon para maagang matulog. Kasi alam mo naman na kadalasan, gabi na siya nakakauwi dahil sa trabaho niya. So, since wala ka pa, hindi siya makatulog agad. Ilang beses siya bumaba rito pa
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

49 -WORK HARDER

Pagkatapos makausap ni Analyn si Frances, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib niya. Naniniwala rin siya na makakapag-desisyon ang babae ng tama. Para kay Analyn, kapag hindi natuloy ang kasal ng dalawa, wala na ring dahilan si Karla para hingan siya ng pera at hindi na rin pag-iinitan ng babae ang advance payment ng Papa niya sa ospital.Pero halos magi-isang linggo na. Nagtataka si Analyn kung bakit walang paramdam sa kanya ang dalaga. Kinakabahan siya na baka biglang nagbago ang isip nito at tutuloy pa ring pakasalan si Jiro. Sabi nga nila, love is blind that lovers can not see. Baka sa sobrang pagmamahal ni Frances kay Jiro ay pikit-mata na lang itong tatanggapin ang lalaki. O baka naman hindi pumayag si Jiro na makipag-hiwalay sa kanya si Frances at kung ano ang nagawa ng lalaki sa kanya.Naisipan ni Analyn na i-message  na lang si Frances at kumustahin ito, pero biglang may komosyon na nangyari sa unahan ng opisina nila. Nakita n
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

50 - SINAKTAN

Kahit na naging okay na si Analyn at Anthony nung umaga bago sila pumasok, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon maghapon na magkita. sa DLM Building.Isa pa, walang oras na makalabas ng opisina nila si Analyn. Masyado siyang tutok sa paghahanap ng kliyente at pagbibigay ng mga design proposal. Hanggang sa halos ang buong isang linggo ay naging ganito ang routine ni Analyn. Mula ng maupo si Fatima bilang manager ng Design Department, nagsimula ng dumami ang trabaho ni Analyn. Hindi na rin para magreklamo si Analyn. Hindi naman siya nakakaranas ng pambu-bully rito at tahimik ang mundo niya, hindi katulad nung si Sir Richie at Vi pa ang mga nakaupo.Kamakailan, may nakuhang collaboration project si Anthony sa isang nangungunang softdrinks na produkto. Hindi pa alam ni Fatima kung kanino ibibigay ang responsibilidada ng design. Pero gustong-gustong makuha ni Analyn iyon para sa kita. Kasabay nun, umalis si Anthony, kasama si Vivian, at iba pang top
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status